You are on page 1of 1

10 BUGTONG

1. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. 2. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. 3. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. 4. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. 5. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. 6. Nagbibigay na, sinasakal pa. 7. May puno walang bunga, may dahon walang sanga 8. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. 9. Yumuko man ang reyna, di malaglag ang korona 10. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa

You might also like