You are on page 1of 2

Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan


ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika
sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano
ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay
tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag
sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan -
ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o
wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Komunikasyon
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang
komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay
"ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga
senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang
nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang
komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang
hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.
Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng
kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita.
Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang komunikasyon ay ang komunikasyong sa
pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong kronemerika, mga pagkumpas, wika ng
katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at kung paano manamit ang
isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng hindi
pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon, tempo
at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng
mukha at ang iba pa ay 38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga
nasusulat na teksto ay naglalaman din ng mga elemento ng hindi pasalitang
komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ng emoji" upang maipahayag
ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe.
Pananaliksik
Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano
ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o
sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o
obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o
nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito
ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o
nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig
mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang
makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang
isang mananaliksik[2] ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano
ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring
nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang
isang tagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa isang klinika, laboratoryo, o kaya
isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan
ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral
hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para
pag-aralan ang sanlibutan.[3]

You might also like