You are on page 1of 8

Trasnkripsiyon ng Panayam sa Kumperensiyang Sawikaan 2014: Salita ng Taon

Wika sa Social Media


Dr. Michael L. Tan
Tsanselor, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Dr. Vim Nadera: Siya po ay mas kilala natin bilang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer. Pero
ang katotohanan, hindi lamang po siya isang manunulat, siya po ay isang
veterinarian na nag-aral para sa kaniyang MA at PhD ng Antropolohiya. Sa
pagkakaalam ko rin, sa buong bansa, isa siya sa kinikilalang medical
anthropologist. Bago siya naluklok sa kaniyang bagong trono, siya ay kilala sa
mga non-governmental organization sa Pilipinas. Siya po ay nagsilbi bilang
dekano rin ng CSSP o College of Social Sciences and Philosophy at kilala po ang
kaniyang mga akda, libro man o artikulo, sa katutubong uri ng paniniwalang
medikal, sa sekswalidad at seks, sa kalusugang seksuwal at reproduktibo kagaya
ng tungkol sa HIV at AIDS, sa mga gamot, parmaceuticals, at sa iba pang mga
isyung may kinalaman sa patakarang pangkalusugan. Ito po ay hindi pa panayam
niya, ito po ay ang kaniyang curriculum vitae. Mas gusto nating mapakinggan ang
nilalaman ng kaniyang isip at diwa at damdamin kaya mas mabuti nating marinig
siya, at hayaan ang kaniyang papel na magpasya at magpatunay kung gaano siya
kahusay. Mga kaibigan, pasalubungan po natin ng palakpakan ang bagong
Tsanselor ng UP Diliman, walang iba kung hindi si Dr. Michael “Mike” Tan.

Dr. Michael Tan: Maraming salamat, Sir Vim. Hindi na ako masyadong bagong Tsanselor dahil
may pitong buwan na rin. Ito na ata yung ikapitong buwan ng pagiging Tsanselor
ko. Mag-uumpisa ako dito sa paghingi ng paumanhin kasi hindi ako masyadong
komportable sa Filipino pero Filipino ang tatalakayin ko ngayon. Humihingi ako
ng tulong kay Sir _____ na taga-CAL din. At ang dahilan dito, ang pamilya namin
ay ethnic Chinese pero hindi naman yan ang pinakaimportante dahil ang mas
importante yung produkto ka---matanda na ako, senior citizen na---produkto ako
ng panahon na pinaparusa kami sa eskuwela kapag gumagamit ng Filipino. Sa
eskuwela namin, may tinatawag na ______, (03:12), kapag nakarinig ka ng
kaklase na nag-Filipino at isumbong mo, may reward kang ice cream. Ganoon
kagrabe ang institusyon natin noong 1960’s nung nasa grade school ako . Balita
ko may mga eskuwela pa hanggang ngayon na may patakaran pa rin hanggang
ngayon, hindi man _______ pero English Only. Siyempre ang UP hindi ‘no.

