You are on page 1of 2

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo’y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni

Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka’t siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga
kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng
isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata’y pinangalanang Durian, na ang gustong sabihi’y munting
tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng
labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-
kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay
nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan
ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya’y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim
ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay
natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito’y namulaklak at
namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati
ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay
malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito’y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang
tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang
kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito’y si Sangkalan. Sa huli’y siya ang naging datu. Kanyang
dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang
kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang
liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming
tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang
karunungan.

Noon di’y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni
Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di’y itinanghal na
bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at
ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama’y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.
ANG ALAMAT NG SAMPALOK

Noong araw ay may isang mayamang babaing ubod ng suwapang at masamang ugali. Ang pangalan
niya’y Felicidad. Donya Felicidad kung tawagin siya ng lahat.

Dahil sa kasamaan ng ugali ni Donya Felicidad, hindi niya pinagamot ang asawang may sakit. Ayaw
niyang mabawasan ang kanyang kayamanan. Namatay ang lalaki na hindi nabigyan ng remedyo.

Mula nang mamatay ang asawa ni Donya Felicidad ay lalo siyang nagging masama ang kanyang pag-
uugali. Pinalayas pa niya ang kanilang enkargadong si Regalado ‘pagkat’t nanghihinayang na siya sa
ibinabayad dito.

Isang araw, nag-ususap ang mga magsasaka sa pangunguna ni Regalado. Pinag-uusapan nila ang
kanilang kawawang buhay dahil kay Donya Felicidad. Nag-isip sila ng paraan kung paano maihaharap sa
donya ang kanilang reklamo.

Nalaman ni Donya Felicidad ang pag-uusap ng mga magsasaka. Nagalit ito ‘pagkat inisip na baka
masama na ang gustong gawin sa kanya ng mga magsasaka. Lalong nagging masama ang ugali ng Donya
at nang dumating ang anihan ay walang itinira sa mga magsasaka. Kinuha niya lahat ang mga inaning
bigas at sinabing iyon ay bayad sa mga utang sa kanya.

Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang na bigas para makain lamang ng
kanilang pamilya. Pero hindi naawa ang donya.

Dahil doon, naisipang umalis ng mga magsasaka sa lupa ni Donya Felicidad. Isang araw, may matandang
pulubing pumasok sa villa ng donya para humingi ng pagkain. Gayon na lamang ang galit ni Donya sa
utusang napapasok sa pulubi. “Ikaw, ano ang kailangan mo rito?”

“Ako po’y nagugutom at ibig ko lang pong manghingi ng kaunting pagkain, “ and sagot ng pulubi.

Kumuha ng kapirasong tinapay si Donya Felicidad at nang hawak na’y sinampal ang pulubing inalok.
“Hayan ang tinapay. Umalis ka na at uli-uli ay huwag mong dudumihan ng mga marurumi mong paa
tiong aking villa”

Hindi mo sa inirespeto ang katandaan ko,” ang galit na sabi ng pulubi. “Sinampal mo ako at saka inalok.”
At pagkasabi niyon ay umalis na ang pulubi na isinigaw ang salitang “Sampal-alok! Sampal-alok!

Parang nabingi si Donya Felicidad at walang malamang gawin. Nagtatakbo siyang pumanhik sa terasa ng
villa, at sa kanyang pagkalito ay nahulog. Noon din ay namatay ang may masamang ugaling babae.

Ang mga nangyaring iyon ay nalaman ng lahat ng mga tao. Inilibing nila ang donya sa isang lugar,
pagkatapos ay kinuha ang mga pagkain sa bodega at sinunog ang villa.

Makaraan ang ilang buwan, may tumubong punong kahoy sa pinaglibingan ng donya. Ang bunga ay
maasim katulad ng maasim na ugali ng donya. Tinawag nila itong “sampal-alok,” at di nagtagal, pinaikli
nila itong “sampalok”.

You might also like