Professional Documents
Culture Documents
1: Filipino Modyul
GRAMATIKA/RETORIKA:
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Mga layunin:
1.Nakikilala ang pagkakaiba ng gamit ng mga
sangkap sa maayos na pagpapahayag ng
saloobin, pagbibigay kahulugan, layunin at
intensyon
2. Napapahalagahan ang paraan ng pagbigkas
ng mga salita ayon sa wastong diin, haba, tono
at antala
3. Nakapagbibigay paliwanag sa mga naging
sagot sa bawat gawain bilang pagsasanay
Panimula:
Sa alinmang wika, mahalaga ang mga
tunog. Makabuluhan ang mga tunog
sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan
ng salita. Bukod sa pagkilatis sa tunog, may
iba pang paraan upang makilala ang
kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang
layunin, intensyon, at saloobin ng
nagsasalita.
Basahin nang wasto ang mga salita at
pahayag batay sa bantas na ginamit.
A. 1. Totoo? Maganda siya? 3. Mahal ka niya?
Totoo! Maganda siya. Mahal ka niya.
2. Magagaling? Sila?
Magagaling sila.
B.1. May bisita tayo bukas? 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari?
May bisita tayo bukas. Ikaw ang may-sala sa nangyari.
Sagutin:
1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2?
Ng mga pahayag sa B1 at B2?
2.Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1
at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
3.Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o
saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
Pagpapayamang Pangkomunikatibo
Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa
tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang
padamdam.
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang
kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba,
diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw
o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na
bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa
pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
halimbawa:
3_
1. 2 ga 2. 3
ta la
1 2
la ta 1
ga
3_
3. 2 pon 4. 3
ka ha
1 2
ha ka 1
pon
Mga gabay na tanong:
Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin
ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng
salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin.
1. Ano ang ponema?
2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental?
3. Ano naman ang ibig sabihin ng segmental?
Alam mo ba na….
Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang
tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na
nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos
magkakatulad ang kaligirang baybay.
Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay
ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa
maagham na paraan.
Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na
taglay ang kahulugan samantalang graphemes naman ang tawag sa
pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon.
Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na
may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa
kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay
tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang
morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na
“Phoneme” na nangangahulugang makatuturang tunog at ng
“Phone”na nangangahulugang salitang tinig (boses) na
naaasimila sa wikang Filipino bilang Ponema.
Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog
samantalang ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong
sa ponemang segmental na ang tinutukoy na ginagamit bilang
pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at
antala (Juncture)
4/9/2019
Halimbawa:
4/9/2019
•Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang
pagkakalahad ng kahulugan, layunin at intensyon kung wala
ang mga pantulong sa pagbubuo nito na ginagampanan ng
apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length), diin
(Stress), at antala (Juncture)
4/9/2019
Ponemang suprasegmental
-- Ito
ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental,
malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan,
matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag
o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at
antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
1.Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang
ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o
baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
• -Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
• Mga halimbawa:
• a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY/ = humihinga pa lamang
• b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG/= nakahihigit; nangunguna
4/9/2019
2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-
kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang
ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad
ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3
sa mataas.
Mga Halimbawa:
a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b.) Talaga = 213, pag-aalinlangan
Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
3. Antala/ Hinto- Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring
gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o
gitling ( - ).
Mga Halimbawa:
a. Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay
ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua
na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)
•b. Hindi ako, si Joshua.
• (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO.
Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring
napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya
sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.)
•c. Hindi ako si Joshua.
• (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto.
Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi
siya si Joshua.)
4/9/2019
Karagdagang Kaalaman:
= nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita
Len