You are on page 1of 19

ANG KAMATAYAN

NI TIYO SAMUEL
ni Efren R. Abueg
Santos, Ma. Clarisse

Padilla, Marina Feliz

Yosoya, Myla

Villamor, Mharinel

Salanga, Ian Dominic

Ramos, Darwin

BSHM-1K

G. Keanu Reyes

0
Ang panunuring papanitikan na ito ay tumatalak sa maikling kwento na pinamagatang

“Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel’’ na isinulat ni Efren Abueg noong 1967. Ito ay tumatalakay sa

mga mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan noong panahon ng mga Amerikano. Dito ay

hinikayat ni Abueg ang materyal na paglaya ng Pilipinas mula sa Amerika sa paniniwalang

magiging magbabago at uunlad lamang ang bansa kug ito ay magsasarili at makakalaya sa

kontrol at impluwensya ng ibang bansa.

BUOD

Ang Pagkamatay ni Tiyo Samuel ay isinulat ni Efren Abueg. Nagsimula ang takbo ng

kuwento sa imahinasyon ng pangunahing tauhan na si Felipe, kung saan ay may mga

kabataang lalaki at babae ang nag pro-protesta kasabay ng pag awit nila ng Lupang hinirang,

ang Pambansang awit ng Pilipinas. Kasunod nito ay ang pagkakakita niya sa kanyang kamay

na duguan at ang nakahandusay na kanyang Tiyuhing si Samuel. Isa pang bahagi ng akda ay

ang mga kaganapang kasama niya ang kanyang kasintahang si Ligaya, mababatid na bagay

ang kanyang pangalan sa kanyang karakter, siya kasi ang nagdudulot ng kaligayahan kay

Felipe. Ngunit Ang kanyang Tiyo Samuel ay tutol sa kanilang relasyon dahil na rin sa kanilang

pagkakaiba. Mayaman si Felipe dahil sa kanyang yumaong ama kung saan ay malawak ang

nasasakupan at maganda ang naitayong negosyo samantalang mahirap lamang si Ligaya. Ang

nangyari nga lamang ay ang tiyo Samuel muna niya ang humawak ng mga ito at sinabing

pagsapit niya ng edad na bente dos ay doon palamang niya mahahawakan ang naiwang ari-

arian at negosyo ng kanyang ama. Hirap at poot lamang ang dinadanas ni felipe sakanyang

Tiyo Samuel, pisikal na pananakit at pagsasabi ng masasakit na salita. Isang bagay pa na

ginawa ng kanyang tiyo Samuel ay ang pagpuwersa nito sakanya na pumirma sa mga papeles.

Mababasa sa akda na nakangiti si tiyo Samuel kasabay ng pagtango ng mga lalaking dayuhan,

kung saan ay iniladlad ang mga papeles na tinabihan ng pluma, siya’y inakay nito upang

makaupo, inabot ang pluma sakanya at siya ay lumagda. Bago pa man magtapos ang kuwento

1
ay nalaman ni Felipe na nagdadalang tao ang kanyang kasinatahang si Ligaya, handa niya

itong panagutan. Sinabi niya kay Ligaya na papakasalan niya ito ngunit hindi pumyag ang

kanyang tiyo Samuel, nais pa nito ipalaglag ang bata. “wala kang pananagutan felipe. Aalisin

natin ang sanggol na’yan. Madaling alisin” sambit ng kanyang tiyo. Matapos nito ang sumunod

na kaganapan ay libu-libong tinig na naman ang kanyang narinig, mga kabataang babae at

lalaking naghihimagsik. Sa pagtatapos ng akda itinaas niya ang balisong at sa isang kisapmata

ay lumabas siya sa nag-uumikot niyang paningin at ang patalim ay ibinaon niya sa dibdib ng

humahalakhak niyang tiyo Samuel.

Ang pamagat ng akda ay “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel”. Sa simula, ang pamagat ay

nagpapahiwatig ng kalungkutan at kapighatian dahil ito ay tumutukoy sa kamatayan. Kung

pamagat lamang ang titingnan, aakalain na kaawa-awa si Tiyo Samuel dahil sinapit niya iyon

ngunit sa pagbaybay ng kwento ay mag-iiba na ang pagtingin ng mga mambabasa kay Tiyo

Samuel at sa kanyang kamatayan.

Sa simula hanggang sa dulo ng kwento ay mahirap maintindihan. Hindi lamang dahil

gumamit ang awtor ng mga malalalim na salita bagkus lalo pang naging mas mahirap intindihin

dahil sa istruktura nito. Ito ay hindi sunod-sunod kundi “episodic”. Ang protagonista ay

magsasalaysay ng mga pangyayari na ‘tila ba siya ay nasa imahinasyon at matapos ay biglang

bumalik na pala ang protagonista sa realidad. Ang paglipat ng kwento mula sa imahinasyon at

realidad ay bigla-bigla at ang mga palatandaan ng pag-papalit ng pananaw ng protagonista ay

hindi gaanong makikita agad.

Mapapansin na ang kwento ay nagsimula sa masasabing sa imahinasyon ni Felipe kung

saan may mga nagpoprotestang mga kabataan laban sa pamamahala ng Amerika at habang

nakikita niya ang protesta at biglang lumipat ang senaryo sa pagkakakita niya sa kanyang Tiyo

Samuel na duguan at siya ang pinagbibintangan. Ganito nagsimula ang istorya. Ang estilong

2
ito ay maaring “media res”. Ito ang estilo ng panitikan kung saan ang istorya ay nagsisimula sa

gitna o hindi kaya ay sa hulihan at maisisiwalat na lamang ang kabuuan ng kwento sa

pamamagitan ng mga pagbabalik-tanaw o “flashbacks”. Ang estilong ito ay maaring ginamit

upang bigyang interes ang mga mambabasa at magkaroon ng motibasyon upang basahin ang

kwento hanggang sa katapusan. Ang kakaiba sa akda ay ipinahayag ang kalagitnaan ng

kwento at pati na rin ang ibang bahagi ng kwento sa pamamagitan ng imahinasyon.

