You are on page 1of 43

Magkaibigan sina Buboy at Anna.

Lagi
nilang nakakalimutang magtapon ng basura
sa tamang lugar.
Itinatapon nila ang mga plastik na baso,
plastik na bag, bote, balat ng kendi sa kalye,
sa ilog at kung saan-saan lang, maliban sa
basurahan.
Hindi nila alam na sa ilalim ng
ilog ay may nabuhay na Mata ng
Halimaw.
Ang mga basurang itinapon
nina Buboy at Anna ay isa-isang
dumikit sa Mata ng Halimaw
ito ang nagbigay ng buhay sa
halimaw.
Araw-araw nagtatapon ng basura sina
Buboy at Anna kung saan-saan nang walang
pagpapahalaga sa kapaligiran.
At araw-araw, ang mga basurang itinapon
nila ay kumapit sa Mata ng Halimaw
hanggang sa tinubuan na ito ng bibig, mga
kamay at paa gawa lahat sa basurang
itinatapon nila.
Ang halimaw ay hindi na lang isang mata
Ngayon ito ay MALAKI na!
Ito ay buhay at NAKAKATAKOT!
Naku! Isa na siyang Basura Monster !!!
Sobrang dami ng basura sa ilog!

Ang lason mula sa maruming ilog


at sa Basura Monster ay unti-
unting pumatay sa mga isda.
Isang araw, umahon ang Basura
monster sa ilog at naglakad sa lupa.
Tinapakan ng basura monster ang
mga puno at sinira ang mga kagubatan.
Hinabol nito ang mga tao
lalo na ang mga bata.
Takot na takot sina Buboy at Anna.
Naku! ang sabi nila, Ganito ba ang
mangyayari kung hindi natin alagaan ang
ating mundo?
Hindi na tayo dapat magtapon ng
basura kung saan-saan. Ano ba ang pwede
nating gawin? Huli na ba ang lahat?
Nagtungo ang dalawang bata sa Alkalde
at humingi ng tulong.
Pinatawag ng Alkalde ang taumbayan-
mga magulang, mga bata, tagalinis ng
kalsada, mga bumbero, mga pulis - upang
pag-usapan ang solusyon sa problema.
Paano ba nila labanan ang Basura
Monster?
Paano ba nila malutas ang problema
tulad ng Basura Monster?
Sabi ng Mayor, Nabubuhay ang Basura
Monster dahil kinakain nito ang lahat ng
basurang itinatapon na lang natin nang
walang pag-iingat at pakundangan sa
kapaligiran.
Maging responsable na tayo!
Bawasan natin ang ating basura!
Gamitin natin ang mga bagay na meron pang
pakinabang. Huwag na tayong magtapon
nang magtapon ng basura kung saan-saan
lalo na sa mga maruruming ilog.
Dahil kapag hindi natin ginawa ito, lalong
lalaki at lalakas ang Basura Monster
hanggang sa dumating ang araw na hindi na
natin siya kayang labanan!
Hindi magtatagal ang mundo natin ay
mawawasak! Ito ba ang gusto nating
mangyari?
Hindi! ang sigaw ng mga bata.
Mula noon, natuto na ang taumbayan na
magbukod ng mga basura.
Lahat ng recyclables ay pinagsama-
sama. Ang mga bote sa bote, papel sa
papel, plastik sa plastik ang mga
nabubulok ay pinagsama-sama rin.
At lahat ng mga tao ay natuto nang mag-
recycle. Hindi sila bastang nagtatapon ng
mga bagay na pwede pang magamit tulad ng
mga plastik bag, tasa, at bote.
Natuto na rin silang magbawas ng
basurang itinatapon.
Dahil dito, humina ang Basura Monster.
Wala na itong makain na basura.
Hindi na niya kayang mabuhay na
walang basura sa ilog.
Nakita ng taumbayan kung paanong unti-
unting nawala ang kapangyarihan ng Basura
Monster hanggang sa hindi na nito kayang
sirain ang kapaligiran.
Yehey! sigaw ng mga bata.
Natalo rin natin ang Basura
Monster! masayang sigaw ng taumbayan.
Lahat ng ito ay dahil tulung-tulong
tayong gumawa ng paraan upang iligtas ang
kapaligiran. ang sabi ng Alkalde.
At hindi tayo dapat huminto. Ugaliin
na nating gawin ito habang buhay.

Sumang-ayon sina Buboy at Anna sa


Alkalde dahil sa mahalagang aral na
natutunan nila.
Muling dumami ang mga isda, muling
lumago ang mga puno at muling luminaw
ang tubig sa ilog. At naligtas ang mundo
mula sa paninira ni Basura Monster.
Wakas.

You might also like