You are on page 1of 15

MGA KATANGIAN NG

WIKA
Ayon kay HENRY GLEASON
1. SINASALITANG TUNOG
• Tunog na nalikha gamit ang mga component ng bibig

• Ang nililikhang tunog sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o


makahulugang tunog

• Makahulugan ang tunog sa isang wika kung ito ay nagtataglay ng


kahulugan o kaya’y may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng
isang morpema o salita
2. MASISTEMANG BALANGKAS
• May katingiang makaagham ----sistematiko

• May sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo

• Ang mga tunog na nalilikha ay tinutumbasan ng simbolo o letra

• Kapag nagsama-sama ang mga tunog ay makabubuo ng salita

• Salita-/Parirala o Pangungusap; Pangungusap-Diskurso


3. Pinili at Isinaayos sa Paraang
Arbitraryo

• Ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao


sa isang komunidad

• Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga salita sa bawat lugar

• May sariling paraan ng pagpili at pagsasaayos sa wikang ginagamit


ang bawat lugar
4. KABUHOL NG KULTURA

• Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura ng tao-Malaki ang


ugnayan ng wika at kultura

• Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito


na kabilang sa isang lipunang may umiiral na na kultura

• Ang wika ay nabubuo at papepreserba dahil sa wikang gamit ng tao


5. GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON

• Kasangkapan ang wika upang magpatuloy ang sirkulasyon ng lipunan


at magpatuloy ang pag-iral bilang tao

• Kung mangyaring ang wika ay hindi natin gamitin, maaari itong


manganib at tuluyang mamatay

• Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit dito ng tao sa


komunikasyon
6. NAGBABAGO
• Dinamiko ang wika

• Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon

• Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang


nabubuo sa lipunan

• Lumalago ang bokabolaryo ng wika kapag may nadadagdag na mga


bagong salita na dulot ng pagkamalikhain ng tao at pagsabay nito sa
modernong panahon.
7. NATATANGI
• Bawat wika ay may kaniya-kaniyang katangian na ikinaiba sa ibang
wika

• Walang wikang parehong-pareho


MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
• TEORYANG BIBLIKAL
Tore ng Babel

Teorya ng Kalituhan
Hango sa aklat ng Genesis
May iisang wika na tinatawag na Wikang Aramaic

Pentecostes

Hango sa Bagong Tipan


• TEORYANG SIYENTIPIKO

 Teoryang Bow-wow
Nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa tunog ng kalikasan

 Teoryang Ding-Dong
Kilala sa tawag na Teoryang natibisko
Ang wika ay hango sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid
Basehan ng instinktibong kakayahan ng tao batay sa mga impresyon mula sa paligid

 Teoryang Pooh-pooh
 Ang wika ay hango sa masidhing damdamin na naibubulalas
Natututong mangusap dahil sa damdaming nais ipahayag tulad ng galit, tuwa, lungkot
takot, pagkabiglabat iba pa.

 Teoryang Yo-he-ho
Noire- isang iskolar noong ika-19 na dantaon
Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang
pagtatrabaho.
Ito ay nakatuon sa puwersang pisikal
Teoryang Ta-ta
Ang ta-ta ay salitang Pranses na nangangahulugang goodbye p paalam.
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na sa kumpas ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat particular na okasyon na sinusundan ng paggalaw ng dila
at naging sanhi upang matutong makabuo ng salita ang tao.

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao mula sa
ritwal at dasal
Ang ritwal ay kinasasangkutan ng pagsasayaw, pag-awit, pagdarasal, pag-
ungol at pagbulong na di kalaunan ang mga tunog na nalikha ay nagpabago-
bago at nilapatan ng kahulugan.
TEORYANG MULA SA MGA SIKOLOHISTA
Teoryang Behaviorist

 Ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.


Ang gawi at kilos ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng
kanyang kapaligiran.

 Burrhus Frederic Skinner(1968)- pangunahing tagapagsulong ng Teoryang


Behaviorist. Higit na pinagtutuunan ng pansin ang “pag-aalaga” kaysa sa pag-
unlad ng intelektwal.
 Maaaring mapagtibay ang kakayahan sa pamamagitan ng
pagganyak(motivation)na makapagpapakilos, makapagbibigsy sigla at
makapagpapatibay ng pagpapahalaga.
 Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang matuto ng wika na
itinatakda ng panloob at panlabas na salik
 Ang mga bahagi ng katawan na may kinalaman sa pagsasalita sa
sandaling hasain ay magiging kapaki-pakinabang sa mananalita. Ang
pag-uugali ng bata, dagdag pa ang mga salik pangkapaligiran ay siyang
nagiging pundasyon ng pagkatuto ng wika.

You might also like