You are on page 1of 74

Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng


mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga
Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Cabuyao.
Panuruang Taon :2012-2013

Pamanahunang Tesis

Na Iniharap sa mga Guro ng Kagawaran ng Edukasyon

Pamantasan ng Cabuyao; Lungsod ng Cabuyao

Medyor ng Filipino

Nina:

Balbacal, Mary Hiezel J.


Manangkil, Jay-Ar B.
Peret, Nova T.
Salmingo, Fatima G.

2012-2013
1
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata I

Ang Mga Suliranin at Sanligan Nito:

Panimula

Layunin ng pag-aaral

Paglalahad ng suliranin

Paglalahad ng palagay

Batayang konseptwal

Kahalagahan ng pag-aaral

Saklaw at delimitasyon

Kahulugan ng mga terminong ginamit

Kabanata II

Mga kaugnay na Literatura:

Lokal na pag-aaral

Lokal na literature

Sintesis
2
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata III

Pamamaraang ginamit sa pag-aaral:

Disenyo ng pananaliksik

Tagasagot sa pag-aaral

Mga instrumentong ginamit

Kabanata IV

Paglalagom

Mga Natuklasan

Mga Konklusyon

Mga Rekomendasyon

Kabanata V

Paglalagom

Konklusyon

Rekomendasyon
3
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata I

Ang Suliranin at Sanligan nito

Panimula

Ang pagbabasa ang gintong susi sa daigdig ng kaalaman at

kasiyahan. Ito ang tinaguriang pangunahing asignatura sa dahilang ito ang

batayan o saligan ng halos lahat ng pangkaisipang karunungan. Lubhang

mahalaga ang pagbabasa at pagsusuri para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga

kabataan lalo na sa panahon ngayong mabilis ang pagbabagong nagaganap sa

kapaligiran. Higit na mauunawaan at maiaagpang ng mga ma-aaral ang

kanyang sarili sa kapaligiran kung marunong siyang magpalawak at magsuri ng

kanyang mga nabasang tula at maiikling kwento.

Ang pag-aaral ng panitikan ay hindi lamang may layuning makagising

ng damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa

buhay at pati rin para mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa ibang tao at

tuloy maragdagan pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa at pagsuri

nito.Mapapansin na ganoon na lamang ang pagsusuri sa mga batay na

manunulat sa Filipino na nagpapakita ng kahusayan sa kanilang panitik upang

maipamalas ang mga bagay-bagay na pampilipino tulad ng kanilang mga


4
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

katutubong ugali,paniniwala at kabuhayan. Sa pagsusuri ng tula at maikling

kwento matutunghayan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ng tao,sa

kanyang mga tuwa at dalamhati,pag-ibig at kabiguan,pangarap at pag-asa tulad

ng isinasaad sa winika ni Hen.Azarcas mula sa kanyang aklat na “Pilosopiya at

Literatura”.

“Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao

hinggil sa mga bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa lipunan

at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang

lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniayos sa iba’t

iba niyang karanasan at lagay sa kalooban at kaluluwa, na

nakabalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-

asa o pangamba”, (Jose V. Panganiban, et al Panitikan ng

Pilipinas, p.11).

Karagdagan pa rin ang may hawig. Katuturan ng panitikan sa Panitikang

Pilipino na “ ito’y pahayag na pasalita o pasulat ng mga Pilipino hinggil sa

pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at

pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino, “(Jose V. Panganiban, Panitikang

Pilipino, p.12). Sa mga nabanggit na Depinisyon ng Panitikan at Panitikang

Pilipino ay nagbuo ng maraming anyo ng Panitikan na tulad ng Maikling Kwento


5
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

at Tula na naging sandata sa pagpapahayag at pagpapadama ng kanilang

kaisipan at damdamin tungkol sa kapwa, sa lipunan at sa kapaligiran.

Ang Maikling Kwento ay may layuning magdulot ng aliw sa pamamagitan

ng isang makapangyarihang paglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng

pangunahing tauhan at mag-iiwan ng iisang kakintalan sa isip ng mambabasa.

Ang Tula ay tinatawag na kamalayang nagpapasigasig ayon kay

Alejandro G. Abadilla

Ang manunulat ay hindi lamang manunulat. Isa rin siyang pintor,

arkitekto, iskultor, mandirigma, propeta at iba pa. Nakapag-aakay,

nakapagmumulat, nakapagpapakilos, nakapagpapayanig, nakapagbubuo, at

minsan ay nakapagwawasak din. Siya ang tinig ng kahapon at ngayon.

Sa maikling kwento at tula masasalamin ang buhay, damdamin, lunggati

at kaisipang Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito. Realistikong pagtalakay

ng mga paksang totoong nangyayari at nagaganap sa buhay ng tao. Ang

pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay hindi lamang may layunin makagising

ng damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa

buhay kundi pati na rin mapalawak pa ang pagkaunawa at kawilihan sa

pagsusuri nito. Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin

na nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng


6
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Southville at

Cabuyao.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri

tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng

awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may

opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya

mahalagang siya ay maging matapat. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa

isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna. Isa sa mga

aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba’t ibang

sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran. Dalawa ang layunin ng

panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din sa mga akda ang

magkaroon ng bias sa Kaasalan. Mula rito, maraming napupulot na pangyayari,

sitwasyon at banghay na maaaring gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling

pagmamasid o Karanasan. Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o

nilimbag sa isang tanging wika ng tao ay Panitikan. Ang pinakamahalagang salik

na nagturo sa atin kung paano lumikha ng mahuhusay na panitikan ay

Karanasan. Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang

akda kung walang bias sa Kaasalan. Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman

ang diwa ng mga mambabasa kaya tinawag itong bisa sa Kaisipan.


7
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Layunin ng Pag-aaral

1. Matukoy ang demograpikong profayl ng mga respondenteng mag-aaral.

2. Malinang ang antas ng kasanayan sa pagsususri ng tula at maikling

kwento.

3. Mabatid ang kaugnayan ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng

mga mag-aaralsa pagsusuri ng maikling kwento at tula.

4. Mabigyang halaga ang persepsyon ng mga manunugon hinggil sa

metodong ginamit ng mga guro.

5. Malaman ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa

metodong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling

kwento at tulakapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl.

Batayang Teoretikal

Ang mga tao dito sa sandaigdigan ay may iba’t ibang antas ng

pamumuhay, pagkilala, pagkilala o pananaw sa buhay. Habang umiinog ang

ating daigdigay kaalinsabay nito ang mga pagbabagong nagaganap sa bawat

sandali. Iba’t iba ang nagsusulputang pangangailangan ng mapagsandigan sa

panahon ng kawalan at ng pagkapagod sa mabilis na takbo at pag-inog ng

gulong ng ating palad. Ibang panahon, ibang yugto ng pakikibaka at

pakikitunggali sa mga pagsubok na dumarating sa atin.


8
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Dahil dito nabuhayan ng pag-asa ang mga awtor ng tesis na ito na ang piliin

nila sa mga tula at kwentong susuriin. Ang teoryang ginamit sa pag-aaral na ito

ay ang teorya ni Edward Lee Thorndike ang “Law of Readiness” “ Law of Effect”

at ang tinatawag na “Law of Exercise.

Sa kahandaan o (Law of Readiness), isinaalang-alang sa bahaging ito ng

kahandaan ang kaisipan ng bawat mag-aaral na babasa ng katha na itaya ang

kanilang kahandaan at magsilbing tagapatnubay upang mapadali ang kanilang

paglinang sa kanilang kakayahan sa pagsusuri ng Tula at Maiklking Kwento .

Sa paglalahad ng pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangan na ang mga

mag-aaral ay sanayin na malinang ang kanilang pag-unawa sa binasang katha

ukol sa Tula at Maikling Kwento upang masuri nila nang maayos ang nabasa.

Ang kinalabasan naman o (Law of Effect), sa bahagi namang ito

malalaman ng mga mananaliksik ang bunga ng bawat pag-aaral. Sa teoryang ito

nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsusuri at kung ito ba

ay naiaangkop nila sa kanilang tunay na buhay.


9
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Paradima ng Pananaliksik

Pinagtibayan ng Pag- Pamamaraan o Kinalabasan o


aaral o
(Thruput) (Output)
(Input)
 Pangunahing  Katanungan sa  Mabilis na
mauunawaan
Suliranin sa mga mag-aaral.
ang mga
pagsusuri
suliranin sa
maikling kwento
at tula.

 Kilos o gawi ng  Lawak ng gamit  Madaling


malaman ng
mga mag-aaral ng mga
mga mag-aaral
sa pagsusuri. kagamitang
ang mga
panturo. kagamitang
panturo.

