You are on page 1of 18

Definitely Filipino™

Facebook Twitter Google+


MAIN MENU Skip to content
MENU
ALAALA NG KAHAPON
Posted on April 22, 2012 by walakasingmagawa
18
SHARES
Share on Facebook
Share on Twitter
Subscribe to Posts

Sa pag- akyat ng bus habang patuloy itong umaandar nang mabagal, dinig ko ang litanya ng
konduktor na walang tigil na sinisigaw ang destinasyon ng bus.

At kasabay ng mabagal na pag-usad ng bus… magpapatuloy ang pang-apat at maaaring huling


parte ng kwentong ito…

***

Paulit-ulit ang kwento, pabalik-balik lang, masasayang alaala, mga kwentong

Reminiscing (Photo Credit: Racquealblogspot)


Reminiscing (Photo Credit: Racquealblogspot)
magbibigay ngiti sa ‘yong mga labi at mga alaalang maiisip mong… sayang… kung sana
maibabalik ko lang ang panahon…

Napakasarap balik-balikan ang mga alaala ng high school life…

Mga kwentong buong-buo mong mababalikan, dere-deretso, parang telenovela with no


commercial break.

***

Para sa akin madali lang naman ikwento ang mga pangyayari sa nakaraan, ang mahirap ay ang
balik-balikan ang mga ito sa utak mo, dahil sa pagbalik mo sa kwento ng nakaraan… kasabay ng
pagbalik ng masasayang alaala ay ang pagbulagang muli sa ‘yo ng mga kwentong pilit mo nang
kinalilimutan, ngunit hindi mo matatakasan.

Bakit ko nga ba ibinabahagi sa ‘yo ang aking nakaraan?… Siguro may tanong akong gustong
masagot… o dahil… gusto ko lang… na sa’yo naman kung gusto mo pang malaman… gusto ko
lang ipakilala ang aking sarili… nasa ‘yo na kung tatanggapin mo… paalala lang, hindi lahat ng
mababasa at nabasa mo ay totoo… hindi lahat ng kwento ay tunay na nangyari… ikaw na ang
bahalang humusga at umunawa… at bago ko pa makalimutan… maraming maraming salamat…

***

Bitbit ang lahat ng natutunan sa mababang paaralan (kung meron man), Susuungin ko ang buhay
sa mataas na paaralan.

High School (para sakin), ang pinakamasayang yugto ng pag-aaral, academically at physically. Sa
panahong ito ko naranasan ang pagiging tao, may utak… may puso… may body parts

Dito ko nakilala si ano…, at si ano… muling nakita si ano…

Masaya ang kwentong ito, pero lubhang nakakalito.

***

Ayoko ng ‘spotlight’, ayoko ng pinag-uusapan, hindi ko gustong tinatawag na matalino (wala


namang nagtangka!), pero mas ayoko ang tawagin akong ‘bobo’. Nag-aaral ako kapag gusto ko
lang… obligado tuwing exam! Hindi rin ako friendly, pero hindi naman ako palaaway… kaya ang
ending iba-iba ang ‘closed friend’ ko sa bawat level… Sila yung mga taong tinanggap ako bilang
‘ako’, deadma sa magulong takbo ng utak ko. Piniling magpaka-abnormal para sa isang autistic na
tulad ko.

Sa mataas na paaralang ito ko muling nakita ang anghel na dumedma sa beauty ko nung
elementarya ( si Crush). Wala namang nabago… crush ko sya, pero deadma ako sa kanya… tuloy
ang buhay… hindi naman ako mamamatay kung hindi nya ko ngingitian di ba?… hmmmp

Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong may hell sa ibabaw ng simbahan?

Maniwala ka!… hell… as in H, E, L, L…

Iyan ang room namin nung first year high school , agawan sa electric fan, papasok ka ng bagong
ligo at uuwi ka din ng bagong ligo!…. sa PAWIS!!!… Sobrang init pero sa kabila ng mainit
naming sitwasyon, ang seksyon namin ang itinuring na ‘overall champion’ sa palarong
basketball… taob lahat ng level!.. Sanay na kasing pagpawisan ang mga klasmeyts ko!

Tatlo ang room sa ibabaw ng simbahan: Una… ang tinatawag naming heaven … malamig dito
dahil may malalaking bintana (pero ayon sa isang bubwit… marami daw higad dito!), ikalawa..
ang purgatoryo… hindi na masyado malamig dito, pero hindi rin naman mainit, ikatlo ang sa amin
ang hell … sa araw-araw na may pasok, dumadaan kami sa heaven, lumalagpas sa purgatoryo at
nananatili sa hell… tsk tsk… hindi magandang pangitain di ba?
Dahil nasa catholic school, required sa amin ang umattend ng recollection, ‘attendance is a must’
ika nga.

First year… freshman… first time…

Isang buong araw ng pagninilay-nilay, nang pagkilala sa sarili at sa dakilang lumikha. Isa ito sa
araw na gumuho sa isang sagot ko sa tanong na… “Ano ang gusto mo paglaki mo?”…

“Pari po.”

Bawal nga yata magsinungaling ang pari… hindi man lang bumusina… bigla na lang hinagisan ng
bomba ang simbahan ko… wala pang sampung segundo… abo na ang pangarap ko! Hindi daw
ako pwede magpari dahil ” babae daw ako!”… (whaaa… discrimination yan father!!!)

Sa puntong iyon ng buhay ko, hindi lang pangarap ko ang nagiba, pati paniniwala ko na-uga.
Pakiramdam ko kasi, pinaasa n’ya lang ako , tapos iniwan ako sa ere. Sa isang banda, hindi naman
n’ya kasalanan kung hindi ako marunong magtanong di ba???

Kung noon ko pa isinigaw na pangarap ko magpari, siguro noon pa ko binato ng sagot na “hindi
pwede”, e di sana… hindi na ko umasa… hindi na ko nabigo.

Ok fine, no no no sa pagpapari. Ito kasi yung isa sa mga bagay na right there and then kailangan
tanggapin mo. May mga pangarap na kapag pinagsumikapan mo… pwedeng makuha mo, pero
hindi ito isa sa mga yun. Ito yung tipong kailangan mo mag move-on sa ayaw at sa gusto mo
period!

Sumilay ang bagong umaga… patuloy ang buhay… balik sa mainit na paaralan.

Freshman din ako nagsimulang magkainteres sa pagbabasa ng libro (non-academics?… ano ka


hilo?!), paano naman kasi, isa pala ang librarian sa pipirma sa clearance ko bago magbakasyon, at
requirement para sa pag-eenroll bilang sophomore. Hindi ako mahilig pumunta sa library ( bawal
kasi maingay dun!).