Ang gagawin at ang presentasyon ko ngayon ay nais kong pag-usapan ang


Filipino, ang social media, ang paghubog ng publikong pinoy. Basahin natin sa
unang slide. Nung 1960’s, binahagi ni Jurgen Habermas, isang social philosopher
mula sa bansang Aleman ang konsepto ng public sphere. Medyo mabigat ang
German hindi ko na iaano dito. At ano ba itong public sphere? Ayon kay
Habermas, ito ay lipunan o society engaged in critical public debate. Ang sphere
ay isang espasyo kung saan pwedeng magtalakay ng mga bagay ng pulitika at
mga bagay tungkol sa lipunan. May isa pang may akda na isinulat niya dito. This
is the realm of social life in which public opinion can be formed. Ang konseptong
ito ay pinag-aralan na ni Habermas at ni Benedict Anderson, although kay
Benedict Anderson ang gamit niya dito ay imagined communities. At para kay
Anderson, napakahalaga yung print media. Mass print media. Nung naka-discover
ng printing press, at ang unang…ano bang unang lumabas na libro sa printing
press sa Europa? Ang bibliya. Napakalaking bagay nung nag-mass produce ng
bibliya kasi bawat, ang bawat tahanan ay may bibliya at ito ay…ano bang resulta
nito, nag-reformation tuloy kasi habang nagbabasa ang mga tao ng bibliya,
nagtatanong kasi nawala yung hegemony o pagkontrol ng paring katoliko kaya
umalsa nga yung mga iba dito katulad nga ni Martin Luther. Ganoon kabigat ang
impact ng public media. Pero para kay Anderson, mas mahalaga yung tinatawag
na horizontal solidarity dahil sa dyaryo “nakakapag-usap” ang mga tao.
Nakakabuo ng tinatawag na horizontal solidarities meaning kahit hindi nagkikita
sila, hindi direct contact yung mga tao, nabubuo ang kanilang shared identities,
yung pagka-Filipino, nabubuo yan ngayon dahil nga sa mass media. Ang mass
media din, nakapaimportante nito kasi dito sa mass media, ang mga indibidwal ay
nagpapalitan ng mga kuro-kuro na siyang naging susi upang magkaroon ng shared
identities. Sa kasalukuyan, mayroong…bumabalik ang interes sa akda nina
Habermas at Anderson lalo pa para kilatisin ang pamamaraan kung paano ang
new media naman ang nagiging salik sa pagbuo ng pampublikong espasyo at
napagnilay-nilay sa lumalawak na kahulugan ng public space.

Ito naman, ano ba yung publics na yan. Ang publics ay political subjects that
know themselves and act by means of mass-mediated communication. So yung
mga nagbabasa ng dyaryo, nagbabasa ng libro, ito ang publics natin. At ang new
media, dito na yung internet, ang social media, facebook, ito naman ang mga
platforms natin kung saan pwede maghayag ng mga iba’t ibang ideas. So ang
concept ng publics na yan…sorry. Kasama dito, nais kong pagtuunan ng pansin
ang indikasyon nito sa wika at sa iba’t ibang porma ng new media, kasama na rin
dito ang cellphone. Technically, hindi raw kasama ang cellphone sa new media
pero para sa Pilipinas at para sa ibang bansa, katulad ng Pilipinas, ang cellphone
kasi ay napakahalaga. Hindi lang siya telepono, kung hindi portal o pagpasok na
yan o entry point sa facebook at sa twitter. Kasi walang computer ang karamihan
sa Filipino pero cellphone naman ang ginagamit. Noong Miyerkules lang,
nasambit ni Resil Mojares, sa isa pang conference tungkol dito sa mga public
intellectuals. Next slide, please.
Ang ginawa ni Dr. Mojares nung 19th century, ayon kay Mojares, napakahalaga
nitong 19th century dahil dito umusbong ang print media sa Pilipinas. Mula 1874
hanggang 1894, may 98 na periodical ang nalathala at hindi pa kasama dito ang
mga tinatawag na manuscript newspapers. May mga sulat-kamay na newspapers.
Ang tiyaga ng mga tao. At ito ay umiikot. At alam natin na napakahalaga nito sa
rebolusyon. Ang napansin din ni Mojares sa kaniyang research, sa Maynila lang
ay may labingtatlong printing press at siyam na bookstores na naitatag nung 1891.
It’s not surprising, karamihan sa mga Katipunero ay mga empleyado sa printing
press. Mayroon pang tinatawag na mga kahista o mga typesetters na nagpupulot
ng mga letra. At syempre habang pinupulot ang mga letra, nagbubuo ng words,
nababasa din nila ang mga articles at maraming mga articles dito ang subersibo.
Isipin na lang niyo yung mga nagta-typeset sa libro ni Rizal. Ginawa yan sa ibang
bansa pero nakapahalaga pa rin niyan. Sa kabilang banda, kailangan din natin
tingnan sa mas malalim na pag-aaral hinggil naman sa print media noong panahon
ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa. Kulang na kulang ang pag-aaral
dito. Isa sa maaaring bigyang pansin sa pagnilay-nilay ay ito: Paano naman ang
print media, paano siya nagtulong sa pagkamit ng kalayaan noong 1946? Maaari
ring pagtuunan ng pansin ang tanong na ang papel ng print media sa radikal na
kilusan laban sa Amerika. Ilan ba ang nakabasa dito at ano talaga ang impact
niya? Medyo wala tayong research tungkol dito. Sa pangkahalatan, ang mga
pahayagan at mga aklat, kasama na ang konsepto ng reading public, ay hindi pa
gaanong kamulat sa ating bansa. Next slide.

