You are on page 1of 32

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Ang sekswalidad ay maituturing na isang bahagi ng kalikasan ng tao. Mula kapanganakan ay naipapakita na sa atin ang ating

sekswalidad sa pamamagitan ng pagsuot ng mga damit na kulay


pambabae at panlalaki. Ngunit kahit na may kaalaman na ang mga tao tungkol dito, ang isyu ng sekswalidad ay pilit na iniiwasan dahil sa paniwalang ang usaping ito ay lubhang sensitibo at marapat lamang na pag-usapan ng pribado. Dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao, dumarami na ang kaso ng teenage pregnancy, pre-marital sex, sexually transmitted

diseases (STD) at iba pa sa bansa. Upang masolusyunan ito,


iminungkahi ng Department of Education na ipatupad ang pagtuturo ng Sex Education sa mga paaralan.

Ang pagtuturo ng sex education sa mga mag-aaral ay


maaaring makatulong upang magkaroon sila ng kaalaman ukol sa kanilang sekswlidad. Sa ganoong paraan, malalaman nila ang mga

bagay bagay na kaugnay ng nasabing paksa tulad ng kanilang


kasarian, mga responsibilidad at limitasyon bilang isang babae o lalaki at mga paraan kung paano nila mapapangalagaan ang kanilang pangangatawan. Magkakaroon din sila ng kaalaman tungkol sa mga maaaring maidulot ng pre-marital sex katulad na lamang ng maagang pagbubuntis at pagkakaroon ng posibilidad na magkaroon na STD. Higit sa lahat, ito ay magpapaliwanag sa

salitang sex bilang isang proseso sa pagitan ng mga mag-asawa


upang makabuo ng isang supling at hindi bilang isang imoral na gawain.

Sa kabilang banda, ang sex education ay maaaring humantong sa lalong paglaki ng suliranin sapagkat may posibilidad na ang kaalaman ng mga tao tungkol sa usapin ng sekswalidad ay mas lalo pang humikayat sa kanilang gawin ito sa halip na mapigilan ang paglala ng problema. Ito ay maaaring mangyari lalo na kung hindi naintindihan ng maayos ang mga paliwanag sa isyung ito. Nangangamba din ang simbahan na ito ang maaaring maging dahilan upang mas lalong malayo ang mga tao sa simbahan at magpatuloy ang lumalalang problema ng

aborsyon at mabalewala na ang mga utos ng Diyos na umayo kayo


at magpakarami.

Ang isyu sa pagpapatupad ng sex education ay isang napakalaking usapin. Maraming mga bagay ang dapat busisiin hinggil sa isyung ito. Marami ang nagsasabi na malaki ang maitutulong nito sa bansa lalo na sa overpopulation ngunit marami rin naman ang nagsasabi na hindi ito makakatulong , bagkus ay makakadagdag lamang sa

problema ng ating bansa. Gayon pa man, ang kaalaman ay


kapangyarihan. Kung lahat tayo ay magkakaisa sa pagharap sa mga problema at magkaroon ng sariling disiplina ay

maaari tayong makatulong na protektahan ang bawat isa sa


mga problema at magtulong-tulong tungo sa isang maunlad na Pilipinas.

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa pananaw at damdamin ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Pampamahalaang Kolehiyo ng

Catanduanes hinggil sa pagpapatupad ng Sex Education at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

A.

Alam ba ng mga mag-aaral ng kursong Edukasyon ang tungkol sa pagpapatupad ng Sex Education?

B.

Alam ba ng mga mag-aaral ng kursong Edukasyon ang benipisyong makukuha sa pagpapatupad ng Sex Education?

C.

Sang-ayon ba ang mga mag-aaral ng kursong Edukasyon na ipatupad ang Sex Education?

D.

Ano ang maaring maitulong ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng sex education?

Buong pusong naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Ito ay magsisilbing gabay na maaaring magamit ng mga mag-aaral ng kursong Edukasyon upang magkaroon at mapaunlad ang kanilang kaalaman hinggil sa pagtuturo ng sex education.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring malaman ang pananaw at damdamin ng mga mag-aaaral hinggil sa pagpapatupad ng sex education at iba pang kaugnay na pag-aaral ukol sa napapanahong paksa na ito.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa pananaw at damdamin ng mga mag-aaral ng kursong Edukasyon ng Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes hinggil sa pagpapatupad ng sex education. Saklaw nito ang mga estudyante sa limang block ng unang taon ng kasalukuyang semestre sa kursong Edukasyon. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa limang blak ng unang taon sa kursong Edukasyon sapagkat saklaw ng kanilang kurso ang programang ito. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang kasalukuyang panahon ang pinakamainam na magkaroon ng pagaaral na ganito upang masagot ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon sapagkat ang paksa ay isang napapanahong isyu.

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng


pamamaraang deskiptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang

alamin at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang pananaw at damdamin ng mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo ng Edukasyon ng Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes hinggil sa pagpapatupad ng Sex Education.

