You are on page 1of 2

Wika, Kultura, Lipunan

Wika, ito na siguro ang isa sa pinakamahalagang instrumento ng pakikipagtalastasan sa


panahon ngayon. Ito ang ating ginagamit sa pakikihalubilo sa loob ng ating lipunan, ngunit ang
tanong ay paano ba tayo natuto nito at paano ito nagkakaroon ng malaking papel sa ating
lipunan. Kung ating natatandaan noong tayo’y mga bata pa lamang, tayo ay tinuruan ng wika
sapamamagitan ng unti-unting pagbabaybay ng mga pantig. Mula sa mga pantig ay nakakabuo
na tayo ng wika at nakapagpapahayag ng ating mga nais. Sa pagdami ng mga salitang ating
nalalaman o natutunan, unti-unti din tayong namumulat sa ating lipunan. Sa pag,ulat natin sa
ating lipunan, tayo ay nagiging bukas sa iba’t-ibang klaseng ideolohiya tulad ng Nasyonalismo,
elitismo, peminismo, at kapangyarihan. Mula sa simpleng halimbawa nito tulad sa
kapangyarihan sa paglalaro, sa ating paglaki, panibagong halimbawa ng kapangyarihan ang ating
kinamumulatan tulad ng presidente. Habang tayo naman ay lumalaki, ang mga nasabing
ideolohiyang ay nagsasama at nagiging magkaugnay sa larangan ng relihiyon, ekonomiya,
edukasyong Pilipino, mass media, at pulitika. Ang mga nasabing ideolohiya din ang naghuhubog
sa ating paniniwala na nakakaapekto sa ating pamumuhay ngayon. Ngunit paano nga ba ito nag-
uugnay-ugnay? Ito ay maaring makita mula sa dayagram sa ibaba.