 Ang mga  Pangangalap ng  Mabilis na


epektibong natukoy ang
datos
metodong kakayahan sa
 Sarbey
ginamit ng mga pagsusuri ng
guro sa maikling kwento
pagtuturo ng at tula.
pagsusuri.
10
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Pigura 1

Paradima ng pag-aaral

Ang paradima ng pag-aaral ay nauukol sa paglinang ng pagtuturo ng

Maikling Kwento at Tula sa ikatlong antas ng sekondarya. Sa unang bloke ng

paradima, ang pinagbatayan ng pag-aaral o “Input” ay ang paglinang ng mga

pangunahing suliranin sa pag-aaral ng maikling kwento at tula, at ang kilos o

gawi na nakaiimpluwensya sa kanilang pag-aaral nito. At ang paggamit ng mga

epektibong metodo sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang pangalawang

bloke ay tinatawag na pamamaraan o “Thruput”. Dito nakasalalay ang

kalalabasan ng “Output”, na nakapaloob dito ang mga naaangkop na

pamamaraan sa pag-aaral ng maikling kwento. Dito nakabatay ang paglinang ng

pagtuturo ng maikling kwento at tula at dito rin sa panghuling bloke maipipikita

ang mapanuring pag-aaral at pamamaraang ginamit upang lubos na

pahalagahan ang pagsusuri ng mga maikling kwento at tula. At dahil sa mga

pamamaraan din ng guro, madali nilang makuha ang mga “kagandahang asal”

ng mga kwento at tulang sinuri.


11
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang pansin ang pananaw ng

mga guro at mag-aaral sa paglinang at paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo

ng maikling kwento at tula sa antas ng sekondarya.

1. Anu-ano ang profayl ng mga respondenteng mag-aaral?

2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsusuri ng maikling kwento at tula.

3. Ano ang kaugnayan ng profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng mga

mag-aaral sa pagsusuri maikling kwento at tula.

4. Ano ang persepsyon ng mga respondente sa mga metodong ginamit ng

guro.

5. Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metdong

ginamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at tula

kapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl.

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa piniling mag-aaral mula sa tatlong

mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. Ang mga piniling 340 na mag-

aaral mula sa mataas na paaralan ng Cabuyao, Gulod at Southville ang naging

respondente ng pag-aaral. Batay sa aming naobserbahan, ang tatlong paaralan

na ito ay may malaking populasyon at may magandang pamamaraan ng


12
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

pagtuturo dahil ilan sa mga mananaliksik ay dito nakapagtapos. Ang saklaw ng

aming pag-aaral ay ang profayl ng mga tagasagot at ilang metodong ginagamit

ng mga guro sa pagtuturo ng maikling kwento at tula. At nais ding malaman ng

mga mananaliksik kung gaano kalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

larangan ng pagsusuri ng maikling kwento at tula.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang tesis na ito ay maaaring maraming magsabi na isang mababaw na

pag-aaral lamang, lalu na’t mababasa ang pamagat na “Pagpapalawak ng

Kakayahan sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa

Ikatlong Antas ng Mataas na Paaralan : Isang Pag-aaral”. Maaaring mabuo ang

mga negatibong palagay kung basta na lamang binasa ito at hindi pinag-ukulang

unawain at suriin ang mga nilalaman nito.

Sa ngayon, gusto nang balanang Pilipino na sila’y maaliw kahit sa

panandaliang oras, kahit sa mababaw na pamamaraan tulad ng pagbabasa ng

ganitong uri ng bababasahin na palasak na matatagpuan sa bangketa. Ayon din

sa mananaliksik ang pagbababasa at pagsusuri ng anumang akdang

nakalilibang at nagsisilbing pamatay ng oras sa pagkakainip kung may hinihintay

o sa mahabang paglalakbay o di kaya’y pagkayamot na mararamdaman sa


13
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

mahabang trapiko, na nakakasagabal upang makarating sa dapat puntahan o

makauwi nang maaga sa bahay.

Matibay na paniniwala ng mga mananaliksik ng tesis na ito ayon sa

kanilang pag-aaral ay nakapagbibigay ng malaking ambag at kahalagahan sa

mga sumusunod:

Sa mga Pinuno ng mga Kolehiyo

Maaari nilang isama ang kurikulum o sa balangkas ng kurso (course

outline ) ang pagtuturo ng ganitong akda , ang nobela o maikling kwento ng Pag-

ibig”,sa asignaturang “Panitikang Pilipino” upang sa gayon ay magkaroon

naman ng pagbabago sa uri ng babasahing pampanitikan na mapabilang na ito,

bagamat hindi naman lubusang nawawala ang pagsusuri o pag-aaral ng mga

klasikal na akda ng mga bantog na nobelista o kwentista.

Sa mga Guro ng Panitikan

Magiging masigla ang pagtuturo ng ganitong panitikan ng pag-ibig dahil sa

paksang ito ay pamukaw sa damdamin na may kasamang pang-aliw sa mga

kabataang mag-aaral na nag-uumpisang tumibok ang puso sa ngalan ng pag-

ibig. Bagamat pag-ibig palagi ang pinakasentro ng pang-aliw na paksa ng klase,


14
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

kinakailangang masining ang isasagawang pagtalakay na may pangganyak na

matutuhan ang iba pang kariktang nakapaloob sa kwento tulad ng mapupulot na

mensahe o gintong aral, mabubuting kilos at ugali ng tao at ang tunay na

nangyari sa kapaligiran. At nasusuri nila nang maayos ang mga nilalaman nito at

naunawaan hindi yung basta basa lamang ang ginagawa.

Sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo

Hindi lamang makapagdudulot ng aliw ang mga panitikang ito para sa

mga mag-aaral ng kolehiyo,kungdi ito’y maituturing na mamahaling uri ng akda

na nasasalin sa panitikan dahil sa mga sumusunod na katangian may kariktan,

kasiningan at sangkap para sa isang mahusay na pagsulat.

Ang mga babasahing ito nagpapahiwatig ng kapaki-pakinabang na

mensahe at aral sa buhay. Nakapagpapapragdag din ito sa mga kaalaman

tungkol sa mga tunay na karanasan sa buhay. Sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng

panitikan ay nagkakaroon ng kalakasan ng loob na makapagbigay ng reaksyon

o saloobin sa nabasa.

Mananaliksik sa Hinaharap

Maaaring hagdan ang pag-aaral upang malinang ang pagbabasa ng iba’t

ibang uri ng panitikan at pagsusuri sa mga ito at maiugnay din ito sa ibang

asignatura.
15
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Sa ikadadali ng pang-unawa sa pag-aaral na ito binibigyang kahulugan

ang mga sumusunod na katawaganayon sa pagkagamit ng mga ito sa pag-aaral

ng asignaturang pag-aaral:

Pagbasa-Kasanayan na kumikilala at umuunawa ng simbolo ng talasalitaan ng

mga mag-aaral sa apagsasalita.

Kagamitang panturo-Ang mga ito ay anuman karanasan o bagay na ginagamit

ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan

,kasanayan,saloobin,kaalaman,palagay,pang-unawa at pagpapahalaga sa mga

mag-aaral upang lalong maging konkreto,dynamic at ganap na pagkatuto.Hindi

sapat na may magagamit kagamitang pagpapaturo ang isang guro kundi

kailangang alam niya kung kalian gagamitin ang mga ito.

Guro ng Pilipino-mga taong ginamit bilang respondente sa pananaliksik ng mga

datos ng tesis.

Kasanayang nalinang sa mga estudyante-tumutukoy sa apat na component

ng wika:pagbasa,pagsulat,pagsasalita,pakikinig at pagsulat na naituturo sa loob

ng Grading coverage.
16
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Maikling kwento-ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o

impresyon lamang.Isa itong masining na anyo ng panitikan.

Tula- ay nagmula kay Varsanni Jae I. Solis at nagsasabing ito ay isang anyo

ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng

mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang

diwa at sining ng kariktan.

Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang

magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga

pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Ito ay

maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa kanyang karanasan.

Suliranin sa pagtuturo- ang mga kahirapang nararanasan ng mga guro sa

kanyang pagtuturo sa Filipino bilang isang wika o midyum ng komunikasyon sa

pagtuturo.Maaaring ang mga suliranin ay ukol sa kakulangan sa kagamitang

pangturo,mga saloobin ng mga guro at mga namamahala sa paaralan.

Pagsusuri- o paglilitis ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang masalimuot

na paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang

makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang teknik ay ginamit


17
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle

(384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na

halos kamakailan lamang umunlad.

Pagpapalawak ng kasanayan

Ayon sa mananaliksik ang kakayahan at kasanayan sa ng guro sa

pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay nakabatay rin sa pagpapaliwanag ,

disiplina, ekspiryensya at kagamitang pangturo.

Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin na

nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng

ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Lungsod ng

Cabuyao.

