You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Paskong OFW

Kapag ganitong oras na malapit sa buwan ng disyembre, inaasahan na natin ang taunang tradisyon ng pagdiriwang ng pasko---ang paggunita sa kapanganakan ng ating panginoong hesokristo. Agad-agad na nating matatanaw ang mga ibat-ibang klase ng parol at mga nagtataasang x-mas tree at iba pang palamutit dekorasyon tuwing pasko. Atin ding maririnig ang mga boses ng mga batat matatanda na nagkakaroling at humihingi ng Aguinaldo sa bawat tahanan na kanilang nadadaanan. Mayron ding nagaganap na simbang gabi ng mga katolikot aglipayano sa bawat lugar o simbahan. At syempre, sa araw ng pasko, tayoy nagpapalitan ng mga regalo at naghahanda ng konting salu-salo sa noche Buena. Subalit, parang hindi kompleto ang pasko kapag hindi sama-sama ang buong pamilya. Ngunit minsan, kailangan nating malayo sa mga mahal natin sa buhay upang mabigyan natin sila ng magandang hinaharap, kaya naman kahit malungkot lalo na kapag araw ng pasko,kinakaya at tinitiis pa rin natin ang pangungulila. Maraming Pilipino ang nakakaranas nito, silay lumuluwas ng bansa mabigyan lang ang kanilang pamilya ng magandang kinabukasan,maunlad na pamumuhay at matuwid lang sa gutom ang pamilya. Silay nakikipagsapalaran at naghihikahos, makakita lang ng pera. Ang lungkot siguro ang buhay ng mga pilipinong nasa ibayong dagat tuwing inaabutan sila ng kapaskuhan. Malungkot man, kailangan nilang mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay kahit pasko dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa---- Pilpinas. Mayron akong nais iparating sa mga nangungulila. Saan man tayo abutin ng pasko, ang mahalaga alam natin kung ano ang tunay na diwa nito. Sa araw ng pasko, kailangang magbigayan, magmahalan, magpatawad at magkaisa. Puwede nating gawin ito araw-araw. Kung ganoon, nasaan man tayo sa lupalop ng mundo, malayo man o malapit man sa mga taong mahal nating tunay, puwede pa rin nating ipagdiwang ang pasko.

AVOID PLAGIARISM

You might also like