Ang teoryang arketipo o symbolic ay tinatawag ding mitolohikal o
ritwalistiko. Ayon kay Scott (1922), sa pagbasang arketipo, kailangan ang masusing pagbabasa ng teksto gaya ng pormalismo at kailangang nanghahawakan nang mabuti ang mambabasa sa kanyang mga kaalamang sikolohikal, historikal, sosyolohikal, at kultural. Sabi naman ni Reyes (1992), ang mga banghay, tauhan, tema, at imahe sa mga akda ay mga komplikasyon o interpretasyon ng mga magkakatulad na elemento ng mga matatandang mito at alamat. Ang arketipo ay ang mga simbolong imahen o motif napaulit-ulit na makikita sa mga akdang panitikan (tauhan, uri ng kwento, pangyayari, at iba pa.) Ang mga arketipo ay mga bungang-isip, walang hangganan, at matatag. Halimbawa: Sina Herkules at Darna ay nilikha na dantaon ang pagitan subalit parehong tauhan ang kanilang kinakatawan -bayaning nagtataglay ng pambihirang lakas.
Ayon kay Griffith (1982), bagamat maraming posibleng uri ng arketipo,
mahahati ito sa tatlo:
1. ARKETIPONG TAUHAN - ang bayani, ang martir, ang rebelled, ang
mabagsik na madrasta, ang sawing magsing-iro8, ang itinakwil,at iba pa;
2. ARKETIONG PANGYAYARI - gaya ng paghahanap, ang inisasyono
pagpapasimula, ang paglalakbay, ang pagbagsak, kamatayan, at pagkabuhay
3. ARKETTPONG SIMBOLO AT KAUGNAYAN - na gumagamit ng
tambalan.
Halimbawa: liwanag at dilim-ang liwanag ay sagisag ng karunungan,
pag-asa, espiritwalidad; at ang dilim ay sagisag ng kamangmangan, kalungkutan, at iba pa. Mayroon ding imahe o simbolong kaugnay ng langit o impiyerno at ang mga ito ay ikinakapit natin sa mga karanasan.