You are on page 1of 12

Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng

mahahalagang bahagi ng isang sulatin na


nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa
gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang
sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa
paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad
ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng
mga impormasyon. Matapos makuha ang mga
impormasyong kailangan sa iyong ulat ang
susunod mong iisipini ay kung alin sa
maraming impormasyon mong nakuha ang
iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito,
mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas.
Mga Uri ng Balangkas

 Pamaksang Balangkas (topic outline)

Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil


matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa
(gumagamit ng panlaping makangalan na pag.
 Pangungusap na Balangkas (sentence
outline)

Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap


na naglalaman ng pangunahing ideya at
maynor na ideya.
Patalatang Balangkas (paragraph outline)

Ito ay binubuo ng mga pangungusap na


naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata
ng sulatin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Paggawa ng Balangkas
• Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago
magtala ng mga paksa o detalye.

• Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang


teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula sa
simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at
bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na
ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na
paksa o lohikal na ayos at iba pa.
• Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga
o pangunahing ideya at ang mga pantulong
na ideya.

• Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang


angkop na gamitin sa paksa.

• Sundin ang halimbawa ng pormat ng


balangkas na nakalarawan sa teksto.
• Gumamit ng wastong bantas.

• Tandaan na ang balangkas ay maaaring


baguhin o palitan kung kinakailangan.
Mga Tuntunin sa Pagsulat ng
Balangkas
 Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang
bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin ang
mga bilang nang magkakapantay.
 Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa
pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik
tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang
malaking titik at isulat nang may kaunting pasok
ang maliit na paksa.
 Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa,
gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
 Gamitin ang malaking titik sa simula ng
pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga
detalye.
Mga Pormat sa Pagbabalangkas
At dito na nagtatapos
sanay may naunawaan kayo.

Maraming salamat!

You might also like