You are on page 1of 30

Wika ng Bicol

Ang wika na pinakasinasalita ng mga Bikolano ay ang gitnang Bikol o mas kilala satawagna
Bikol Naga. Ito ay ginagamit sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa
ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-
silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi
ng Catanduanes.

May mga ilang salita na sa Gitnang Bikol lamang mayroon at wala sa ibang mga wika sa Bicol
katulad na lamang ng matua (mas matanda) at bitis (paa).
Magandang umaga
Marhay na udto
Dios marhay na udto
Magandang hapon
Marhay na hapon
Dios marhay na hapon
Magandang gabi
Marhay na banggi
Dios marhay na banggi
Oo
Iyo

o
o
o
o


2 years ago

Kasaysayan ng Bicol

Ang rehiyon ng Bicol ay kilala bilang Ibalon na nangangahulugang “sa kabila” o “mga tao sa
kabilang dako”.
Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong pilipinas simula ng sumabog ang bulkang mayon na
gumising sa milyong-milyong pilipino dahil marami ang napinsala nito. Naapektuhan ang mga
karatig lugar nito, ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate,
Sorsogon.

Muli ulit nakilala ang lugar ng Bicol ng umpisahan ng mga tao dito ang pagdiriwang Tinagba
Festival sa lungsod ng Iriga sa Bicol.

Lalo naman nagpaakit sa mga mata ng mga turista na dumadayo sa pilipinas nangg madiskubre
ng mga tao sa Bicol ang mga “beaches” na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar sa Bicol. Naging
Inspirasyon ito ng mga tao dito para lalo pa nila pagandahin ang kanilang mga natatanging lugar
at makilala pa sa buong mundo.
Ang mga espanyol ang unang nakapunta sa Sorsogon, nakita nila ang mga lumang simbahan at
mga lugar ng seminarista. Ang mga Bicolano din daw na hindi sangayon sa pagpapatakbo ng
mga Espanyol sa bansa a umaakyat ng bundok at nagtatago hanggang sa sila ay mamatay na
lamang. Kilala ang mga Bikolano sa kanilang malakas na paninindigan sa kanilang mga nais.

Ang rehiyon ay tinatawag din na “Los Camarines” pagkatapos ng kubo matagpuan sa


pamamagitan ng mga Espanyol sa Camalig, Albay. Walang mga sinaunang-panahon na fossil ng
mga hayop ang natuklasan sa Bicol at ang mga labi ng mga sinaung tao sa rehiyon ay
nananatiling nakatago.

Malakas naman ang mungkahi ng mga Aeta mula sa Camarines Sur Ang Aeta mula sa
Camarines Sur hanggang Sorsogon na may mga nanirahan doon matagal na ang nakalipas,
ngunit ang pinakamatagal na katibayan ay sa kalagitnaan hanggang huling panahon ng
Neolitiko.

Umiral din dito ang sistemang Barangay noong 1569. Nakita din sa mga dokumento na walang
halong pamumuno ng Islam sa mga naunang datu.
Bago naman ang mga panahong tayo ay nasakop, nakabatay sa lakas, tapang, at katalinuhan ang
kanilang pamumuno. Ang mga katutubong Bikolano din ay tila hindi interesado sa pulitika kaya
malakas ang impluwensiya ng datu sa karamihan sa panahon ng krisis tulad ng digmaan. Kung
hindi man, ang mga katutubong Bikolano ay naka-sentro/malapit sa pamilya kaya naman ang
pinuno noon ay ang pinuno ng pamilya. Ang mga Bikolano ay inilalarawan ng mga chroniclers
ng Espanyol bilang mabangis na mandirigma.

o
o
o
o


2 years ago

Kultura ng mga Bikolano


Ang Bikolano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa mga probinsya ng Camarines Norte,
Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Catanduanes at hilagang bahagi ng Masbate.

Kilala ang mga ito sa kanilang mga produkto tulad ng pili na ginagawang suspiros, masapan,
pastilyas at peanut brittle. Ang mga Bikolano ay nakilala sa buong Pilipinas dahil sa kanilang
mga putahe na ginamitan ng gata at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo tulad ng Laing at
Bikol Express kaya naman sila ay nabansagang mga matatapang.
Ang mga Bikolano ay konserbatibo dahil narin sa kanilang pagiging relihiyoso. Mahilig din sila
magdiwang ng mga piyesta at doon ay sumasayaw at nasisi-kantahan sila.