Ang mga piniling respondante sa pag-aaral na ito ay ang mga


mag-aaral sa unang taon ng Kolehiyo ng Edukasyon sa kasalukuyang semestre ng Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes.

Ang mga respondente ay mayroong limang grupo: sampu(10)


sa Blak A, sampu(10) sa Blak B, sampu (10) sa Blak C, sampu(10) sa Blak D at sampu(10) sa Blak E. Sa makatuwid, pantay ang paghati ng mga respondente batay sa blak. Gumamit din ang mga

mananaliksik ng random sampling upang magkaroon ng pantay na presentasyon ang bawat grupo. Pansinin ang sunod na talahanayan.

BLAK A

BLAK B

BLAK C

BLAK D

BLAK E

KABUUAN

4 3 3 KABUUAN 10

3 2 1 2 2 10

4 2 3 1 10

4 1 5 10

5 1 3 1 10

16 10 9 7 8 50

Ang pag-aaral na itoy isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang


mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang pananaw at damdamin ng mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo ng

Edukasyon sa Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes hinggil sa


pagpapatupad ng Sex Education. Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng mga Mananaliksik tungkol sa pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa ibat ibang hanguan sa aklatan tulad ng libro, journal, pahayagan at iba pa.

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral


lamang at hindi isang pangangailangan upang makapagtamo ng isang digri ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pag-tatally at pagkuha ng bahagdan lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik.

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

30% lalaking respondente Babae

Lalaki
70% babaeng respondente

40 35 30 25 20 15 10 5 0 16-17 18-19 20-21 22 Pataas

30 25 20 15 10 5 0 A
A. B. C. D.

Oo, Alam na alam Oo, Katamtaman Oo, Kaunti lamang Hindi Alam

35 30 25 20 15 10 5 0 A
A. B. C. D.

Oo, Alam na alam Oo, Katamtaman Oo, Kaunti lamang

Walang Alam

18%

22%

A B C

60%

A. B.

C.

Oo, Handang handa na Oo, katamtaman ang kahandaan Hindi pa handa

35 30 25 20 15 10

5
0 A
A.

B. C.

Oo, para malaman ng mga mag-aaral kung paano mapapangalagaan ang kanilang katawan. Oo, upang mabawasan ang populasyon. Hindi, dahil lalo itong makakahikayat sa kuryosidad ng mga kabataan na lalong magtulak sa kanila na gawin ito.

0
A. B. C. D.

10

15

20

25

30

35

Pagbibigay-impormasyon sa mga mag-aaral. Pagsasaliksik tungkol sa sex education. Pagkakaroon ng palagiang seminar tungkol sa sex education. Pagdagdag ng mga referens sa mga paaralan.

12% 24% 64%

A B C

A. B. C.

Pakikipagkoopera sa pagpapatupad ng sex education. Pakikipag-ugnayan sa mga namumuno. Pagkakaroon ng interes sa sex education.

LAGOM, KONGKLUSYON, REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na malaman ang pananaw at damdamin ng mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo

ng Edukasyon sa Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes


hinggil sa pagpapatupad ng sex education. Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga

mananaliksik ay nagdesenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan


sa limampung (50) respondente, sampu (10) sa Blak A, sampu (10) sa Blak B, sampu (10) sa Blak C, sampu (10) sa blak D at sampu

(10) sa Blak E sa unang taon sa Kolehiyo ng Edukasyon sa


Pampamahalaang Kolehiyo ng Catanduanes.

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa


sumusunod na kongklusyon:
A.

Alam nga ngunit hindi gaano ng mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo ng Edukasyon ang tungkol sa pagpapatupad ng sex education.

B.

Katamtaman lamang ang kaalaman ng mga mag-aaral sa unang taon sa


Kolehiyo ng Edukasyon sa kung anong benepisyo ang dulot ng pagpapatupad ng sex education.

C.

Ang mga mag-aaral ay may katamtamang kahandaan upang sumailalim sa pagpapatupad ng sex education.

D.

Sang-ayon ang mga mag-aaral na ipatupad ang sex education sa mga paaralan.

Kaugnay

ng

mga

kongklusyong

nabanggit,

buong-

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:
A.

Para sa mga mag-aaral, marapat na makilahok sa mga programang ipapatupad ng paaralan tungkol sa sex education.

B.

Para sa mga guro, naway maging instrumento sila sa pagtuturo ng


kaalaman kaugnay ng sex education.

C.

Para sa mga namumuno sa mga paaralan, magsagawa ng mga seminar na dadaluhan ng mga guro at mag-aaral upang bigyan ng higit na pansin ang kanilang kaalaman hinggil sa sex education.

Renalyn O. Clopino Daisy Rose T. Tabinas Eden Joy G. Antonio Kia S. Soneja Claire B. Mendez Melody I. Tuibeo Christine May P. Petajen Kathlene Joy C. Tuplano Jane Z. Tario Julie Mher M. Antonio

You might also like