Kung papansinin natin sa social media, kailangang balikan muna ang print media.
Nung 1968, may isang ulat na nagbigay ng mga figures ng mga print run o kung
ilan yung mga nailathala na mga dyaryo. At makikita natin nung 1968, ang
pangunahing dyaryo ay Manila Times at ay ang print run niya ay 220,000, ang
sumunod ay Manila Chronicle, hindi niyo ata alam ang babata kasi ninyo, si Sir
Rio lang ang nakakaalam (tawanan). Manila Chronicle, makikita mo yung
pangalawang dyaryo dito, ang layo ng agwat niya. 74,000. Tapos ang sumunod ay
69,000 sa Bulletin at 65,000 sa Philippine Herald. Ang punto ko lang dito, ang
pangunahing dyaryo na Manila Times, ay 220,000 nung 1968, at ngayon sa 2014,
ang pangunahing diyaryo ay syempre Philippine Daily Inquirer. At ang print run
niya ay maliit pa rin. 250,000. Ang pangalawa ay Star, medyo ganoon din yung
figure. Tapos ang pangatlo ay Manila Bulletin. Mga tabloid, wala akong
makuhang figure, e. Mas malaki. Pero hindi daw lalagpas ng 1 million. So
tandaan natin na ang populasyon natin ay 100 million na ngayon so mababa itong
figures. At may ano nga ako dito, e. Konting kuwento. Siyempre nung nag-umpisa
ako ng column sa Inquirer, proud na proud ako, sabi ko, “Naku! 200 thousand
plus ang makakabasa dito.”, and of course hindi naman siya ganoon kasimple
dahil hindi naman lahat ay nagbabasa sa column mo. The most important
reminder here is, may suki ako sa Farmers Market, sa kaniya ako bumibili ng mga
prutas at matagal na siyang suki. Siguro mga limang taon na. Minsan pumunta
ako sa Farmers, sabi niya, “Sir! Kayo pala yung may column sa Inquirer.” 5 years
na yan, a. Suki ko yan. Sabi ko, hiyang-hiya pa ako,“Opo.” “Naku, kung hindi pa
kami nagbabalot ng prutas, ‘di ko po mapapansin kayo pala ‘yan.” Hindi pala
dahil sa nabasa niya, kung hindi napambalot niya ng prutas. Very humbling
experience. May dinagdag pa siya. Sabi niya, “Nabasa ko. Wala akong
naintindihan.” Ito na nga yung punto ko. Yung print media medyo tumalon tayo.
Ang nangyari dito, maraming Filipino ang umaasa sa broadcast media, yung radio
and televison, at hindi sa print media kasi pumasok yung radio, pumasok yung
television, medyo hindi umunlad ang print media. Natatandaan ko nung 1970’s,
parang mas maraming...meron pa ngang magazine. Hindi ko na ‘to matandaan
pero maganda siya pero walang bumibili. Pero bagamat mas malawak ang saklaw
ng broadcast media, nilalaro nito ang emosyon ng mga madla. Madalas ay
sensationalized pa nga. Mga maiiksing sound na sa totoo lamang ay hindi naman
nagbibigay ng silid upang makakapagmuni-muni o maiproseso sa intelektwal na
lebel na antas. Dahil dito, hindi nakapagtataka, na ang pulitiko ng ating bansa ay
nagsisilang ng mga pulitikong base lamang sa pogi points mula sa publisidad, sa
mga gimmick halimbawa ang mga patalastas na kasama ang mga nasa showbiz o
kaya mga song and dance routines.

