You are on page 1of 13

Wika

isang bahagi ng pakikipagtalastasan

Mga estudyanteng nakikipagtalasan sa


pamamagitan ng paghaharap at paguusapan.
Isang lalaki at babaeng nakikipagugnayan sa
pamamagitan ng mga senyas ng kamay.

Ang cuneiform ang isa sa mga nalalamang


sinaunang anyo ng nakasulat ng wika.

Ang wika ay isang bahagi ng


pakikipagtalastasan na ginagamit araw-
araw. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Tinatayang nasa pagitan ng 6,000
hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang
pangahulugan sa "wika", o kung paano
ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.
Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay
tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang
salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila
ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding
salita ang wika. Katulad ng language -
tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang
salitang lengguwahe sa salitang lingua ng
Latin, na nangangahulugang "dila",
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha
ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak
nitong kahulugan - ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit
mas kadalasang mayroon.

Mga anyo ng wika

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang


paggamit ng mga salita o pagsasalita.
(Tingnan ang mga sining na pangwika).
Subalit kabilang din rito ang pagsusulat,
mga wikang pasenyas, larangan ng
musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw,
at maging ang matematika. "Wika" ang
lahat ng mga ito kung gagamitin ang
malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang
pagkakataon, tinatawag ding dila
(piguratibo), salita, diyalekto, o lingo
(sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-
gow, mula sa Ingles]) ang wika.[1]

Mga antas

Kabilang ang mga sumusunod sa mga


kaantasan ng wika:

Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika


na ginagamit ng mga kabataan sa
kanilang pang-araw-araw na pakikipag-
usap na kadalasang malayang
pinagsasama ang mga wikang Ingles at
Filipino
Kolokyalismong karaniwan - ginagamit
na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may talino - ginagamit
sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/Panlalawigan - wikang
ginagamit ng isang partikular na lugar o
pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) -
pinakamababang uri ng wikang
ginagamit ng tao, na nabuo sa
kagustuhan ng isang partikular na grupo
na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring
nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
Kolokyal/pambansa.
Pampanitikan/panitikan - wikang
sumusunod sa batas ng balarila at
retorika.

Mga Kagamitan
Ito ang pitong kagamitan ng wika:

Isang proseso ng pagpapalitan ng


impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo
ang komunikasyon. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang
pang-akademya kung saan pinag-
aaralan ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag
ng pangungusap. Madaling maunawaan
ang pangungusap kahit gaano pa
kahaba o ano man ang anyo nito.
Malinaw ito kaya madaling naiintindihan
ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan
nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang
tawag sa gawaing pangkaisipan upang
matugunan ang pakikipagugnayang
ginagamitan ng mga pananalita o mga
hudyat o senyas ng kamay, maaaring
kasabayan ng taong
nakikipagugnanayan, o matapos ang
bawat bahagi ng paglalahad ng taong
nakikipagugnayan. Nagaganap ang
pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa,
tatlo, o higit pang bilang ng mga
tagapagsalita o tagapaglahad na hindi
nakapagsasalita o nakasesenyas mula
sa pinagmumulang wika.

Kategorya ng paggamit ng wika

Ang dalawang kategorya ng paggamit ng


wika ay pormal at impormal o di-pormal.

Pormal
Ang pormal ay ang mga salitang istandard,
karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na mga nakapag-aral ng
wika. Ginagamit ito sa mga usapang
pormal. Narito ang mga uri nito:

1. Pambansa o karaniwan - mga


karaniwang salitang ginagamit sa
mga aklat pangwika o pambalarila
sa mga paaralan, gayundin sa
pamahalaan.
2. Pampanitikan o panretorika - mga
salitang ginagamit sa mga akdang
pampanitikan, karaniwang
matatayog, malalalim, makulay, at
masining.
Impormal o di-pormal

Ang impormal o di-pormal ay mga salitang


karaniwang palasak at madalas gamitin sa
pang-araw-araw na pakikipagusap.
Ginagamit ito sa mga hindi pormal na
usapan. Narito ang mga uri nito:

1. Lalawiganin - mga bokabularyong


diyalektal. Gamitin ito sa mga
partikular na pook o lalawigan
lamang.
2. Balbal - mga salitang nahango
lamang sa pagbabago o pag-usod
ng panahon, mga salitang nabuklat
sa lansangan.
3. Kolokyal - mga salitang ginagamit
sa mga pagkakataong inpormal.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o
higit pang salita ay mauuri rin sa
antas na ito.

Halimbawa:

mayroon=meron
ayaw ko= ayoko
nasaan=nasa'n
"Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]".
English, Leo James. Tagalog-English
Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles).
1990.

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Wika&oldid=1680010"

Last edited 5 month ago by WayKurat

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like