You are on page 1of 1

Long Test in ESP 7

I. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI.


1. Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon.
2. Sinasabing ang taong may pangarap ay hindi handang kumilos upang maabot ito.
3. Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay.
4. Mainam na tukuyin ang mga maaaring maging balakid o hadlang sa pagtupad ng mithiin.
5. Ang pangarap ay hindi naiiba sa panaginip at pantasya.
6. Ang mga pangarap ay batayan tungo sa makabuluhan at maligayang buhay.
7. Ang pagtupad ng mithiin ay walang deadline maaari mo itong isagawa sa anumang oras na iyong piliin.
8. Ang Moral Development Theory ni Kohlberg ay binubuo ng anim na levels at tatlong stages.
9. Ang proseso ng pagpapasya ay maikukumpara sa paglalaro ng chess dahil parehong pinag-iisipan muna ang bawat
galaw upang maging batayan sa gagawing tira o pasya.
10. Ang tamang pagpapasya ay nakabatay lamang sa kung ano ang magpapasaya sa iyo.

II. Isulat ang tinutukoy sa bawat bilang.


Moral Development Short-term goal Lawrence Kohlberg Damdamin
Mithiin Long-term goal Isip Motto
Panahon Enabling goal Panaginip Mission Statement
Pantasya Thomas Edison SMART A Conventional

1. Ito ay likha ng malikhaing isip na ginagamit ng marami upang takas ang kanilang mga problema.
2. Ito ay tunguhin o pakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
3. Ito ay uri ng mithiin na maaaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo o ilang buwan lamang.
4. Ito ay uri ng mithiin na maaaring makamit sa loob ng isang semestre, isang taon, limang taon o sampung taon.
5. Ito ay espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin dahil ito ay pantulong sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.
6. Isang propesor sa Harvard University na nakilala sa kanyang Moral Development Theory.
7. Ito ang pinakamahalagang sangkap sa pagpapasya.
8. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagkilala ng tama at mali habang tumatanda ang tao.
9. Dalawang instrumentong gamit sa mabuting pagpapasya.
10.

III. Isulat ang SG kung ang halimbawa ay nagpapakita ng short-term goal at LG kung long-term goal.
1. Gawin ang takdang-aralin para sa klase sa susunod na araw
2. Maging mechanical engineer
3. Makapagpatayo ng sariling kompanya
4. Matanggap sa isang summer job
5. Makakuha ng mataas na marka sa long test sa ESP
6. Mabawasan ng limang libra sa loob ng isang buwan
7. Magretiro sa edad na limampu’t lima
8. Magkaroon ng sariling bahay at lupa
9. Maging abogado para sa mga mahihirap
10. Matapos ang gawaing bahay bago mag alas nuwebe ng umaga

IV. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Bakit mahalaga ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin?
2. Ano ang iyong layunin sa buhay?

You might also like