You are on page 1of 7

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Banghay Aralin Para sa Baitang


9

Inihanda Nina:
Agunod, Angelica D.
Alejo, John Ervin C.
Bustillo, Daniella Andrea R.
Cabatlao, December- Anne N.
Elimanco, Paulyn I.
Pangkat Senior High School

Ipinapasa Kay:
Dr. Myrna G. Rabina
Gurong Tagasubaybay
Banghay Aralin Para sa Baitang 9
January 17, 2019

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 nahihinuha ang mga katangian ng parabula batay sa nabasang panitikan,
 nabibigyang pagpapahalaga ang kaisipan at konsepto na nakapaloob sa
tinalakay na pabula; at
 nakabubuo ng isang pahayag na maiuugnay sa sariling karanasan at sa
panitikan
 napapahalagahan ang mabubuting utos ng magulang sa pamamagitan ng
isang talaarawan.
II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Ang Talinhaga sa mga Parabula
Panitikan: Parabula ng Banga
B. Sangguniang Ginamit:
KANLUNGAN: Batayan at Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at
Panitikang Filipino batay sa Bagong K-12 Kurikulum
C. Kagamitan:
Cartolina, Cardboard, Pentelpen, Metacards, Flashcards

III. Pamamaraan

Guro Mag-aaral
a. Panimulang Gawain
1. Panalangin/Pagbati
2. Pagsasaayos ng silid-aralan
3. Pag-alam ng talaan ng liban

b. Pagganyak

Gabay na Tanong:
1. Ano ang napapansin niyo sa larawan?
2. Ano-ano yung mga natatandaan niyo n autos ng magulang ninyo?
3. Magbahagi kayo ng utos ng magulang niyo na hindi niyo sinunod at ano
yung naging epekto nito?
4. Kapag halimbawa sinunod naman ano naman yung naging epekto nito?

Panuto:
1. Matapos itanong ng guro ang ilan sa mga mahahalagang tanong na ito ay
tatawag siya ng isang mag-aaral na magbibigay ng isang susing salita at
isusulat ito ng guro sa pisara.
2. Matapos itong isulat ng guro ay kailangan itong mabuod ng isang mag-
aaral na tatawagin ng guro.

c. Paglinang ng Talasalitaan
Gawain: Salita mula sa Banga!
1. Igrugrupo ang klase sa apat na pangkat at bawat pangkat ay kailangan
may kinatawan.
2. Ibibigay ng guro ang puzzle sa mga kinatawan.
3. Ang puzzle ay isang larawan ng banga at na may salitang nakalagay.
4. Paunahan itong mabuo ng mga pangkat at ipapaskil ito sa pisara
5. Makikita sa pisara ang mga kasingkahulugan ng salita na nasa banga na
inihanda ng guro.
6. Tatawag ang guro ng mag-aaral na mabibigay ng kasingkahulugan ng
salita na nasa pisara.
7. Matapos itong mapili ng mag-aaral kailangan niyang bumuo ng isang
pangungusap gamit ang kasingkahulugan ng mga salita na nasa banga.
8. Magbibigay ang guro ng isang halimbawa para maging padron ng mag-
aaral.
9. Matapos mabuo ang mga salita at babasahin ito ng guro at susundan
naman ito ng mga mag-aaral.

Nasindak Sisidlan Tagubilin Hinulma

10. Ang pangkat na mauuna sa pagpapaskil ang siyang makakuha ng puntos


para sa gagawing pangkatawang gawain sa Biyernes.