18
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Inilahad sa kabanatang ito ang ilang sipi sa tesis, aklat, internet at iba

pang dyornal na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Natuklasan pa rin

ng mga mananaliksik na bahagi rin ng pag-aaral ng kahit anong akdang

pampanitikan, katalasan ng isip at diwa na may gintong aral sa buhay; subalit sa

pagdaraan ng mga panahon nagbabago ang panlasa ng mga mambabasa,

nararamdaman niyang paminsan-minsan nais niyang malibang o maaliw ang

sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing aantig sa kanyang

damdamin. At masubok ang sariling kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang ito.

Banyagang Literatura

Ipinahayag ni Strong(2009), sa pagbabasa ng tula at maikling kwento na

may malinaw na pag-unawa at pagkilala sa mga salita, pagsusuri sa kanilang

kahulugan at ideya at panganib ng mga kaisipan sa iba’t ibang paraan tulad ng

paglutas ng praktikal na problema.

Pinaniniwalaan naman ni Gray(2008) ang ganitong tinuran tungkol sa

Panitikan. Ang pagbabasa ng isang maikling kwento ay isang gawaing may layon

na maaaring mapagpabago sa katauhan ninuman, magdagdag ng kanyang mga

karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at pandamang kaunlaran, magpabago


19
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan ng mga ito ay makakalikha ng isang

mahusay at matatag na katauhan . Ang pagbabasa nito ay isang masalimuot na

gawaing may mga aspektong mahalaga tulad ng pagkilala sa mga sagisag o

simbolo at pag-unawa. Ayon pa rin sa kanya, sa ibang pakahulugan ng mga

akda, pagtugon sa mga gamit ng ideyang nakuha sa pagbabasa batay sa

layunin at pagsama-sama ng mga ideya upang pakaisipan ang isang tiyak na

kaiisipan.

Binigyan diin ni Hossaine(2009) sa isang komperensiya ng mga

manunulat na Asyano sa PEN noong Disyembre 1997 ang ganitong palagay

tungkol sa iba’t ibang panitikan:

“Ang buhay at panitikan ay magkaugnay sa isa’t isa.

Salamin ng buhay ang panitikan, subalit ang buhay ang

lumikha o batayan ng salamin. Magkatuwang ang buhay at

panitikan pagkat nauukol sa buhay ang isinaisantitik sa

anumang akdang pampanitikan”.

Ayon kay Blaire(2008) na ang pinakakaunting pangkat ng mga mag-aaral

ay mas mahusay at posibleng nakiisa sa mga Gawain. Inilathala rin niya ang

tatlumpung mga mag-aaral habang nagtatalakay ay binibigyan ng dalawang

minuto bawat mag-aaral para sa masiglang pagpapalitan ng kuro-kuro . Ayon


20
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

pa rin sa kanya, ang kondisyon sa loob ng klasrum na may dalawampung (20)

mag-aaral ay naiiba sa klaseng mayroong limampu hanggang animnapung

(50\60) mag-aaral. Nais ng mga bata ang Malaya at aktibong pagganap sa isang

pangkat kung sila ay nasa maliit na klase.

Ayon kay Beard at Hartley (2009), pinapanigan din ni Hornfield sa

panitikan ang maikling kwento bilang katotohanan at katibayan nito bilang

institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo ng kaalaman at bilang pangmoral

na katwiran sa isipan. Ang maikling kwento ayon kay Aristotle, et al. ay higit na

mataas at pilosopikal kaysa sa nobela.

Ayon kay Darling-Hamond (2002), pinaniniwalaan ni Strong R. ang

paghahanap ng obhetibong koreleytib dahil sa pagwawalang bahala sa tao o

dehumanisasyon ang nilikha, na siyang kumakatawan lamang sa iba’t ibang

pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa sining.

Ipinapahayag ni Leech E. (1999) sa kanyang pag-aaral, mula kay Banduria

(2001) sa estilo ng kanyang pag-aaral na isinagawa sa USA sa pamamagitan ng

pagkolekta ng mga datos natuto at nakasunod ng mga mag-aaral, dahil dito

nagugustuhan ng mga mag-aaral ang ginawang pag-aaral dahil nabigyan sila ng

pagkakataon na magsalita tungkol sa iba’t ibang literatura.


21
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Banyagang Pag-aaral

Ayon kay Machtinger (2007) ,Layunin sa pag-aaral na ito na ilahad ang

edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan.

Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa

kahit anong larangan.

Ayon kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik

upang malaman ang kanilang kayang ipakita. ang kasarian ay iba sa pag-uugali,

personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha

at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha.

Lokal na Pag-aaral

Batay Julian Cruz Balmaceda,”Ang Tula ay isang kaisipang

naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang

maangkin ang karapatang matawag na tula.”

Ayon naman ay kay Iñigo Ed.Regalado, ”Ang tula ay kagandahan,

diwa, katas, larawan at kabuuang tonong kriktang makikita sa silong ng alinmang

langit.”

Binibigyan din ng katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord

Macaulay,”Ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng


22
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasakawan ng pagtula ay higit na

malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man

ang mga iyon.”

Sa tula, minsan ay sinabi ni Iñigo Ed. Regalado ang ganito:

“Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung walang tugma,

sukat at taludturan.”

Kung susundin ang pahayag na ito ni Regalado, tahasang

masasabing sa pagsusuri ng tula ay kailangan itong suriin kung tradisyunal o

moderno.

Sang-ayon naman kay Clodualdo del Mundo, “Ang tunay na tula ay

kailangang matigib ang damdamin, kinakailangang magana sa kabuuan nito,

sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring

mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.”

Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling

kwento, naniniwala siya na dapat suriin ang mga elementong taglay nito :

tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig magagandang

kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paano ito nagsimula at

nagwakas.”
23
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Sintesis

Matapos mapag-aralan ang mga kaugnay na literatura at kaugnay na pag-

aaral, nakilala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral.

Masasabing makatutulong ito nang malaki sa mananaliksik upang maging gabay

at batayan ng pag-aaral.

Sa pag-aaral na nabanggit ay may pagkakatulad dahil binigyang pansin

dito ang pag-aaral ng mga lokal na literatura at banyagang literatura. Ayon kina

Strong, Gray, Hossain, Blain, Marquez, Flores at Gabriel, ang pagbabasa at pag-

aaral ng tula at maikling kweto ay nagkakaroon ng malinaw na pag-unawa at

pagkilala ng mga salita, pagsusuri sa kanilang mga kahulugan at pagkilala at

ideya sa ibang ideya at pagsanib ng mga kaisipan sa iba’t ibang paraan tulad ng

paglutas ng praktikal na problema. Ang pagbabasa ng tula at maikling kwento ay

isang gawaing may layon na maaaring magpabago ng katauhan ninuman,

magdagdag sa kanyang karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at

pandamang kaunlaran, magpabago sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan

ng mga ito ay makalikha ng isang mahusay at matatag na katauhan.


24
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata III

Metodolohiya sa Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga kinalap na

pamamaraan, instrumento, talatanungan at istatistikal na data. Deskriptiv na

metodo ang ginamit sa pag-aaral na ito, inilalarawan nito kung ano ang antas at

lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng piling mag-aaral bilang respondente

upang mabatid ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga

panitikan. Pinasimulan ng mga mananaliksik ang pagbabasa at pangangalap ng

mga datos sa iba’t ibang aklat, peryodiko, tisis,at iba’t ibang magasin upang

magkaroon ng sapat na kaalaman sa bawat sinuring datos. Namahagi ang mga

mananaliksik ng talatanungan sa piling mag-aaral ng ikatlong antas ng mga

tatlong mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao.


25
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Mga Instrumetong Ginamit

Makikita sa bahaging ito ang mga talatanungan na ginamit sa naganap na

pag-aaral.

Talatanungan

Ginamit ang talatanungan upang makalikom ng datos o impormasyong

kailangan. Ito ay binubuo ng mga tanong na sinasagot ng mga respondente

upang malaman ang kanilang pananaw tungkol sa panitikang maikling kwento at

tula. Sa pag-aaral ng mga mananaliksik ang paglikha ng talatanungang ito ay

binubuo ng tatlong bahagi; 1. Mga propayl ng mga respondenteng mag-aaral 2.

Mga pangunahing suliranin sa pag-aaral ng panitikang tula at maikling kwento. 3.

Mga metodong ginamit ng mga guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula.

Pamamahagi ng Paglilikom

Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa tagapatnubay,Dekano

ng Edukasyon, Vice President for Academic Affairs upang maipamigay ang mga

talatanungan. Personal na ibinigay ng mga mananaliksik ang pagsubok na

talatanungan at pagkatapos ay nilikom ito.


