You are on page 1of 5

PANGALAN: DARYLL JIM R.

ANGEL
PAMAGAT NG ULAT: Kasaysayan ng Diksyunaryo
a. Mga Kinilalang Pinakamatandang Diksyunaryo
b. Diksyunaryong Filipino
ASIGNATURA: PhD FL 384 – Leksikograpiyang Filipino
PROPESOR: Dr. Penelope Tica-a

Diksyunaryo ka ba? Kasi you gave meaning to my life!


Hahanapin sana kita sa diksyunaryo, kaso nakalimutan ko wala ka pa lang meaning.

KAHULUGAN NG DIKSYUNARYO

Ang DIKSUNARYO ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng isang partikular na
wika. Ang ayos nito ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng alpabeto. Nakatala rin
dito ang mga kahulugan ng salita, maging ang mga etimolohiya o pinagmulan ng salita,
mga pagbigkas (diksyon), at iba pang mga impormasyon. Leksikograpo ang tawag sa
manununlat ng diksyunaryo.

ANO-ANO ANG GAMIT DIKSYUNARYO?

Sinasabi ng diksyunaryo kung ano ang ibig sabihin ng mga salita.


Bawat salita, kasama ang kahulugan nito, ay tinatawag na isang entry sa diksyunaryo.
Sinasabi ng diksyunaryo kung anong bahagi ng pananalita o part of speech ang isang
salita.
Ipinapaalam sa atin ng diksyunaryo ang tamang pagbigkas o pagsabi ng salita.
Tinutulngan tayo ng diksyunaryo na gumamit ng salita nang tama.

MAIKLING KASAYSAYAN NG DIKSYUNARYO SA DAIGDIG

Glossaries – Ito ay talaan ng mga malalalim na salita. Ang mga salita ay nakasulat sa
Latin at kung ano ang katumbas nito sa Ingles. Ito ay na matatagpuan sa dulo ng mga
akat na nakaayos ng ayon sa alpabeto.

Ika-15 at Ika-16 na siglo – Ang mga diksyunario ay nakasulat ng naayon sa


pagkakasunod-sunod ng alpabeto na nakasulat sa Ingles at mayroong katumbas na salita
sa Latin. Ang layunin nito ay upang matuto ang mga mag-aaral ng Latin.

Late Renaissance – Nakatuon ang dikyunaryo sa panahong ito sa mga wikang


bernakular.

Ika-18 siglo – Nagsimulang isama sa diksyunaryo ang mga etimolohiya ng mga salita.
Ang layunin nito ay upang malaman ng mga tao ang pinagmulan ng mga salitang ito.

MGA KILALANG PINAKAMATANDANG DIKSYUNARYO

Noong 1621, natuklasan ng isang Italyanong manggagalugad sa mga guho ng Persepolis,


isang sinaunang lunsod sa Persia, ang isang di-pamilyar na istilo ng pagsulat. Noong 1800’s,

LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 1
nakahukay ang mga arkeologo sa Iraq ng maraming katulad na inskripsiyon sa mga tapyas na
luwad at mga pader ng palasyo. Nakasulat ito sa mga wika sa Mesopotamia na ginamit ng mga
haring gaya nina Sargon II, Hammurabi, at Nabucodonosor II. Ang mga inskripsiyon, na binubuo
ng hugis-tatsulok na mga guhit, ay tinawag na cuneiform.

Ang istilong ito ng pagsulat ay mahalaga para maunawaan ang mga sibilisasyon ng
sinaunang Mesopotamia. Nakita ng mga iskolar na nagsuri sa mga dokumentong ito na kailangan
nila ng isang komprehensibong diksyunaryo sa Akkadiano, isang wikang malapit sa mga wikang
Asiryano at Babilonyo.

Ang mahirap na proyektong ito ay sinimulan ng Oriental Institute ng University of Chicago,


E.U.A., noong 1921, at natapos ito pagkaraan ng 90 taon, noong 2011. Nabuo ang
natatanging Assyrian Dictionary na may 26 na tomo at mahigit 9,700 pahina. Saklaw nito ang
mga wika at diyalektong ginamit sa Iran, Iraq, Sirya, at Turkey mula noong ikatlong
milenyo B.C.E. hanggang 100 C.E.

Bakit napakalawak ng saklaw na impormasyon ng diksyunaryong ito? Bakit


napakatagal nitong natapos? At sino ang magiging interesadong gumamit nito?

Ang Nilalaman ng Diksyunaryo

“Ang diksyunaryo ay hindi lang basta listahan ng mga salita,” ang paliwanag ni Gil Stein,
direktor ng Oriental Institute sa Chicago. Sa halip, “dahil may mga detalye ito ng pinagmulan at
iba’t ibang gamit ng bawat salita, ang natatanging tomong ito ay parang isang ensayklopidiya ng
kasaysayan, lipunan, literatura, batas, at relihiyon ng Mesopotamia. Malaking tulong ito sa lahat
ng iskolar na gustong magsuri sa nasusulat na rekord ng sibilisasyon sa Mesopotamia.”

