pagtatalo sa isang masining na pamaraan. Na kinapapalooban ng mga pangangatwiran sa anyong patula. • Itinuturing na sining ang balagtasan dahil sa masining na pamamaraan ng pagbigkas.
• Ang kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng
mukha. • Ang paraang ginagawa habang nagpapalitan ng matuwid na pangangatwiran. • Galing sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar ang Balagtasan. • Nabuo ito sa panahong ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kapanganakan. • Abril 06, 1924, apat na araw pagkatapos ipagdiwang ang araw ni Balagtas ay naganap ang kauna-unahang balagtasan. • Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ang bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito ay nasa paraang patula. • Sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes (Kuntil-Butil) ang kauna- unahang mambabalagtas. • Oktubre 18, 1925, naganap ang balagtasan sa Olympic Staduim sa Maynila.
• Si Jose Corazon de Jesus ang hinirang na kauna-
unahang hari ng balagtasan. • BUKANEGAN – Galing sa wikang ilokano na hango sa apelyido ng makatang ilokano na si Pedro Bukaneg. • CRISOTAN – Kapampangan na hango sa makatang Kapampangan na si Juan Crisostomo. • Magbahagi ng Kaisipan.
• Magbigay-aliw sa mga tagapakinig o manunood.
• Malinang ang kahusayan sa pagbigkas.
• Magpatalas ng kanilang diwa sa maagap na
pagtugon sa paraang patula. • Lakandiwa – Siya ang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawanng magtatalo. Unang magsasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood. Pormal na magbubukas ng balagtasan. Magpapakilala sa mga magtatalo. Magbibigay ng desisyon kung sino ang nagwagi. Magsasara ng balagtasan. • Dalawang magtatalo – Kailangang magharap ng mga ebidensya at magpaliwanag ng buong husay upang makumbinsi nila ang lakandiwa na sa kanila pumanig. • May paksang pagtatalunan. • Ang mga kalahok ay magaling sa pag-alala ng mga tula na mahahaba. • May dating ang pagbigkas ng salita sa publiko. • Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinion ng bawat panig. • May mga hurado ng magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang may mas makabuluhang pangangatwiran.