26
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Ang Pagkakapili at Pagkakabahagi ng Populasyon

Ginamit ng mananaliksik ang kabuuang Tatlong-daan at apatnapung(340)

manunugon ng ikatlong antas ng sekondarya ng mataas na paaralan ng Gulod,

Southville at Cabuyao sapagkat sila ay ginamit na batayan sa pagsusuri ng pag-

aaral sa maikling kwento at tula.

Pagtataya ng Balidasyon ng Kagamitan

Ang mga instrumentong ginamit ay random sampling. Ito ay pagpili sa mga


respondenteng mananaliksik na itinaya ayon sa antas ng kanilang balidasyon sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pre-test sa mga mag-aaral ng ikatlong antas ng
Cabuyao, Southville 1 atGulod National High School. Ang kinalabasan ay pinag-
aralan at inuri ayon sa balidasyon ng bawat aytem bago ibigay sa mga
manunugon. Isinasagawa ito matapos kumunsulta sa mga guro ng Asignaturang
Filipino.

Pag-uulat ng mga Datos

Itinala ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos batay sa personalidad ng


respondente. Ang mga ito ay inihayag at binahagdan upang maipaliwanag ng
mga mananaliksik ang mga nalikom na datos. Ang datos ay ibinanghay batay sa
ibinigay na ulat ng mga respondente.
27
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Pormulang Ginamit

P=B/N x 100

Kung saan ay:

P=Porsyento o Bahagdan

B=Kabuuang Bilang ng Tumugon

N=Kabuuang bilang ng mga Manunugon

Ang mga natirang datos ay isinaayos at inihanay sa antas


ng pagsusuring pamilang at paglalarawan ng puntos.

Likert Scale. Ang ilan sa ginamit na pagsusuring ito. Narito ang mga
sumusunod na Scale:

Sa Suliranin Bilang 2
90-100 – Lubhang MAhusay
70-80 – Mahusay
50-60 – Mahina
30-40 – Mas Mahina
10-20 – Lubhang Mahina
28
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGPAPALIWANAG, AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng nagging resulta ng mga

pagsusuring isinagawa sa pagsusuri ng Tula at Maikling Kwento mula sa mga

respondente ng mga piling mataas na paaralan ng lungsod ng Cabuyao.

Suliranin 1: Profayl ng mga tagasagot batay sa kanilang edad, kasarian,

antas na tinapos ng magulang at buwanang kita.

Itinala ng mga mananaliksik ang mga nalikom na datos batay sa kanilang

edad, kasarian, antas na tinapos ng magulang at buwanang kita. Ang mga ito ay

inihayag at binahagdan upang maipaliwanag.

29
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Talahanayan 1.1a

Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng

Bahagdan ng mga Tagasagot

Batay sa Kanilang Edad

EDAD Prekwensi (f) Bahagdan(%)


14 – 16 309 90.88
17 - 19 31 9.11
Kabuuan 340 100

Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng

bahagdan ng mga tagasagot batay sa kanilang edad.

Ang edad ng mga respondenteng mag-aaral ay naaangkop sa hangganan

na 14 – 19 na taon. Ang 14 – 16 taon ay nakalikom ng 309 o 90.88 na bahagdan

na siyang pinakamataas at 17 – 19 taon ay nakalikom ng 31 o 9.11 na

bahagdan.

Implikasyon:

Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot mula sa

mga piling paaralan ay nasa gulang na 14 – 16 na siya namang karaniwang

inaasahan na edad ng mga mag-aaral ng ikatlong antas sa sekondarya. Mula

dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang kanilang pangkabatirang

antas (cognitive level) kahit ito ay maging persepsyon, opinion at ideya.


30
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Gayundin, mas higit na nagiging matibay ang kanilang basehan o batayan dahil

hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang mga edad. Ito ay sinususugan ng pag-

aaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga mag-

aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang

edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit

na anong larangan.

Bagamat may mangilan ngilang mag-aaral na lumalampas sa karaniwang

inaasahanag edad, ito ay normal lamang sapagkat sa mga mag-aaral na

nabibilang sa mahihirap na pamilya, di naiiwasan ang magkaroon ng suliranin o

sagabal upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Ngunit, maari din

naman na ang dahilan ay pagkakasakit o alin pa mang kadahilan labas sa

kahirapan. Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang, pagtugon sa mga

pangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng mga mag-

aaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Ipaye (2006) na kapag ang

kita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at pangunahing

pangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng edukasyon ay

naisasantabi. Ito ang nagiging dahilan kung kaya’t may mga mag-aaral na

napapahinto o di naman kaya ay tuluyan ng di nakapag-aaral. Dahil din sa

kakulangan ng kita, ang mga magulang ay di nakatutugon sa lahat ng mga

pangunahin, panlipunan, at pang-akademikong pangangailangan ng kanilang


31
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

mga anak sa paaralan. Dahil dito ang ibang mga mag-aaral ay humihinto para

maghanapbuhay para masuportahan ang sarli at makatulong sa pamilya (Ipaye,

2008)

Table 1.2a

Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng

Bahagdan ng mga Tagasagot

Batay sa Kanilang Kasarian

KASARIAN Prekwensi (f) Bahagdan (%)


Lalaki 144 42.35
Babae 196 57.65
KABUUAN 340 100

Ang propayl naman ng kasarian ng mga respondenteng lalaki ay umabot

sa 144 o 42.35 na bahagdan at ang mga babae ay umabot sa 196 o 57.65 na

bahagdan.

Ipinapakita ng datos na ang karamihan sa bilang ng mga lumahok sa pag-

aaral na isinagawa ay relatibong mga kababaihan.

Implikasyon:

Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng

kaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ayon kay Feingold (2008) Ang

kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kayang

ipakita. Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at


32
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa

pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Bilang karagdagan, ang pag-

aaral ni Johnson (2006) ay nagpapatibay na ang kasarian ay may kaugnayan.

Ayon sa isinagawa niyang pananaliksik, ang mga kababaihan ay higit na mataas

ang marka kumpara sa mga kalalakihan. Higit na mas mababa ang kakayahang

pang-akademiko ng mga lalaki kumpara sa mga babae.

Table 1.3a
Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng
Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa
Antas na Natapos ng Magulang
(Ina)
Antas na Natapos ng Magulang
(Ina) Prekwensi (f) Bahagdan (%)
Nakapagtapos ng Mababang paaralan 37 10.88
Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos
ng Mababang Paaralan 14 4.12
Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan 107 31.47
Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos
ng Mataas na Paaralan 58 17.06
Nakapagtapos ng kolehiyo 58 17.06
Nakatungtong ngunit hindi Nakapagtapos
ng Kolehiyo 43 12.65
Teknikal / Bokasyonal 23 6.76
KABUUAN 340 100
33
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Ang Talahanayan 1.3a ay nagpapahayag ng prekwensi at pagbabahagi

ng mga bahagdan ng respondente batay sa antas na natapos ng kanilng mga

ina.

Mapapansin sa mga nakalap na datos na 107 o 31.47 na bahagdan ang

nakapagtapos ng mataas na paaralan na siyang pinakamataas sa lahat.

Sinusundan naman ng 58 o 17.06 na bahagdan ang nakapagtapos ng kolehiyo

at nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mataas na paarala. Pangatlo

naman ang nakatungtong ng kolehiyo ngunit hindi nakapag tapos na may 43 o

12.65 na bahagdan. Ikaapat naman ay may 37 o 10.88 na bahagdan na

nakapagtapos ng mababang paaralan. Ang ikalima naman ay may 23 0 6.76 na

bahagdan na kumuha ng teknikal o bokasyonal at ang ika-anim at panghuli ay

may 14 o 4.12 na bahagdan na nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng

mababang paaralan.

Implikasyon:

Ipinapakita ng datos ng pag-aaral na karamihan sa mga ina (at ama,

tingnan ang talahanayan 1.3b) ay nakapagtapos ng sekondarya. Ayon kay

Sprinthall (2001), ang mga magulang ang panungahing nagtatakda ng

pamantayan para sa kanilang mga anak at mga kagamitan sa paaralan. Kung

ang mga magulang ay nakapagtapos lamang ng sekondarya o higit na


34
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

mababang antas ng edukasyon, karaniwan ay mababa ang antas ng pang-

akademikong kakayahan ng mga mag-aaral.

Table 1.3b

Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng

Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa

Antas na Natapos ng Magulang

(Ama)

Antas na Natapos ng
Magulang Prekwensi (f) Bahagdan (%)
(Ama)
Nakapagtapos ng Mababang 39 11.47
paaralan
Nakatungtong ngunit hindi 27 7.94
Nakapagtapos ng Mababang
Paaralan
Nakapagtapos ng Mataas na 110 32.35
Paaralan
Nakatungtong ngunit hindi 42 12.35
Nakapagtapos ng Mataas na
Paaralan
Nakapagtapos ng Kolehiyo 57 16.76
Nakatungtong ngunit hindi 39 11.47
Nakapagtapos ng Kolehiyo
Teknikal / Bokasyonal 26 7.65
KABUUAN 340 100
35
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Dito sa talahanayan 1.4, ipinapahayag ang prekwensi at pagbabahagi ng

bahagdan ng respondent batay sa antas na natapos ng kanilang mga ama.