Tatlong linggo bago ang bakasyon, isang initiation rite ang pinagdaanan ko. Sampung pirma… oo
sampung pirma ng librarian sa library card ang kailangan ko, para mapirmahan ang clearance ko.

Tatlong linggo… at sa mga oras na yun… hindi ko pa alam ang itsura ng library card! ( anak ng
bookworm!!!)

Ang buong akala ko wala masyadong tao sa library, pero nung mga oras na yun… fiesta ang
library sa dami ng estudyane. Pasok sa loob… iginala ang mga mata… alin… alin… alin ang
kukunin kong libro?… Encyclopedia?… ‘wag na uy mabigat!… sige hanap…hanap at hanap…
yung manipis, kasya sa bag at higit sa lahat… magaan!. Napadpad ako sa shelves na may
nakasulat na novels… nakita si Nancy Drew, kumakaway at nagsasabing ” ako na, ako na, ako na
ang piiliin mo”… at yun na… si Nancy Drew ang bitbit ko pauwi sa bahay.

Pagdating sa bahay… sinubukang buksan ang libro, sinubukang basahin ang mga unang salita,
ang unang pahina, ikalawa… ikatlo… at hindi ko namalayan… tapos ko na.

Kinabukasan, pagpasok sa paaralan, ibinalik ko ang unang librong nabasa ko, kinuha ang
pangalawa libro para sa pangalawang pirma sa library card, at bago matapos ang tatlong linggo
may labindalawang pirma na ang library card ko… oo … labindalawa!… sinobrahan ko talaga
para hindi halata. ߙŠ
Totoo ngang may mga bagay na hindi mo maiisip na magugustuhan mo hanggang isang araw…
may isang babatok sayo, at pipilitin kang simulan!

***

Second year… Sophomore…

Wala na ang kamandag ng anghel na dumedma sa ‘kin. Kung sa unang pagkakataon sablay
pumana si kupido, ngayon… duling ata!

Hindi ko alam… marami namang pwedeng tamaan… bakit ako pa???!

Isang hapon, paglabas ko ng paaralan, isang announcement ang nakasulat sa isang board na
nakabalandra sa court sa labas ng eskwelahan… “Congratulation…. … …for… … …”, hindi ko
alam kung sa pangalan o kung sa pagkakasulat ng pangalan ako nabighani… “oo, pangalan
lang!”… walang picture, walang ibang detalye… walang kahit ano, at ang mas malupet…

pangalan ng babae yun!…

Ibang klase talaga!… adik yata si kupido, tumira ng katol at ako … ako… ako ang pinagtripan!!!.
At iyon na ang simula ng paghahanap ko sa nagmamay-ari ng mestiryosang pangalan. Dumating
pa nga sa puntong nilalapitan ko yung board at kinakausap “kailan kaya kita makikilala?”…

adik! .. adik! … adik talaga!

Hindi naman ganun kaseryoso yun… (promise!). Dahil sa kabila ng pagkahumaling sa


misteryosang pangalan, isa pang pana ni kupido ang sumagi sa puso ko ng wala manlang
paalam… ito ay laan para sa isang transfer student… lalake (daw)… matalino… mabait… at
syempre… hmmm… basta matalino.

Magkatabi ang silyang inuupuan namin, sya ang nasa kaliwa ko at pader naman ang nasa kanan
ko. Habang abala s’yang nakikinig at nakatitig sa titser, ako nama’y abala ding nakatitig… sa
KANYA! at hindi makapag konsentreyt sa sinasabi ng titser!.

Sa loob ng isang taong magkatabi kami, bihira kaming magkwentuhan. Hindi ko alam kung bakit,
pero sobrang lakas ng kaba ko kapag kinakausap n’ya ko, na rarattle at nabubulol sa pagsagot sa
simpleng tanong n’ya, nakukuryente sa tuwing magdidikit ang balat namin.

Minsan nga… break time… palabas s’ya ng room at papasok ako, tinanong n’ya ko… “kumain ka
na?”… simple lang naman sana ang sagot (hindi pa, sabay na tayo?), pero dahil isang dangkal at
kalahati lang ang pagitan namin at dibdib nya ang nasa harap ng mukha ko, tango lang ang
naisagot ko, sabay hakbang pakanan, deretso sa upuan ko… sa loob ‘yun ng limang segundo…
hayyy… kung tatagal pa kasi ako sa harap n’ya ng dalawang segundo… bibigay na ang tuhod ko!

Minsan pa nga sinubukan kong tumingin sa mata n’ya habang kinakausap ako… juice ko pong
pineapple!!! sa sobrang lakas ng kalabog ng puso ko, akala ko, iiwan na ko nito… at tatalon
papunta sa kanya!.

Kaya, kesa naman mas lalo akong mag mukhang tanga sa paningin n’ya, nakuntento na lang ako
na titigan sya, habang abala s’yang nakatitig… sa iba.

Academically… hindi pa rin naman ako nag excel (malabo pa yun sa mata mo!), pero in fairness,
doble effort ako sa pag-aaral, kasi naman di ba… mukha na nga akong tanga sa harap n’ya,
syempre hindi ko na hahayaang maging ‘bobo’ sa paningin n’ya. Isa pa ,bukod sa kanya pader ang
katabi ko, wala akong pwedeng kopyahan kundi ang kodigo sa utak ko…

Hindi ko maintindihan, pero para s’yang ‘yelo’… malamig at nakakapanginig!!!

Siyangapala, bago ko makalimutan… sa part 1, nasabi kong isang bata ang sana’y nagpahaba ng
kwento ng pagiging kinder ko… “oo”.. wala ng iba, si ICE (yelo… you know?) ang lalaking iyon.
Isang hapon kasi. habang pinipigil ang kaba sa dibdib, habang nakikipag-usap sa kanya, sinabi
n’yang magkaklase kami nung kinder, syempre hindi ko na yun matandaan, kaya bilang pruweba
ipinakita n’ya sakin ang classpicture namin nung kinder… ang best part… magkatabi kami… =)
(yahung yahoooo!!!)

***

Third year… Junior… ang masayang parte ng pagiging high school… bukod kasi sa kabisado mo
na ang pasikot-sikot ng eskwelahan, pati ugali ng mga guro, guard, janitor at pati mga tauhan sa
canteen… ay kilala ka din nila! Mas malaya ka nang makaikot sa buong campus.