Ang suliranin ng kwento ay ang kagustuhang lumaya ni Felipe mula sa kontrol ng

kanyang Tiyo Samuel. Ang pagtutol nito sa relasyon nila ni ligaya at sa pagbalak nito

ipalaglalag ang batang dinadala ng kanyang kasintahan. Ang pagkontrol ni Tiyo Samuel ang

siya ring dahilan kung bakit napilitan si Felipe na isugal ang kalahti ng kanyang ari-arian para sa

mga puhunan ng mga pilantropong banyaga.

Si Tiyo Samuel ang agonista sa akdang “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel”. Mula sa

deskripsyon ng awtor ay mahihinuha na si Tiyo Samuel ay isang lalaking Amerikano. [

Nakabota ang kanyang Tiyo Samuel, nakabastipol, may hawak na baston…pp.320 ]. Siya ay

naging tiyuhin ni Felipe dahil siya ay kapatid ng ama nito. Siya ay isang taong may maka-

kapitalistang interes dahil ginamit niya ang mga ari-arian ni Felipe upang mapalago ang

kanyang sariling negosyo na isang factory. Kinontrol ni Tiyo Samuel ang buhay ni Felipe.Gaya

ng pagpilit nito na maki-isa si Felipe sa pagpirma ng kontrata kasama ang banyaga, na

nagpapakita ng makabanyagang interes ng kanyang Tiyo [ Pilantropo ‘yan na magnenegosyo

sa Pilipinas …pp.323 ].

Kilala ang mga Amerikano sa pagiging liberal, bakas ito sa kanilang lipunan. Isang Amerikano si

Tiyo Samuel kaya ang mga katangian niya ay maka-amerikano. Gaya na lamang ng pagiging

liberal [“Wala kang pananagutan. Felipe. Aalisin natin ang sanggol na’yan. Madaling alisin!].

Makikita ang pagiging liberal ni Tiyo Samuel noong binabalak niyang ipalaglag ang batang

3
dinadala ni Ligaya. Para sakaniya ganoon lamang kadali kitilin ang buhay ng isang sanggol

dahil sa kadahilanang ayaw niya kay Ligaya marahil ito ay isa lamang mahirap, kayumanggi ag

balat, sa medaling salita hindi kagaya ni Felipe.

Maaring ang pangalang Tiyo Samuel ay kinuha mula sa simbolo ng Amerika na si

“Uncle Sam”. Si Uncle Sam ay ang nasyonal na simbolo ng Amerika na ginamit noong panahon

na narerekrut sila ng mga sundalong lalaban sa pandaigdigang digmaan. Kalaunan, si “Uncle

Sam” ay ginamit ng simbolo sa mga negosyo. Gaya na lamang ng poster para sa mga stampeta

na ibinebenta sa Amerika noon na naglalaman ng mga katagang “ You can help Uncle Sam win

the war, Save your quarters. Buy war savings stamps” at ng “Invest your money with Uncle

Sam”. Makikita na si “Uncle Sam” ay naging simbolo na rin ng maka-kapitalistang interes ng

mga Amerikano noon pa lamang. Makikitang si Tiyo Samuel at si Uncle Sam ay may parehas

na katangian, ang maka-kapitalistang interes. Maari ring gamitin si “Uncle Sam” bilang imahe ni

Tiyo Samuel upang mas maging madaling mahinuha kung ano ang itsura ni Tiyo Samuel.

Maaring tinagalog ni Abueg ang “Uncle Sam” at ginawang Tiyo Samuel upang iprisinta ang

bahid ng pagka-Filipino ngunit nandoon pa rin ang ideyang ito ang sumisimbolo sa Amerika.

Si Felipe ang protagonista sa akdang “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel”. Siya ay isang

lalaki at nasa edad bente dos [ Pagsapit mo ng beinte dos…iyo na ‘yan (mga pyudal na pag-

aari) at kailangang paghandaan mo…. pp. 320 ]. Siya ay isang ulila dahil sa pagkamatay ng

kanyang ama at hindi rin nabanggit sa kwento ang kanyang ina, kaya’t si Felipe ay naiwan sa

pangangalaga ng kanyang Tiyo Samuel. Siya say may kasintahang nagngangalang Ligaya. Si

Felipe ay masasabing may sekswal na pagtingin kay Ligaya dahil sa bawat tagpo ni Felipe at

Ligaya ang nagkakaroon na sekwal na pangyayari sa kanilang dalawa. Madalas ding

nagkakaroon ng sekswal na pantasya si Felipe kay Ligaya. Si Felipe ay isang binata na

hangga’t maari ay umaaklas mula sa kontrol ng kanyang tiyo. Masasabing siya rin ay may

paninindigan dahil handa siyang panagutan si Ligaya at ang kanyang magiging anak. Siya rin

4
ay tutol sa pag-uuri ng lipunan at mula sa makabanyagang interes at ayaw niya ring umasa sa

mga ito [ Huwag! Nagiging hayop kayo sa pagnanasa! Huwag! Pag-aaralan n’yong likhain iyan.

Huwag kayong umasa sa iilan….pp 321 ]. Makikita rin ang transisyon kung paano na lamang

nabuo ang galit at poot ni Felipe sa akda. Mula sa kanyang pagkabata ay pinakitaan na siya ng

dahas ng kanyang Tiyo Samuel, diskriminatoryong pagtrato kay Ligaya, ang paghihiwalay at

pagpigil sa relasyon nila at ang pagkontrol sa kanyang desisyon pagdating sa negosyo.