Mula sa dayagram sa itaas, ating nakita na ang wika ay nagbunga ng iba’t ibang
ideolohiya na siyang sumasanga sa iba’t-ibang sektor sa ating lipunan. Sa ating kabataan, sa
pagkatuto pa lamang ng ating sariling wika ay makikita na natin ang pagiging nasyonalismo
hanggang sa pagkilala natin sa ating mga bayani o sa mga taong tinitingala sa ating bansa dahil
sa pagtaas ng tingin ng ating bana sa mundo. Ang elitismo at peminismo ay mga ideolohiyang
hindi nating mismo alam an katawagan ngunit ating nakikita at napapansin sa araw-araw. Nung
maliit pa lamang tayo, maarung nakikita na nating ang ganitong bagay ngunit hindi lang natin
binibigyan ng pansin dahil na din sa hindi tayo ganoon naaapektuhan nito. Namulat lamang tayo
sa ganitong kaalamang ng lumawak na ang ating kinalakihang lipunan. Maging ang terminong
kapangyarihan ay lumalawak ang kahulugan sa ating paglaki. Sa paglaki natin, ang mga
ideolohiyang ito ay kumakalat sa iba’t-ibang klaseng sektor sa ating lumalaking lipunan. Ang
pagiging nasyonalismo ay kumakalat sa mga sektor tulad ng relihiyon, ekonomiya, mass media,
edukasyong pilipino at pulitika. Ito ang kadalasang nagiging basehan ng ginagawang pagbabago
sa mga nasabing sektor. Isang halimbawa na lamang ang ekonomiya, maraming nagsasabi na
dapat sa ating nakabase ang mga ginagawang pag-aaral dito at hindi ang ating bansa upang ang
mga problemang sinosolusyunan ay ang mga problema sa ating bansa at hindi ang sa iba. Ang
elitismo naman ay maaring maiugnay sa ating ekonomiya, pulitika at mass media. Ito ay dahil sa
mga larangang ito kadalasang nangingibabaw ang mga sinasabi nating elite. Sa sektor tulag ng
pulitika, ang mga elite ang kadalasang nasa taas at ang kadalasang nakaupo. Sila ang tinitingala
at pinaniniwalaan. Tulad ng Elitosmo, ang peminismo ay lumalabas din sa mga nasabing sektor.
Kung titingnan ang Relihiyon, masasabi natin na maging dito ay mayroon ng bangayan kung ano
ang kasarian ng ating Diyos. Bagama’t sa lipunang ating kinalakihan, ang mga lalaki ang
nakakataas, ito ay unti-unting nagbabago sapamamagitan ng paggawa ng mga batas na nagnanais
maging pantay ang pagtingin sa mga lalaki at babae na nag-uugnay naman sa pulitika at
kapangyarihan. Tulad na din ng nasabi sa klase, may mga salita rin na nagpapahayag ng di
pantay na pagtingin sa ating lipunan. Sa pag-uugnay din ng mga parte ng bahay sa pamilya, ating
mapapansin ang mas mataas na pagtingin sa mga kalalakihan. At ang huli ay kapangyarihan na
halos sa lahat ng sektor ay ating makikita. Kung noong mga bata pa lamang tayuo ang ating mga
magulang ang ating itinuturing na pinakamataas at lagi nating sinusunod, sa pagpasok natin sa
paaralan, nagkakaroon na ng eleksyon na unti-unting nagmumulat sa atin sa lipunang ating
kakaharapin paglabas natin sa paaralan. Ating na ring mapapansin ang iba’t-ibang klase ng wika
na ginagamit ng mga di nakapoag-aral o nakatapos sa mga nakapag-aral o nakatapos. Ating
mapapansin sa lipunan na ang pagkakaroon ng kaalaman ng iba’t-ibang lenggwahe ay
nagkakaroon ng mas higit na kapangyarihan sa ating bansa. At mula sa kapangyarihan ito,
naiuugnay ang pulitika at relihiyon. Isang magandang halimbawa na siguro ang RH Bill na halos
pinag-tatalunan ngayon. Mapapansin natin na may mga terminong ginagamit ang simbahan mula
sa Bibiliya na hindi naman ginagamit sa paggawa ng batas. Ang mga pulitiko naman na pabor
dito ay gumagamit ng mga termini mula sa agham na hindi naman ganoon maiintindihan ng mga
nasa simbahan dahil sa ibang pananaw sa buhay. Nasabi nga din ng isa sa aking guro na hindi
dapat gumagamit ng mga termino na mula sa kaniang sektor dahil mahirap itong pagsamahin at
hindi rin ito talaga maiiugnay sa kanilang paniniwala. Nakakita na ba tayo ng mga terminong
agham tulad ng pills sa Bibliya? Nakakita ba tayuo sa ating konstitusyon ng sampung utos ng
Diyos? Ang mga ganitong termino daw ay dapat hindi ganong ginagamit dahil lalo lamang
tayong lumalayo sa pagtatapos ng usaping ito. Dito mapapansin natin na maiuugnay nga ng
tunay ang mga ideolohiya nasabi sa ating lipunan.

Sa pagwawakas ng papel na ito, paano nga ba nating masasabi na nag-uugnay ang wika,
kutura at lipunan? Maaaring atin na ngang mapapansin ang ugnayan ng wika at kltura mula sa
pangalawang talata ngunit papaano sa lipunan? Isang sektor na siguro sa lipunan ang
makakapagpakita ng ugnayan na ito, ang mass media. Ito ay dahil ang mass media ang
sumasalamin sa ating lipunan. Ang mga nasasabi, naririnig o nakikita ng media ay nagpapakita
ng mga pagbabayangan ng iba’t-ibang sektor na ito. Ang media ang nagpoapakita ng iba’t-ibang
wika o klase ng wika sa ating bansa. Nagagawa nitong pagsamahin ang lahat ng ideolohiya at
naipapakita nito ang nanyayari sa lipunan.

You might also like