You are on page 1of 9

ANG IMPORMAL NA

SEKTOR: ISANG
PAGPAPALIWANAG
 Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis
sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na
sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa
mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular
sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor
ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista
at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s
dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang
Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong
naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito
upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay
sinangayunan ng International Labour Organization (ILO)batay sa
kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission saKenya,
Africa noong 1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman
nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular
na industriya o ng itinatakda ng batas.
 Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa
ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa
paglalarawan ng impormal na sektor. Sa isinagawang 15th
International Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28,
1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor
ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit
na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning
makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong
lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng
mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang
kapital at pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang
mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim
nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay
walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng
pamahalaan.
 Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National
Statistics Office (NSO)ng Informal Sector Survey (ISS).Ito
ang kauna-unahang pambansang sarbeytungkol sa
impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na
mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa
impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay
humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga
employers ay nasa 1.3 milyong katao. Maliban pa rito, sa
isinagawang Labor Force Survey (LFS)ng taong ding iyon
(Abril 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang
kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa
mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito,
2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o
gulang, ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas.
 Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana,
isang kawani ng National Economic and Development
Authority (NEDA),na pinamagatang “The Informal Sector
and Non-Regular Employment in the Philippines”, sa
isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre
15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na
sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng
empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay
nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at
serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.
 Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa
kabuuang Gross Domestic Product (GDP)ng bansa
subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo
mula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag
gamit ang talahanayan sa ibaba na mula sa ulat ng
Congressional Planning and Budget Department (House
of Representatives)noong Nobyembre 2008. Ito ay
nagsasaad ng Informal Sectors Share in Selected Asian
Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa
datos ng BLES NSO 2007.
INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP
IN SELECTED ASIAN COUNTRIES
Percent of Total GDP Percent of Non-
Agricultural GDP

Countries (years)

Philippines (1995) 25.4 32.5

Philippines (2001-2006) 20-30 -

Korea (1995) 15.9 16.9

Indonesia (1998) 25.2 31.4

Pakistan (1997) 21.2 28.7

India (1990-91) 32.4 48.1


 Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-
government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga
usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na
sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa
tinatawag na “isang kahig, isang tuka”upang magkaroon ng
kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at
kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng
kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa
tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

 Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily


Inquirer (PDI)noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang
tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay
40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground
economy o hidden economy.
 Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay
ang mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor), pedicab
driver, karpintero, at mga hindi rehistradong operasyon ng mga
pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sa sektor na ito ang
mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegal
na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng
compact disc (CD) at digital video disc ( DVD ).
Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng
impormal na sektor:
Ø Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
Ø Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
Ø Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa pagnenegosyo.

You might also like