Sa kabila nito, may pag-asa naman ang social media dahil kahit papaano,
pinapayagan nito ang mga tao na maisulat ang kanilang pagmuni-muni, pagkilatis
ng ibang ideya, ng mga ibang tao, at pakikipagpalitan ng mga mungkahing ito.
Malakas din ang koneksyon sa broadcast media, natuklasan ko na maraming mga
radio commentators, binabasa nila ang mga English columns na sinasalin nila sa
Filipino kaya umaabot din sa mga suki naming sa palengke. Ang mas mahalaga pa
dito, kailangang pagtuunan ng pansin ang ilang mga pangyayari sa mga palitan
lalo na sa wikang Filipino. Bilang isang isyu, ang wikang Filipino ay lubog na
lubog sa social media. Tingnan natin ang palitan sa social media sa Talk of the
Town na lumabalas sa Sunday Inquirer. Bawat linggo kasi, may mahabang article
dito tungkol sa iba’t ibang mga topics dito. Makikita natin ano, ang unang article
ay tungkol sa presyo ng bawang na tumataas, at nandito naman ang mga figures
kung ilan ang facebook recommends, mga nag-twitter, at ilan ang mga nag-share.
Ginagawa niyo ba yan? Ako nga hindi ko alam yung mga share na ‘yan. Kung
type nila ang article, nag-sshare sila. So may tinatawag na viral effect kaya ang
daming nakakakita nito at nagdidiskusyon sila dito. So yung article tungkol sa
bawang ay walang nagka-interes dahil sampu lang ang nag-recommend sa
Facebook, at 78 lang ang nag-share. Dito, makikita natin doon sa Democratizing
UP Education, banat ito ng mga UP professors sa Socialized Tuition System,
medyo mas maraming nagbabasa. Mga 397 ang nag-recommend sa Facebook at
543 ang nag-share. Pero makikita natin na may isang article, Debunking PH
Language Myths, na binase sa booklet ninyo sa Komisyon. At makikita mo na
1209 ang nag-recommend sa Facebook. Medyo mahalagang isyu ang wika. At
ang nag-share ay 1801. Pero makikita rin natin na ang pinakapopular na article ay
ang article ni Senator Angara, yung Overtaxing working, middle classes na 22
thousand ang Facebook recommends. Ang laki ng difference doon sa may
bawang. At ang nag-share ay 23,600. So ang layo pa rin. Pero ang ganda na
nakikita natin yung article on language, napakahalaga pa rin. Tandaan natin na
hindi naman 1209 lang ang nagbasa ng article, sabihin natin na sila ang mga
naganahan at nagandahan sa mga article kasi extra effort ang pag-recommend at
pag-share. So ang nakabasa dito, siguradong mas marami. Pero ang may impact
sa kaniya, ay mga ilang libo rin. Tapos kapag pinadala nila sa mga kaibigan nila,
hindi natin alam kung ilan ang nag-sshare dahil wala na yan sa Inquirer statistics.
Pero ang nakita rin natin dito, yung sa Overtaxing working and middle classes,
kung gagamitin nating basehan, malaki ang populasyon ang middle class bilang
bahagi ng madla o public sa Talk of the Town at saka sa Inquirer. Ang tawag nga
ng kapwa ko columnist, sa may kaliwa ko, wait nagse-senior moment ako, basta
lalaki. Actually, nauna siya pumasok. Subsitute lang ang pag-umpisa ko sa
Inquirer. Basta same space sa kaliwa. Conrad de Quiros. Sorry, Conrad. Ang
tawag ni Conrad dito ay mga Chattering Classes, yung mga madada na uri.
Makikita natin na mukhang iyan ang public dito sa Inquirer, at mukhang ito rin
ang nasa social media. Sa social media, mas malawak ang publics natin.