Maaring ang pangalang Felipe ay kinuha mula sa hari o prinsipe ng Espanya kung saan

nagmula ang pangalan ng Pilipinas. Kung sinisimblo ni Tiyo Samuel ang Amerika, maaring

sinisimbolo ni Felipe ang mga Filipino na pilit lumalaban para sa kalayaan mula sa mga pag-uuri

sa lipunan at mula sa mga kapitalistang interes ng mga banyaga.

Si Ligaya ay ang kasintahan ng protagonistang si Felipe. Siya ay isang babaeng may

kayumangging balat at siya ay hindi mayaman gaya ni Felipe. Ito ang mga dahilan ni Tiyo

Samuel kung bakit siya ay tutol sa relasyon ng kanyang pamangkin at ni Ligaya. Masasabing si

Ligaya ay emosyonal at mahina [Waring takot ang mga mata ni Ligaya….humantong sa

pagyuko, sa paghikbi…. pp. 325 ]. Siya ay nasabing mahina dahil hindi siya nakalaban mula sa

kagustuhan ni Tiyo Samuel na ipalaglag ang kanyang batang dinadala. Ito ay marahil na rin sa

kalagayan sa lipunan ni Ligaya dahil iba ang balat niya mula kay Tiyo Samuel at Felipe, wala

siyang kapangyarihan o posisyon sa lipunan at dahil siya ay isang babae lamang sa paningin

nila.

Maaring Ligaya ang ipinangalan ni Abueg sa babaeng karakter na ito dahil kung ang

sumisimbolo sa mga Pilipino ay si Felipe, ang sumisimbolo naman sa kasiyahan at kalayaan ng

mga Pilipino ay si Ligaya. Si Ligaya ay ang nais makamit at makasama ni Felipe at pilit naman

itong s inilalayo ni Tiyo Samuel sa kanya. Ang pahiwatig nito ay ang pagpigil ng Amerika mula

5
sa kalayaan at kaligayahan na hinahangad ng mga Pilipino na makakamtan lamang kapag

nagsasama at nagka-isa ang mga Pilipino.

Isa sa mga mahalagang detalye sa istorya ay ang pahayag ni Ligaya na ang tunay raw

na mayaman ay ang ama ni Felipe at hindi talaga ang kanyang Tiyo Samuel [ Ang yaman ng

Tiyo mo. Sabin ng aking Itay, ang Papa mo lang ang mayaman…hindi ang tiyo mo. Pero

nangmamatay ang Papa mo, yumamang mabuti ang tiyo mo….pp. 320 ] Isa itong pahayag na

sumasagisag na yumaman ang Amerika (Tiyo Samuel) noong mamatay ang ama ni Felipe na

maaring sumisimbolo sa Espanya. Makikita sa kasaysayan ng Pilipinas na bago dumating ang

mga Amerikano, naunang nakinabang sa atin ang Espanya sa pamamagitan ng pananakop sa

atin at matapos silang matalo at umurong ay Amerika naman ang nakibang sa atin at yumaman

dahil sa paggamit sa Pilipinas bilang bago nilang merkado at dito nga ay sila ay yumaman.

Maaring ito ang nais ipahayag ng sinabi ni Ligaya kay Felipe.

Mahihinuha rin sa kwento na ipinangako ni Tiyo Samuel ang pagyaman ni Felipe dahil

sa ari-arian ng kanyang ama na pinangangalagaan muna ni Tiyo Samuel hangga’t hindi pa

nasa bente dos anyos si Felipe ngunit pagkatapos bigkasin ang mga pangakong ito ay

nagpakita ang mukha ni Tiyo Samuel ng ‘tila ba ay paglilihim at pagtataksil. Maaring tumalakay

ito sa pangako sa atin ng Amerika na tayo ang yayaman at makikinabang sa pamamagitan sa

mga bagay na ibinibigay nila sa atin kagaya ng pampublikong edukasyon at mga produktong

surplus mula sa kanila ngunit sa katotohanan ay sila ang nakikinabang at yumayaman sa

paraang ito.

May isang senaryo sa akda kung saan ay pinilit ni Tiyo Samuel na ipa-prenda kalahati

ng ari-arian ni Felipe para sa layunin ng mga banyagang pilantropo para sa kanilang mga

maka-banyagang interes at hindi naman talaga para sa mga Pilipino. Sumasalamin ito kung

paano ginamit ng mga Amerikano ang mga pag-aari ng Pilipinas, lalong higit ang mga lupain,

6
upang sa kanilang maka-kapitalismong interes. Halimbawa na lamang ay noon, Binibili ng

Amerika ang eksport ng Pilipinas sa napakamurang halaga at nagbebenta naman dito ng mga

produkto sa ating bansa sa napakataas na presyo. Ang mga produktong ito ay maaring isimbolo

ng mga makinang dinala dito sa Pilipinas sa akda, [ Isang bapor na nagtatanghal ng mabibigat

na kasangkapang Europeo…tumuon ang kanyang tingin sa mga makinang iyon, makikintab na

makina… pp. 322 ] Maaring ito ang mga surplus at mga mahal na produktong dinadala sa atin

ng Amerika.

