You are on page 1of 4

(Cherie Ann Nelmida)

Paris - sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod
ng mga Ilaw ay ibang-iba at nagkakaibaa sa bawat rehiyon. Magugunita na ang kultura ng
France ay naimpluwensiyahan ng Celtic, Gallo-Roman Culture, Franks, isang tribong German.
Ang France ay una nang tinawag na “Rhineland” subalit noong panahon ng Iron Age at Roman
Era ay tinawag na “Gaul”.
Habang ang malawak na pagkakaiba naghihiwalay sa mga lungsod at punong-lungsod, sa loob
ng nakalipas na 200 taon na digmaan—ang Digmaang Franco-Prussian, Unang Digmaang
Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig—nagkaroon ng magkaisang lakas.

(Atasha Nicole Marie Beraquit)


• French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba pang wika ang
mga rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay unang wika ng 88% ng populasyon
samantalang ito naman ang ikalawang wika ng mga tao rito na hindi French ang mother tongue
o unang wika.
Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng salitang German, nangingibabaw ito sa mga
probinsya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan,
Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.
Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at Basque na
ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.
Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the Celtic Language), Occitan dialects, at mga wika mula
sa dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole.

(Patricia Escleto at John Angelo Capile)


• Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France—tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay
Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan
mula sa hilagang Africa), Protestante, at Judaism.
(Patricia Escleto at John Angelo Capile)
• Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan at
karaniwang nagagalit kapag nakakarinig ng negatibong komento tungkol sa kanilang bansa. Ang
pag-uugaling ito ay itinuturing ng mga turista na kawalang-galang.
Ang ekspresiyong “chauvinism” ay nagmula sa France. Bagaman ang kababaihhan ay
gumaganap ng mahahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa rin ang naniniwalang
ang France ay male-dominated culture.
Niyayakap nila ang estilo ng sopistikasyon at ipinagmamalaki nilang mala-maharlika sila.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang pagkakapantay- pantay,
at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa: “Liberte, Egalite, Fraternite.” Marami ang nagsasabi
na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang
dalawang huling salita sa kanilang motto.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY > KALAYAAN AT PAGKAKAPATIRAN

(Desirey Burdago)
• Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming mga
pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay sa bawat oras
ng pagkain, at karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty baguettes na inuuwi sa bahay. Ang
keso ay mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.
Bagaman marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin ang nag-uugnay sa
kanilang lutuin sa malapot na sarsa at komplikadong paghahanda. Ang ilan sa matataas na uri
ng pagkain nila ay boeuf bourguignon—nilagang baka na kinulob sa red wine, beef broth at
nilagyan ng bawang, sibuyas at kabuta—at coq au vin, ulam na may manok, alak na Burgundy,
Jardons (maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms , sibuyas at maaari ring lagyan
ng bawang.

(Desirey Burdago)
• Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa
hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado kung
manumit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi sobra sa
dekorasyon (overly fussy), Ang karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga
bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot na sombrero.

(Angelo Avanceña)
• Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France—lalo na sa Paris at iba pang pangunahing
lungsod—at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic ay makikita sa
maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali.
Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si Pablo Picasso at
Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno
ng impressionism movement.
Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalaking museum at ang tahanan ng maramig
kilalang gawa ng sining, kasama na ang Mona Lisa at Venus de Milo.

(Angelo Avanceña)
• Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga Kristiyano tulad ng
Pasko at Mahal na Araw. Inaalala din nila ang May Day, kilala rin bilang tuwing Mayo 1 at Araw
ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa
Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing
Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang
masimulan na ang Rebolusyon sa France.

You might also like