Balikan natin ang isyu sa wika. Napaka-sensitive ang isyu natin sa wika. Kung
matatandaan niyo pa noong 2011, nagkaroon ng mainit na debate sa internet
hinggil sa isang sanaysay na isinulat ni James Soriano? Ay ayan hindi ko na
naman matandaan. Basta isinulat sa Manila Bulletin. Siya ay isang Atenista, mula
sa isa pang magaling na eskwela. At nagsaad siya na ang Filipino ay isang hindi
raw intelehenteng wika, not the language of the learner dahil English daw iyan at
hindi raw yan wika ng Agham. At nagrambolan sa internet. Hindi lang iyon isang
reaksyon na isinulat ni Soriano, kung hindi sagutan din sa kung tawagin natin sa
social media ay “threads”. Pero ang mas nakakapagtaka sa sagutan at
pagpapalitan ng kuro-kuro, kasama na rin ang mga dumidepensa para sa wikang
Filipino, ay nasulat sa wikang Ingles. Meaning defending Filipino pero ang gamit
nila ay Ingles. Ito yung Filipino is not the language of the learner. Actually,
tinanggal ng Bulletin. Tinanggal nila kaagad dahil medyo nagalit na ang mga tao
kaya lumipat sa mga iba pang threads at blogspots. Sa umpisa lang yan tapos
tuloy-tuloy na. Umaabot ng daan ang mga diskurso dito. So ito ang tinatawag
nating public sphere. At tuwing may usapang wika, matindi ang exchanges dito.
Hindi lang matindi, mainit ang sagutan dito. Pero sa bandang huli, dinepensahan
ni Soriano ang kaniyang mga ideya at ang ginamit niya ay wikang Filipino.
Marunong palang magsulat sa Filipino si Soriano. At ito ang naging sanhi upang
humupa ang init ng debate. Sabi ni ___, the medium is the message. Ang medium
ay siya ring mensahe. Dagdagan ko dito na ang medium at ang wika ay ang
mensahe. Pagdating sa new media, ang cellphone ay nagsimula sa nabanggit sa
transisyon. Ang cellphone ay nagsimula sa pagtext, dahil sa text ay nagbago ang
wika. Sa ortograpiya, sa spelling, alam kong marami sa inyo na mga guro sa
wikang Filipino, nadidismaya kayo sa spelling ng mga bata, kasi ito ay spelling
text. Ang noon ay naging nun, ang saan naging san, ang pasensya at naging
senxa. Nakatanggap ako ng sulat sa isang estudyante, ito ang spelling niya sa
kaniyang sulat. At ang kailan ay naging kelan. Walang mga ibang examples.

Nakita din natin sa internet mismo, may impact din kasi yan sa wika. Example
dito may promotion ngayon sa ABSCBN, may bagong sim sila na
ABSCBNmobile at makakakuha kayo ng iWantv, magbabayad ka para makanuod
kayo ng ABSCBN. Pero tingnan niyo yung lenggwahe. “Paano mae-enjoy ang
iWantv App:” tapos dito “Siguraduhing naka-ABSCBNmobile”, “I-download ang
iWantv”, ayan acceptable naman iyan. “Magload at pumili sa aming Special
Promo Loads”, “I-run ang app...” Ano ‘to takbo? “I-run at mag-register” at “Mag-
log in at simulan ang panunuod ng mga paborito mong Kapamilya programa.”
Pero hindi ito ang focus ng talk ko ngayon. Ang mga salitang kagaya ng mga
nabanggit ay hindi hamak na nakakaalarma, subalit sa kabilang panig naman, ito
ay nagtulak naman sa mga Filipino upang bumalik sa porma ng pagsusulat. Dahil
sa texting, mas madalas ngayon na mas sumulat ang mga Filipino. Dati kasi puro
oral iyan. Sa aking tingin, ang social media kagaya ng Facebook at Twitter ay
nagtutulak upang mas maging aktibo sa pagsulat bilang isang mahalagang
medium ng komunikasyon. Ang mas mahalagang tanong dito na kailangan nating
pagtuunan ay mas maraming Filipino ngayon ang nag-iisip at nagsusulat sa
Filipino. Ayan ang tanong natin. Kailangang gumawa ng sistematikong pag-aaral
para malaman natin pero may iba’t ibang obserbasyon ako dito. Ang nakita ko sa
paggamit ng Ingles ay limitado pa rin sa upperclasses, at kung suriing mabuti, tila
may implikasyon nito na binibigyan ng mas angat na estado ang pormang
pagsulat ng text ng wikang Ingles. Sa madaling sabi, ginagamit nga mga
tinatawag nating “expert” ang wikang Ingles upang maging mas tunog
authoritarian ang kanilang mga argumento at ideya. So mukhang ang tingin tuloy
ng mga Filipino, kailangang Ingles ang gagamitin mo. Mapapansin din natin ang
karamihang nagpapaskil ng mga anunsyo sa wikang Ingles ay tila nabababoy ang
wikang Ingles dahil habang mas pinaiigting na mas magaling siya, tila mas
nagiging fractured o mali-mali ang paggamit ng wikang Ingles.