Mapapansin sa mga nakalap na datos na 110 o 32.35 bahagdan ang

nakapagtapos ng mataas na paaralan na siyang pinakamataas sa lahat. Ikalawa

ay may 57 o 16.76 na bahagdan na nakapagtapos ng kolehiyo. Ikatlo ay may 42

o 12.35 na bahagdan na nakatungtong ngunit hindi nakapagtapos ng mataas na

paaralan. Ang ikaapat naman ay may 39 o 11.47 na bahagdan na nakapagtapos

ng mababang paaralan at nakatungtong ng kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos.

Ang ikalima ay may 27 o 7.94 na bahagdan na nakatungtong sa mababang

paaralan ngunit hindi nakapagtapos. At ang ikaanim at pinaka huli ay may 26 o

7.65 na bahagdan na kumuha ng teknikal o bokasyonal.

Implikasyon:

Ipinakita sa resulta ng pangangalap na karamihan sa ama ng respondente

ay nakapag tapos ng mataas na paaralan at sinusundan din naman ng mga

nakapag tapos ng kolehiyo. Malaki ang epekto nito sa pagkahubog ng mga mag-

aaral sa kanilang pag-aaral sapagkat ang ama tulad din ng ina ay mas higit na

tinitingala sa bawat pamilya ng lipunang Pilipino lalo pa at patriyarkal ang

kinalakhang kultura ng mga Pilipino.


36
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Table 1.4

Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng

Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa

Buwanang Kita ng Kanilang Pamilya

Buwanang Kita ng Pamilya Prekwensi (f) Bahagdan (%)


1000-8000 215 63.24
9000-16000 96 28.24
17000-24000 25 7.35
25000-32000 4 1.18
KABUUAN 340 100

Ipinapahayag ng talahanayan 1.5 ang prekwensi at pagbabahagi ng

bahagdan ng buwanang kita ng mga magulang ng mga respondente.

Gamit ang talahanayang ito, ang mga sumusunod na resulta ay inilahad:

(215) o 63.24% ng mga magulang ng mga respondente ay may buwanang kita

na 1000-8000 libong piso; (96) o 28.24% ay may 9000-16000 libong pisong

buwanang kita; (25) o 7.35% ay may buwanang kita na 17000-24000 libong piso

at (4) 0 1.18% ay may buwanang kita na 25000-32000 libong piso .

Implikasyon:

Ang datos sa itaas ay nagpapakita na mga mag-aaral na naging bahagi

ng isinagawang pag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya. Ayon kay


37
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Sprinthall (2008), ang mga magulang ang nagbibigay ng lahat ng

pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi lamang personal na

pangangailangan kundi maging sa paaralan. Kung hindi matugunan ng

magulang ang mga pangangailangan ng kanilang anak na nag-aaral, ito ay

maaaring magbunga ng mababang antas ng kakayahang pang-akademiko. Ang

mababang kita at kahirapan ay isa sa mga pangunahing sagka upang

magkaroon ng edukasyong may kalidad ang mga mag-aaral. Ayon kay Johnson

(2006), ang akademikong kakanyahan ay itinutulak ng mga salik ng sosyo-

ekonomiko (socio-economic).

Ang kahirapan at mababang antas ng sosyo-ekonomiko na pinalubha pa

ng kakapusan ng ama at ina ay nagreresulta sa mababang kakanyahan na pang-

akademiko dahil hindi nila natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa

batayang aklat at iba pang kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ng

kaalaman. Ang pangit na kalagayan na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulak

upang dumami ang mga mag-aaral na bumagsak o huminto sa pag-aaral.

Bilang karagdagan, ang kahirapan na may kaangkop na kakapusan sa

mga sosyal (social) at pang-ekonomikong pangangailangan ng bata (mag-aaral)

ay karaniwang nagbubunga sa mahina o mababang akademikong kakayahan

(Shittu, 2004)
38
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Suliranin 2: Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral buhat sa

pagsusuri ng tula at maikling kwento?

Ang mga sumusunod na paglalahad ng mga nakalap na datos mula sa

mga respondente matapos makuha ang resulta ng istatistikal na paglalahad ng

pag-aaral.

Table 2.1a

Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng

Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa

Nakuhang Marka

(Maikling Kwento)

Marka Prekwensi (f) Bahagdan(%)


90 - 100 60 17.65
70 - 80 74 21.76
50 - 60 103 30.29
30 – 40 76 22.35
10 – 20 27 7.94
KABUUAN 340 100

Leyenda :

90-100 – lubhang mahusay

70-80 -- mahusay

50-60 -- mahina

30-20 – mas mahina


39
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

10-20 – lubhang mahina

Ipinapakita sa talahanayan 2.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng

bahagdan batay sa resulta ng ng pagsusuri na nakuha ng mga respondente.

Gamit ang mga talahanayang ito, ang mga sumusunuod na resulta ay

inilahad; mayroong 110 o 32.35 na bahagdan ang nakakuha ng marking 40-59,

ikalawa ay may 88 o 25.88 na bahagdan ang nakakuha 80-100, ikatlo ay may 78

0 22.94 na bahagdan ang nakakuha ng 60-59, ikaapat ay may 55 0 16.18 na

bahagdan na nakakuha ng 20-39 at ang ikalima at panghuli sa lahat ay may 9 o

2.65 na bahagdan na nakakuha ng 0-19 na puntos.

Implikasyon:

Hindi gaanong mataas ang antas ng karunungan ng mga manunugon

hinggil sa pagsusuri ng maikling kwento. Mapapansin sa talahanayang ito na

karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may

kahinaan sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at

hindi sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng Maikling Kwento.

Ang ilan lamang sa mga dahilan ay ang hindi wastong paggabay sa mga

mag-aaral habang sila ay nagsusuri ng itinakdang maikling kuwento. Gayundin

ang dulog (approach) o metodong (method) ginagamit ng guro ay mahina at


40
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

hindi nakakapukaw ng interes ng mga mag-aaral. Maaari ring maganda at

efektivo ang inihandang metodo o dulog ng guro subalit hindi mabatid ng mga

mag-aaral ang sustansiya o kahalagahan ng paksang araling inilahad. Ito ay

maiuugnay sa Prinsipyo ng Learning Pathology, binibigyang diin na ang

pagkatuto ay wala sa pagiging mabisa ng kagamitang pampagtuturo o metodo

maging istratehiya ng guro kung hindi sa intrinsikong pangangailangan ng bawat

mag-aaral sa araling ilalahad.

Table 2.1b

Ang Prekwensi at Pagbabahagi ng

Bahagdan ng mga Tagasagot Batay sa

Nakuhang Marka

(Tula)

Marka Prekwensi (f) Bahagdan(%)


90 – 100 44 12.94
70 – 80 92 27.05
50 – 60 119 35.00
30 – 40 64 18.82
10 - 20 21 6.18
KABUUAN 340 100

Leyenda :

90-100 – lubhang mahusay


70-80 -- mahusay
50-60 -- mahina
30-20 – mas mahina
41
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

10-20 – lubhang mahina


Ipinapakita sa talahanayan 2.1 ang prekwensi at pagbabahagi ng

bahagdan batay sa resulta ng pagsusuri ng tula na nakuha ng mga respondente.

Gamit ang mga talahanayang ito, ang mga sumusunuod na resulta ay

inilahad; mayroong 124 o 36.47 na bahagdan ang naakuha ng 40-59, ikalawa

mayroong 86 o 25.89 na bahagdan ang nakakuha ng 40-59, ikatlo mayroong 73

o 21.47 na bahagdan ang nakakuha ng 60-79, ikaapat mayroong 48 o 14.12 na

bahagdan ang nakakuha ng 20-39, ikalima at ang huli sa lahat ay mayroong 9 o

2.65 na bahagdan ang nakakuha ng 0-19 na puntos.

Implikasyon:

Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay hindi

nakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang sapat na kakayahan sa pagsusuri

ng tula, ngunit isang-kapat sa buong populasyon ng mga respondente ang

naging mahusay o umabot sa tamang lebel ng pagkatuto

Hindi gaanong mataas ang antas ng karunungan ng mga manunugon

hinggil sa pagsusuri ng tula. Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa

mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan sa

pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi sapat ang

kanilang kaalaman upang makapagsuri ng tula.


