You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 7

(Awiting Bayan)

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay:


a. Natutukoy kung saan nagmula ang napakinggang awitin; (PN)
b. Nakikilala sa kahulugan ng ilang salitang Bisaya; (PT)
c. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda
na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya; (PB)
d. Naihahambing ang video clip ng awiting-bayan na “Si Felimon”; (PS)
e. Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng
awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal); (WG)
f. Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting-bayan sa sariling lugar gamit
ang wika ng kabataan. (PU)

II. Nilalaman
Paksa: Si Felimon (awiting-bayan ng Cebu)
Kontekstuwal: Buyayang-buyayang (Butuan City)
Wika: Antas ng Wika
Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/134583322/Mindanao-Folk-Songs
Pinagyamang Pluma 7
Kagamitan:
Pagpapahalaga:
Paglalahat:

Unang Araw

III. Paglalahad
a. Balik-aral
Magkaroon ng kaunting balik-aral tungkol sa alamat ng Palendag ng
Maguindanao.
b. Panibagong aralin
Pagpaparinig ng isang awiting-bayan na pinamagatang “Buyayang-buyayang”.
c. Paglalahad
Tukuyin kung saang lugar ito nanggaling.
d. Paghahawan ng balakid
Pagkilala ng mga salitang Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa
katumbas nitong salitang Tagalog.
e. Pagtatalakay sa nilalaman
Talakayin ang iba’t ibang awiting-bayan mula sa Visayas – ang Waray-waray ng
Samar, Hiligaynon ng pulo ng Panay at ang Subuwanon ng Cebu at Negros.
Pagbuo ng sariling paghahatol o pagmamtuwid kaugnay ng mga ideyang
nakapaloob sa awit.

Mga Gabay na Tanong:


1. Alin-alin sa mga awiting-bayan ng Kabisayaan ang nasabayan mo?
2. Anu-anong awiting-bayan naman ang ipinagkakapuri mo mula sa sarili
mong bayan o rehiyon?
3. Sa anu-anong pagkakataon ninyo inaawit o itinatanghal ang mga ito?
4. Nasubukan mo na bang sumabay sa isang awiting-bayan? Anong
damdamin ang naidulot nito sa iyo at sa mga tagapakinig?
5. Anu-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang masasalamin sa awiting
“Lawiswis Kawayan”? sa mga awiting “Dandansoy” at “Ay! Ay!
Kalisud”? sa oyaying “Ili-Ili, Tulog Anay”? sa masiglang awitin “Si
Felimon”?

Ikalawang Araw

f. Pagpapalalim
Pagtatalakay sa mga awiting-bayan at mga uri nito.

Ikatlong Araw
g. Pakinggan at panoorin ang isang video clip tungkol sa mga awiting-bayan.
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba isulat kung anong antas ng wika ito nabibilang.
Salita Balbal Kolokyal Lalawiganin Pormal
Bebot
Marilag
Namasol
Pa’no
bana

Ikaapat at Ikalawang araw


h. Pagtatalakay sa wika
Gawain: pagtatalakay sa mga antas ng wika gamit ang estratehiyang Direct
teaching
i. Paglalahat
Pangkatang Gawain
Papangkatin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay magsulat ng sariling
bersiyon ng awiting-bayan gamit ang sariling wika o wikang higit na
mauunawaan ng kabataan.

Mga pamantayan Puntos Aking Puntos


Nailahad sa awiting-bayan ang impormasyon tungkol 5
sa sariling lugar o bayan.
Naisulat ang sariling bersiyon ng isang awiting-bayan 5
sa sariling lugar gamit ang wika ng mga mag-aaral o
wikang higit na nauunawaan ng kabataan.
Nakagagamit ng iba’t ibang antas ng wika batay sa 5
pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan
Naitanghal nang mahusay at masigla ang buong 5
awiting-bayan
Kabuoang Puntos 20

Ikaanim na araw

IV. Ebalwasyon
Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa isang
family reunion. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal,
lalawiganin o pormal. (Pinagyamang Pluma 7 pahina 161)

V. Takdang-aralin

Sumulat ng isang maikling usapang ginagamit ang iba’t ibang barayti ng wika. Ang
usapan ay hindi bababa sa walong linya. Salungguhitan ang wikang ginamit at saka isulat
kung anong antas ito.

Prepared by: Vinna Faye Precioso –Bayugan City


Jusebeth Baquero – Siargao
Noviemar T. Maur – Butuan City

You might also like