Gayunpaman, ang paggamit ng Ingles ay nagiging gamit pangkutya sa social


media. “Bakit ganiyan ang Ingles mo?” At hindi ito maganda. Napansin ko rin na
karamihan ng mga militanteng aktibista lalo na sa UP, ang ginagamit na rin ay
wikang Ingles sa kanilang mga blog. Example, ito ay galing sa CONTEND o
Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy, dahil sa
Abad incident, may post sila na “The true hooligans in sheep’s clothing uphold
the democratic rights of students, stand against academic something and bureucrat
capitalists.” English na english. Ayan, ito ay galing sa statement nila. Basahin ko
na lang ang isang parte dito. “We educate our students and mold young people
who will passionately challenge the system admist social apathy, complacency,
academic careerism, and diploma worship. We need a breed of students who ‘riot,
who rebel, who attach life with all the youthful vim and vigor’ for a ‘better world
for tomorrow’”. Ito ang pahayag nila.

Ito ay posting sa isang blog, kasi hooligans ang tawag ng UP sa kanila dito sa UP
Diliman. Kasi ang School of Economics, naglabas ng isang statement, ang tawag
nila dito ay mga hooligans yung mga naggipit dito kay Abad. At naglabas naman
ng komento ang isang propesor natin na hindi sila ang hooligan kung hindi si
Abad. “What rights did they violate? What rule of law did they breach? What do
you think of university, a place of saints and rational beings? You’re f-u-c-k-i-n-g
wrong. Pure Kantian dream. You expect that from UP when you cannot even live
up to what is expected from a government official. You were not bullied by
students as your label hooligans assumed. You were simply reminded by the
students of your crimes.” Buo iyan Ingles. So ang punto ko nga na kahit sa
paghayag ng nasyonalismo, Ingles pa rin ang ginagamit. Makikita rin natin sa
isang banda naman, makikita natin na kapag ang indibidwal ay ang motibo ay
friendship at makikipaglandian, ang wikang ginagamit ay mga bernakular. Ang
mga text na ginagamit sa bernakular ay madalas na may kakambal na larawan
bilang suporta sa pagiging kawili-wili. Halimbawa, ito ay isang basketball player
natin. Mga UP students, kilala ninyo? Sige. Mamaya na lang. At siya ay isang
Cebuano at ang kasama niya ay lola niya. Ang Cebuano kasi ay “Mao Jud Tita,
kay nakita pa daw nia a day before nian sa tv na nagadula basketball.” Mga
Cebuano dito, maiintindihan ito. Ang tatay ko kasi ay taga-Davao rin pero hindi
ako lumaki sa Davao. Kapag Cebuano ang gamit, mas intimate at mas
malambing. Pwede ring Ilonggo, pwede ring Waray. Ang punto ko lang, kapag
ang bernakular ang ginagamit, mas galing sa puso. Pero ang tanong ko lang, bakit
kapag may arguments tayo, Filipino ang ginagamit, pero pag-ano naman dito,
yung ibang parte ba ng utak ng Filipino saka English kailangan tanungin natin
kung bakit ganun nga. So ang tanong natin, sino ba ang gumagamit ng wikang
Filipino at kailan naman iyan ginagamit? Sa tingin ko, ang Tagalog, sila ang mga
nangunguna sa paggamit nito. Sa katunayan, may mga ilang website na seryoso
ang tono na laging may agam-agam at laging Filipino ang ginagamit, tungkol sa
buhay at pag-ibig. Sigurado rin na may mga hindi Tagalog na nagsusulat sa
Filipino, lubhang mahirap ito dahil wala pa tayong tiyak na datos tungkol dito.
Magandang gawing thesis ito. Ang punto ko rin dito, ang simpleng pagsulat sa
bernakular ay transformative. Mahalaga na napapasok tayo sa wikang Filipino at
sa mga bernakular natin. Mapapansin natin na kapag awayan at bangayan sa
social media lalo na sa Facebook, ang gamit ay sa Filipino na ginagamit sa pang-
iinsulto at sa pagmumura. Sa katunayan, ang Facebook ay tila ay Filipino sa isang
hindi magandang anyo. May nababasa ako minsan, nag-Facebook siya sa akin,
ako naman nag-Facebook sa kaniya, at ang ibig sabihin niya dito sa Facebook
inaaway ako. Nagiging synonym ang Facebook sa awayan. Nag-facebook-an
kami.

