You are on page 1of 6

Ang steppe ay isang malawak na lupain na nagtataglay ng damuhang mayroon lamang na

ugat na mababaw (o shallow-rooted short grasses). Maliit lamang ang mga damong matatagpuan
sa ganitong lupain.Ito ay dahil nasa pagitan ng 10-30 pulgada ng ulan ang tinatanggap ng
step. Ang steppe ay isang vegetation na malawak at madamong kapatagan, wala ditong mga
puno.Sa heograpiyang pisikal naman ang steppe ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga
lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok
na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang
kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig,
gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon
ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng
kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy
namang prairie sa Hilagang Amerika.
Ang prairie ay isang malawak na pastulan na may matabang lupa matatagpuan ito sa
hilagang bahagi ng steppe ng Russia at maging sa Manchuria.Ang lupaing ito ay may mga
damuhang mataas na malalim na ugat(o deeply-rooted tall grasses).Ang parang o prairie sa ingles
ay isang anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan matatagpuan ang damuhan; likas at
hindi pa ito natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin. Bagaman may
mga damo, walang mga punong-kahoy sa kalawakan nito. Nakakapamuhay sa prairie ang
mga ahas at iba pang mga hayop.
Ang isang sabana o savanna sa Ingles ay magkahalong kakahuyan at damuhan na
ekosistema na karaniwang may mga punona may mga sapat na puwang para ang canopy (o mga
korona ng mga puno) ay hindi magsasara. Pinahihintulot ang bukas na canopy na magkaroon ng
sapat na ilaw na aabot sa lupa upang makatulong sa paglago ng damo.
Ang Boreal Forest o Taiga ay isa pang halimbawa ng lupaing matatagpuan sa Hilagang
Asya. ang salitang taiga ay wikang russian na nangangahulugang Rocky mountain terrain. Ang
mga kagubatang ito ay coniferous at kadalsang nasapagitan ng ng katimugan ng mga tundra at
hilaga ng mga grass lna. Ang taiga sa Asya ay matatagpuan sa Siberia. Ang mga puno rito ay
mahalaga sa mga mangtotroso.matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra.Mahaba
ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw ito ay pinakamalaking biome sa
mundo, na matatagpuan sa bandang timog ng tundra.Ito ay sagana sa mga halaman.
Ang tundra ay isang malawak na lupain.Pinipigilan ang paglago ng mga puno dito.Isa
itong rehiyon hindi na tinutubuan ng punong kahoy.Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo
at linya ng puno ng mga rehiyong artiko.Nagmula ang katawagang tundra sa salitang tundar na
nangangahulugang tuyo na kapatagan.Kadalasan ang klima sa lugar na ito ay malamig kaya hindi
tinutubuan ng mga puno kundi halos puro damo lng ang nakapaligid.
Ang rainforest o maulang gubat,ito ay mayrooong mataas na antas ng pag ulan kaya
mayabong ang mga puno dito.alam natin na kaya may rainforest ay dahil may malaking papel na
ginagampanan ito sa mundo.Sa rainforest ay may milyon milyong uri ng mga halaman at mga
kulisap na hindi pa natutuklasan.Ang kagubatan ang pinakamalaking parmasya sa mundo dahil
sa dami ng likas na gamot na matutuklasan dito, a makakakuha ka ng ibat ibang halamang
gamot o herbal na maaring makagamot ng ibat ibang uri ng mga karamdaman.Ang mga puno
dito ay taga linis ng hangin sa ating mundo.Ang halamang tumutubo sa kagubatan ay
natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa dahil dito ay
posibleng maglakad sa loob ng kagubatan.Kung ang tabing ng dahon ay nasira o nabawasan,ang
lupa ay kaagad na tinutubuan ng makakapal na mga baging.may dalawang uri ng maulang gubat
o rainforest ito ay tinatawag na tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

You might also like