You are on page 1of 17

WIKA SA PANAHON NG

REBOLUSYON NG PILIPINO
PANGKALAHATANG IDEYA SA
KASAYSAYAN
■ Sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang
“Isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol.

■ Sa panahon ito, maraming Pilipino ay nagkaroon ng matinding


damdaming nasyonalismo.
■ Sumibol din ang mga propagandistang
nakipaglaban sa kastila. Isa sa mga ito ay
si:
Jose Rizal – naniniwala na ang wika ay
malaking bagay upang mapagbuklod ang
kanyang mga kababayan. Ilan sa mga
nagawa niya ang;
1. Noli Me Tangere – tumatalakay ito sa mga
kinagisnang kultura ng pilipinas sa paging
kolonya nito sa espanya
2. El Filibusterismo – inialay sa tatlong
paring martyr, Gomburza (Gomez, Burgos,
Zamora)
KASAYSAYAN NG WIKANG
FILIPINO
■ Nang dumating ang mga kastila sa ating bansa, hinangad
nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng
mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa
halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong
paraan, nakapag-ambag sa wika ang mga mananakop ng
Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t
ibang wikain sa Pilipinas.
Alibata
■ Ang baybayin o alibata ay isang
katutubong paraaan ng pagsulat ng
filipino bago ito naimpluwensiyahan ng
mga mananakop na kastila at ginagamit
ito hanggang sa huling bahagi ng ikaw
19 siglo.
■ Ang Sistema ng pagsulat ay ayon sa
sistemang abugida na gumagamit ng
pagpaparis ng katinig at patinig, bawat
titik ay isinusulat sa payak na anyo. Ito
ay may labimpitong letra (3 patinig, 14
katinig)
■ Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang Sistema
ng ating pagsulat.
■ Ang dating baybayin ay napilitan ng Alpabetong Romano na
binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang
(15) katinig.

Halimbawa:
- a, e, i, o, u
- b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
■ Dahil sa labis na pangaalipin at pangaalipusta at masidhing
diskriminasyon ng kastila sa mga Pilipino, naglsilunsad ng
mga kilusan ang iilang pilipinong hindi sumasang ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang kastila. Sa pag
– usbong ng mga pangyayaring ito napabilang din dito ang
ating wika.
Pagtaguyod ng La Solidaridad
■ Nailathala ang pahayagang
propagandista na pinangungunahan
noong Pebrero 19, 1889.
■ Ito ay samahan ng mga pilipinong
ilustrado na pinangunahan nina Jose
Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo
H. Del Pilar.
■ Ito ay isang peryodiko ng mga
artikulong tumatalakay sa reporma na
pilipinas at representasyon nito sa
Corte Generales
Katipunan
■ Layunin nito ay ang ganap na
kasarinlan sa pamamagitan ng
armado at marahas na paraan
■ Itinatag ni Andres Bonifacio
■ Wikang tagalog ang ginagamit nila sa
kautusan at pahayagan.
■ Isa sa mga unang hukbo sa
pagtataguyod ng wika
■ Sa mga panahong ito, pinili ng mga Pilipino ang tagalog
bilang pangunahing wika at ginamit ito sa pagsulat ng
mga sanaysay, tula, kuwento, liham at talampati. Pawang
mga akdang nagsasaad ng paging makabayan at
masisidhing damdamin laban sa mga kastila.
Konstitusyon ng Biak na Bato
■ Kauna – unahang republikang
naitatag sa pilipinas ng
manghihimagsik na si Emilio
Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa
kasapi sa Katipunan.
■ Unang konkretong pagkilos ay noong
1899 at ito ang pag-gawang opisyal na
wika ang tagalog bagama’t walang
sinasaad na ito ang magiging wikang
pambansa ng Republika
AMBAG NG KASTILA SA
WIKA NG PILIPINAS
■ Ang wikang kastila ay ang opisyal na wika ng pilipinas, simula ng
pamumuno ng kastila. Nanatili ito, kasama ng ingles bilang default
at opisyal na wika hanggang sa inalis ito noong 1973 sa
pamamagitan ng pagbabago sa saligang batas.
■ May higit-kumulang na 4000 salitang Kastila sa Tagalog, at mga
6000 sa Bisaya at iba pang mga wika. Marami pa rin ang
gumagamit hanggang sa ngayon ng sistemang bilangan,
kalendaryo, oras, atbp. ng Kastila. Nakapreserba sa Tagalog at iba
pang mga lokal na wika ang maraming makalumang salita o anyo
ng mga salitang Kastila
■ Ang pangalang Kastila ng ilan sa mga lokalidad kasama na ang
mga pagalan ng lansangan ay nanatili kahit na maraming
panukalang batas na naglalayong palitan ang mga pangalang ito.
Ang ganitong kalagayan ay pinaniniwalaang magtatagal at hindi
inaasahang magbago sa hinaharap.
■ Bagaman sa ngayon ang mga Pilipino ay nasanay na sa pagsasabi
ng oras sa Ingles, dati-rati ang mga Pilipino ay nagsasabi ng oras
sa wikang Kastila. Subalit may maliit na pagkakaiba kung paano
talaga ipinahahayag ang oras. Sa Kastila pag gusto mong sabihin
na 3:45 ng hapon, sasabihin mo ay “son las cuatro menos
cuarto”. Pero ang sasabihin ng mga Pilipino ay “menos cuarto
para a las cuatro”.
Halimbawa:
■ Sabon – jabón, kung saan binibigkas ang j nang parang /sh/, tulad ng sa medyebal na
Espanya
■ Relos – reloj, ganon ulit, gamit ang medyebal na Kastila na j
■ Kwarta – cuarta, Kadalasan ang talasalitaan ay nasa pangmaramihan na bilang
■ apellido – apelyido
■ cuenta – kwenta
■ siempre – siyempre
■ labios – labi
■ lunar – nunal
■ fiesta – pista
■ muňeca – manika
■ toalla – tuwalya

You might also like