Professional Documents
Culture Documents
Narito ang ilang piling epikong Pilipino kung saan matutunghayan ang pagtutulungan ng bidang
lalaki at nang malalapit sa kanilang kababaihan (kapatid, asawa, pinsan, atbp.) na kaagapay nila sa
kanilang pagpupunyagi. Minarapat ng may-akda na pumili ng isang epiko mula sa Luzon (Ang Hudhud hi
Aliguyon ng mga Ifugao); isa mula sa Kabisayaan (Hinilawod I: Ang Epiko ni Labaw Donggon) at isa mula
kolektibong tinatawag bilang Igorot, na ang ibig sabihin ay mga taong naninirahan sa kabundukan.
Nahahati sila sa ilan pang mga grupo gaya ng mga Isneg, Apayao, Tingguian sa hilagang Cordillera;
Kalinga, Bontoc, at Ifugao sa Gitnang Cordillera; at Ibaloi at Kankana-ey sa timog Cordillera (CCP 286).
Sa larangan ng epiko, ang epikong Hudhud ng mga Ifugao ay idineklara ng United Nations bilang
buhay na kayamanan at isa sa mga katangi-tanging pamanang pampanitikan at kultural sa daigidig. Ang
hudhud ay maaaring maging batis ng mga mito at kuwento ng mga Ifugao tungkol sa kababaihan at
babae naman ni Aliguyon. Batay ito sa awit ng babaeng makata na si Hinayup Bantiyan (Eugenio 24).
Bagamat ang epiko ay umiinog sa labanan sa pagitan ng dalawang bidang lalaki na sina Aliguyon at
Pumbakhayon, maaari tayong magkaroon ng ideya sa imahen ng kababaihan sa lipunang Ifugao batay sa
nasabing epiko.
pagpapahalaga sa sinasabi ng kababaihan, lalo na ng mga ina. Kahit nasa gitna ng laban, nang sumugod
si Dangunay sa lugar ng labanan bitbit sa kanyang likod ang sanggol na si Bugan, iwinasiwas niya ang
bolo at tinanong ang naglalaban kung ano ang mapapala nila mula sa pag-aaway gayong pareho lamang
naman sila ng lakas. Marahil naaalala ni Aliguyon ang kanyang sariling ina sa ina ni Pumbakhayon kung
kaya’t nang sinabi nitong itigil na muna nila ang laban dahil kinakailangan nang kumain ni Pumbakhayon,
itinigil na muna ng dalawa ang labanan. Mapapansin na una, ipinahiwatig ni Dangunay na ang babae ay
rasyunal sapagkat siya ang nakatanto na walang saysay ang ginagawang paglalaban nina Aliguyon at
Pumbakhayon dahil ayon nga kay Dangunay, pareho lamang sila ng lakas. Ikalawa, nagpamalas siya ng
katapangan dahil hindi siya nangiming manghimasok sa paglalaban ng dalawang lalaki upang patigilin
sila kahit pansamantala lamang. Marahil, maaaring idagdag ang ikatlong obserbasyon na mahalaga ang
sinasabi ng kababaihan, lalo na ng ina, sa lipunan sapagkat pinakinggan naman siya ng dalawa at itinigil
paano pinapahalagahan ng lalaki ang kapatid na babae. Nang magpaalam si Aliguyon na iuuwi niya ang
mapapangasawang si Bugan sa Hannanga, ibinigay ni Pumbakhayon ang gong at hinabing kumot kay
Aliguyon upang magsilbing pananggalang niya mula sa init dahil hindi diumano sanay nang naiinitan si
Bugan. Ipinapakita rito kung paano pinoprotektahan ang kababaihan na hangga’t maaari ay hindi
ang pagiging maalaga nang salubungin niya si Bugan at sabihang magpahinga na dahil tiyak daw na
napagod ito mula sa paglalakbay. Pagkatapos mamahinga sila ay pinakain at pinainom ng alak hanggang
Ang pag-aalaga ng mapapangasawang si Aliguyon kay Bugan ay mababanaag din mula sa pagaasikaso ni
Aliguyon sa mga pangangailangan ni Bugan. Kinuha niya ang mga singsing mula sa kanyang
binti at isinabit ito sa talon kung saan dumadaloy ang tubig at sinabing dito isasabit ni Bugan ang
kanyang mga kwintas. Pagkatapos ay kinuha niya ang gong at iniharang sa dumadaloy na tubig mula sa
talon at sinabing dito tutuyuin ni Bugan ang kanyang katawan. Pagkatapos ay kumuha siya ng
pinakamahuhusay na kumot at nagpunta sa paliguan, at gumawa ng isang harang at sinabing ito ang
magiging paliguan ni Bugan. Makikita rin sa epiko ang papel ng kababaihan bilang mga mang-aawit ng
lipunan. Ito ay nang
tinawag ni Aliguyon ang kanyang kapatid na babae na si Aginaya upang tawagin ang mga kaibigan nitong
Kaugnay nito, ang pagpapakasal sa kapatid na babae ng kalabang lalaki ay tinitingnan bilang
solusyon sa digmaan. Nang magkasundong magpakasal si Aliguyon kay Bugan ay nagwakas na ang
digmaan sa pagitan ng kanilang mga ama. Lalong tumibay ang alyansa ng dalawang grupo na dating
(Daguio 39-51).
pagitan ng dalawang pamilya. Halimbawa, sa mga Manuvu ay isinasapraktika ang layas nad’asawa, o
kasal na nagaganap upang pagbayaran ang insultong natanggap ng babae man o lalaki, sadya man ito o
hindi. Ito ay isang paraan upang mapanumbalik ang karangalang nasira dahil sa insultong natanggap
(Manuel 31). Ang pag-iisang dibdib, lalo na ng mga kabilang sa uring maginoo kung kanino nakasalalay
ang kapangyarihan ay mahalaga rin sa pagsasambayanan dahil ang mga bayan ay nakasalalay sa
magkakaugnay na pamilya. Ayon kay Salazar, sa kanyang pagsusuri ng Inskripsyon sa Binatbat ng Tanso
ng Laguna (IBTL), ito ang katuturan ng pag-iisang dibdib nina Jayadewa, pinuno ng Tundun (Tundo) at