You are on page 1of 2

ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon,
ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India.
Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang
· India
· Pakistan
· Bangladesh
· Afghanistan
· Bhutan
· Sri Lanka
· Nepal at
· Maldives
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig
ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit
pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.
Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang
malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga
arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa
kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat
ng matandang kabihasnan ng India.

Egypt
-Matatagpuan sa Kanluran ng Fertile Crescent, sumibol ang isang kabihasnan sa pampang
ng Ilog Nile.
-Kumpara sa mga lungsod-estado na nabuo sa Mesopotamia, maagang naging isang
kaharian ang Egypt kung kaya nakaranas ito ng matatag at natatanging kultura.
-Ang Egypt ay napapalibutan ng disyerto.
-Matatagpuan ang silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai.
-Sa Timog naman matatagpuan ang Disyerto ng Nubia.
-Sa Kanluran naman matatagpuan ang Disyerto ng Sahara.
-Sa gitna ng Egypt, dito dumadaloy ang Ilog Nile at sa magkabilang pampang ng ilog
nagtayo ng pamayanan ng Ehipsiyo.
-Ang biyaya hatid ng Ilog Nile ay nagdala ng pag-unlad sa Egypt kaya inilarawan ng
Griyegong historyador na si Herodotus na ang Egypt ay handog ng Nile.
-Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod lamang ang dalawang
kaharian kahariang ito sailalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE.
Ang Mesopotamya , isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan “ang Lupain sa pagitan ng mga
Ilog”; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain “Bahay sa Dalawang Ilog”), ay isang lugar sa Timog-
kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang
kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris atEuphrates, binubuo ng mga
bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito
sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog,
ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok
ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang
kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.

Heograpiya ng Mesoamerica
Mesoamerica o Central (Meso; “gitna”) – lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America; rehiyon sa
pagitan ng Sinaloa River Valley (sa Gitnang Mexico) at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Ang
hangganan ay sa, Ilog ng Panuco at Santiago (Hilaga), Honduras (Atlantic), Slope ng Nicaragua (Pacific) at
Tangway ng Costa Rica. (Timog)

-saklaw nito ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng
Honduras.
-naitatag ang unang paninirahan ng mga tao
-isa sa mga unang pinagusbungan ng agrikultura
-May malaking populasyon sa kasalukuyang panahon

You might also like