You are on page 1of 2

Daria Marie M.

Morillo
BSA-1201

WIKANG FILIPINO: HININGA, KAPANGYARIHAN AT PUWERSA


(Pangalawang Gantimpala, Gawad Komisyon sa Sanaysay 2012 ng
Komisyon sa Wikang Filipino)

Wikang pambansa ang pagkakakilanlan ng ating pagka-Pilipino. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo ay mas mapapaunlad natin at
mapapataas ang literasiya ng mga Pilipino. Tunay na napakadaling intindihin ng wikang dumadaloy na sa
ating pagkatao mula pa lang pagkasilang. Hindi naman talaga pagiging matatas sa Ingles ang magiging
batayan ng pagiging matalino ng isang tao. Hindi ba magandang pakinggang matatas magsalita ng
sariling wika ang isang Pilipino? Isa sa mga nabanggit sa artikulo ay ang pagtaas ng drop out rate sa
Pilipinas dahil nahihirapang intindihin ang mga aralin. Pansinin nating may mga bansa tulad ng Korea at
Czekoslovakia na mahuhusay sa Matematika at Agham ang kanilang mga estudyante. Ano nga ba ang
sikreto nila? Hindi naman talaga sikreto saoagkat hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang ginagamit
nila bilang wikang panturo ay ang wikang malapit sa kanilang identidad, ang sarili nilang wika. Bakit hindi
ganito rin sa Pilipinas? Bilang isang Pilipino, batid ko ang mga pagbabago sa kalidad ng edukasyon sa
ating bansa. Aking napansin na ang wikang ginamit sa matematika sa pag-aaral ng aking nakababatang
kapatid ay ang wikang likas at naiintindihan natin, wikang Filipino. Sa loob ng tatlong taon simula
pagtungtong niya sa unang baitang, naging maganda ang resulta ng pag-aaral niya sa matematika. Isa pa
nga siya sa nangunguna subalit pagdating niya sa ikaapat na baitang, tila nagsimula uli siya sa simula, ang
transisyon ng pagtuturo mula sariling wika patungo sa wikang banyaga ay hindi magkasalubong.
Nahihirapan siyang maintindihan ang mga tanong sapagkat nakalimbag na ito sa Ingles at hindi sa wikang
kinasanayan niya. Masasabi ba nating hindi siya matalino gayong isa siya sa mga nanguna noon sa klase
noong sariling wika pa ang ipinanturo? Hindi sa sinasabi ko na hindi maganda ang paggamit ng wikang
Ingles subalit napakahirap nitong unawain sapagkat hindi ito likas sa ating mga Pilipino. Napakarami
nang pinagdaanan ng ating wikang pambansa. Ayon nga sa artikulo, sa panahon ni dating Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo, pinalakas ang pwersa ng wikang Ingles sa pamamagitan ng paghihigpit sa
pagtuturo nito. Tila ginagawang produksyon ng mga BPO ang Pilipinas. Nagpapasakop na naman ba tayo
sa mga Amerikano? Ang pagtaas ng demand ng mga BPO agents o mga call center jobs sa Pilipinas ang
isa sa mga nagpapahina ng wikang Filipino sa ating bansa. Kung sana ay mayroong mga karagdagang
trabahong magtataguyod sa patuloy na paggamit ng ating sariling wika, hindi sana natin kailangan pag-
aralan ang mga wikang banyaga. Hindi naman yata magandang tingnan na ang isang Pilipino ay matatas
magsalita ng Ingles samantala ay banyaga sa sariling wika? Wikang Filipino ang hininga ng pagiging
Pilipino natin. Ipinaglaban ng ating mga ninuno ang ating bansa upang magkaisa at ang susi doon ay ang
pagkakaroon ng sariling wika. Kapansin-pansin na lubos na tinatangkilik sa halos buong parte ng Pilipinas
ang wikang Filipino lalo na sa kanilang mga tahanan. Isang porsyento lamang daw ng mga Pilipino ang
gumagamit ng Ingles bilang pangunahing wika sa kanilang tahanan. Hindi lamang para sa mga nasa
laylayan ng Pilipinas mahalaga ang wikang Filipino kundi maging sa mga nakakaangat sa buhay. Ang wika
ay kapangyarihan. Wika ang magiging susi para sa patuloy nating pagkakaisa. Isang katotohanan na
Ingles ang wikang ginagamit at nauunawaan sa pakikipag-ugnayan sa mundo subalit hindi ba upang
makipag-ugnayan tayo sa ating mga kapwa Pilipino ay wikang Filipino ang ginagamit natin? Paanong nais
ng mga maka-Ingles na ipilit ang pagpapalaganap ng wikang Ingles samantalang Filipino ang
pinakamahalaga sa ating bansa? Kung patuloy ang baluktot na kaisipan gaya nito, patuloy na ipipilit na
ang Ingles ang pinakamahalaga ang maaaring mabura ang kapangyarihan ng Filipino. Marapat lamang
din na alamin nating mga Filipino kung ano nga ba ang pinagdaanan ng ating wika bago pa man ito
maging ganap at opisyal. Ang Filipino ay unang hinango sa Tagalog, hindi iisa ang mga wikang ito subalit
lubos ang pagkakahawig nito sapagkat ang wikang Tagalog ang unang naging batayan noon bago pa man
ito maging ganap na Filipino. Hindi ba bilang isang Pilipino ay tungkulin natin na alamin at pag-aralan ang
sarili nating wika. Kung hindi natin alam kung ano ang ating wika, tayo ay tila isang dahon na hindi alam
kung saang puno nagmula at kung saan ang ugat. Kung ang dahon ay hindi mahihiwalay sa puno, patuloy
itong magyayabong at makakatulong pa sa puno nito. Gayundin sa ating wika, patuloy nating tangkilikin
at tanggapin ang ating sariling wika sapagkat sa pamamagitan nito ay mapapaunlad natin ang ating
bansa.

You might also like