Professional Documents
Culture Documents
a)Fly Leaf 1 –ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa
madaling salita blangkong papel ito.
b)Pamagating Pahina -ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung
kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at
komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
f)Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng
pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g)Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. >Tinutukoy din
dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
c)Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung
sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
d)Saklaw at Limitasyon
>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ngkahulugan.
Maaaring itong:
tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik
a. Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa
inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng
pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
b. Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
d. Tritment ng mga Datos– inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailalarawan.
Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal
tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa
kwestyoneyr ng mga respondente.
•Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at
tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON
a)Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong
tinatalakay sa kabanata III.
c)Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan
sa pananaliksik.
• Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
• Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham,
formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa