You are on page 1of 11

Ang kababaihan ang isang sektor ng lipunan na kadalasang naisasantabi gayong sila ang bumubuo ng

mahigit sa kalahati ng populasyon ng daigdig. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay mababanaag

natin sa pananaliksik, historiograpiya o pagsusulat ng kasaysayan at pagtuturo mismo ng

kasaysayan sa mga paaralan. Kung kaya’t mahalaga ang paggamit ng kamalayang feminista (o kamulatan
at pagkilos tungo sa pagiging magkapantay ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan) sa mga nabanggit

na pagpupunyagi.

Sa kasalukuyan ay may kasalatan sa literatura tungkol sa papel ng kababaihan sa kasaysayan ng

Pilipinas. Kadalasan ding ang tradisyunal na pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas sa mga paaralan ay

nakatuon sa kalalakihan, na tila ba ang kasaysayan ng Pilipinas ay produkto lamang ng pagkilos ng

kalalakihan. Malimit na ang pinakakilala lamang ng mga mag-aaral na bayaning babae ay sina Gabriela

Silang, Melchora Aquino, at Josefa Llanes Escoda. Ang kakulangan ng pagkilala sa mga pangalan mismo

ng mga kababaihang naging bahagi ng kasaysayan at ang kanilang naging ambag sa pagpapabuti ng

lipunan ay maaaring magbigay ng ideya sa mga mag-aaral na walang gaaanong nagawa ang mga

kababaihan sa paghubog ng kasaysayan. Makabubuting maiwasan ang ganitong paniniwala sapagkat ang

kababaihan, kasama ang kalalakihan, ay kumilos sa kani-kanilang pamamaraan sa bawat yugto ng

kasaysayan.

Ang “pananahimik” ng kababaihan sa kasaysayan ay maiuugat sa mga sumusunod na

kadahilanan. Ayon kay Camagay (1), karamihan sa mga historyador ay lalaki kung kaya’t ang tuon ay

nasa kasaysayang politikal at diplomatiko. Wala rin diumanong katotohanan na kulang sa mga batis
pangkasaysayan tungkol sa papel ng kababaihan sa kasaysayan. Binanggit din ni Quindoza-Santiago (18)

ang isang pang dahilan na ibinigay ni Ma. Lusia Camagay hinggil sa “pagkawala” ng kababaihan sa

kasaysayan. Aniya, maaaring itinuring ng mga historyador na pareho lamang ang danas ng kalalakihan at

kababaihan sa kasaysayan kung kaya’t hindi na kailangan pang bigyan ang kababaihan ng hiwalay na

pagtalakay.

Samakatuwid, tunay na malaki ang pangangailangan para sa paglalangkap ng kamalayang

pangkasarian hindi lamang sa pananaliksik at historiyograpiya kundi lalo’t higit sa pagtuturo ng

kasaysayan. Maaari itong maging panimulang hakbang upang mahamon ang mga nakagawiang gender

stereotyping sa lipunan at kalaunan ay magbigay-daan sa pagkamulat at pagkilos sa ikalalaya ng

kababaihan mula sa tanikala ng patriyarkang patuloy na pumipigil sa kanilang maabot ang pinakamataas

nilang potensyal bilang mga kasapi ng sangkatauhan.

Kaugnay nito, minarapat ng may-akda na talakayin ang paksa hinggil sa imahen (kung paano
isinalarawan) ng kababaihan sa epikong Pilipino. Pumili ang may-akda ng mga epikong Pilipino na

nagpapakita ng papel ng kababaihan sa pagtatagumpay ng mga bidang lalaki at sinuri kung paano

nakatulong ang mga kababaihang ito sa pagpupunyagi ng bayaning lalaki. Nakabatay ang diskursong ito

sa ideya na bagamat walang babaeng mandirigma sa mga kronika, masasalamin naman sa mga epiko na

maging ang papel ng pakikidigma na tradisyunal na iniuugnay sa kalalakihan ay maaaring ginampanan

din ng kababaihan. Binigyang-diin din ang iba pang papel na ginampanan ng kababaihan sa

ikatatagumpay ng bidang lalaki sa mga sinuring epiko. Mahihinuha sa lipunang isinilarawan ng mga epiko

ang kawalan ng pagsasari (gendering) sapagkat may mga gawaing kadalasang iniuugnay sa babae ang

maaari rin namang gampanan ng lalaki. Gayundin, may mga gawaing kadalasang iniuugnay sa lalaki na

maaari namang gampanan ng babae. Bibigyang-diin sa pagsusuri ang kaibahan ng katutubong tradisyon

(matriyarkal) sa tradisyong Kanluranin (patriyarkal).

Mataas na Katayuan ng Kababaihan sa Sinaunang Lipunan

Mataas ang katayuan ng kababaihan sa sinaunang lipunang Pilipino. Sa katunayan, sila ang may
hawak ng kabuuang karunungan sa lipunan dahil sa kanila nakasalalay ang pamumunong ispiritwal
(bilang mga babaylan/katalonan) at mayroon silang pribilehiyo at karapatang pangalanan ang kanilang

anak (kadalasan ngang nakikilala ang mga anak sa pangalan ng ina). Ilan pa sa karapatan ng kababaihan

sa sinaunang lipunang Pilipino ang pagpili ng mapapangasawa, pakikipaghiwalay sa asawa, pagmamayari

at pagmamana, pakikilahok sa kalakalan at iba pa.

Batay sa mga kronika, kung ang ispirituwal na pamumuno ay nasa kababaihan, ang politikal na

pamumuno naman ay nasa kalalakihan. Parehong pinapahalagahan sa lipunan ang babaylan at ang datu.

Kung ang lalaki ay nagnanais maging babaylan, kinakailangang “magpakababae” siya upang

magampanan ang prestihiyosong papel na ito.

Patutunayan ng pananaliksik na ito na hindi “nawawala” ang kababaihan sa mga epikong

Pilipino. Sa katunayan, mahalaga ang papel na ginampanan nila sa pagtatagumpay ng bidang lalaki sa

mga epiko at mahihinuha natin mula rito ang kahalagahan ng kababaihan sa sinaunang lipunan. Isang

mahalagang pamamaraang historikal din ang kasaysayang pasalita, na ayon kay Camagay (5) ay hindi

kasaysayan mismo kundi isang metodolohiya sa pangangalap ng impormasyon mula sa nakaraan. Ayon
nga kay Schweitzer at Voldman:

“the use of oral history is very much akin to women since women have committed much

less to writing than have men…women have used verbal communication more than the written

word…oral history provides women the opportunity to narrate.” (Florendo 12)

Ang perspektibang feminista ay magagamit sa pagsusuri ng mga anyo ng tradisyong pasalita

gaya ng epiko. Bagamat ang mga epiko ay umiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga bidang lalaki,

hindi nawawala sa mga salaysay ang papel na ginampanan ng mga babaeng malapit sa buhay ng mga

bidang lalaki sa kanilang pagpupunyagi. Sa paggamit ng perspektibang feminista, ito ang mas bibigyang

pansin nang sa gayon ay maisalaysay din ang papel ng kababaihan sa sinaunang lipunan batay sa mga

epiko.

Kahalagahan ng Epiko

Ang mga sinaunang epiko ay maaari rin nating tingnan at suriin upang magkaroon tayo ng ideya
hinggil sa naging papel ng kababaihan sa lipunan. Sa pangkalahatan, ang epiko ay isang anyo ng

tradisyong pasalita na nagsasalaysay ng buhay at pakikipagsapalaran ng bayani. Kagaya ng iba pang

tradisyong pasalita, ang epiko ay maaaring paghugutan ng mga konseptong umiiral at katangian ng

lipunan sa sinaunang panahon. Nagbibigay ito ng larawan hinggil sa mga kaisipan, paniniwala,

damdamin, layunin at mithiin ng lipunan sa isang partikular na yugto sa kasaysayan.