Hindi mo kailangan maging sikat para kilalanin kang Junior, base lang sa kulay ng ID mo, kahit
ikaw pa ang pinaka raw four o pinaka mahiyain sa eskwelahan, siguradong mararamdaman mo
ang paggalang ng mga lower level…

Hindi ko na kaklase si Ice, kaya mas malaya na kong pagmasdan s’ya ng malayo sa kanyang
malamig na presensya… kasabay n’yan ang mas malaya kong paghahanap sa babaeng nagmamay-
ari ng misteryosang pangalan na itatago natin sa pangalang ‘Mysterya’.
Eleksyon para sa SC (Student Council) nang muli kong mabasa ang pangalan ni Mysterya,
tumatakbo s’ya bilang Presidente ng SC (magkapartido sila ni Ice)…

Hindi na mahirap para sa’kin na makita s’ya dahil kusa n’yang ipinakilala ang sarili n’ya ng
minsang mangampanya sila sa loob ng klasrum namin.

Sa kabutihang palad… nanalo naman sila…

Halos araw-araw nagpapadala ako ng sulat, tula o simpleng note, sa SCO ( Student Council
Office), para kay Mysterya. Hindi ko alam kung binasa n’ya ang mga yun, pero umasa akong
sana… sana lang… kung sakaling nabasa n’ya… ay napangiti ko s’ya…

Nagtago ako sa kodang “AKO”. Hanggang ngayon hindi n’ya alam na ako si ‘Ako’, at kung
sakaling mabasa n’ya ang akdang ito… sana… sana lang ulit… ay hindi s’ya magalit.

Hindi ako sigurado sa kung anong magiging reaksyon ni Mysterya kapag nabasa n’ya ang
kwentong ito, anu’t ano man, sa wakas masasagot na rin ang tanong n’ya kung paanong ang isang
Junior ay nagpumilit makipagkilala at makipagkaibigan sa isang Senior na tulad n’ya…

Hindi ako mahilig sumama sa mga camping ( wala na kasi ang ROTC nung panahon namin at Girl
Scout at Boy Scout ang ipinalit, at bahagi ng pagiging GS/BS ang pag-attend sa camping pero
hindi naman compulsary). Nang malaman ko na isa si Mysterya sa magiging bantay sa mga
sasama, kinumbinsi ko ang dalawa kong kaibigan ( ang dalawang taong tumanggap sa pagkatao
ko ng buong-buo, no if, no buts, pero with reservation…) na sumama sa camping. Nagpakumbinsi
naman sila at kinunsinti ang out of this world nilang friendship.

Sa unang gabi ng camping, habang ang lahat ay naghahanda na para sa pagtulog, abala ako sa
paghahanap sa gate na babantayan ni Mysterya… hindi naman ako nahirapan… hila-hila ang
dalawang kunsintidor, tinungo namin si Mysterya… nagsimula sa “Hi, di ba ikaw yung presidente
ng Student Council?” (as if naman hindi ko pa alam di ba?!!! para-paraan!), magalang naman
s’yang sumagot ng “oo, balik na kayo sa kwarto n’yo, bawal na kayo dito sa labas…” (hindi
naman n’ya kami tinataboy di ba?)… deadma ako at ipinagpilitan kong ipinakilala ang sarili ko,
kunwari wala akong narinig… Wala na s’yang nagawa kaya nakipagkwentuhan na rin s’ya sa
amin… at nang mabusog na ang puso ko sa mga ngiti at boses n’ya… nagpaalam na rin kami at
bumalik sa aming lungga…

Sana… hindi nya isiping niloko ko s’ya… dahil sa bawat oras, panahon na nakasama at pinilit
makasama s’ya, kahit papaano, naging totoo naman ako sa kanya… natakot lang naman akong
sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil baka iwasan n’ya ko…

At dahil sa takot na yun, kinailangan kong ipakilala sa kanya si Ice bilang ‘ang lalaking tinitibok
ng aking puso!’… hindi naman ako nagsinungaling di ba???

***
Foundation Day:

Kasali ako sa volleyball team ng section namin (promise! hindi nga lang halata).

Magsisimula na sana ang laro namin nang biglang mag-announce si Titser/DJ na itigil daw muna
ang kahit anong ginagawa namin… syempre, dahil inakala naman naming importante ang
sasabihin n’ya, sandali kaming tumigil at nakinig…

Gamit ang mikropono, hinanap n’ya si Ice, at sinabing makinig s’yang mabuti dahil para sa kanya
ang mensaheng kanyang babasahin…nakasulat sa isang pirasong papel… nagsimulang basahin ni
titser/DJ ang mensahe….

“Dear Ice, … Mayro’n akong nais malaman…maaari bang magtanong?, alam mo bang matagal na
kitang iniibig?, matagal na akong naghihintay… Ngunit mayron ka nang ibang minamahal kaya’t
ako’y di mo pinapansin.

Kung ako ay iyong iibigin, di kailangan ang mangamba pagkat ako ay para mong alipin, Sa’yo
lang wala ng iba. Ngunit mayro’n ka ng ibang minamahal, kung kaya’t ako’y di mo pinapansin,
ngunit ganon pa man nais kong malaman mo ang puso kong ito’y para lang sa ‘yo….
nagmamahal, sixteen”

Huli na nang malaman ni Titser/Dj na kanta pala ni Ogie Alcasid ang binasa n’ya… (sayang nag-
effort pa naman s’ya ng bonggang-bongga!)

Kantyawan, hiyawan… at nasaan ako???… nasa gitna ng court… pinipilit ngumiti… naiihi…
kinakabahan… at taimtim na nananalanging huwag ipagkanulo ng mga kaibigan… sa itsura kasi
ni Ice, sa kabila ng ngiti sa kanyang labi, mukang ibabaon n’ya six feet under the ground ang kung
sino mang lamang-lupa ang gumawa nun sa kanya!… Dininig naman ang aking dasal at walang
sumigaw na ako ang salarin… hayyyy!!!

Natapos ang laro namin at natalo kami ( bad trip)… pero naging daan yun para yakapin ako ni
Mysterya at sabihing “Ok lang yan, nice game”… (parang nanalo na rin ako!!!)

PROM… ang huling araw ng Foundation Day.

Ito ang una at huling JS Prom na pagsasaluhan namin ni Mysterya. Kaya ang goal ko… maisayaw
s’ya!

