Professional Documents
Culture Documents
I. Depenisyon ng Arketipal
II. Layunin ng Arketipal na pananaw
III. Mga Halimbawa ng Arketipal na akda
IV. Limitasyon ng Arketipal na akda
I. Depenisyon ng Arketipal
a.) ang paglikha ng mito o alamat ay proseso ng pagiisip ng tao at sumasagot sa isang
mahigpit na pangangailangan b.) binubuo ng mito ang bukal na pinagmulan ng
panitikan, mula sa historikal at sikolohikal na pananaw. Ang mga banghay, tauhan,
tema, imahen ay mga komplikasyon o interpretasyon ng mga magkakatulad na
elemento sa mga matatandang mito at alamat. c.) nakukuha sa mito ng mga konsepto at
istruktura na magagamit ng kritiko sa pagpapaliwanag sa akdang-pampanitikan d.)
nagmula sa mitikal nitong katangian ang dahilan kung bakit may sapat na
kapangyarihan ang panitikan na antigin ang mambabasal; angkin ng akda ang mana o
ang numinous, ang hiwaga at sa harap nito ay nararamdaman natin ang pagkabigla,
takot, pangamba, o ligaya.
Teoryang Arketipal
Halimbawa:
Impeng Negro
Ni Rogelio Sicat
A. Tagpuan
Pook:
Di man gaanong nailahad ang tagouan sa kwento malalaman naman ang mga
pangunahing kaganapan sa kwento na inilarawan sa tagpuan. Ang mga pangyayari dito
araw araw at mga kaganapan gaya ng pang-mamaliit kay impeng sa gripo.
Inilrawan din ang mga uri ng tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagbanggit ng
isa pang tagpuan l, ang bahay nila Impeng na kung inilarawan ng may akda ay sinabing
barong barong lamang.
Naganap din dito ang pang aalipusta at matinding sagupaan ng dalwang tauhan sa
kwento. Inilarawan din ang kalagayang pamilya ni Impeng na kung susuriin ay hindi
sila gaanong biniyayaan ng magandang buhay datapwat kaylangan nilang magsumikap.
Ang pamilya ay masasabing di gaya ng isang normal na pamilya dahil hindi ito binubuo
ng isang puno. Isang pamilya na kung saan ibat iba ang nagbigay buhay sa bwat bunga.
B. Tauhan
Character Profile
Pangalan: Impeng
Tirahan: sa kanilang pook
Gulang: labing anim na taong gulang
Gawain: agwador
Katangian: mabait at responsibilidad na anak, kinukutya ngunit laging nagtitimpi.
Anyo: maitim na binatilyo
Pangarap: masaya at tahimik na buhay
Tawag/bigay na ngalan: Impeng Negro o Negro Masasabi kong tauhang bilog sa
Impemg dahil sa mga pangyayaring nagbago sa kwento. Mula sa pagiging apihing
binatilyo siya ay napuno at pinatunayang hindi suya dapat minamaliit dahil sa kanyang
panlabas na anyo. Siya mula sa pamilyang di mo malalaman kung ano ang puno kayat
kung ano ano ang bunga. Isang pamilyang inaapi ngunit di nila alam ang tunay na
kwento kayat ganun na lamang kung humusga ang mga tao sa paligid niya na kung
tutuusin ay nangyayari din ngayon sa ating lipunang ginagalwan. Inaapi at kinukitya
dahil sa panlabas na anyo niya.
Ngunit dahil sa pagkimkim ng nararamdaman bumulusok ito at di niya napigilan.
Lumaban siya kay Ogor na mapang api at mapangutya at pinatunayan niya na di siya
dapat kinukutya dahil kahit ganun ang itsura at kwento ng pamilya niya ay may
dignidad din siya.
Ang may akda ay napakahusay dahil pinalabas niya ang tunay na mga kaganapan sa
lipunan ang pangungutya at panghuhusga sa kapwa na di man lang alam ang tunay
nilang kwento.
Ogor
Isang mapangapi at mapangutyang tauhan sa kwento na siyang nagbigay ng dahilan
upang gawin o palabasin ang napunong balde ng galit na ibinuhos ni Impeng sa kanya
sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan sa kanya. Sa pamamagitan din niya naipakita ni
Sicat ang mga nasa taas ng ating lipunan. Ang mga mayayaman at may kaya na
humusga sa mga nasa ibaba nito na dahil sa ganun sila ay nakakaya na nilang maliitin
ang isang tao at kaya nilang tapakan ito sa leeg.
Ina ni Impeng
Kung ating susuriing mabuti siya ay inang iba't iba ang pinagmulan ng lahi ng
kanyang anak o sa madaling salita ay may iba't ibang asawa. Ang panghuhusga ng mga
tao sa kanya ay isang babaeng alang dignidad ngunit kung susuriing mabuti may iba
pang nais iparating ng tauhang ito sa mga mambabasa na maaring malaman kung
gagalugaring mabuti.
Mga tao sa paligid
Mga taong nakikisimpatya sa kung ano ang mangyayari. Sa palagy ko ay isinama ni
sikat ang nga tauhang ito upang imulat ang mga taong nananahimik at ayaw maglabas
ng kanilang saloobin o damdamin tungkol sa katotohanang nangyayari sa kanilang
kapaligiran.
C. Banghay
1. Panimula
Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay
Impeng. Si Impeng ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at
pang aalipusta sa kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng
na inilahad sa kwento. Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng
siya ay isang agwador. Siya ay isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't ibang
asawa ang kanyang mga kapatid ay di niya kakulay kayat dito palang ay malalaman mo
na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa pamilya nila.
2. Saglit na kasiglahan
Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng
pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng may
akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng
kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.
Sa pang aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang
ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang aapi at pangungutyang natatanggap niya.
Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na binitawan
niya sa kasagupaang si Ogor.
4. Kasukdulan
Sa pamamagitan ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa
kaniya. Hindi niya mapaniwala ang lahat sa nagyari kayat ganun na lamang ang
katahimikang naganap. Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyanv mga
mata na tinutuyo pagtitig ng mga matang nasa kaligiran niya. Nadama niya ang bagong
mayroon sa sarili ang tuklas na iyon ay ang pagihing matibay at matatag niya. Natamo
niya na siya'y tila mandirigma na matataga na nakatindig sa pinagwagihang larangan.
D. Karagdagan
II. Simbolismo
Sa pangalan ng Tauhan
Impeng- marahil ginamit ni Sicat ang Impeng dahil pwedeng ikapit sa malapit na tawag
na aping o naaapi.
Negro- maaaring dahil sa paguuri ng mga tao sa pamamagitan ng kulay at katayuan
pwedeng husgahan ang mga tao ang isang bagay. Gaya na lamang sa paghuhusga sa ina
ni Impeng.
III. Lenggwahe
Payak ang pagamit sa mga lenggwahe na minsan ay may mga nakatagong
kahulugan sa mga ilang pangugusap.
Naroon din ang mga salitang nagpakita at nakapaglahad ng matinding mga pangyayari
sa kwento gaya ng sagupaan nila ni Ogor. Gumamit ng nga pormal na pananalita ang
may akda. At minsan ay mga malalalim na salita. Gaya ng halimbawang ito:
"Dagok, bayo, bayo, bayo. Kahit saan. Sa mukha, sa dibdib, dagok, dagok, dagok..."
Sa mga pahayag ay malalaman ang pagsuntok at pagadagok ng tauhan sa pangyayari sa
kanilang sagupaan.