42
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Ang ilan lamang sa mga dahilan ay walang tamang paggabay sa mga

mag-aaral at hindi natutugunan ang kognitivong pangangailangan. Gayundin,

uhaw pa ang kanilang kaalaman sa paghihimay ng mga elemento nito, kaya

nararapat lamang na bigyang ng halaga ang nasabing pangunahing suliranin.

Bagamat hindi pinatutunayan ng datos ng kasalukuyang pag-aaral, mahihinuha

na maari din na mayroon kontribusyon ang guro sa pagsusuri ng tula, ngunit ang

guro ay nangangailangan nang matagumpay na pagganyak upang mapukaw ang

atensyon ng mga mag-aaral. Ang mga salik na maaaring nakakaapekto sa kanila

ay: antas ng pamumuhay, natapos ng kanilang magulang, at pamamaraan ng

pagtuturo. Ito ay maaaring mayroong kaugnayan sa pansarili nilang pang-

kogtivong kakayahan. Nararapat lamang na malaman natin kung ano ang

kanilang demograpikong profayl nang sa gayon alam ng guro kung ano ang

mailalapat at angkop sa metodo sa pagtuturo.

43
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Suliranin 3: Ano ang persepsyon ng tagasagot sa metodong ginamit ng

guro?

Talahanayan 3.1

Persepsyon ng Tagasagot sa Metodong Ginamit ng Guro

5 4 3 2 1 TW WM D

1. Paggamit ng aming guro 92 98 89 26 35 1206 3.55 M


ng pangganyak bago
(460) (392) (267) (52) (35) 340
simulan ang talakayan.
2. Naiuugnay sa aming 87 107 89 35 22 1222 3.59 M
buhay ang tinalakay na
(435) (428) (267) (70) (22) 340
tula at maikling kwento.
3. Pagkakaroon ng palitan 139 93 64 30 14 1333 3.92 M
ng ideya o opinion sa
(695) (372) (192) (160) (14) 340
paksang tinalakay.
4. Gumagamit ng 112 113 68 30 17 1293 3.80 M
konkretong halimbawa
(560) (452) (204) (60) (17) 340
ang aming guro sa
pagtalakay ng tula at
maikling kwento.
Average Mean Value 3.72 M
44
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Ang talahanayan bilang 3.1 ay nagpapakita ng persepsyon ng mga tagasagot

sa metodong ginagamit ng guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at

tula.

Batay sa ginawang pagtugon ng mga tagasagot, ang mean value na 3.55 ay

nagpapakita na ‘Minsan’ lamang kung gumamit ng pangganyak ang guro bago

magsimula ang pagtalakay sa leksyon. Ang mean value na 3.59 ay nagpapakita

rin ng ‘Minsan’ lamang kung iugnay ng guro ang tinatalakay na tula at maikling

kwento sa kanilang buhay. Gayundin ang mean value na 3.92 na nagpapakita na

‘minsan’ lang din magkaroon ng pagpapalitan ng ideya at opinion ang klase

tungkol sa tinatalakay na tula at maikling kwento. At bilang panghuli, ang mean

value na 3.80 ay nagpapahiwatig din na ‘Minsan’ lang gumagamit ng

kongkretong halimbawa ang guro upang matalakay ng wasto ang maikling

kwento at tula.

Implikasyon:

Ang naging kabuuang resulta ng talahanayan 3.1 ay nagpapahayag ng

minsan lang na paggamit ng metodo ng mga guro sa pagsusuri ng maikling

kwento at tula.
45
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Base sa ipinapakita ng datos, hindi nagiging sapat ang ambag ng guro

para matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan nang lubos ang mga

pamamaraan sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang may pinakamahinang

marka sa nakatalang tabulasyon ay ang pag-uugnay ng nilalaman o konteksto ng

piling maikling kuwento at tula, isang indikasyon na mahina ang aspetong

pandamdamin o afektivo ng mga mag-aaral, malaki ang impluwensya ng mga

isinagawang metodo o dulog ng guro, maaaring ito ay pangkaisipan lamang o

saykomotor at hindi nabigyan ng mariing diin ang naturang aspeto. Sa ibang

pangangatwiran maaaring pagkakabisa lamang ang naging dulog ng guro kung

kaya’t walang nangyaring pagpapahalaga sa semantika o kahulugan ng mga

naturang genre ng panitikan.

Suliranin 4: Ano ang kaugnayan ng propayl ng mga tagasagot sa

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling kwento at Tula.

Ipinapahayag ng mga talahanayang ito ang kaugnayan ng profayl ng mga

tagasagot sa kakayahan nilang magsuri ng maikling kwento at tula. 46


Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Talahanayan 4.1

Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa Kakayahan ng mga

Mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento

X Y -
ʎ2 Values Interpretation Decision
(Profayl)
Computed Tabular

EDAD 19.99 11.07 p > 0.05 Rejected


(df = 5)
Ho
Kakayahan Significant

ng mga
KASARIAN 12.84 9.49 p > 0.05 Rejected
Mag-aaral (df = 4)
Ho
Not Significant
sa
BUWANANG 20.11 25.00 p ‹ 0.05 Accepted
Pagsusuri KITA (df = 20)
Ho
Not
ng Maikling
Significant

kwento ANTAS NA 17.41 43.77 p ‹ 0.05 Accepted


NATAPOS NG (df = 24)
Ho
MAGULANG Not
(INA) Significant

ANTAS NA 24.07 43.77 p ‹ 0.05 Accepted


NATAPOS NG (df = 24)
Ho
MAGULANG Not Significant
(AMA)
47
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Ipinapakita sa talahanayang ito na ang edad at kasarian ay may

kinalaman sa pagsusuri ng maikling kwento, maaaring makaapekto ito dahil sa

kanilang mga karanasan at kaalaman samantala, ang buwanang kita ng pamilya

at antas na natapos ng kanilang magulang (ina at ama) ay walang kinalaman o

hindi nakakaapekto sa pagsusuri nila ng maikling kwento marahil ay

nakadepende parin talaga sa mag-aaral kung magpapaapekto sila dito hanggat

naroon parin ang kagustuhan nilang matuto.

Tekstwal na Interpretasyon

Ipikita sa talahanayan 4.1 ang ugnayan ng profayl at kakayahang pang-

akademiko ng mga mag-aaral. Ang computed value na 12.84 ay relatibong mas

mataas kaysa sa tabular value na 9.49 sa degrees of freedom na 4. Ito ay

nagpapakita na may ugnayan ang kasarian at ang kakayahang pang-akademiko

ng mga mag-aaral. Samakatuwid ang null hypothesis na nagsasabing walang

ugnayan ang dalawa ay hindi tinatanggap. (Reject: Ho)

Ikalawa, ang computed value na 19.99 ay relatibong mas mataas kaysa

sa tabular value na 11.07 sa degrees of freedom na 5. Ito ay nagpapakita na

may kaugnayan ang edad at kakayahan ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang

null hypothesis na nagsasabing walang ugnayan ang dalawa ay hindi

tinatanggap o rejected.
48
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Buhat sa buwanang kita at antas na natapos ng magulang (ina at ama),

mapapansing mas mababa ang Kompyuted na halaga kaysa sa tabyular na

halaga. Ipinapakita na walang signifikong kaugnayan ang dalawang ito sa

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kuwento.

Implikasyon:

Ipinapakita sa naturang tabulasyon na ang edad at kasarian ng mga mag-

aaral ay may kinalaman sa pagsusuri ng maikling kwento. Kung ang edad ang

pagbabatayan, ayon kay Machtinger (2007) ito ay maaaring makaapekto sa

kanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Ayon naman kay Feingold (1988)

Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang

kayang ipakita. Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng

guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay

sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha.

49
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Talahanayan 4.2

Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa Kakayahan ng mga

Mag-aaral sa pagsusuri ng Tula

X Y -
ʎ2 Values Interpretation Decision

(Profayl) Computed Tabular

EDAD 2.08 9.49 p ‹ 0.05 Accepted


(df = 5) Ho
Kakayahan Not
Significant
ng mga
KASARIAN 8.67 9.49 p ‹ 0.05 Accepted
Mag-aaral (df = 4) Ho
Not Significant
sa
BUWANANG 14.10 21.03 p ‹ 0.05 Accepted
Pagsusuri KITA (df = 20) Ho
Not
ng Tula
Significant
ANTAS NA 21.48 36.42 p ‹ 0.05 Accepted
NATAPOS NG (df = 24) Ho
MAGULANG Not
(INA) Significant
ANTAS NA 21.43 36.42 p ‹ 0.05 Accepted
NATAPOS NG (df = 24) Ho
MAGULANG Not Significant
(AMA)
50
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Ipinapahayag ng talahanayang ito na walang kinalaman ang kanilang profayl

(edad, kasarian, buwanang kita ng pamilya at antas na natapos ng ina at ama)

sa pagsusuri ng tula, marahil ay hindi sila nagpapaapekto sa naturang aspeto.

