You are on page 1of 11

Pinagyamang Pluma

“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Pahina 108-120
Ano ang PAKSA?
- ito ang pangkalahatan o
sentral na ideyang tinalakay sa
isang sulating pananaliksik.
INTERESADO KA O GUSTO MO ANG
PAKSANG PIPILIIN
- paksang marami ka nang alam
- paksang gusto mo pang higit na
makilala o malaman
- paksang napananahon
MAHALAGANG MAGING BAGO O
NAIIBA(UNIQUE) AT HINDI KAPAREHO NG
MAPIPILING PAKSA NG KAIBIGAN MO.
- maging kapakipakinabang ang bagong
paksang matuklasan
- maiiwasan ang pagkukumpara
- walang kakumpetensiya sa
pangangalap ng datos at pag-iinterbyu
MAY MAGPAKUKUNAN NG SAPAT AT
MALAWAK NA IMPORMASYON
- tiyaking may resources(tao o bagay)
ay nariyan at maaring magamit sa oras o
panahong kakailanganin para sa gawain
MAARING MATAPOS SA TAKDANG
PANAHONG NAKALAAN
- alamin ang haba ng panahong
nakalaan para sa kabuuan ng gawain at
saka ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang
magtagumpay
1. Alamin kung ano ang inaasahan o
layunin ng susulatin

2. Pagtatala ng mga posibleng maging


paksang pwedeng pagpilian ng mga
mag-aaral.
3. Pagsusuri sa mga itinalayang ideya
Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wili
gawin o saliksikin para sa iyon?
Bakit ka interesado rito?
Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag
naihanap ko ng kasagutan?
Alin ang alam na alam ko na? Alin gusto mo
pang lalong makilala o mapalawak ang
kaalaman?
3. Pagsusuri sa mga itinalayang ideya
Alin ang maaaring mahirap ihanap ng
kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
Alin ang masyadong malawak at mahirap
igawan ng pananaliksik?
Alin naman ang masyadong makipot o maliit
ang sakop?
Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin
mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng Tentatibong Paksa
Alin kaaya sa mga ito ang pinakagusto ko
o pinakamalapit sa aking puso,
pinakamadali kong maihahanap ng
kasagutan, pinakamadalilng maiuugnay
saa layunin, at tiyak na matatapos ko sa
limitadong oras na ibinigay sa akin para
tapusin ang gawain?
5. Paglilimita ng Paksa
-Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Labis at Madalas na Pagpupuyat sa mga Mag-aaral
-Nilimitahang Paksa:
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto
nito sa kanilang Gawaing Pang-akademiko

-Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung
Baytang ng Heneral Gregorio del Pilar High School at ang Epekto nito sa kanilang
Gawaing Pang-akademiko

You might also like