Sa simula pa lang, naisip na ng mga editor na “para matiyak ang kahulugan ng isang
salita, dapat tipunin ang lahat ng pinaggamitan nito, at hindi ito dapat tipunin bilang mga salita
lang, kundi may kasamang mga pananalita na makakatulong para malaman ang kahulugan nito
sa isang konteksto o paggamit.” Kaya ang diksyunaryo ay naging isang koleksiyon ng mga pagsipi
at salin ng orihinal na pananalitang cuneiform kung saan lumitaw ang salitang binibigyang-
kahulugan.

Milyun-milyong tekstong cuneiform ang natuklasan nitong nakalipas na dalawang siglo, at


saklaw nito ang napakaraming paksa. Ang wikang Asiro-Babilonyo, o Akkadiano, ang
internasyonal na wika sa sinaunang Gitnang Silangan. Pero ang mga tao sa rehiyong ito ay may
sariling literatura; nakipagkalakalan; nag-aral ng matematika, astronomiya, at mahika; gumawa
ng mga batas; nagkaroon ng mga propesyon; at nagtaguyod ng relihiyon. Kaya ang mga isinulat
nila hinggil sa mga ito at sa iba pang paksa ay nagbibigay ng napakaraming impormasyon.

Hindi naiibang sibilisasyon ang inilalarawan sa mga tekstong cuneiform na ito. “Karamihan
ng makikita mo ay napakaordinaryo—mga taong natatakot at nagagalit, nagpapakita ng
pagmamahal, humihiling ng pagmamahal,” ang sabi ni Matthew Stolper, propesor ng Assyriology
sa University of Chicago na paminsan-minsang nagtatrabaho sa proyekto sa loob ng 30 taon.
“May mga inskripsiyon mula sa mga hari na nagsasabi kung gaano sila kadakila,” ang dagdag
niya, “at may mga inskripsiyon din mula sa iba na nagsasabing hindi naman talaga sila ganoon
kadakila.” At ang mga teksto mula sa Nuzi, sa modernong Iraq, ay naglalahad ng mga kasong

LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 2
iniharap 3,500 taon na ang nakalipas, gaya ng tungkol sa mana ng isang balo, isang bukid na
may irigasyon, at isang hiniram na buriko.

Tapós Na ba Talaga?

Ang mga Asiryologo mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ay tumulong sa proyekto.
Gumugol ng ilang dekada ang staff ng institute para makagawa ng halos 2,000,000 index card
na nagpapakita ng gamit ng mga salita. Ang unang tomo ay inimprenta noong 1956. Mula noon,
ang 25 iba pang tomo ay inilalathala sa tuwing matatapos ang bawat tomo. Ang buong set ay
nagkakahalaga ng $2,000 (U.S.), pero ang lahat ng impormasyon ay puwedeng mabasa sa
Internet nang walang bayad.

Inabot ng 90 taon bago natapos ang diksyunaryo. Gayunman, alam ng mga nagtrabaho
sa napakalaking proyektong ito ang mga limitasyon nito. Ganito ang sabi ng isang artikulo tungkol
sa diksyunaryo: “Hindi pa rin nila alam ang kahulugan ng ibang salita, at dahil laging may bagong
natutuklasan, ito ay... patuloy pang ginagawa.”

ABECEDARIUM ANGLICO-LATINUM PRO TYRUNCULIS (1552)


 Tinipon ni Richard Huloet na mula sa Wisbech, Cambridgeshire, England
 Nangangahulugang for young beginners of all ages, including adults whose main
interest was to learn to read English.
 Kauna-unahang Diksyunaryong Ingles
 Naglalaman ng 26,000 salita na may salin sa Latin na may paliwanag sa Ingles
 Naging tanyag ngunit mahal ang presyo

ELEMENTARIE (1582)
 Nilikha ni Richard Mulcaster na nagsilbing sinaunang talaan ng 8,000 salitang
Ingles
 Hindi nakaayos ng paalpabeto ang pagkakasunod-sunod ng titik.

A TABLE ALPHABETICAL
 Isinulat ni Robert Cawdrey, isang guro sa isang paaralan sa Inglatera at ito ang
pinakaunang diksyunaryong naglalaman lamang ng mga salita sa wikang Ingles.
 Naglalaman ito ng umaabot sa 3,000 salitang nakaayos paalpabeto at nagtataglay
ng mga karaniwang mahihirap na salitang Ingles.

SEBASTIAN COVARRUBIAS’ TESORO DE LA LENGUA CASTELLANA (TREASURY


OF CASTILIAN OR SPANISH LANGUAGE (1611)
 Unang monolinggwal na diksyunayo na nakasulat sa wikang Romano na inilathala
sa Madrid.