Mayroon ako ditong kaba na parang napakaganda ng social media, may potensyal
tayo sa transformation, pero sana naman ang wikang Filipino at mga bernakular
natin ay hindi dapat lang pang-away. Ang mahalaga kasi dito sa pang-social
media at social spaces, tanggap dapat natin na may power relations. Maraming
hindi nakakasama sa social media, mas madalas makikita mo na mas marami ang
sumusulat sa social media ay lalaki. Ang babae, medyo busy kasi lagi at walang
panahon mag-ano dito sa mga blogs. At upperclass pa rin ang nagdodominate dito
sa social media. So may tinatawag ding counter-publics. Kaya’t ang tanong,
paano makapasok ang counter-publics? Pero at the same time, kailangan mag-
ingat din tayo dito, ang tingin minsan na ang counter-publics, away ang gagamitin
at mga lenggwaheng hindi maganda. Ayon nga kay Posner, isang Amerikano, may
libro siyang “The Decline of the Public Intellectual”, bumabalik tayo sa crowd o
mob mentality dahil sa modern technologies. At ito ay nangyayari dahil sa
kapitalismo mismo. Market transformation of the public sphere is animated by
passion, meaning mahalaga ngayon sa mass media ay sensationalism, kailangan
nagagalit ang mga tao para ma-pick up ng mass media. At ang commodification
nga dito, na ayon sa Anthropology ay commodification of emotions, kailangang
madrama ka. So makikita mo rin sa mga blogs ng mga tao, para mapansin ay
kailangan sensationalistic at bulgar ang ginagamit na lenggwahe.

Mukhang may nawalang slide dito. May facebook site ang pangalan ay...apologies
muna... ay Putangina Mo. Umabot na tayo sa ganoong antas. At ang daming
pumapasok at walang ginagawa kung hindi magmurahan. Ang punto ko dito, ang
nakita ko, kapag sana gagamitin natin ang wikang Filipino, ang wikang Filipino
kasi mas horizontal, mas democratic kung ito ang gagamitin natin sa social media.
Kasi makikita mo yung mga nagi-Ingles, nagpopostura na mas magaling at
mayaman sila. Kaya sa facebook, halimbawa, “This is the party I had for my
children”, pinapakita yung mansyon. Pero kapag pumapasok tayo sa mas
congenial na atmosphere, Filipino ang ginagamit o Cebuano at Ilocano. Pero sana
ang mangyari dito, papasok din ang wikang Filipino sa pulitika rin na iyan ang
gagamitin natin. Ang suspetsa ko, hindi moral ang mangyayari dito. Mas pantay
ang ano natin dito. Ang nakita ko rin dito, umaasa pa rin ako na mapasok natin
dito ang sintesis ng iba’t ibang mga diskurso. Alam din natin na noon pa man ay
may iba’t ibang anyo ng diskurso na tinatawag nating kuwentong barbero o
kuwentong beauty parlor o kutsero. Narinig ko noong isang araw sa isang taxi
driver na nakipagusap daw sa kaniyang pasahero hinggil sa kuwentong
napakinggan niya sa kaniyang barbero na base sa isang pahayagan o narinig sa
radio commentator at mga iba’t ibang exchanges sa facebook. At iyon ang mga
nabasa niya. Kung kinakailangan sana ang mga kuwentong taxi ay maging
Filipino discourse na maging isang hybrid na social space na papasok na rin sa
democratization sa Pilipinas dito sa 21st century. Napakahalaga na suriin natin ang
isyu ng participation; kung sino ang kasama at sino ang hindi kasama. At kung
hindi natin matatalakay ang isyu ng wika, hindi magiging Filipino ang social
media sa Pilipinas. Maraming salamat.

You might also like