Implikasyon:

Hindi nakaapekto ang profayl ng mga tagasagot sa pagsusuri nila ng tula.

Ito ay marahil may pansarili o intrinsikong kagustuhan ang mga tagasagot na

magbasa at magsuri ng mga maikling kwentong Pilipino. Ang bawat mag-aaral

ay may pankognitivong kahandaan upang matukoy ang kahalagahan ng

nilalaman ng binasang akda. Majoriti ng mga mag-aaral ay may matinding

pagkagiya sa pagbasa ng mga klasikong akda.

Suliranin 5: Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa

metodong ginamit ng guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng Maikling kwento

at Tula kapag pinangkat ayon sa kanilang profayl?

51
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Talahanayan 5.1

Kabuuan ng Pagsusulit ng Chi-Square(ʎ2) para sa Malaking Pagkakaiba ng

Kaugnayan ng Profayl ng mga Mag-aaaral sa

Metodong Ginamit ng Guro

X Y -
ʎ2 Values Interpretation Decision

(Profile) Computed Tabular

EDAD 10.68 11.07 p ‹ 0.05 Accepted


(df = 5) Ho
Kaugnayan Not
Significant
ng profayl
KASARIAN 18.40 31.41 p ‹ 0.05 Accepted
ng mga (df = 19.90) Ho
Not Significant
mag-aaaral
BUWANANG 28.28 25.00 p > 0.05 Rejected
sa KITA (df = 15) Ho

metodong
Significant

ginamit ng ANTAS NA 25.60 43.77 p ‹ 0.05 Accepted


NATAPOS NG (df = 30) Ho
guro MAGULANG Not
(INA) Significant
ANTAS NA 37.95 43.77 p ‹ 0.05 Accepted
NATAPOS NG (df = 30) Ho
MAGULANG Not Significant
(AMA)
52
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Buhat sa tabulasyon, makikitang walang kinalaman o hindi nakakaapekto

ang edad, kasarian at antas na natapos ng magulang sa pagsusuri nila ng

maikling kwento na may kinalaman naman sa metodong ginamit ng guro

samantalang mayroon namang kinalaman ang buwanang kita ng pamilya ng

tagasagot sa kanilang pagpapalawak ng kaalaman sa pagsusuri ng maikling

kwento at tula, marahil ang mataas na buwanang kitang nalilinang ay isang

indikasyon ng kakayahang magkaroon ng mga klasikong aklat o antolohiya ng

maiikling katha kabaligtaran ng may mababang kita na walang kakayahang

makalinang ng mabubuting aklat sa halip ay ibang mapaglilibangan.

Implikasyon:

Ipinapahayag na mayroong signipikong pagkakaiba ang buwanang kita ng

mga magulang at ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa akademikong

kasanayan. Ipinaparating din nito na hindi sapat ang kita ng magulang upang

matugunan ang pangagailangan ng pamilya hindi pa kabilang ang

pangangailangang pang-edukasyon ng kanilang mga anak. 53


Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Kabanata V

Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Naunang tinalakay sa kabanatang ito ang mga suliranin ng pagsusuri, ang

mga tagasagot at ang mga ginamit sa estadistika sa mga datos ng pag-aaral.

Kasunod nito, ay ang pagbaling ng pagtalakay sa lagom ng pag-aaral, mga

kongklusyon at mga rekomendasyon ng mga mananaliksik.

Mga Natuklasan:

1. Sa kabuuan, ang mga mag-aaral buhat sa Cabuyao National High

School, Southville 1 at Gulod National High School ay may gulang na

nasa pagitan ng 14-16 o ang inaasahang aktwal na gulang ng mag-aaral

sa ikatlong antas ng sekondarya. Karamihan sa kanila ay mga

kababaihan na nabibilang sa mahihirap na pamilya na may buwanang

kita na mula P1000 at hindi lalampas ng P16,000. May ilang bilang ng

mga magulang na nakapag-aral o nakatungtong ng kolehiyo subalit ang

karamihan sa kanila ay nakapagtapos lamang ng sekondarya o mas

mababa pa.

2. Hinggil sa antas ng kakayahan ng mga sa pagsusuri ng maikling kwento,

ang datos ay nagpapakita na ‘Mahina’ o nasa pagitan ng 50 hanggang 60


54
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

bahagdan lamang ang antas ng marka ng mga mag-aaral. Karamihan sa

mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at may kahinaan

sa pagsusuri, sapagkat makikita na mahina ang kinalabasan nito at hindi

sapat ang kanilang kaalaman upang makapagsuri ng Maikling Kwento.

3. Hinggil sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Tula,

ang datos ay nagpapakita na ‘Mahina’ o nasa pagitan ng 50 hanggang 60

bahagdan lamang ang antas ng marka ng mga mag-aaral. Karamihan

sa mga mag-aaral ay hindi nakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang

sapat na kakayahan sa pagsusuri ng tula, ngunit isang-kapat sa buong

populasyon ng mga respondente ang naging mahusay o umabot sa

tamang lebel ng pagkatuto

4. Mula sa datos na nakalap, naipapakita ng kasalukuyang pag-aaral na

‘minsan’ lang kung gumamit ang mga guro ng mga sumusunod na

metodo sa kanilang pagtuturo ng pagsusuri ng Maikling Kwento at tula:

paggamit ng pangganyak bago magsimula ang pagtalakay sa leksyon;

pag-uugnay ng guro sa tinatalakay na tula at maikling kwento sa kanilang

buhay; pagkakaroon ng pagpapalitan ng ideya at opinion ang klase

tungkol sa tinatalakay na tula at maikling kwento; paggamit ng

kongkretong halimbawa ang guro upang matalakay ng wasto ang

maikling kwento at tula.


55
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

5. Ang edad at kasarian ng mga mag-aaral ay may signifikong kaugnayan

sa kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Maikling Kwento; samantalang

ang buwanang kita at antas ng natapos ng mga maguang (ama at ina) ay

walang signifikong kaugnayan sa antas ng kanilang kakayanan sa

pagsusuri ng Maikling Kwento.

6. Ang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga

magulang (ama at ina) ng mga mag-aaral ay walang signifikong

kaugnayan sa kanilang kakayanan sa pagsusuri ng Tula.

7. Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at

Tula ay walang signifikong pagkakaiba kapag sila ay pinangkat ayon sa

kanilang edad, kasarian,at antas ng natapos ng mga magulang (ama at

ina).

Mga Konklusyon:

1. Ipinapakita ng nakalap na datos na karamihan sa mga tagasagot mula

sa mga piling paaralan ay nasa gulang na 14 – 16 na siya namang

karaniwang inaasahan na edad ng mga mag-aaral ng ikatlong antas sa

sekondarya. Mula dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit

ang kanilang pangkabatirang antas (cognitive level) kahit ito ay maging

persepsyon, opinion at ideya. Gayundin, mas higit na nagiging matibay


56
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

ang kanilang basehan o batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng

kanilang mga edad.

2. Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng

kaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral

3. Ipinapakita ng datos ng pag-aaral na karamihan sa mga ina ay

nakapagtapos ng sekondarya at karamihan sa ama ng respondente ay

nakapag tapos ng mataas na paaralan at sinusundan din naman ng

mga nakapag tapos ng kolehiyo. Malaki ang epekto nito sa

pagkahubog ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sapagkat ang

ama tulad din ng ina ay mas higit na tinitingala sa bawat pamilya ng

lipunang Pilipino lalo pa at patriyarkal ang kinalakhang kultura ng mga

Pilipino.

4. Ang kalakhang bahagdan ng mga mag-aaral na naging bahagi ng

isinagawang pag-aaral ay nabibilang sa mahihirap na pamilya

5. Mula sa datos ng isinagawang pag-aaral ay mahihinuhang ‘mahina’

ang kakayahang pang-kognitibo ng mga mag-aaral buhat sa Cabuyao

National High School, Southville1, at Gulod National High School sa

larangan ng pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula.

6. Ang pagiging ‘mahina’ ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng Maikling

Kwento at Tula ay nagmumula sa limitado at hindi malikhaing


57
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

pamamaraan o metodo ng kanilang mga guro para higit na matutunan

ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng pag-susuri.

7. Ang edad at kasarian ay may ugnayan sa kakayahan ng mga mag-

aaral sa antas ng kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng

maikling kwento.

8. Ang buwanang kita at antas ng natapos ng mga magulang ng mga

mag-aaral ay walang ugnayan sa kakayahan ng mag-aaral sa antas ng

kanilang kognitibong kakayahan sa pagsusuri ng maikling kwento.

9. Ang edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga

magulang ay walang kaugnayan sa antas ng kanilang kognitibong

kakayahan sa pagsusuri ng tula.

10. Ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metodong ginagamit ng

kanilang guro sa pagsusuri ng maikling kwento at tula ay walang

pagkakaiba kapag pinangkat ang mga mag-aaral ayon sa kanilang

edad, kasarian, buwanang kita at antas ng natapos ng mga mag-aaral.

58
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Rekomendasyon:

1. Mahalagang isaalang-alang ng mga guro ang demograpikong profayl

ng mga mag-aaral sa alinmang gawaing may kaugnayan sa kanilang

pagkatuto ito man ay kognitibo, apektibo at saykomotor.

2. Ang mga guro ay dapat nagbibigay ng mga pagsasanay na naangkop

sa kanilang kakayahan. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang

maunawaan ng lubos ang antas ng leksyon.

3. Kailangang mas maging malikhain ang mga guro sa pagtuturo ng

pagsusuri lalo pa’t karamihan sa mga mag-aaral ay nabibilang sa

mahihirap na pamilya na may limitadong pagkukunan o resorses

upang matugunan at makasabay sa modernong pamamaraan ng

pagkatuto.

4. Mahalaga ring magkaroon ng patuloy na ugnayan at komunikasyon

ang mga guro sa magulang ng mga mag-aaral upang maiparating ang

kahalagahan ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang

mga mag-aaral sa kanilang mga pagpupunyagi.

5. Mahalagang ituon ng mga guro ang kanilang oras sa pagpapabuti ng

mga gawaing pampaaralan lalo pa’t may kaugnayan ito sa

pagpapataas ng antas ng kanilang kaalaman.


59
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

6. Ang pamunuan ng paaralan ay dapat maging kaagapay ng guro at

magulang sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral.

7. Kailangang bigyang pansin ng mga guro ang kahinaan ng mga mag-

aaral sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula.

60
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Apendiks A

Ang bahaging ito ay naglalaman ng talatanungan na ginamit ng mga

mananaliksik upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng

maikling kwento at tula at ang persepsyon nila hinggil sa paggamit ng metodo ng

mga guro.

Bahagi I.

Pakisagutan ang mga sumusunod na batay sa hinihinging impormasyon.


(Mananatili pong pribado ang inyong mga kasagutan.)

Pangalan : _________________________
Edad : ________Kasarian : ____________
Buwanang Kita ng Mgulang: ____________

Antas ng Edukasyon na natapos ng Magulang :


(Lagyan ng tsek ang napiling kasagutan.)

Nanay Tatay
______ Elementary Graduate _______
______ Elementary Undergraduate _______
______ High School Graduate _______
______ High School undergraduate _______
______ College Graduate _______
______ College Undergraduate _______
______ Vocational _____
61
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Apendises:

Pangalan : _____________________________________

Seksyon / Paaralan : _____________________________

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan na kilala bilang si “Layo”?

a. Atty. Arellano Tolentino

b. Atty. Jaime Cansicio

c. Cong. Francisco De Pedro

d. Atty. Pedro Enriquez

2. Ano ang dahilan kung bakit ayaw bumalik ni Layo sa sariling bayan?

a. dagok ng buhay

b. malupit na karanasan

c. kabiguan sa pag-ibig

d. masayang ala-ala

3. Pang ilang panauhan ang paningin ang kwento?

a. unang panauhan
62
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

b. pangalawang panauhan

c. pangatlong panauhan

d. pag apat na panauha

4. Sino ang nag sasalaysay ng maikling kwento?

a. Tiyo Julio

b. Ising

c. Layo

d. Ben

5. Paano sinimuln ang Kwento?

a. Forshadowing

b. Dayalogo

c. Madulang pagpapahayag

d. Paglalarawan sa tagpuan

6. Saan inilibing si Layo?

a. San Isidro

b. San Roque

c. San Pedro
63
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

d. Sta. Maria

7. Sino ng napangasawa ni Layo?

a. Sedes

b. Iska

c. Carlota

d. Ising

8. Ano sa buhay ni Layo si Mang Ben?

a. Ama-amahan

b. Kapatid

c. Anak

d. Bilas

9. Ano ang Teyoryang nakapaloob sa kwentong “Sa Lupa ng Sariling

Bayan”?

a. Humanismo

b. Realismo

c. Naturalismo

d. Eksistensyalismo
64
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

10. Ano ang mensahe na nais iparating ng kwento?

a. walang hindi nagmamahal sa sariling bayan

b. pagkapoot sa sariling bayan

c. walang hindi uuwi sa sariling bayan

d. pagmamahal sa ating sariling bayan

11. Saan inihahalintulad ang tulang “Ang Guryon”?

a. Sa mga laruan

b. Sa mga halaman

c. Sa buhay ng tao

d. Sa mga hayop

12. Ano ang teyoryang nakapaloob sa nabasang tula?

a. Sosyolohikal

b. Imahismo

c. Klasismo

d. Romantisismo
65
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

13. Anu-ano ang mga katangian ng guryon na nabanggit sa tula?

a. Marupok at mataas

b. Masipag at mabait

c. Matulungin at matapat

d. Mapagmahal at mahabagin

14. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?

a. Apat

b. Lima

c. Anim

d. Pito

15. Anong uri ng tugma ang ginamit sa tulang “Ang Guryon”?

a. A-b-c-d

b. Tugmaan

c. Karaniwan

d. Ganap

16. Sino ang nagsasalita sa tula?

a. Tatay
66
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

b. Nanay

c. Anak

d. Kuya

17. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng ika-3 saknong ng tula?

a. Pagsisikap sa buhay

b. Tibayan ang loob sa anumang pagsubok

c. Pagpapahalaga sa magulang

d. Pakikibaka

18. Anong uri ng tula ang tulang “Ang Guryon”?

a. Tulang liriko

b. Tulang Narativ

c. Tulang pantanghalan

d. Tulang patnigan

19. Ilan ang sukat ng tula?

a. Lalabindalawahin

b. Lalabing-animin

c. Lalabing-waluhin
67
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

d. Wawaluhin

20. Anong uri ng taludtod ang ginamit?

a. Tradisyunal

b. Berso blangko

c. Malayang taludturan

d. Balagtasan

“PAGPALAIN NAWA KAYO NG POONG MAY KAPAL”

68
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat kolum na naayon sa inyong persepsyon.

Leyenda:

 L - Lagi

 M – Minsan

 PM- Paminsan-minsan

 MD- Madalang-dalang

 H – Hindi

Mga Persepsyon L M PM MD H
1. Paggamit ng aming guro ng
pangganyak bago simulan ang
talakayan.
2. Naiuugnay sa aming buhay ang
tinalakay na tula at maikling kwento..
3. Pagkakaroon ng palitan ng ideya o
opinion sa paksang tinalakay.
4. Gumagamit ng konkretong
halimbawa ang aming guro sa
pagtalakay ng tula at maikling
kwento.
69
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Apendiks B

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga instrumentong ginamit upang

masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento at

tula.

Tulang ginamit :

"Ang Guryon"

Ni: Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

na yari sa patpat at papel de Hapon;

magandang laruang pula, puti, asul,

na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

ang solo't paulo'y sukating magaling

nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.


70
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas

at sa papawiri'y bayaang lumipad;

datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,

at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw

ay mapapabuyong makipagdagitan;

makipaglaban ka, subali't tandaan

na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,

matangay ng iba o kaya'y mapatid;

kung saka-sakaling di na mapabalik,

maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

dagiti't dumagit, saanman sumuot...

O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,

bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!


71
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Maikling Kwentong ginamit:

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Tagpuan:

San Roque, Quezon City, San Fernando,

Tauhan:

Layo - Atty. Pedro Enriquez

- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na

Amain na kapatid ng kanyang Ama.

- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.

Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo

Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio

Ising - Ang asawa ni Layo

Fe - Ang Anak ni Layo at Ising

Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag

ampon sa kanya.

Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry.


72
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Buod:

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng

kanyang tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng

kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging

manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral

siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang

tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City.

At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa

kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng

loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa

kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin

ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya

ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi

ng tulong kay Layo. Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis

ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na

nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot

na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay

naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi

rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.


73
Pamantasan ng Cabuyao

Kolehiyo ng Pagtuturo

Talasanggunian:

Villafuerte V., Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay), MEGA-


JESTA PRINTS,INC. 9 Guyabano St., Antonio Subdivision, Dalandan Valenzuela
City, p. 35.

E. T. da Silva, M. de Fátima Nunes, L. B. Santos, M. G. Queiroz, C. R. Leles


Article first published online: 29 DEC 2010 DOI: 10.1111/j.1600-
0579.2010.00669.x
Adu EO, Olatundun SO 2007. Teachers’ Perception of Teaching as Correlates
of Students’ Academic Performance in Oyo State Nigeria. Essays in Education,
20: 57-63.

74

You might also like