You are on page 1of 12

Ang Alamat Ng

Bubuyog
Noong unang panahon, may pamilyang
nakatira sa Barangay Santiago. Sila ay
pinagkalooban ng dalawang anak na si Boboy at
Bela.
Isang umaga, habang namamasyal
sina Boboy at Bela ay nakakita sila ng
magandang bahay.Maraming puno sa
paligid at sari-sari ang halamang
namumulaklak.
Nang makapasok ang dalawa ay
agad nilang tinungo ang likuran ng bahay. Marami
silang nakitang mga bulaklak at paru-paro. Talaga
namang namangha sila sa nakita.
Nabighani ang dalawa sa
kanilang nakita, kaya
napagkasunduan ng dalawa na
pasukin ang bahay.
Napakaganda rito
Bela, nais kong
manghuli ng paru-paro”
sabi ni Buboy.

Huwag mong gawin yan


Buboy. Masama yan,
magagalit sina Tatay at
Nanay.
Hindi nakinig si buboy sa kapatid. Tinungo niya
ang mga paru-paro at hinuli ang mga ito.
Nagsiliparan ang mga ito sapagkat natakot kay
Buboy.
Nang naging bubuyog si Buboy, biglang nagbago
ng anyo ang reyna.
Dapat kang parusahan sa ginawa mo. Wala kang
awa sa mga paru-paro” wika ng reyna.
Pinarusahan si Buboy ng reyna at ginawa siyang
Bubuyog. Anong nangyari sa akin? Bakit nagbago
ang hitsura ko?
Hinanap ni Bela ang kapatid ngunit hindi na niya
ito nakita. Buboy asan ka na?Bobooy……
Dahil sa labis na pagkawala ni Buboy, nagtanim
ng nagtanim si Bela ng mga puno,gulay at
namumulaklak na halaman. Hindi siya nawawalan
ng pag-asa na balang araw ay magbabalik ang
kanyang kapatid na si Buboy.
Aral
Makinig sa bilin ng magulang at sikaping
maging mabuting bata.

You might also like