Naghihintay sa hindi dumarating na pagkakataon, nagrerehears sa mga linyang hindi ko alam kung
paano ibabato…biglang nag-announce ang DJ na huling set na daw ng kanta ang patutugtugin
nila… Bitbit ang lahat ng lakas ng loob at kapal ng mukha, tinungo ko ang lugar na kinauupuan
n’ya, sabay sabi ng “sayaw tayo…”.
Hindi naman n’ya ko binigo, tinungo namin ang dance floor na apat na hakbang lang naman ang
layo. Pero dahil huling set na ng kanta ang patutugtugin halos lahat ng estudyante nasa dance floor
na ata… “sweet ang gusto kong tugtog Mr. DJ!!!”… deadma, disco ang nakasalang… matapos
ang unang kanta, naalala ko hindi nga pala ako marunong sumayaw!, kaya nagpa-alam at
nagpasalamat na ko sa kanya.

Nang matapos ang huling tugtog sa saliw ng bayang magiliw…este…lupang hinirang pala…
hinanap ko si Mysterya para magpakuha sana ng litrato kasama s’ya. Wala na yata s’ya, kaya ng
mapansin kong nakakalat si Ice, s’ya na ang hinila ko… 1…2…3… smiiiillle… (in fairness nung
madevelop naka-ngiti naman s’ya… pero… mukha akong bakla!!! whaaa…)

Fourth Year… Senior…

Medyo malungkot na ang simula ng senior ko dahil wala na dun ang ‘Mysterya’ ng buhay ko.
Pana-panahon pa rin naman s’yang dumadalaw sa eskwelahan… hindi naman kami ang dinadalaw
n’ya… kaya pana-panahon din kaming nagmemeryenda at kumakain ng ‘snowball’ (crushed ice
na kulay pula at matamis) sa tindahang malapit sa bahay n’ya(Misterya)… para madalaw s’ya!!!

Maraming pangyayari ang naganap sa yugtong ito ng buhay ko, akala ko nga hindi na ako
makakagraduate…

Sa kalagitnaan ng school year naisipang magpakasal ng adviser namin, kaya kinailangan n’yang
magpalit ng apelido…(take two)… kinailangan n’yang iwan kami sa ere at mag-leave…

Isang galing sa ibang planeta ang pumalit sa kanya bilang adviser ng section namin at guro na rin
sa Filipino. Hindi ako sigurado kung mabait talaga s’ya o nagbabait-baitan lang dahil bago s’ya sa
paaralang iyon.

Pinili n’yang mapalapit sa’min sa maling paraan…

Isang makasaysayang hapon ang bumago sa takbo ng buhay ko bilang isang mag-aaral… kung
dati rati bahay-eskwelahan(classroom/canteen) lang… naging, bahay-eskwelahan (classroom-
canteen at PRINCIPALS OFFICE!!!)

Hindi lang isa o dalawang beses akong pinatawag sa Principals Office para paulit-ulit na pasagutin
sa pare-parehas na tanong, para paulit-ulit na isalaysay ang pangyayaring gusto ng kalimutan ng
utak ko!…..

“Pauwi na po ako ng bahay nang tawagin nila ako para sagutan ang isang test paper na binigay ng
bago naming adviser (tunay na test paper yun na lalabas sa exam namin bukas!) blah…blah …
blah”.
Matapos naming sagutan ang test paper at makumbinsi ang sarili namin na tama na ang mga
sagot… next level na… ang ipamahagi ang mga sagot sa aming mga kamag-aral…

Ang usapan sa section lang namin ipapakalat ang sagot at dapat kabisaduhin ang sagot para
walang physical evidence!!!… Malupet na sana ang plano… kung lahat sumunod!… ang kaso
(KASO TALAGA!!!)… nahuli ang kodigo sa ibang section!!!.

Self preservation… ika nga! kaya ikinanta ng nahulihan kung kanino n’ya nakuha ang kodigo
hanggang makabuo na sila ng isang buong orkestra!

Self preservation… kaya nang ikanta kami ng mga sintunado… itinula ko ang aking nobela…

Pwede daw kaming ma-expell dahil sa ginawa namin… hindi ko pa masyado ramdam ang bigat
ng nagawa namin, hanggang sa ipatawag ang aming mga magulang…

Tripleng kahihiyan ang nararamdaman ko habang kinakausap ng diciplinarian ang aking ina…
kung pwede lang na lamunin na lang ako ng lupa at huwag ng iluwa!

Nagkaroon ng maraming hearing, pana-panahon sa gitna ng klase biglang may susulpot na


mensahero at isa-isang ipapatawag kaming mga nasasakdal…

Nang matapos ang deliberasyon ng mga taga-hatol, ibinaba na ang kanilang desisyon… sa unang
pagkakataon, ipinatawag kami ng sabay-sabay sa Principals Office…

Inihalintulad nila kami sa manok at ang adviser na nagbigay ng test paper ang palay… palay na
daw ang lumapit sa manok kaya natural na tukain… in other words… ligtas na kami… mananatali
kami sa paaralan… ngunit hindi ang palay… kinailangan n’yang lisanin ang eskwelahang hindi
manlang ata n’ya nalibot…

Pinagbayaran din naman namin ang aming kasalanan sa pinakamaliit na paraan… itlog kami sa
exam na yun!!!… Bawi na lang sa periodical exam…

In fairness… itim na tinta pa rin naman ang naisulat sa class record ko para sa grading period na
yun!.. ngunit hindi nun matatabunan ang isang panget na karanasan…

Dahil sa pangyayaring iyon, isinilang ang bago at pangatlo naming adviser, hindi na sya galing sa
ibang eskwelahan, (natakot na yata si Madam Principal), matagal na rin s’yang nagtuturo sa sa
paaralan na ‘yon. Sa kabutihang palad s’ya na rin ang naging huling adviser ng section namin.

Sa huling pagkakataon… naging klasmeyt ko ulit ang aking knight ang shining armor nung grade
VI… deadma lang… hindi na s’ya ang bumubuo ng araw ko, pero pana-panahon pa rin naman
n’ya kong napapangiti… lalo na kapag naaalala ko ang araw na iligtas n’ya ang isang bubwit sa
isang mabagsik na leon.
Isang tao na lang ang nagpapakumpleto ng araw ko, si… Ice, ang dahilan kung bakit napipilit ko
pa rin ang sarili ko na magpabalik-balik sa eskwelahan… s’ya ang nagpapakumpleto, pero hindi
s’ya ang kabuan ng araw ko!….. Syempre ang mga kaibigan ko pa rin ang bumubuo ng araw ko.
Walang kwenta ang tuwa at kilig kung wala ang mga kaibigan kong walang sawang nakikinig sa
paulit-ulit kong kwento. Mga kaibigang nand’yan sa lungkot at ligaya… sa hirap at ginhawa!