Habang tumatakas si Felipe mula sa kanyang Tiyo Samuel, nakita niya sa kanyang

hinuha, parang isang ala-ala, siya ay ay sumisigaw at nagpupumiglas mula sa kayang Tiyo

ngunit siya ay sinampal nito at isinakay sa kabayo at lumipas ang lang sandali ay bumalik ang

kabayo sakay-sakay ang batang Felipe na nakadapa sa ibabaw ng kabayo na ‘tila lantang gulay

at ang mukha ng kanyang Tiyo Samuel ay nagpapahayag ng pagkakontento. Ang pangyayaring

ito sa akda ay nagpapahayag kung paano tayo inabuso ng mga banyaga. Noon ay ginamit ang

dahas upang mapanatili ang kontrol sa mga Pilipino.

Ipinagpilitan ni Tiyo Samuel na paghiwalayin si Felipe at Ligaya kahit na bakas kay

Felipe ang gusting makasama at panagutan si Ligaya. Maaring sumimbolo ito sa ayaw ng

Amerika na magsasama at magkaisa ang mga Pilipino dahil hihina ang kapangyarihan nila at

maging dahilan ng kanilang pagbagsak. Ang huli ay ang resolusyong ginawa ni Felipe, ang

kitilin ang buhay ng kanyang Tiyo Samuel sa pamamagitan ng pagsasaksak sa kanya. Dito,

ipinapahayag ni Abueg ang kagustuhang makalaya ang bansa mula sa kontrol ng mga

banyaga.

Ang resolusyon ng kwento ay mababatid dahil sa pamagat ng akda. Masasabing tiyak at

hindi na kailangang manghula kung paano winakasan ang kuwento. Ang ginawang resolusyon

ni Felipe ay ang pagkitil sa buhay ng kanyang Tiyo Samuel, ang antagonista sa akda. Dahil sa

hindi makatarungang trato at pagkontrol ni Tiyo Samuel kay Felipe at Ligaya, naipon ang galit at

siyang nagudyok sa pagpatay sa kanyang tiyo. Maaring ang imahinasyon ni Felipe sa konteksto

7
ng mga kabataang nagpoprotesta laban sa Imperyalismong pamamahala ng Amerika ay tila ba

isang adbokasiya ng may-akda na ang paraan upang mapabagsak ang pamamahala ng

amerika ay sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at pagkakaisa.

Ang naging epekto ng akda ay ang pagkakaroon ng kamalayan ng mga mambabasa

tungkol sa iba’t-ibang konseptong dinala ng mga Amerikano sa ating bayan. Namulat ang mga

mambabasa kung paano ang mga ito ay naka-apekto sa ating bansa magpasa hanggang

ngayon. Ang akdang ito ay nagpabuhay sa nasyonalistang emosyon ng mga mambabasa dahil

sa mga konspetong nakapaloob sa akda ay naimulat ang ang mga mamababasa kung paano

dapat ang mga Pilipino ay maging Malaya mula sa kontrol at paggamit sa atin ng mga banyaga.

Ipinapakita nito ang problemang dinala nito sa ating mga buhay. Mababasa sa akda na may

kakayahan tayo upang baguhin at alisin ang kontrol na mayroon ang mga banyaga sa ating

buhay at sa ating bayan. At tayo ang dapat makinabang sa kung ano ang mayroon sa ating

bayan.

Masasabi na ang akdang ito ay naglalaman ng tunggaliang uri sa pagitan ng mayaman

at mahirap. Bakit nga ba nasabing ang kwentong ito ay mayaman laban sa mahirap? Dahil sa

nilalaman ng kwento makikitang ang ilan sa mga tauhan ay mayayaman at ang iba naman ay

mahirap. Ang mga tauhan sa kwentong ito na masasabing mayaman ay sina Tiyo Samuel,

Felipe, at yung mga dayuhan samantalang ang mga tauhang mahirap naman ay sina Ligaya at

ang mga kabataang nagpo-protesta.

Sa unang bahagi ng kwento makikita ang mga kabatang nagpo-protesta, ipinaglalaban

nila ang kanilang kalayaan. Pagpo-protesta nalang ang kayang gawin ng mga kabataan dahil

wala silang sapat na kayaman na mapapantayan ang estado ng buhay ng mga dayuhan na

maaring maging daan para malaban nila ng patas ang mga ito. Ang mga dayuhan ay malakas

ang kapangyarihan dahil ang mga ito ay mayayaman may sapat na pera para makabili ng mga

8
armas o kung ano pa man na maaring katakutan ng kanilang sinasakopan. Nawawalan ng

laban ang mga kabataan sa mga dayuhan dahil sinasamahan pa ng karahasan ang

paglalabang ito.

Si Tiyo Samuel at mayaman maraming ari- arian, ngunit pumangit ang imahe nya sa

kwento ng lumabas na ang pagiging sakim niya. Dahil sa pagiging sakim at sa kagustuhang

mas tumaas pa ang posisyon niya sa kaniyang lugar, ang malawak na lupain ni Felipe na galing

sa kanyang ama ay ni nais pang angkinin ni Tiyo Samuel. Sa kabilang banda naman si Ligaya

ay masasabing mahirap sa kwento, dahil sa katauyang ito hindi naging maganda ang trato sa

kanya ng tuyihin ni Felipe. Dahil sa pagiging mahirap niya tinututulan ni tiyo Samuel ang pag-

iibigan nilang dalawa ni Felipe. Dahil sa pagiging mahirap ni Ligaya hindi niya makakasa sama

ang lalaking mahal niya dahil sa tuyuhin nitong laging humahadlang sa kanila. Hindi makamit ni

Ligaya at Felipe ang kasiyahang hanggad dahil sa hindi sila magkapareho ng estado ng buhay.

Maaring ang tunggalian sa uri ang isang dahilan kung bakit hindi nakalaban si Ligaya noong

gusting ipalalag ni Tiyo Samuel ang kanyang anak dahil wala siyang kapangyarihan at

kayamanan upang tumutol sa kagustuhan ng nakakataas sa kaniya. At hindi niya rin kayang

suportahan ang kaniyang anak kung nagkataon na hindi pinayagang panindigan ni Samuel ang

bata.

