You are on page 1of 2

A.

Sariling Puna

Sa kwentong “Ang Kuba ng Notre Dame”, gusto ni Victor Hugo na sa pamamagitan ng kanyang isinulat
na kwento na maramdaman ng mga tao na kahit anong pisikal na katangian meron ang isang tao ay tao
parin ito, humihinga, tumatawa, umiibig at nakakaramdam ng sakit. Kaya naman kung pwede ay tigilan
na ang pagpapasakit o di kaya ay huhusga sa kanila.

Mahirap ang mabuhay tulad ni Quasimodo, lagi siyang hinuhusgahan kahit napakabait nito na sinunod
lang ang gusto ng pari.

1. Mga Teoryang Ginamit

Teoryang humanismo-ipinakita dito na ang tao ang sentro ng mundo at bawat karakter ay may kanya
kanyang katangian ginagampanan sa kwento.

Teoryang Realismo-ito ay hango sa karanasan o nasaksihan ng may akda sa lipunan,dahil maraming


kagaya ni quasimodo na hindi man pinagpala sa pisikal na anyo ay may mabuti naman itong kalooban at
nagmamahal din.

Teoryang Eksistensyalismo-bawat tauhan sa kwento ay may kanya kanyang karakter na ginagampanan.Si


Quasimodo sa kabila ng utang na loob nito kay Frollo ay nagawa nya itong patayin o itulak dahil
napagdesisyunan o pinili nyang wakasan ang mga ginagawa nitong masama.

Teoryang Romantisismo- ipinamalas dito ang mga ibat ibang pagmamahal ng isang tao na kung saan
hahamakin ang lahat mapasakanya lang ang minamahal at ang pagtanggap sa pisikal na anyo ng tao.

2. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan

Quasimodo

- Sa katauhan ni Quasimodo, naipapakita ang Hindi aantay na pagtrato sa kabila ng pisikal na kaanyuan at
estado sa buhay.

La Esmeralda

- Napapalibutan ka man ng mapanghusga tao, mayron pa dub mabuting puso tulad ni LA Esmeralda.
Alang - slang sa pag-ibig, handa siyang mamatay.

Claude Frollo

- Siya ay sakim sa pagmamahal. Sa kagustuhan niyang makuha si LA Esmeralda, nakalimutan niya kung
ano ang kinatatayuan niya.

Phoebus

- sa katauhan ni Phoebus, mas mahalaga ang tungkuling naka atang sa kanya.


Sister Gudele

- Ina ni LA Esmeralda.

b. Galaw ng Pangyayari

Ang nibelang ito ay naaayon sa pagkasunud-sunod ng pangyayari dahil sa pagsasalaysay ng may


deskripsyon na siyang tumatalakay sa pamumuhay ng isang tao. Ang pagtrato sa mga mahihirap at kung
minsa'y naaakusahan naman dahil sa anyo niyo o pananamit. Subalit sa kabila ng mapait na
katotohanang ito, pinapaunawa ng may Akda sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't ibang
paraan.

3. Gintong Kaisipan/aral

1.Ang pagmamahal ay wala sa pisikal na anyo kundi nasa pagtanggap kung ano ang meron tayo at sa iba.

2.Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya nating kontrolin ang pag-iisip ng tao.

4. Mga Mungkahi

Ang aming mungkahi sa may akda na sana binawasan nya ang paggamit ng mga malalalim na salita
upang mas lalong maunawaan ng mga mambabasa ang kwento lalo na ng mga bata. At sana ay mas
maagang nalaman ni la Esmeralda na si sister Gudule ang kaniyang ina upang nailigtas nya ito sa at sana
ay nagkatuluyan si La Esmeralda at si Quasimdo at sa huli ay nagkaroon sila ng anak at bumuo ng
masayang pamilya at nagkaroon ng himala na gumaling si Quasimodo sa pagiging Kuba.

You might also like