***

Kung nung Freshman hanggang Junior, isang araw na recollection lang ang pinagdadaanan namin,
sa Senior… tatlong araw na!, hindi na recollection… Retreat na! mahahaba na daw kasi ang mga
sungay namin at sumusulpot na pati buntot!

Ang seksyon namin ang pinaka-unang ipinadala sa retreat house, sa isang semenaryo sa kahabaan
ng EDSA. Kami yata kasi ang pinaka suwail na seksyon sa buong senior level, kami lang kasi ang
nagkaroon ng tatlong adviser, nagpatanggal na isang bagong saltang guro, mastermind sa usapin
ng leackage, at may kaklaseng hindi na namin makakasabay sa pag-akyat ng entablado dahil sa
usapin ng ipinagbabawal na gamot, hindi tulad namin na naihambing sa ‘manok’ kaya nabigyan ng
ikalawang pagkakataon, expulsion ang iginawad sa katabi kong paslit.

Sinubukan ng mga hindi organisadong mag-aaral na isalba sila, nagpakalat ng signature campaign,
ilang buwan na lang kasi… graduation na!, Ngunit hindi narinig ang boses ng mga kabataan,
nanaig ang hustisyang alam at batas na sinusunod ng mga taong simbahan na nagpapatakbo ng
paaralan.

(Balik tayo sa retreat house)…

Pagdating sa retreat house, sinalubong kami ng masasayang ngiti ng mga facilitator… tapos
hinoldap kami!… ilabas daw namin ang lahat ng bagay na maaring makapagbigay ng oras…
kinulekta ang mga relo, alarm clock at kung ano-ano pa, kung pwede lang nilang itago ang araw,
siguro ginawa na nila… at dahil hindi pwedeng itago ang araw… kami ang ikinulong nila…
walang outdoor activity kapag nakangiti ang haring araw!

Kakain kami sa oras na gusto nila kaming pakainin, ang matitirang pagkain ay ihahaing muli sa
susunod na kainan sa anyo naman ng ibang putahe, pero halata pa rin!. Marami daw kasing mga
batang hindi kumakain… kaya naisip namin na para hindi kami hainan ng “recycle food”
kailangang ubusin ang nakahain!!!… marami pa ring tira!!!

Puro sadista yata ang mga facilitator na napunta sa amin, wala silang awa, wala silang ginawa
kundi paiyakin kami, ang goal yata ng bawat speaker ay ubusin ang lahat ng tubig sa aming
katawan!

Ngunit sa bawat pag-iyak, lumuluwag ang aming paghinga, ang bawat butil ng luha ay tila blade
na humihiwa sa mga taling nakabalot sa aming isip, parang asido na tumutunaw sa galit sa aming
puso… nagreresulta sa pagkakaroon ng mas malawak na pang-unawa, ng mas malayang puso na
handang tumanggap at magpatawad, magmahal at umintindi.

Dumarating sa puntong parang wala ka ng mailuluha, ngunit ang bawat salita ay parang bombang
pilit na tumatagos sa’yong puso, duon sasabog at dudurugin ang buo mong pagkatao na
magreresulta sa pag-buo mo sa bagong ‘ikaw’… mas malaya… mas may malinaw at bagong pag-
asa… mas malakas para humarap sa bawat bukas at pagsubok, dahil alam mo ng hindi ka nag-iisa!

Matapos ang tatlong araw, nagbalik kami sa paaralan na tikom ang bibig sa kung ano mang
naganap sa retreat house, bawal daw kasing malaman ng mga hindi pa nakakapunta.

Ilang araw matapos makarating at makabalik ang bawat seksyon sa retreat, dumalaw sa amin ang
mga ‘sadistang facilitator’ (joke..joke..joke!)… masasayang kwentuhan na natuloy sa mas
mahabang pagkikipagkaibigan… pangarap ko kasing magkaroon ng kuya, at dahil biologically
speaking hindi na ‘yon pwede , marahil ‘sila’ ang ibinigay ng maykapal… kapalit siguro ng
gumuho kong pangarap nung freshman.

***

Sa retreat nasabi ni kuya Nazir … “kapag nagmahal ka, dapat handa ka masaktan”… naisip ko …
sana, kapag wala kang karapatan, huwag mo na lang maramdaman!

Ganun ba talaga?, kapag minahal mo ang isang tao binibigyan mo na rin s’ya ng karapatan para
saktan ka?!?

May girlfriend na daw si Ice…alam ko wala akong karapatan… pero… masakit kaya!!!…
pakiramdam ko idiin ni kupido ang pana sa puso ko. Pilit kong isinasaksak sa isip ko na wala
akong karapatan, pero sa pagkakataong ‘yun, hindi yata kinikilala ng utak ko ang patakaran sa
pagkakaroon ng karapatan… desidido s’yang iparamdam sa akin ang sakin sa tuwing
makakasalubong ko silang magkahawak -kamay, sa tuwing makikitang masaya s’ya kasama ang
babaeng pinili n’yang mahalin!

Huminto ba ang tibok ng puso ko???

Sana… sana huminto na lang… kaso hindi… patuloy pa rin itong tumitibok at nasasaktan. Naisip
ko, kung sinabi ko kaya sa kanya ang nararamdaman ko, ako kaya ang kasama n’ya? kamay ko
kaya ang hawak-hawak n’ya?… paulit-ulit din ang sagot sa utak ko… “hindi siguro”… hindi nga
yata n’ya alam na estudyante pa rin ako sa paaralang iyon…

***

Foundation Week… nanaman… wala ako masyado maalala… nagkulong lang yata ako sa loob ng
room para hindi ko makita si Ice, o kaya nakakalat lang ako kung saan saan… sa lugar na hindi
ako masyado masasaktan…
JS Prom… as usual… ang huling araw ng foundation week… kung hindi lang ako na-assign sa
food committee (mukha daw kasi akong katulong) ng seksyon namin baka hindi na ako
nagpunta… pero sa isang banda ayoko rin namang makinig na lang sa kwentuhan nila tungkol sa
nangyari sa prom at pagsisihan ko sa huli!. Malay ko… malay ko lang.. iabot sakin ng langit ang
pagkakataong maisayaw s’ya… kaso hindi yata talaga inaabot lang iyon, ginagawan iyon ng
sariling pagkakataon… muntikan na kong maglatag ng banig… kaya nang iannounce ng DJ na
huling kanta na ang patutugtugin nila, pakiramdam ko singkwenta anyos na ko!