Sa tunggalian ng kasarian o sekswalidad ipinakita kung paano naging “inferior” si Ligaya

mula kay Tiyo Samuel. Makikita na si Ligaya ay walang nagawa noong ginusto ni Tiyo Samuel

na ipalaglag an ang batang nasa kanyang sinapupunan. Si Tiyo Samuel lamang ang nagkaroon

ng pagpapasya sa kahahantungan ng anak nila Felipe. Nagpapakita ito ng dominasyon ng

kalalakihan sa lipunan at pamilya.

Bakas din sa akda ang tunggalian sa lahi. Makikita na si Tiyo Samuel ay isang

Amerikano, isang mestizo at gayon din si Felipe. Si Ligaya naman ay isang Pilipina at may balat

9
na kayumanggi. At dahil dito, sa tingin ni Tiyo Samuel ay mas nakakaangat sila sa mga mula sa

ibang lahi at ito rin ang naging rason kung bakit ayaw niyang magkatuluyan si Felipe at LIgaya,

dahil lamang sa magkaiba sila ng kulay ng balat.

Mababatid sa akda ang pagkakaroon ng patriyarka, ito ay tumutukoy sa isang ama o

kaya naman ay isang matanda, marangal, at kagalang-galang na lalaki na namamahala sa

isang tao o mga tao, angkan o tribo. Sa akda mababasa ang pamamahala ni tiyo Samuel sa

buhay ni Felipe, sa negosyong iniwan sakanya ng kanyang ama at sa pagpigil nito sa relasyon

niya sa kanyang kasintahang si ligaya. Sinabi ng kanyang tiyo nasa edad na bente dos niya pa

maaring hawakan ang mga ari-arian at gusto pa niyang ang kuhaning kurso ni Felipe ay

agrikultura. (“Pagsapit mo ng bente dos…iyo na’yan at kailangang paghandaan mo.Kaya gusto

koý agrikultura ang kunin mo….dahil malupa ang iyong papa.”). Isa pang kaganapan sa akda ay

ang pagpilit ni Tiyo Samuel kay Felipe na pirmahan ang mga nakalatag na mga papeles.

(Hinawakan siya ng kanyang Tiyo Samuel sa bisig at inakay siya sa luklukan katapat ng mga

papels at iniupo siya roon at iniabot sa kanya ang pluma at hinawakan niya iyon at lumagda

siya sa mga papeles.). Hindi lang sa negosyo pumapapel ang kanyang tiyo Samuel pati narin

sa pag-iibigan nila ni Ligaya. Marahil ay mababang uri si Ligaya sa lipunan. Siya ay mahirap,

mahina at kayumanggi ang kulay ng balat. Nang mabuntis ni Felipe si Ligaya ay nais niya itong

panagutan, subalit tinutulan ito ng kanyang tiyo. (“Wala kang pananagutan, Felipe. Aalisin natin

ang sanggol na’yan. Madaling alisin!” sambit ni Tiyo Samuel kay Felipe).Poot at paghihirap

lamang ang sinapit ni Felipe sa kamay ng kanyang Tiyo Samuel, Sinabihan pa siya nito na

walang utang na loob matapos siyang palakihin nito. Kaya’t sa namuong poot sa kanyang

dibdib hindi na nagdalawang isip na sinaksak ni Felipe ang balisong sa kanyang tiyo na

mababasa sa huling bahagi ng akda.( Ang patalim ay ibinaon niya sa dibdib ng humahalakhak

niyang Tiyo Samuel.).Ito ang mga kaganapan sa akda na pumapatungkol sa patriyarka. Ang

pamamahala ni Tiyo Samuel sa buhay ni Felipe ay nagdulot ng kanyang kamatayan.

10
Sa akda ay makikita ang pagkakaroon ng karahasan, ang ilan sa mga tauhan sa kwento

ay nakaranas ng karahasan. Sa pamagat palamang ng akda mababatid na ang laman nito ay

may karahasan. Sa unang bagahi ng kwento makikita ang mga kabataang lalake at babae na

nagpo-protesta na ibagsak ang imperyalismo. Ang mga kabatang ito ay ipinaglalaban nila ang

kanilang kalayan at ipinaglalaban nilang maibagsak na ang imperyalismo nang sa ganun ay

makalaya na sila sa mga karahasan at paghihirapan na dinadanas nila sa kamay ng mga

dayuhang sumakop sa kanila.

Sa akda bago pa mapatay ni Felipe ang kanyang tiyo Samuel, labis ang karahasan at

paghihirap ang pinagdaan niya sa kamay nito. Sa akda pinangakuan ni Tiyo Samuel si Felipe

na ang mga lupang iniwan ng ama niya ay mapapasakanya pagsapit niya ng beinte dos. Nang

mailagay na sa pangalan ni Felipe ang mga lupain ng kanyang ama, lahat ay ginawa ng

kanyang tiyuhin upang makuha sa kanya ang mga ito. Sapilitang paraan ang nangyari para

makuha ng kanyang tiyo Samuel ang mga ari-arian niya na galing sa kanyang ama, dinakip siya

nito at iniharap sa tatlong dayuhan na may dalang mga papeles na siguro'y titulo ng mga lupain

niya, dahil sa ganoong paraan ng kanyang tiyo Samuel napilitan na siyang pirmahan ang mga

ito dahil kahit sinubukan niyang manlaban sa mga ito ay wala siyang nagawa hindi sapat ang

kakayahan niya para labanan ang nga ito.