“Since folklore…provides a revealing picture of the people’s thoughts, beliefs, feelings,

goals and aspirations, it is not surprising to discover that history reinforces these accounts.” (Locsin-Nava

103)

Ayon kay E. Arsenio Manuel, may anim na katangian ang epiko: ito ay (1) mahabang salaysay; (2)

batay sa tradisyong pasalita; (3) umiinog sa mga di-pangkaraniwang pangyayari o mga kilos na

nagpapakita ng kabayanihan; (4) nasa anyo ng berso; (5) inaawit; (6) may seryosong layunin,

kumakatawan o tumitiyak sa mga paniniwala, pag-uugali, ideyal, o halagahin ng mga tao. “The folk epic
gains national and social significance from its lofty theme and seriousness

of purpose from the fact that it embodies the beliefs, customs, ideals or life-values of the people who
chant them. Quaint and interesting customs and beliefs portrayed in the epics are what makes them still

interesting reading for Filipinos of this generation.” (Eugenio, xxxviii)

Binanggit din sa mga kronika ang pagkakaroon ng mga epiko at kahalagahan ng mga ito para sa

mga katutubo.

“…since the natives are not acquainted with the art of writing, they preserve their

ancient lore through songs, which they sing in a very pleasant manner---commonly while playing their

oars, as they are island dwellers…

Also during their revelries, the singers who have good voices recite the exploits of olden

times; thus they always possess a knowledge of past events…” (Loarca 83)

Bagamat bihasa ang mga sinaunang Pilipino sa pagsusulat sa pamamagitan ng baybayin, mas

nakasanayan nilang gamitin ang tradisyong pasalita sa pagsasalaysay ng mga bagay na mahalaga sa

kanila. Isang mahalagang anyo ng tradisyong pasalita ang epiko. Sinasalamin ng mga epiko ang mga
partikular na tradisyon at paniniwala ng isang grupong etnolingguwistiko lalo na yaong may kinalaman

sa pagbubuntis, panganganak, panliligaw, pagpapakasal, pag-aalay ng bigay-kaya, paninilbihan,

pamamanhikan, gayundin sa mga usapin gaya ng paglilinis ng katawan, pagnganganga, pangangayaw,

mga pinaniniwalaang diyos, mga halagahin at konseptong umiiral sa lipunan, at maging ang usapin

hinggil sa katayuan at papel ng mga indibiduwal sa lipunan. Sa katunayan, ang epiko, kasama ang iba

pang tradisyong pasalita, ang paraan ng pagsasakasaysayan ng mga katutubo sa sinaunang panahon.

Sa mga epiko ay masasalamin ang pagsasalarawan sa bayani bilang mandirigma. Siya ay isang

lalaking matapang, matipuno, may di-pangkaraniwang lakas, may pakikipag-uganayan sa mga diyos, at

kadalasang nagtatagumpay o namamayani sa laban (Salazar 3-10). Gayunpaman, mababanaag din sa

ilang epiko at mito, lalo na sa Kabisayaan, ang lakas na ipinamalas ng kababaihan bilang mga diyosa o di

kaya’y bilang mga kapatid ng mga bidang lalaki na nagtagumpay dahil sa tulong ng mga babae.

Imahen ng Kababaihan sa Ilang Piling Epikong Pilipino

Narito ang ilang piling epikong Pilipino kung saan matutunghayan ang pagtutulungan ng bidang
lalaki at nang malalapit sa kanilang kababaihan (kapatid, asawa, pinsan, atbp.) na kaagapay nila sa

kanilang pagpupunyagi. Minarapat ng may-akda na pumili ng isang epiko mula sa Luzon (Ang Hudhud hi

Aliguyon ng mga Ifugao); isa mula sa Kabisayaan (Hinilawod I: Ang Epiko ni Labaw Donggon) at isa mula

sa Mindanao: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin ng mga Talaandig ng Bukidnon.“The folk
epic gains national and social significance from its lofty theme and seriousness

sa Mindanao: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin ng mga Talaandig ng Bukidnon.

You might also like