You are on page 1of 2

Wika Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at \sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Kahalagahan Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.[1] Mahalaga ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa. Etimolohiya Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang

"dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1] Mga anyo ng wika Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[2] Kasaysayan at teoriya Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1] Mga katangian

3. pinipili at isinasa-ayos; 4. arbitraryo; 5. nakabatay sa kultura; 6. ginagamit; 7. kagila-gilagis; 8. makapangyarihan 9. may antas; 10. may pulitika; 11. at ginagamit araw-araw. Mga antas Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

1. may balangkas; 2. binubuo ng makahulugang tunog;

Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagusap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino Kolokyalismong karaniwan ginagamit na salitang may "Taglish" Kolokyalismong may talino ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. Pabalbal/balbal (salitang kalye) pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga kagamitan Ito ang pitong kagamitan ng wika:

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong

nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Kategorya ng paggamit ng wika Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o di-pormal. Pormal Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito: 1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.

2. Pampanitikan o pangretorika mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining. Inpormal o di-pormal Ang inpormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pangaraw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito: 1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. 2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan. 3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

You might also like