Isa rin si Ligaya sa nakaranas ng hindi magandang trato ni tiyo Samuel. Ang pag-iibigan

nila ni Felipe ay labis na hinahadlangan ni tiyo Samuel, pilit niyang pinag hihiwalay ang dalawa

dahil sa hindi ito magkapareho ng estado sa buhay. Isa pa rito ay pilit na gustong ipalaglag ni

tiyo Samuel ang bata sa sinapupunan ni Ligay. Sa akda hindi lamang ang mga tauhan na buhay

na buhay at nakikita ang mundo ang nakararanas ng karahasan pati narin ang bata sa

sinapupunan ni Ligaya na wala namang kaalam alam at kasalan ngunit nais na siya ipapatay ng

tiyuhin ng kanyang ama na sa Felipe. Dahil sa labis na karahasan na natamo ni Felipe at Ligay

11
kay Tiyo samuel, iyon ang nag tulak kay Felipe na magalit sa kanyang tiyo hanggang sa ang

galit na iyon ang nag tulak sa kanyan na saksakin ng kaniyang tiyo Samuel.

Sa akdang Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel, mapapansin na may pagka-rasismo nito lalo

nasa parte kung saan binatikos ni tiyo samuel ang paggiging magkasintahan nila Ligaya at

Felipe. Dito ay mababasa na kanyang ipinagkumpara ang kulay ng dalawa, na para bang nais

nyang sabihin na ang kulay ng balat ni Ligaya ang pumapakahulugan sa pagiging mahirap at

hindi ilustrado nito, "Tignan mo ang iyong kulay, tignan mo ang sa kanya ". Sa pag kasabi nya

ng mga katagang iyon, mararamdaman ang pagkasuklam at pandidiri nito kay Ligaya. Ipinakita

rin ni Tiyo Samuel na hindi dapat mag-ibigan ang mga taong magkaiba ng estado sa buhay.

Ang rasismong dahilan na ito ang siyang nagtuak at naging motibasyon ni tiyo Samuel upang

balakin na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ni Ligaya.

Ang lipunan na mayroon sa akda ay isang mala-pyudal na lipunan at mala-kolonyal.

Bakas sa kwento na mayroong kumokontrol at mayrong sumusunod sa mga karakter. Si Tiyo

Samuel ang panginoong may lupa, mayaman at maraming pag-aaring pyudal, at ang kanyang

manggagawa ay si Felipe at Ligaya na sumusunod sa kanyang mga kagustuhan. Mawawari rin

na naka-uri sila ayon sa kanilang yaman sa lipunan kaya’t ganon na lamang tratuhin si Ligaya,

hindi pinayagang magdesisyon para sa kanyang sarili, dahil wala naman siyang kapangyarihan

o ‘di kaya ay yaman. Kaya’t maituturing na mala-pyudal ang lipunan sa kwento. Kaya’t makikita

na marahas din ang lipunan na kinauugnayan ng akda, idagdag mo pa rito ang pagpapahirap

kay Felipe upang sumunod kay Tiyo Samuel. Bakas ang paggamit ng dahas upang masunod

ang kagustuhan at mga plano ng mga kumo-kontrol sa lipunan ng akda. At mala-kolonyal

naman dahil ibang lahi ang kumokontrol at umiimpluwensyan sa lipunan sa loob ng akda.

Ang akdang ito ay isinulat noong 1967, ilang taon mula ng “mapalaya” ang Pilipinas

mula sa mga Amerikano at mga Hapones. Ngunit masasabing sa mga panahong ito, ang

12
lipunan sa labas ng akda ay mala-pyudal at mala-kolonyal pa rin. Bagama’t nakalaya man tayo

sa mga dayuhan, ay hindi agad nakapabangon ang ekonomiya ng Pilipinas kaya’t nangailangan

tayo ng tulong mula sa Amerika. At dahil dito ay nagkaroon tayo ng utang sakanila at nagkaroon

rin ng kabayaran ito, ang pag-gamit sa Pilipinas. Naggawa ng Amerika na magkaroon ng kontrol

at gamitin ang ekonomiya ng Pilipinas sa maka-kapitalismo nilang interes. At hindi nakatakas sa

mga Pilipino na makita ang pagtulong ng Amerika ay isa pa lang tagong interes para sa

kanilang kapakanan. Nakita nila na naghihirap ang mga Pilipino dahil dito at ang mga

Amerikano ang nakikinabang sa yaman na dapat ay sa mga Pilipino. Sa mga panahong ito,

mas naging prayoridad ng lipunan ang ipaglaban ang isyu ng kahirapan. Ang isyu ng rasismo

ay hindi na gaanong naging pansin sa lipunan dahil wala nang mga dayuhan na

nagiimpluwesya ng rasismo. At dahil na rin sa liberasyon na nangyari matapos ang 1946, ang

mga kababgihan ay nagkaroon ng boses sa lipunan na pinalakas ng feminismo kaya’t ang

tunggalian ng kasarian, bagama’t nandoon pa rin ang patriyarka, ay humina at nagimula ng

mapakinggan ang mga kababaihan.

