You are on page 1of 9

AGRUMENTATIBONG TEKSTO

(ARGUMENTATIVE TEXT)
Pangkat 4
Katuturan at Nilalaman
Katuturan:
Argumentatib, Nangangatwiran, Opinyon, Pagtatalunan,
Kongklusyon

Nilalaman:
O Ang Argumentatibong Teksto ay isang uri ng akdang
naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng
ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang
katotohanang iyon.
O Ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong
umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon
na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na
bakit
O Sa argumentatibo o pangangatwirang uri ng teksto,
naglalahad ng isang proposisyon ang may-akda na
kakikitaan ng isang matibay na ideya at
makabuluhanng detalye upang mahikayat ang
mambabasa na tanggapin at suportahan ang inihain
na proposisyon.

O Marapat na lohikal ang paglalahad ng mga


impormasyon upang makatotohanan ang inihahaing
ideya sa mambabasa.

O Isang halimbawa ng argumentatibong teksto ay


editoryal.
O May pagkakahawig ang tekstong
argumentatibo at tekstong panghihikayat.

Nangangatwiran ang Naglalayong


may-akda upang ang mapaniwala o
ideya o posisyong mahikayat ang mga
umiiral ay mabigyang- taong kausap ukol sa
diin. ideya.

Inihahain ng may-akda ang


Pareho ang Kailangan
layunin na mapanindigan at
mga ideya na ibig
makuha ang maipangtanggol sa
salungatin kung kaya may
tulong ng mga
nakahandang suporta ng
patnubay at totoong
pagpapaliwanag sa teksto. mambabasa datos.
Komento o pagtutol ng
isang tao o ang hindi Nanghihikayat sa mga
pagsang-ayon ng isang tao sa isang bagay.
tao sa isang bagay.
Ano ang katangian ng isang
tekstong argumentatibo?
O Ito ay naglalahad ng mga katwiran.
O Ito ay nagbibigay-aliw at kasiyahan sa
mambabasa.
O Ito ay nagpapakita ng mga tunggalian,
simbolismo, at pahiwatig.
O Ito ay nagpapahayag ng mabisa at
kongkretong kongklusyon patungkol sa
isang isyu.
Elemento/Bahagi
ANG SIMULA (Introduction)
- Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at
damdamin nila.

GITNA (Body)
- Magsisilibi itong dahilan ng mga mambabasa upang
manatiling tapat sila sa iyo matapos ng mabisang simula at
kung papalarin ay nakatutok pa rin sila sa bawat mensaheng
iyong ipinararating hanggan sa iyong mabisang pagwawakas.

WAKAS (Conclusion)
- Magbibigay ng kabuuan sa teksto at siyang iiwan ng mahalagang
impak sa mambabasa.
Gabay sa Paggawa Tekstong Argumentatibo
1. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na
pangangalap ng datos ukol dito.

2. Pagkilala sa mga propisyon ukol sa paksa upang matiyak ang


angkop na argumentong gagamitin.

3. Pagtutukoy sa angkop na pamamaraan ng pangangatwiran


kaugnay ng napiling propisyon.

4.Pagkalap ng impormasyon upang matibay ang argumento.

5. Pag-iwas sa maling pangangatwiran:


a. matibay na paniniwala
b. mahatak na panghikayat
Isang halimbawa ng Argumentatibong teksto:

KASALANAN BA ANG KASAGUTAN?


ni: SAZON, WAYNE FRANCIS
Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa ating mga
Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon ng mga Kastila. Pagdating
naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa panahon ni Ferdinand Marcos naging
popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon Aquino, mula
1987 hanggang 1999. Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang
kamatayan sa bansa bago muling itigil noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-
palit ang pagpasa at pagbasura sa kaparusahang ito dahil sa mga isyu ukol sa relihiyon,
karapatang pantao, at mga di-inaasahang nangyari, sa loob ng bilibid at sa lipunan, noong
pinapairal pa ito.Ang mga pangulo ng Pilipinas ay may paiba-ibang paniniwala at kinakampihan
pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan, supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte
ang parusang kamatayan bilang suporta sa kanyang adbokasiya laban sa krimen at droga ngunit
maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito.

Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil sa relihiyon.
Bilang isang bansang may higit sa 80% Katoliko, mahalaga at binibigyang pansin at respeto ang
buhay ng bawat nilalang sa mundo. Isa pang rason sa pagbasura nito ay ang karapatang pantao na
nalalabag dahil sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang pangulo na mataas ang
lebel ng krimen sa bansa noong hindi na pinapatupad ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang
nawawalan na ng takot ang mga masasamang loob na gumawa ng krimen dahil sa mababaw na
kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang sagot sa
kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng problema ay nadadaan sa dahas kung minsan
ay lalo pa lamang nitong napapalala ang sitwasyon. Ang pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng
problema ay dapat sa ugat nito hindi kung kalian natapos na ang krimen ay doon pa lamang
kikilos.
Ako, kasama na ang karamihan ng mga Pilipino, ay tumututol sa planong
pagpapanunumbalik ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay sumasalamin
sa masamang kinahinatnan ng mga tao sa mundo ngayon. Naiiba na ang
kanilang paniniwala sa sarili nila.Ang batas na ito ay hindi makatutulong sa
problema ng mga tao sa kasalukuyan, maaari lamang itong magdagdag ng
komplikasyon sa proseso ng pagkamit ng hustisya. Isang halimbawa na lamang
nito ay ang kaso ni Marcial “Baby” Ama na nahatulan ng kamatayan gamit ang
silya-elektrika noong 1961. Si Ama ay 16 na taong gulang pa lamang nang
bitayin dahil sa pagsaksak sa isang lalaki sa isang kaguluhan. Sa mata ninuman,
hindi tama ang ginawa ni Ama, pero tama bang pumatay ng isang menor de edad
para sa hustisya?

Ang parusang kamatayan ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng mga


masasamang loob ngayon. Hindi ito nalalayo sa paraan na pareho itong
nagdudulot ng matinding kapahamakan at kasalanan, hindi lamang sa taong
naaagrabyado, kundi pati na rin sa Diyos. Bilang isang bansang binubuo ng
mahigit tatlong-kapat na Kristiyano, kinikilala natin ang mga utos at turo ng ating
Bibliya. Ang ikalima sa “Sampung Utos ng DIyos” ay ang huwag kang pumatay
nang kapwa mo tao. Sa pagpanig natin sa parusang kamatayan, tayo ay
sumusuway sa isa sa pinakamahalagang utos ng Diyos para sa atin. Sa paglabag
sa kautusang ito, hindi ba’t nagiging katulad na rin natin sila? Ano ang kinaiba
nila sa atin?
https://sites.google.com/site/2017changeiscomingduterte/mga-akda/tekstong-argumentatibo

You might also like