You are on page 1of 1

Ang Koneksyon sa Pakikipag-Ugnayan

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, “Ang wika ay paraan ng


pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang
makipag-unawaan sa kapwa tao. Ito ay binubuong mga salita, parirala at
pangungusap na may kahulugan. Ito ay ang pinakamahalagang sandata na
nagsisilbing tulay na nagdugtong sa mga komunidad ng isang bansa.

Sa isang komunikasyon, may tagapag-salita at tagapag-kinig na kung


saan ang nagsasalita ay gumagamit ng mga salitang o pangungusap upang
ipahayag ang kanyang damdamin sa mga nakikinig sa kanya. Pagkatapos nito,
ang nakikinig naman ang magsasalita na magpapahayag ng kanyang saloobin o
damdamin na kung saan yung nagsasalita o tagapagsalita ang makikinig din.
Ibig-sabihin sa isang komunikasyon, hindi pwedeng sabay na magsalita o sabay
na makinig, isa-isa lang upang sila’y magkaintindihan.
Kaya’t minsan napuputol ang daluyan ng komunikasyon halimbawa nalang
sa mag-asawa. Dahil walang bigayan sa kanila, sabay silang magsalita lalo kung
sila’y nasa dulo nan g kanilang galit. Hindi lang ito nangyayari sa mag-asawa
kundi sa loob din ng silid-aralan sa paaralan. Minsan habang nagtuturo ang guro
hindi nakikinig ang mga estudyante kaya’t pagdating ng eksaminasyon wala
silang nakukuha dahil di nila naintindihan ang leksyon na itinuro ng guro.
Ganito rin ang nangyayari sa isang pamilya, napuputol ang daloy ng
komunikasyon. Kaya minsan, nagkakaproblema ang mga miyembro kasi di sila
nagkakaintindihan. Para magkaunawaan ang bawat isa may komunikasyon o
pag-uusap na kung saan ang tatay o nanay ang tagapagsalita muna na
magbigay ng instraksyon. At ang bawat isa ay makikinig ng mabuti. Antayin na
matapos magsalita ang tatay o nanay bago ibigay ang opinyon o kuru-kuro
upang may pagkakaintindihan o pagkakaunawaan sa bawat isa.

Sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng klase ng relasyon ng bawat isa


importante ang komunikasyon. Ito ang magiging daan upang konektado ang
bawat isa at mas magiging matibay ang relasyon nila sa isa’t-isa. Ito rin ang
magiging daan sa mas lalong pagkakaunawaan o pagkakainindihan at
pagmamahalan ng bawat isang miyembro ng kahit anong klaseng organisasyon.

You might also like