Dahil sa pagpapalayang ginawa sa Pilipinas noong 1946, nagbunsod ito ng liberasyon sa

mga Pilipino. Ngunit sa pagbangon ng Pilipinas, kailansabay nito ang mga Hukbalahap (Hukbo

Laban sa mga Hapon) na maaring nagimpluwensya sa pagkiling ng mga Pilipino sa ideyang

komunismo at sosyolismo dahil isa isilang grupo na naglalayong mangolekta ng lupa mula sa

panginoong may lupa noon. Bagama’t tumigil at hinuli ang HUKBALAHAP, ay ngaawa naman

nilang isiwalat ang mala-pyudal at mala-kolonyal na pamamahala ng Amerika sa ating bansa at

naiswalat din nila an ang solusyon dito ay ang rebolusyon kung saan namayani ang mga

manggagawa kaysa sa mga panginoong may lupa. Sa pagbangon rin ng Pilipinas ay

kinailangan natin ng tulong mula sa ibang bansa, ang Amerika. Ginamit nila ang pagkakataong

ito upang “tumulong” ngunit sa kalaunan ay nalaman ang agenda nila sa pagtulong sa atin. Dito

ay naging mala-kolonyal pa rin ang Pilipinas bagamat napalaya na ito dahil sa papet na

13
pamamahala ng US. Mula dito ay umusbong ang aktibismo at ang nasyonalistang ideya ng

mga Pilipino dahil sa kagustuhang makalaya sa kontrol ng mga dayuhan sa ating lipunan at

ekonomiya. Muling sumigla ang panitikang Pilipino. Nabigyang kalayaan ang mga manunulat

dahil wala nang pagbabawal o pagsesensura ng mga akda. Sa panahong 1960’s, dito

naglabasan ang mga panitikang may nasyonalitang ideya o ultra nasyonalistikong ideya ng mga

manunulat at namayani rin ang mga ideya gaya ng Marxismo kung saan nagpapayong

magkaroonng lipunang walang pag-uuri at ang mga mangagawa ay magtrabaho para sa buong

lipunan at hindi lamang sa iilang tao. Ang mga akda ay patungkol sa kahirapan, karahasan,

opresyon at ang kolonyal na pamamahala sa ating bansa ang namayani sa panitikang Pilipino.

Ito ang naging dahilan kung bakit ang lipunan naging nasyonalista at naghahangad ng

sosyolismo at ito naman ay sumalamin sa mga akda ni Efren Abueg.

Si Efren R. Abueg ay isang Kuwentista, Nobelista, Tagasalin at Guro.. Noong nagkaroon

na ng kamalayan si Eferen Abueg noong 1944, ang nasilayan niya ay digmaan, gutom at

karahasan. Nasaksihan niya ang mga dogfight ng mga eroplanong Amerikano at Hapones. Dito

ay namulat na si Abueg sa mga mahahalagang isyu sa lipunan.

Inaakala ng iba ay kasapi o hindi kaya ay lider si Abueg ng mga kabataang nagpo-

protesta ngunit ang totoo, siya ay hindi talaga sumasali sa mga protesta o welga ngunit

nandoon siya upang mangalap ng istoryana maisusulat niya, na tinatawag nilang "progresibo".

Dito natunghayan niya mga uiikot na mahahalagang isyu ng lipunan na naging interes ng

kanyang mga ilang akda. Siya rin ay naging opisyal, siya ang nagsilibi bilang kapitan at naging

sekretarya rin ng kapitan sa Pamplona Dos, Las Pinas, Metro Manila na maaring mas

nagpalakas sa nasyonalistang interes niya para sa bayan.

Karamihan sa mga manunulat noong 1960's ay naimpluwensyahan ng aktibismo mula sa

pagkakalaya ng bansa. Kasapi si Efren Abueg ng samahang PAKSA (Panulat para sa

14
Kaunlaran ng Sambayanan) na siyang grupo ng mga manunulat na nagkakaroon ng diskusyon

ayon sa kondisyon ng lipunan at upang paunlarinang Marxismo noong 1971. Ito rin ang

namamayaning ideya sa kanyang akdang “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel” kung saan ang

protagnista ay pilit na kumakawala sa mala-pyudal at nag-uuri ayon sa balat na lipunan. Dito

nabuhay ang nasyonalistang damdamin ni Abueg na siyang ipinakita an sumalamin sa kanyang

mga akda. Ang ultra-nasynalistikong pananaw ni Abueg ang nag-udyok sa kanya upang

patayain ang antagonista sa kanyang akdang “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel” dahil

naniniwala na siya na kailangang paalisin at tuluyan ng mawala ang mga dayuhan at mga iilang

tao na kumokontro sa karamihan ng kayaman sa bansa. May dalawang umuusbong na uri ng

pagsulat noong 1950’s-1960’s; ang pormalistiko at progresibo. Lumakas ang pormalistikong

pagsulat dahil sa itinuro ng mg Amerikano sa UP at Ateneo ang “New Criticsm” ng Kanluran na

laban sa progresibo’t istorikal na pananaw na siyang layunin ng mga grupong KADIPAN at

KAMPI, mga grupong kinabibilangan ni Abueg. Ilan sa mga gawa ni Efren Abueg ay masisipi

bilang mapagpalayang sining o mga akdang tumatalakay sa pulitikal at panlipunang mga

konsepto at problema. Si Abueg ay nagsilbing boses ng mga mamamayan na nais magmulat sa

kanyang mga kababayan.

Sa kasalukuyan mababakas pa rin ang tunggalian sa pagitan ng mayaman at mahirap sa

ating bansa. Makikita pa rin ang pagkakaiba ng oportunidad na nakukuha ng mayaman sa

mahirap. Kagaya na lamang sa sistema ng panggagamot sa mga ospital, mas binibigyang

pansin ang mga mayayamang may kakayahang makapagbayad kumpara sa mga mahihirap.

Mula sa paggawa ng mga batas na mayayaman lamang ang nakikinabang at hindi naiisip ang

magiging kalagayan ng mahihirap. Sa mga pagpapatayo Sa kasalukuyan, ang malalaking

porsiyento ng mga kaarian at mga kayamanan sa ating bansa ay hawak pa rin ng iilan lamang

na mga tao at sa kabila nito ay maraming tao pa rin ang naghihirap. Nakakalungkot na isipin na

sa ilang dekada na nagdaan, ganito pa rin, baka nga ay mas lumala pa ang mala-pyudal na

lipunan sa ating bansa.