Dahil graduating na… mas maaga kami kumuha ng final exam, at ang mga sumunod at nalalabing
araw namin sa paaralan ay ginugol para sa pagpapraktis ng martsa sa loob ng simbahan… “oo” sa
loob ulit ng simbahan,( ito rin ang simbahang pinagdausan ng graduation ko nung kinder),
gaganapin ang pinaka makasaysayang graduation sa buhay ko.

Habang pinabibilis ng mundo ang pag-ikot nito sa araw para sa itinakdang pagtatapos, pilit ko
namang inaapakan ang preno ng buhay… Ngunit sadyang ‘di papipigil ang naghihintay na
katapusan!

Dalawa ang naging validictorian sa batch namin, at sa totoong buhay, masaya na silang nagsasama
bilang mag-asawa ngayon…

Ni-lipsing ko ang Alma Matter hym, dahil na rin sa boses ipis daw ako sabi ng isang titser ko…
hindi ako isa sa umiyak ng kantahin ang “Minsan” ng Eraserheads… lumilipad na ang utak ko ng
banggitin ng Principal ang mga katagang “… I now declare you the graduates of…” nagliparan
ang graduation cap kahit na pinagbawalan na kaming gawin iyon!, nagulat pa ko ng muntik ako
tamaan ng graduation cap ng katabi ko, dun lang ulit nakabalik ang utak ko sa ulo ko, huli man
daw at magaling… huli pa rin… inihagis ko din sa ere ang graduation cap ko… muntik ko pang
hindi masalo!

Iyon ang huling araw na nakita ko si Ice, huling araw na nakita ko s’ya ng personal…

Personal kasi pana-panahon ko s’yang nikikita sa aking mga panaginip, bahagi ng mga gabing
hindi ko iniisip na darating… Minsan naisip ko baka may malubha s’yang sakit o kaya baka…
baka… baka kinuha na s’ya ni Lord (katok katok sa kahoy!!!)… Hindi naman pala… nito lang
nakita ko na buhay na buhay naman s’ya , malakas at masaya (sa isang networking site)… salamat
naman… ߙŠ
***

At sa walang hanggang pagtatapos ay ang wala ding hanggang pagsisimula…

College…

Sa unang taon ko sa Unibersidad na aking pinasukan, maniniwala wala ka bang Deans Lister (DL)
ako?! (…ako din hindi eh!), sa first sem ng kursong hindi ko naman talaga gustong kunin… late
enrollee kasi ako at ang kursong iyon na lang ang bukas para sa mga nag-eenroll…
Sa una, natutuwa lang akong mabasa ang pangalan ko sa board ng DL, hindi naman kasi ako
naniniwalang ako yun! Pero makalipas ang dalawang linggo ng second sem, napilit na rin ako ng
mga kaibigan ko ng alamin na kung ako nga ba ang nagmamay-ari ng pangalang iyon…

Pagpasok namin sa bukas na opisina, isang maganda, maputi, hanggang baywang ang buhok na
parang pinarebond pa, ang lumapit samin, at nag tanong kung anong sadya namin duon… parang
gusto ko nang umatras at tumakbo palabas ng pinto, ayoko mapahiya… bahala na… kahit
kinakabahan, palabiro kong tinanong ang babae ng “miss, yun po bang mga pangalang nakapaskil
sa labas, mga pumasok ba talaga yun sa DL?, o pangalan yun ng wanted dito sa Unibersidad?”…
ngumiti sya at lumitaw ang puti at pantay-pantay n’yang ngipin… may dimple din pala sya sa
kaliwang pisngi, sabay tanong ng “bakit?”… lalo tuloy lumakas ang tibok ng puso ko!!!…
sumagot naman ako ng “kapangalan ko yata kasi yung isa dun…:)”… madali naman n’yang na-
pickup ang gusto kong sabihin… hiniram n’ya ang ID ko, dahan-dahan ko namang inabot yun sa
malambot n’yang kamay… sandali lang daw at titignan n’ya… sa isip ko “kahit tagalan mo
pa!”… ibinalik ng magandang babae ang ID ko kasama ng isang long brown enveloped…
syempre alam na!!!… wala na ngang iba… ako na nga!… nakahinga na ko ng maluwag…
nagpasalamat na kami sa kanya at sa sobrang saya nakalimutan kong tinititigan ko nga pala sya…
pag-labas ng office, dumiretso ako sa deans office at nagpa-upgrade ng kurso, tinanggap naman ng
dean…

Tatlo kaming laging magkakasama sa kahit saan at kahit ano (Ako, si Edna at si Dina)…
nagparegister kami sa iba’t-ibang organisasyon na kahit yata minsan wala kaming dinaluhang
pagpupulong.

Sa ikalawang taon sa Unibersidad, sumali kami sa isang organisanyong hindi ligal na kinikilala ng
unibersidad, kaya illegal kaming nag-oorganisa ng mga estudyante, nakikipaglaban para sa
kapakanan ng mga guro at kapwa mag-aaral, sa loob at labas ng unibersidad.

Naranasan ko ring makipamuhay sa picket line ng mga simpleng manggagawang pilit na


nakikipaglaban para sa kanilang simpleng mga karapatan.

Hindi ko malilimutan ng minsan, sa isang picket line ng isang eliganteng hotel sa Maynila, habang
ang ilang manggagawa ay nagpapahinga, at ang iba nama’y matiwasay na nagpapahayang ng
kanilang mga saloobin, bigla kaming pinaulanan ng mga batong nanggagaling sa hindi ko
masabing parte ng hotel, madilim kasi, pero napakaraming bato, buti na lang at nakatakbo kami,
basag ang mga salamin ng mga nananahimik na kotseng nakaparada duon… matapos ang higit sa
sampung minutong unos, maingay ang paligid sa tunog ng alarm ng mga sasakyang nayanig sa
pangyayari, marami rin sa manggagawa at kabataang nanduon ang nasaktan at isinakay sa
ambulansyang mabuti na lang na napadaan duon, hindi naman ako nasaktan o nagalusan man
lang… mabuti na lang…

Nakisali at nakisama rin ako sa mga rally sa tapat ng Malacanang, sa Mendiola, sa Senado, at sa
US Embassy… May picture na rin ako na nalathala sa ilang sikat na dyaryo, hindi mo nga lang
masasabing ako yun dahil may suot kaming maskara… Nakinig… Nag-aral… Namulat…

