You are on page 1of 4

ANG WIKANG BIKOLANO

Ang rehiyon ng Bicol ay kilala bilang Ibalon na nangangahulugang “sa kabila” o “mga tao sa
kabilang dako”.

Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog ang bulkang mayon na
gumising sa milyong-milyong pilipino dahil marami ang napinsala nito. Naapektuhan ang
mga karatig lugar nito, ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate,
Sorsogon. Muli ulit nakilala ang lugar ng Bicol ng umpisahan ng mga tao dito ang pagdiriwang
Tinagba Festival sa lungsod ng Iriga sa Bicol.

Wika ng Bicol

Ang wika na pinakasinasalita ng mga Bikolano ay ang gitnang Bikol o mas kilala satawagna
Bikol Naga. Ito ay ginagamit sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa
ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-
silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang
bahagi ng Catanduanes.May mga ilang salita na sa Gitnang Bikol lamang mayroon at wala sa
ibang mga wika sa Bicol katulad na lamang ng matua (mas matanda) at bitis (paa).

Magandang umaga

Marhay na udto

Dios marhay na udto

Magandang hapon

Marhay na hapon

Dios marhay na hapon

Magandang gabi

Marhay na banggi

Dios marhay na banggi

Ang Gitnang Bikol ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon.
Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang
distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang
bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng
Catanduanes. Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng
Canaman.

Mga Diyalekto

Ang Bikol-Naga, isang diyalekto sa Coastal Bikol na nakabatay sa Canaman, Camarines Sur at
ang pundasyon ng Pamantayang Bikol, kasama ng Bikol-Legazpi, na nakabatay sa Lungsod
ng Legazpi, ay nauunawaan ng halos lahat ng mananalita ng Bikolano. Sinasalita ito sa una at
ikalawang distrito ng Camarines Sur (maliban sa bayan ng Del Gallego, kung saan ang mga
naninirahan dito ay mananalita ng wikang Tagalog) at sa bayan ng San Pascual sa lalawigan
ng Masbate.

Ang Bikol-Legazpi ay sinasalita sa silangang bahagi ng Albay at sa hilagang bahagi ng


lalawigan ng Sorsogon

Ang iba pang mga diyalekto ay kinabibilangan ng Bikol-Daet, na sinasalita sa Daet at sa mga
kalapit na bayan sa Camarines Norte, at ang Bikol-Partido, na sinasalita sa ika-apat na
distrito ng Camarines Sur at sa Virac, San Andres at sa katimugang bahagi ng Caramoran sa
Catanduanes.

Mga Paghahambing sa Wikang Bikolano


Ang wikang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na
matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi bilang Lingua Franca o pangunahing wika ng
rehiyon. Ang Bikol ay binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay,
Sorsogon, Catanduanes at Masbate. Ang mga mamamayan dito ay nagsasalita ng Bikol ngunit
iba’t iba ang uri ng wikang bikolano ang ginagamit nila. Sa Camarines Norte at Camarines
Sur, Bikol na may halong tagalog ang sinasalita nila. Ang Bikol na hawig sa Cebuano naman
ay sinasalita ng mga taga Masbate at ang mga lalawigan na malapit sa kanlurang Bisaya ay
may halong Hiligaynon. Iba rin ang Bikol ng Sorsogon, Catanduanes, at Albay dahil ang
kanilang ginagamit ay Bikol Naga kung saan ito ay walang halo na ibang wika. Bagama’t iba’t
iba uri ng wikang Bicolano na ginagamit nila, ito ay nagsilbi parin bilang kanilang identidad
upang sila ay magkaintindihan, magkaisa, at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng
kanilang lugar.

Ginagamit din nila ang Wikang Bicolano bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan, sa
pagpapahayag ng salita ng Diyos sa simbahan, at sa iba’t iba pang okasyon.

Saang lugar ka man magpunta sa probinsya ng Bikol, mapasyudad, baryo, bundok o isla man
ay wikang Bicolano ang kanilang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Naipakita ng mga
Bicolano ang tatag ng kanilang wika dahil binibigyan nila itong pansin at halaga na isa sa mga
dahilan ng kanilang pagkakabuklod-buklod.

Ang kanilang mga akda ay isinusulat nila sa wikang Bikolano gaya ng “Daraga Magayon” at
“Sarrong Banggi”, na naging sikat at isinalin sa tagalog na ibig sabihin ay Dalagang Maganda
at Isang Gabi.
Halimbawa ng mga Pangungusap sa Wikang Bicolano:

Mahal Kita- Inmomootan ta ikaw

Asan ka?- Hain ka?

Umalis ka dito- Humali ka didi

Saan ka nagaaral?- Diin ka nagiiskwela

Magandang Umaga/Magandang Hapon- Marahay na Adlaw

Ang Pangalan ko ay Clea- An ngaran ko’y Clea

Ang Ganda Mo- Kagayon Mo

Kelan ka aalis?- Sano ka mahali?

REFERENCE

1. Mga Wika sa Pilipinas, https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas

2. Mga Bikolano: Kabuuang Pagsusuri, 2017,

http://buhayngisangbikolano.tumblr.com/

3. Wikang Gitnang Bikol, https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Gitnang_Bikol

4. Wik sa Bicol, August 17, 2016,

https://largabicol.wordpress.com/2016/08/17/blog-post-title-4/

You might also like