o
o
o
o


2 years ago
Pamumuhay ng mga Bikolano

Ang pagsasaka ay tumutukoy sa gawaing pagtatanim at pag-aani ng mga halamang kakainin sa


pang araw-araw. Sa Bicol, maraming naninirahan dito ay pagsasaka ang hanapbuhay.
Mais, palay at abaka ang mga pangunahing produkto nila. Ito ay sikat sa kanila dahil sa klima at
ang lugar nila ay likas sa mga matatabang lupa.
Ang pangingisda ay naisasagawa sa pamamagitan ng pamimingwit o pagbibitag. Sa Bicol,
Alumaha, Pampano, Lapu-lapu, Galunggong, Kanduli at Dilis ang kalamitang mahuli ng
mangingisda rito. Napapalibutan ng iba’t ibang anyo ng tubig ang Bicol kaya maraming
mangingisda dito. Ang pangingisda ay mahirap na trabaho sapagkat kung wala masyadong huli
ay nagkakadahilanan na ang iyong kita ay kakaunti rin. Dahil dito, may mga gumagamit ng hindi
magandang paraan upang makapanghuli lamang para sa kanilang pangaraw-araw na kapakanan.
Ang pagtitinda ng mga gulay at prutas sa mga talipapa ay normal nang gawain ng mga
Bikolano. Isang dahilan nito ay ang pagkakaroon nila ng maraming tanim sa kapaligiran kahit na
sa bakuran lamang nila. Sagana sila sa mga saging, papaya, sitaw, at kung anu-ano pang mga
madaling alagaan na halaman. Para sila ay magkaroon ng ekstrang kita, dinadala nila ito sa mga
talipapa o kahit sa gilid lamang ng kalsada. Ito ay tinatangkilik ng mga mamamayan dahil
sigurado sila na sariwa ang mga tinitinda at pang-masa ang presyo nito na swak lang sa badyet
nila. Hindi ganoon karangya ang mga tao sa Bicol, kahit ikaw ay may-kaya, nakasisiguro ako
simpleng pamumuhay lang din ang iyong mararanasan. Pinapakita nito ang pagiging payak at
wais ng mga Biikolano pagdating sa buhay.
Ang paghahabi ay tradisyonal nang hanapbuhay sa ating bansa simula pa lamang noong
panahon ng Kastila. Ngunit sa Bicol ay hindi ito ganoon ka-laganap dahil kailangan ng
maraming oras para ikaw ay makatapos ng isang produkto halimbawa na lamang ng kumot,
tuwalya o alpombra kaya hindi ka kagad makakakuha ng pera. Hindi rin lahat ng tao doon ay
sanay sa pag-disenyo ng mga bagay-bagay, mas sanay sila sa mga mas pisikal na trabaho katulad
ng pagsasaka. Ngunit dahil sagana sa likas na yaman ang Bicol, madali lamang sakanila na
gawin itong hanapbuhay katulad na lamang ng paghabi ng mga abaka na galing sa puno ng
saging.

o
o
o
o


2 years ago

Sa Bicol makikita ang iba’t ibang magagandang tanawin, makasaysayang lugar, kultura, at
pagkain na kanilang ipinagmamalaki. Malayo man ang lalakbayin upang mapuntahan ang iba’t-
ibang lugar at maranasan ang mga bagay na purong Bicol, sulit pa rin ito.

o
o
o
o


2 years ago

Camsur Watersports Complex


Isa ang Camsur Watersports Complex o mas kilalang CWC sa mga dinarayo ng mga turista sa
Bicol. ‘Wag kakalimutang subukan ang kanilang Wakeboarding para sa kakaibang water
adventure experience!

o
o
o
o


2 years ago

Super HOT Bicol Experience!


Isa sa pinakamasayang gawin sa pagpunta sa Bicol ay ang tikman ang mga Bicol cuisines
sa Small Talk Cafe at 1st Colonial Grill. Iba-iba man ang winning dishes nila, iba pa rin talaga
ang anghang ang hatid ng mga ito. Mula sa Fiery Mayon Stuffed Pizza, Bicol Express Pasta, at
Pasta Mayon ng Small Talk Cafe, hanggang sa Sili ice cream ng 1st Colonial Grill na may level
one to ten pa ang anghang.