Sa kabila ng extra activities ko sa loob at labas ng Unibersidad, hindi ko naman gaanong


napabayaan ang aking mga grado, sa katunayan… Sa ikatlong taon ko sa Unibersidad, ay pinasok
ko na ang pulitika… tumakbo kami ni Edna bilang CSG o College Student Goverment… nag-
room to room, nagpakilala, naglatag ng plataporma, sumagot sa mga tanong ng mga estudyanteng
sumusubok sa aming kakayanan at talas ng dila…Nagkalat ang mga pangalan namin sa bawat
sulok ng Unibersidad… gabi-gabing puyat, miting dito miting duon, plano…plano…plano…
gawa… gawa…gawa…

Dumating ang araw ng paghuhukom… eleksyon day!!!…

Matapos ang ilang oras na paghihintay… na parang ilang taon… maliwanag ang araw na sumikat
sa amin ni Edna… ikatlo ako sa nakakuha ng may pinakamataas na boto… hindi ako
makapaniwala… SALAMAT sa lahat ng nagtiwala!

Sa kabuuan… sa Minority Group napunta ang partidong (KAMAO) aking kinabibilangan,


nakakatuwang isipin na ako…ako…ako ang ibinoto ng mga kapartido ko para tumayong Minority
Leader nila…

Nakakatuwa… nakakatawa… wala naman kasi akong alam… si Edna… oo… si Edna, s’ya talaga
ang dahilan ng lahat ng yan!… ang pagkikilahok ko sa eleksyon… ang pagkakamulat ko sa
mundong kinabibilangan ng mga lumalabang mag-aaral, manggagawa, guro, maralita, ang
lumalabang masa upang patuloy na protektahan ang ating mga karapatan!

Sa pang-apat na taon… hindi na ‘ko estudyante ng Unibersidad… hindi na rin estudyante ng


kilusan… May mga tanong sa parteng ito ng buhay ko na wala pa ring sagot mga pangyayaring
maaring hindi n’yo na malaman…

Enrollment nuon nang mapatunayan kong isang linggo na akong buntis… pinili ko ang siyam na
buwang kurso ng pagdadalang-tao, may siguradong diploma! … Sabi ng tatay ko matalino daw
ako pero bobo (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)…

Hindi ko naisip na pwede ko naman palang pagsabayin… hindi ko naisip… hindi ako nag-isip…
kaya hindi ko nagawa…

Hindi na ko nakabalik sa Unibersidad, pero kumuha ako ng alternative/vocational course…


Iridology… pero nung mamatay ang isa sa naging pasyente ko, hindi na ulit ako sumilip ng mata!
… hindi ko naman daw kasalanan yun (alam ko naman yun!) pero natakot na siguro ako!

Hinarap ko na ang buhay may-asawa, biniyayaan ng dalawang makukulit na supling… masaya…


mahirap… pero di ba… hindi naman na babalik ang kahapon… ngunit magpapatuloy ang
ngayon… para sa naghihintay na bukas!!!
At sa bawat bukas na darating… ang bawat ngayon… ay magiging ALAALA NG KAHAPON…

At tulad din ngayon, pasahero man akong matatawag sa sinasakyan kong bus… ako pa rin ang
magdedesisyon kung saan ako patungo at bababa… at sasabihing…

“Manong sa tabi na lang po…

Grabe po ang trapik!!!…

Salamat po”

***Katapusan***

[Read 5,019 times, 5 views today.]


About the Author

About walakasingmagawa

Ito ay mga Kwentong Nabubuo Sa Tuwing Maglalakbay Ang Diwa Ko. Itago mo ako sa
pangalang Aya, isa akong frustrated writer, nangangarap na maging bahagi ng industria ng
pagsusulat... someday... someday... Sa mga magkakainteres na magbasa ngayon pa lang Maraming
maraming SALAMAT!
Alaala ng Kahapon - April 22, 2012
Nasaan Ang Happily Ever After? - February 6, 2012
Ang Karelasyon Ay Parang Trabaho - February 5, 2012
18
SHARES
Share on Facebook
Share on Twitter
Subscribe to Posts
Posted in Family, HUMOR, Life in the Philippines, LIVING, MISCELLANEOUS | Tagged
alaala, Definitely Filipino, lessons in life, memories, reminiscing |

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent,
unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not
of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author walakasingmagawa
0 Comments |
POST NAVIGATION ← PREVIOUSNEXT →