THE ENGLISH DICTIONARIES (1623)


 Ito ay binuo ni Henry Cockeram batay sa A Table Alphabetical ni Robert Cawdrey

GLOSSOGRAPIYA (1656)
 Binuo ni Thomas Blount na may 10,000 di karaniwang salita at ito ang kauna-
unahang diksyunaryo sa Ingles na nagdagdag ng etimolohiya ng mga salita

LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 3
 Unang diksyunayong nagbigay kahulugan sa mga salitang Ingles na Karaniwang
ginagamit sa pang-araw-araw

UNIVERSAL ETYMOLOGICAL ENGLISH DICTIONARY (1721)


 Inilathala ni Nathaniel Bailey na isang guro sa London
 Pinakakilalanag diksyunayo noong 18 siglo (nagkaroon ng 20 na edisyon hanggang
1763 at ika-27 na edisyon noong 1794, huling edisyon, ika-30, noong 1802)
 Isang monolinggwal Ingles na diksyunaryo na nakatuon sa pagpapakahulugan sa
mga karaniwang salita kaysa sa mahihirap na salita

DICTIONARIUM BRITANICUM (1730)


 May 48,000 na salita at taglay ang kahulugan, etimolohiya at paraan ng pagbigkas
ng mga salita

A DICTIONARY OF THE ENGLISH LANGUAGE (1755)


 Samuel Johnson
 Tinapos nya ito sa loob ng 7 taon na naglalaman ng 40,000 na salita
 Ang mga unang pahina ay nailimbag noong 1750 at ang sumunod na 2,000 kopya
ay nailimbag ng sumunod na taon.
 Ang kanyang diksyunaryo ay mas nakahihigit sa mga nauna sapagkat idinagdag
niya ditto ang paraan kung paano bigkasin ang mga salita.

A COMPENDIOUS DICTIONARY OF THE ENGLISH LANGUAGE (1806)


 Sinulat ni Noah Webster ng New Haven
 Unang American Dictionary na may 40,000 na salita

AN AMERICAN DICTIONARY OF THE ENGLISH LANGUAGE (1828)


 Obra maestro ni Webster na may 70,000 salita at unang diksyunaryong
malawakang tinaggap sa US at England

WERBSTER’S DICTIONARY
 Inilathala sa G&C Merriam Company of Springfield, Massachusetts ay sinasabing
legitimate successor sa gawa ni N. Webster

OXFORD ENGLISH DICTIONARY (1928)


 Pinakamatandang diksyunaryo sa mundo na may 12 tomo na naglalaman ng
415,000 salita, umabot umano ng 2 milyon ang illustrative quotations at umabot
sa 228 milyong titik at pigura

MGA DIKSYUNARYONG FILIPINO

Batid natin na bago pa man tayo nasakop ng mga mananakop, mayroon ng Sistema ng
pagsulat ang ating mga ninuno. Ngunit pagdating ng mga kastila ay doon pa lang tuluyang
nakapagpalimbag ng mga aklat pangwika na nagsisilbing diksyunaryo. Hanggang sa kasalukuyan
ay patuloy pa din ang pananaliksik ng ilan upang itala ang mga bagong salita lalo na ang mga
katutubong wika.

LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 4
ARTE Y REGLAS DE LA LENGUA TAGALA (Art and Rules of the Tagalog
Language)
 Sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong
1610.

COMPENDIO DE LA LENGUA TAGALA (Understanding the Tagalog Language)


 Akda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.

VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA (Tagalog Vocabulary)


 Kauna-unahang talasalitaan sa tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613.

ARTE DE LA LENGUA TAGALA Y MANUAL TAGALOG (Art of English Language


and Tagalog Manual)
 Sinulat ni Padre Sebastian de Totales noong 1754.

VOCABULARIO DE LA LENGUA PAMPANGA (Pampanga Vocabulary)


 Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong
1732.

VOCABULARIO DE LA LENGUA BISAYA (Bisayan Vocabulary)


 Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong
1711.

ARTE DE LA LENGUA BICOLANA (The Art of the Bicol Language)


 unang aklat pangwika sa bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.

ARTE DE LA LENGUA ILOKANA (The Art of the Ilocano Language)


 kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.

DIKSYUNARYO NG WIKANG FILIPINO (1989)


 Tagalog na diksyunaryo na inilimbag ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na
binubuo ng 969 na pahina.

ANG UP DIKSIYONARYONG FILIPINO (UPDF) (2001 AT 2010)


 pinamatnugutan ni Virgilio S. Almario ay isa sa pinakahuling ambag sa pagbubuo
ng monolinggwal na diksyunaryo ng wikang Filipino.

LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 5

You might also like