You are on page 1of 3

SAN CARLOS HEIGHTS

School Grade Level IV-Sincerity


ELEMENTARY SCHOOL
Learning
Teacher SHIRLY B. BASILIO Health IV
Area
DETAILED LESSON PLAN Teaching February 19,
Date and 2019 2:40-3:20 Quarter Fourth Quarter
Time Tuesday

I. Mga Layunin:

a. Nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at pagkatapos ng anumang kalamidad o
sakuna, at kagipitan tulad ng lindol.
b. Nakapagbibigay ng mungkahi at paraan upang makaiwas sa hindi mabuting dulot ng mga sakuna at kalamidad
tulad ng lindol sa pamamagitan ng tula, awit, role play, poster o news report.
c. Natutukoy ang mga dapat gawin bago, tuwing o pagkatapos ng anumang kalamidad o sakuna tulad ng lindol.

II. Nilalaman

A. Paksa/Pagpapahalaga: Aralin 2: Sa Panahon ng Kalamidad, Sakuna at Kagipitan


B. Sanggunian: Teacher’s Guide pp. 200-207
Learner’s Material pp. 395-400
https://www.youtube.com/watch?v=j6q3outRITo
C. Kagamitan laptop, speaker, metacards, projector,
D. Pagpapahalaga: Laging handa sa mga sakuna
E. Integrasyon ESP(Katatagan ng Loob, Pagkamahinahon), AP (Pagiging Handa sa Sakuna-
NDRRMC)
F: Istratihiya: Use of Technology, Differentiated Activities, Problem-based learning
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Balik-aral
Ano-ano ang mga uri ng kalamidad na ating napag-aralan? Bagyo, lindol, baha, atbp.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng maaaring maging epekto ng isang kalamidad o sakuna
tulad ng lindol.

Tanungin ang mga bata, “ Ano ang masasabi nyo sa mga larawang it?”

2. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng isang video clip, pagkatapos ay suriin ang nilalaman ng video.
https://www.youtube.com/watch?v=j6q3outRITo

3. Pagtatalakay

LINDOL
Hindi tulad ng bagyo, ang lindol ay hindi maaaring masabi kung kailan magaganap. Isaisip na ang tanging
magagawang paghahanda sa pagsapit nito ay ang kaalaman sa kung ano ang dapat gawin kung ito ay
nararanasan na.

Ito ay mapanganib dahil sa dulot na sakuna pagkatapos yumanig ang lupa.Ito ay maaaring magdulot ng
pagbagsak ng mga gusali, pagbiyak ng lupa, sunog, at tsunami. Ang karampatang paghahanda sa mga nasabing
sakuna ay kinakailangang paghandaan upang maiwasan ang pagkawala ng buhay.

Bago ang lindol


Alamin kung may emergency plan ang opisina, paaralan o ang iyong pinagtatrabahuhan.
Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa bagyo.
Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay. Kinakailangan` itong maisara sa pagsapit ng lindol upang
maiwasan ang sunog.
SAN CARLOS HEIGHTS
School Grade Level IV-Sincerity
ELEMENTARY SCHOOL
Learning
Teacher SHIRLY B. BASILIO Health IV
Area
DETAILED LESSON PLAN Teaching February 19,
Date and 2019 2:40-3:20 Quarter Fourth Quarter
Time Tuesday

Suriin ang mabibigat na bagay kung ligtas sa pagkakakabit at pagkakalagay sa tamang lugar. Iwasang maglagay ng mga
bagay na maaring mahulog at magdulot ng malaking panganib.
Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay, at komunidad.

Sa panahon ng lindol
Manatiling kalmado. Maging alerto kung saan man abutan nito.
Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader malapit sa sentro ng gusali. Maghanap ng matatag na
maaaring pagsilungan habang lumilindol.
Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ang sasakyan at hintaying matapos ang pagyanig.
Kung nasa labas, ilayo ang sarili sa anumang maaaring mahulog o mabuwal na puno o poste.

Pagkatapos ng lindol
Suriin ang sarili sa anumang sakit o sugat.
Suriin ang linya ng tubig, koryente o gasul sa anumang pagtagas.
Kung may pagtagas sa mga ito, lalo na ang gasul, buksan ang bintana at lumikas sa ligtas na lugar. Ipagbigay-
alam sa kinauukulan ang pangyayari.
Makinig sa balita sa radyo o tv.
Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol.

4. Paglalahat
Ano-ano ang mga dapat gawin bago, tuwing at pagkatapos ng lindol?

5. Paglalapat
Ipapasa ang basket ng metacards kung saan nakasulat ang mga dapat gawin bago, tuwing at
pagkatapos ng lindol. Tutukuyin ng mga bata ang nakasulat sa card sa pamamagitan ng pagdikit sa
mga ito sa tamang hanay ng paghahanda.

C. Pangwakas na Gawain
Magbigay ng mungkahi at paraan upang makaiwas sa hindi mabuting dulot ng mga sakuna at
kalamidad tulad ng lindol sa pamamagitan ng tula, awit, role play, poster o news report.
(Palabunutan ang bawat grupo kung anong task ang gagawin nila.)
IV. Pagtataya

Pagpapakita ng bawat grupo ng out put.

VI. Remarks

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

VII. Reflection

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Ihinanda ni:

SHIRLY B. BASILIO
T-III
Binigyang Puna ni :

FLORIDA F. CAEL, Ed.D.


Punong Guro
SAN CARLOS HEIGHTS
School Grade Level IV-Sincerity
ELEMENTARY SCHOOL
Learning
Teacher SHIRLY B. BASILIO Health IV
Area
DETAILED LESSON PLAN Teaching February 19,
Date and 2019 2:40-3:20 Quarter Fourth Quarter
Time Tuesday

You might also like