BLOG SERYE – CLICK HERE FOR MORE


Fix You (Chapter 1)
Fix You Bwiset talaga. First day sa trabaho, badtrip agad. Late ako, five minutes. Kung ’di ba
naman kasi power tripping ang ulan, ngayong Lunes pa naisipang… ∞
Ang Babae sa Kabilang Upuan (Finale)
abku2 Biglaan ang uwi ni ate galing Singapore. Hindi na nagpasabi. Tinext lang ako ni ermats,
nasa ‘Gapo na daw siya, kagabi lang. Buti pinayagan ang… ∞
Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 29)
abku2 Magkatabi kaming nakaharap sa bintana ni Lyla. Siya na ang umorder ng pagkain. 1 piece
chicken, spaghetti at hot coffee sa’ken. Burger, fries at pineapple… ∞
Ang Babae sa Kabilang Upuan (Chapter 28)
abku2 Isang linggo makalipas, walang Tunyang sa opisina. Ni anino o amoy ng pabango, missing
in action. Absent, straight ng one week. Walang nakakalaam kung bakit.… ∞
Nasa “Poke” lang ang Lahat [Part 3] (New found Love sa FB series)
don bosco #AWalkToRemember Halos araw-araw pagkatapos ng una naming pagkikita ay sabay
na kaming nag didinner ni Koya. Bago mag Sabado ay tinanong nya ako kung ano… ∞
Nasa “POKE” lang ang Lahat [Part 2] (New found Love sa FB series)
Facebook image Eyeball Lunes, nakaluwas na ako ng Maynila. Patuloy pa din ang aming usapan
sa chat. Nangungulit si Koya na magkipag-meet. Nalaman kasi naming pareho kami… ∞
Nasa “POKE” lang ang Lahat [Part 1] (New found Love sa FB series)
poke Part 1 Linggo, mga alas-syete ng gabi. Inip na inip ako sa loob ng aking kwarto sa bahay
namin sa probinsya. Dalawang beses sa isang… ∞
ALL TIME POPULAR
Luho (An OFW Story)
Luho (An OFW Story)
by Shallom December 7, 2013 Abalang-abala kaming magpapamilya noon. Kadarating lang kasi
ng… (298,927)
Totoong Buhay sa Canada
Totoong Buhay sa Canada
by Racz Kelly March 15, 2014 Sa mga nagbabalak pumunta ng Canada, bago kayo… (278,596)
Ang Istorya Ng Babaeng Nimpo Maniac
Ang Istorya Ng Babaeng Nimpo Maniac
by Ip-yon July 6, 2012 May nakilala ako'ng isang babae sa kalye ng… (239,578)
Minsan may Isang Puta (2007)
Minsan may Isang Puta (2007)
by Ms. Mike Portes September 9, 2013 Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw…
(235,304)
10 possible signs na HINDI ka pa nga talaga nakakamove-on
10 possible signs na HINDI ka pa nga talaga nakakamove-on
by Jared Richard Uy April 28, 2014 Tanggapin man natin o hindi, isa sa pinakamahirap…
(210,434)
Dear Senator Grace Poe (An Open Letter)
Dear Senator Grace Poe (An Open Letter)
by PirmaAtPluma August 29, 2014 Dear Senator Grace Poe, Noong una kong nakita… (199,763)
Remembering our Pinoy Stars Who Died Young
Remembering our Pinoy Stars Who Died Young
by The Social Scientist April 19, 2011 Here in the Philippines, there's nothing bigger than…
(188,728)
Ang Tatay kong Manghahalay (Ang Madilim na Bangungot ni Abby)
Ang Tatay kong Manghahalay (Ang Madilim na Bangungot ni…
by Bangsoverload August 19, 2012 Dahil nagka-sakit ako ng matindi noong nakaraang semestre,
… (185,215)
Top 10 Unforgettable Romantic Movie Lines (Pinoy Version)
Top 10 Unforgettable Romantic Movie Lines (Pinoy Version)
by Lui B. January 24, 2012 No date? Believe me, you don't need a… (184,044)
Dear Bong Revilla (An Open Letter)
Dear Bong Revilla (An Open Letter)
by PirmaAtPluma June 26, 2014 Dear Senator, Noong bata pa lang ako hanggang… (179,570)
POPULAR TODAY
Top 10 Unforgettable Romantic Movie Lines (Pinoy Version)
Top 10 Unforgettable Romantic Movie Lines (Pinoy Version)
by Lui B. January 24, 2012 No date? Believe me, you don't need a… (2,091)
COUPLE DREAM VACATION (TIPID TIPS) : BORACAY
COUPLE DREAM VACATION (TIPID TIPS) : BORACAY
by ZMe_serolod July 10, 2016 Hello guys! Share ko lang sa inyo ang… (345)
Noon at ngayon
Noon at ngayon
by Ragubalane August 28, 2011 Malayo na ang narating ng tao sa lahat… (345)
Kasaysayan ng Wika, Wika sa Kasaysayan
Kasaysayan ng Wika, Wika sa Kasaysayan
by Jacoblaneria August 19, 2011 Bago pa man napasailalim ang Pilipinas sa Imperyal… (209)
Pamilya (Ito Ang Aking Kuwento)
Pamilya (Ito Ang Aking Kuwento)
by Shallom December 18, 2013 Sa pamilya natin unang madarama ang pag-ibig. Ito… (189)
Ang Tatay kong Manghahalay (Ang Madilim na Bangungot ni Abby)
Ang Tatay kong Manghahalay (Ang Madilim na Bangungot ni…
by Bangsoverload August 19, 2012 Dahil nagka-sakit ako ng matindi noong nakaraang semestre,
… (189)
Mitolohiya II - Ang Alamat ng Huling Dragon (Isang Fiction)
Mitolohiya II – Ang Alamat ng Huling Dragon (Isang…
by Ragubalane December 17, 2014 Sa malawak na kabundukan ng Astera ay naninirahan… (151)
Ang Patok na Gamot sa Mabahong Putok
Ang Patok na Gamot sa Mabahong Putok
by Shallom March 26, 2014 Rush hour noon, kaya kahit alam kong standing… (149)
Mga Halamang Gamot (Part 2)
Mga Halamang Gamot (Part 2)
by Shallom February 24, 2013 Nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa ng… (126)
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy
A. Felipe (New Era Elementary School)
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang…
by RazelFilipino November 12, 2011 Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o… (119)
MOST POPULAR THIS MONTH
Totoong Buhay sa Canada
Totoong Buhay sa Canada
by Racz Kelly March 15, 2014 Sa mga nagbabalak pumunta ng Canada, bago kayo… (74,941)
Luho (An OFW Story)
Luho (An OFW Story)
by Shallom December 7, 2013 Abalang-abala kaming magpapamilya noon. Kadarating lang kasi
ng… (59,520)
Remembering our Pinoy Stars Who Died Young
Remembering our Pinoy Stars Who Died Young
by The Social Scientist April 19, 2011 Here in the Philippines, there's nothing bigger than…
(21,548)
Mitolohiya II - Ang Alamat ng Huling Dragon (Isang Fiction)
Mitolohiya II – Ang Alamat ng Huling Dragon (Isang…
by Ragubalane December 17, 2014 Sa malawak na kabundukan ng Astera ay naninirahan…
(20,176)
Ang Tatay kong Manghahalay (Ang Madilim na Bangungot ni Abby)
Ang Tatay kong Manghahalay (Ang Madilim na Bangungot ni…
by Bangsoverload August 19, 2012 Dahil nagka-sakit ako ng matindi noong nakaraang semestre,
… (14,181)
Ang Istorya Ng Babaeng Nimpo Maniac
Ang Istorya Ng Babaeng Nimpo Maniac
by Ip-yon July 6, 2012 May nakilala ako'ng isang babae sa kalye ng… (13,627)
10 possible signs na HINDI ka pa nga talaga nakakamove-on
10 possible signs na HINDI ka pa nga talaga nakakamove-on
by Jared Richard Uy April 28, 2014 Tanggapin man natin o hindi, isa sa pinakamahirap… (11,924)
Minsan may Isang Puta (2007)
Minsan may Isang Puta (2007)
by Ms. Mike Portes September 9, 2013 Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw… (9,867)
Noon at ngayon
Noon at ngayon
by Ragubalane August 28, 2011 Malayo na ang narating ng tao sa lahat… (8,606)
Mitolohiya I - Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena
Mitolohiya I – Ang Alamat ng Pagkawala ng mga Sirena
by Ragubalane November 25, 2014 Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si Neptuno.…
(8,391)
© DEFINITELY FILIPINO™
:)

You might also like