You are on page 1of 2

Bulan, Kristine Aubrey M.

Grade 11- ABM Erudite

1. Paghambingin ang una at ikalawang wika


1.1 Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at
unang itinuro sa isang tao.
 Tinatawag ding katutubong wika, mother tongue, arterial na wika
at kinakatawan din ng L1.
 Pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang
kanyang mga ideya, kaisipan at damdamin.
1.2 Ikalawang Wika alin mang wikang natutunan ng isang tao matapos
niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o
kanyang unang wika.
 Maaaring natutunan sa pamamagitan ng Sosyal Media, taga pag-
alaga, mga kalaro, kaklase o guro at iba pa.

2. Ano ang wikang pambansa, wikang panturo at opisyal na wika?


2.1 Wikang Pambansa ay ang wikang pagkakakilanlan ng isang bansa. Ito
ang wika ng politikal, kultural at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan, ito
ay nililinang upang maging wika ng pambansang pagkakaisa at
tungkulin nitong magsilbing pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito.
2.2 Wikang Panturo ay ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagturo at pag-aaral sa mga
paaralan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa
pagtuturo sa silid aralan.
2.3 Opisyal na Wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-
tanging istatus sa saligang batas ng bansa, mga estado, at iba pang
teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga
sangay ng bansa, bagama’t hinihiling din ng batas sa maraming bansa
na isalin din sa ibang wika ang dokumento ng gobyerno. Dahil ito ay
magagamit natin sa pakikipagsalita at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
3. Ano ang mga naging pagunlad ng wikang filipino?

Mahalagang maintindihan ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa kung paano ito nagsimula bilang
Tagalog kung saan umalma ang mga Bisaya, naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda
sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong
grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa
pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Pilipinas.”

Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa upang mamuno
sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik,
gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Sa aking
pananaliksik ay si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at
napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa.”

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa at dahil sa pagsusumikap
ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, kaya hinirang natin siyang “Ama
ng Wikang Pambansa.”

Noong 1940 din ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Ito
din ang pinagsimulan ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan. Noong 1959
naman nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad
na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sinasabi din na 1973 Konstitusyon noong
kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na
“ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.”

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino


muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Ang wika nating ay yuniko o unique, ngunit ito rin ay dynamiko o dynamic sapagkat ito ay nagbabago
sa paglipas ng panahon. Masasabi ko na umuunlad ang ating wikang Filipino ngayon lalo na dahil sa
bagong kurikulum na K-12 Programs sapagkat kahit na wikang Ingles ang madalas ginagamit ng mga
guro , mayroon pa ring subject na Filipino at nadagdagan pa ito ng Mother-Tongue Based.Tayo ay
Pilipino kaya dapat proud tayo sa ating wika at huwag ikahiya, magkaaisa tayo at lalo natin itong pa-
unladin sa kahit na maliit paraan! Sabi nga ni Rizal: Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa amoy ng mabahong isda.

You might also like