Professional Documents
Culture Documents
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang
mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating
at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang
engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.
Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang
hayop sa Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao
ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa
kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay
gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa
bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na
namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut.
Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May
nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato.
Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang
pumatay kay Rabut.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas
lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati
ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao
ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.
Ullalim (Epiko ng Kalinga)
Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang
makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay
naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya,
naakit ang pansin ni Dulliyaw si Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa
kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ng
alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang bahay
ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at
sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang
ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya
umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-
iisip ang dalaga.
Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at
angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan
Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay sultan
Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong
kay Datu Sumakwel.
Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim
silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o
barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa
malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati
ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain.
Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang
malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain.
Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng
malayang lupain.
Ang mga tag-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila
na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni
Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo
makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati,
na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano
kayaman ang pulo.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang
paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay
Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay
katutubo sa pulong oyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong.
Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay
itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira.
Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay
nais makipagkaibigan.
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong
salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay
Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni
Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang
ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya
magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya
kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung
lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng
pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-
bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).
Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila
ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang
kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan
at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu
Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay
at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin
niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel.
Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel.
Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay
Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang
mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa
Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu
Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu
Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang
tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa
Taal manirahan kasama ang mga Taga-ilog. Isang araw lamang at umalis na
sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang
malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa
ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito
sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba
ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga
pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong
Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni
Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan
ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na
kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang
matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra.
Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng
lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang
dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang
maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng
buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang
babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.