15
Bagama’t naisulat noong 1967 ang akdang ito, makikita pa rin ang ilang punto sa akda

na may kaugnayan o mahalaga pa rin para sa kasalukuyan. Kahit hindi na tayo nasa ilalim ng

pamamahala ng mga banyaga ngunit hindi na nga ba tayo nagpapakontrol o hindi kaya ay

nagpapagamit sa ibang bansa? Sa kasalukuyan, makikita natin na ginagamit pa rin ang

Pilipinas ng ibang bansa. Hindi ba ang mga banyaga pa rin ang mga nagmamay-ari ng

pinakamalalaking negosyo at ari-arian sa bansa at tayong mga Pilipino ang mga manggagawa

sa mga negosyong iyon. At sa ngayon, pinapautang tayo ng ibang bansa ngunit siguradong

may kapalit itong hihingin sa ating bansa. Tila ba umuulit lamang ang nakaraan ngunit ibang

bansa lamang ang gumagawa.

At kung may mga masamang mga puntong nanatili hanggang sa kasalukuyan, mayroon

ring mga magandang punto na nanatili. Makikita na ang mga Pilipino ay mas naging mulat na at

handa ng lumaban para sa kanilang karapatan. Mas malakas na ang boses at paninindigan ng

bayan kaysa noon. Ngunit hindi pa rin sapat ang dami ng mga Pilipino na lumalaban para sa

reboulsyon na hinihingi at kinakailangan para mabago ang ating lipunan.

Mahalaga ang ipinahahayag at layunin ng akda noon at hanggang sa ngayon. Lalo ito

ay patungkol sa kung anong lipunan ang mayroon sa panahong ito at ang akda rin ito ay

iminumulat ang mga tao sa makasariling pamamahala ng mga Amerikano. Binigyang mulat nito

ang mga mambabasa sa kung ano nga ba ang nagyayari sa lipunan at dahil dito ay maaring

maging motibasyon ito para sila ay kumilos para sa ikabubuti ng ating bayan noon. At sa

kasalukuyan ang halaga ng akda ay makikita pa rin. Ipinapaalala nito na hindi dapat tayo

magpadala at magpakontrol sa mga banyaga. Dapat ay kumawala tayo sa makabanyagang

kamalayan at simulang pahalagahan ang mayroon tayo kaysa sa umaasa tayo sa ibang bansa.

Huwag ulit nating hayaan na sakupin tayo ng mga banyaga, hindi man sa pisikal na aspeto

ngunit lalo’t lalo na ang mentalidad ng ating lipunan ay ‘wag dapat magpasakop sa mga

banyaga.

16
Masasabing ang akda ay makatarungan dahil binigyan nito nang kapangyarihan ang

protagonista na makabawi mula sa pagkokontrol ng kanyang buhay ng antagonista, sa

pamamagitan ng pagpatay dito. Hindi makatarungan ang pagpatay sa legal na diskurso ngunit

kung ang paguusapan ay ang diskursko ng akda, ito ay makatarungan. Ang protesta rin ng mga

kabataan laban sa pamamahala ng Amerika ay simbolo rin ng unti-unting pagpatay sa

pamamahala at kontrol ng Amerika sa Pilipinas at nagppakaita rin ito ng katarungan.

Ang akda ay maaring mag-udyok sa mga mambabasa na huwag ulit magpadala sa mga

makabanyagang motibo. Sa pamamagitan ng akda mas pinapasigla nito ang nasyonalistang

loob ng mga mambabasa at mas pipiliin nilang bayan kaysa sa maka-banyagang interes.

Mapapansin ang paglalagay ni Abueg ng lyrics ng Lupang Hinirang sa unang parte ng

kwento. Ang mga linyang ito ay ‘tila ba sinasalamin ang mga nangyayari sa protesta. Ang unang

sitwasyon ay ipinapakita at ipinakilala ang mga kabataan, sila ay nagmamartsa at may mga

hawak na kartelon at patungo sa isang destinasyon at dito ay inilagay ni Abueg ang mga

linyang [Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, ‘Di ka pasisiil ] na nagpapahiwatig ng ‘di

pagpayag ng mga kabataan na sila ay patuloy na kontrolin ng Imperyalismong US. Ang mga

kabataan ay handang masaktan para lang maipaglaban ang kanilang mga pinaniniwalaan kahit

alam nilang makakalaban nila ang alagad ng batas na pipigil sa protesta. Na siya ‘ring sinalmin

ng isa pang linya ng Lupang Hinirang. Malamang ay inilagay ni Abueg ang mga linyang ito

upang lalong iparamdam ang nasyonalistang ideya ng akda at ilagay ang teksto sa Pilipinas na

tagpuan.

Mapapansin na ang paraan ng pagkwekwento ay sa pananaw ng protagonista. Ang

ginamit ni abueg na paraan ay ang “Internal Monologue” o “Stream of Conciousness” kung saan

ang akda ay inihahayag sa kanyang sariling pananaw. Ngunit ang mahirap sa akda ay pasulpot-

sulpot ang mga panaginip at imahinasyon ni Felipe na siyang gumugulo o nagpapalitaw sa

17
realidad. Sa sikolohikal na paraan ay pinagsamang imahinasyon at realidad ay ipinahayag ang

tunggalian ni Tiyo Samuel, Felipe at Ligaya sa konteksto ng nagpoprotestang mga kabataan.

Nandoon ang pagkakatulad ng sitwasyon ng mga Pilipino mula sa kontrol ng pamamahala ng

Amerika at ang sitwasyon ni Felipe na siyang kinokontrol naman ng kanyang Tiyo Samuel na

isa ring Amerikano.

18

You might also like