Fiery Mayon Stuffed Pizza


Bicol Express Pasta
Pasta Mayon

Sili Ice Cream



o
o
o
o


2 years ago

Kawakawa Hill
Ang pag-akyat sa Kawakawa Hill ay susubok sa inyong physical fitness dahil ang pagdalaw
sa 14 stations of the cross nito ay nangangahulugang pag-akyat ng 1,037 metro. Paglalakad ang
natatanging paraan upang matanaw ang mga tampok na life-size statues sa bawat estasyon. Sulit
na sulit nga naman talagang pumunta dito dahil libre ito para sa lahat.

o
o
o
o


2 years ago

Mayon Volcano
Kapag narinig mo ang ‘Bicol’, sigurado ako na ang una mong iisipin ay ang Mayon Volcano at
ang sikat na Cagsawa ruins. Kilala ang Mt. Mayon sa kaniyang perpektong hugis na apa.
Kapares nito ang Cagsawa ruins na sumisimbolo sa pagiging matatag at matapang ng mga
Bicolano sa mga kalamidad na tumatama sakanila.

Ito ay dating simbahan pero dahil sa malakas na pagsabog ng bulkan ay ang kampanaryo na
lamang ang natira. Kasama sa natabunan ang maraming mamamayan na nagtago sa simbahan na
ito at ang maliit na bayan na sakop nito. Ngayon ay ipinagdiriwang ang Cagsawa Festival upang
magbigay pugay sa mga tao ng Albay.

o
o
o
o


2 years ago

Whale Shark watching


Kilala din ang Bicol sa mga Butanding o Whale Shark na matatagpuan sa Donsol, Sorsogon.
Dinarayo ito ng mga turista na gusto maranasang lumangoy kasama ang mga Butanding.
Magandang alternatibo din ito sa Oslob, Cebu sapagkat mas madali itong puntahan.


o
o
o
o


2 years ago

Strawberry Farm sa Bicol

Isang hindi inaasahan na matatagpuan sa Bicol ay ang Strawberry Farm sa Camarines Sur. Alam
naman natin na ang Strawberry ay tumutubo lamang sa mga malalamig na lugar kaya
nakakapagtaka na magkakaroon nito sa Bicol na hindi naman kilala sa malamig nitong
temperatura. Ang tao sa likod nito ay si Leo Libreja na isang pioneering farmer. Sabi niya, ilan
beses siyang nag-eksperiment para makapagtagumpay dito. Pinagsama niya ang isang barayti ng
strawberry na galing sa Hawaii at strawberry na galing sa Baguio.
Nag-eksperimento din siya kung paano niya mababago ang hugis ng mga ito. Nagawa niyang
gawing hugis puso ang mga strawberry na naging patok noong Valentine’s Day.


o
o
o
o


2 years ago

Mga White Beach sa Bicol!


Isa ring kilalang puntahan ng mga turista ang Caramoan sa Camarines Sur. Dinarayo ito ng mga
tao dahil sa buhangin nitong pino at puti. Maihahambing ito sa Boracay at Palawan dahil sa
buhangin nito na katulad sa Boracay at maraming isla at malinaw na tubig na katulad sa
Palawan.

Mayroon itong 12 na isla na maaaring puntahan ng mga tao. Ang ‘tv series’ na Survivor ay ilang
ulit na ding nag-’shooting’ dito na pinangalanang Survivor: Caramoan.
Isang kilalang isla sa Caramoan ang Matukad Island dahil sa misteryong bumabalot sa isang
lawa na nasa loob ng isang ‘rock formaton’ doon. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na ang
bangus na naninirahan doon ay mahiwaga. Dati daw itong dalawa ngunit may isang mangingisda
na humuli dito at kinain. Matapos kainin ng mangingisda ay namatay ito. Kaya ngayon ay hindi
nila ginagalaw ang natitirang bangus na sikat sa mga turista.
Kapantay naman ng kagandahan ng Caramoan and Calaguas Island sa Camarines Norte. Pareho
itong may puting pinong buhangin ngunit dito ay maaari kang magtayo ng sarili mong tent at
matulog sa ibabaw ng mga pinong buhangin. May mga malilit namang resort hindi mo ito gusto.

o
o
o
o


2 years ago

Paniniwala at Tradisyon ng mga Bikolano


Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila dala na rin ito ng impluwensiya ng mga Kastila. Hanggang
ngayon ay malakas parin ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ang kahiligan nila sa mga
pagkaing maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan.
Simple lamang ang pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay
mahilig magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan.

Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa


lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa.
Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at
tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang.
Kilala din ang Peñafrancia Minor Basilica dahil makikita dito ang imahe ng Birheng Maria na
kilala bilang ‘Ina’ ng mga Bikolano na siyang pinaparada nila kapag Peñafrancia Festival.
Makikita din dito ang ‘stained glass’ na gawa ni Pancho Piano na pinapakita ang ‘Ina’.
Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba’t ibang isports, trade fairs at pagtatanghal,
karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga
nakakasiglang kumpetisyon.

You might also like