d. Pagtalakay ng Nilalaman

Gawain 1
SIGLAW-TANGLAW: #hashtaALAALA

 Pangungunahan ng guro ang pagbabalik-tanaw o pag-aaalala sa tinalakay


na kahulugan at katangian ng isang parabula.
 Magbibigay ng isang susing konseptong natutuhan ang isang mag-aaral
patungkol sa parabula sa pamamagitan ng isang #hashtag na siya
namang bibigyan ng pagpapakahulugan ng isa pang mag-aaral batay din
sa kanyang nauuwaan sa pagtalakay nito.
 Para sa organisadong pagtatawag ng guro sa mga mag-aaral na nais
magbahagi ng kanilang natutunan ay magkakaroon ng iba't ibang kulay ng
papel na ipapamigay ang guro.
 Mayroong iba't ibang kulay na siya rin namang may iba't ibang simbolo o
koda na nakalagay sa mga kulay ng papel na ito.
 Ang magiging hudyat sa pagsagot ng mag-aaral ay kung matatawag ng
guro ang kanilang kulay ng papel na may simbolo na hinahawakan.
 Ilalagay ng guro ang kopya ng mga kodang ito sa isang garapon at
bubunot ang guro kung sino ang sasagot at titindig sa kanyang pahayag.
(fish bowl technique).
 Maaaring gamitin ng guro ang mga kulay at simbolo na ito para sa
pagtatawag sa kabuoan ng pagtalakay

Gawain 2
#HashTanong
 Magbibigay ng isang katanungan ang guro na siya namang sasagutin ng
mga mag-aaral gamit ang pagsasakonteksto ng mga lunsarang pangmadla
na Facebook, Twitter, at Instagram. Ang katanungang ito ang magiging
padron sa panimulang pagtakay sa konsepto ng mismong panitikan.
 Katanungan: Anong mararamdaman mo kapag nabasag ang isang bagay
na pinapahalagahan mo? (Maaaring maging kongkreto o abstrakstong
bagay ang ibigay ng mga mag-aaral).
• bagay (pagkabasag/pagkasira ng isang bagay)
• tiwala (pagsira sa tiwala ng tao)
• pangaral (pagkawaglit sa pangaral na pinanghahawakan)
• pagkatao (pagkawasak/pagkabasag ng pagkatao)

 Popcorn technique ang maaring estratehiya ng guro. Nangangahulugan


lamang na kahit sino ay maaaring tumayo at magbigay ng kanilang
kasagutan.
 Sasagutin ito ng mas masining ng iba pang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng:
a. i-broadcast mo naman (YouTube)
- isang minutong vlog sa kasagutan ng mag-aaral.
b. Facebook: My day
- Sa loob ng isang minuto ay magkukuharili (selfie) ang mag-aaral sa
emosyong kanyang naramdaman o batay sa kanyang kasagutan
- Matapos nito ay ipapaliwanag ito ng mag-aaral.
c. Twitter: What's happening?
- i-tweet sa pamamagitan ng rant o mga pahayag na hindi lalagpas sa 140
na salita sa kanilang nararamdaman patungkol sa katanungan.
- Maaaring i-retweet, ilalike ng iba pang mga mag-aaral na may parehas
na rant o mga pahayag ang tweet ng mag-aaraol na ito

KATANGIAN NG BANGA
3.A.) Tatalakayin ng guro ang maikling kasaysayan ng banga kasama ang
kanyang:
* etimolohiya
* saan at kailan unang ginamit
* kalagayan ng banga noon hanggang ngayon

3.B.) #HashtaLARAWAN
- Tatalakayin ng guro ang iba't ibang klase ng banga ayon sa materyales.
- Magpapakita ang guro ng iba't ibang larawan ng mga banga na gawa sa iba't
ibang materyales na siya rin namang bibigyan ng maikling pagpapaliwanag sa
katangian tulad ng
* glass
* ceramic / seramiko
* crystal / kristal
* plastik
* metal
* kahoy
* porselana
* LUPA
- Kapag nabanggit na ng guro ang banga na yari sa lupa ay sisimulan nang
talakayin ng guro ang banghay ng akda sapagkat ang banga na yari sa lupa ang
pangunahing tauhan sa akda.
- Gagamitin ng guro ang flow chart na isang grapikong pantulong sa pagtalakay
ng bangahay nito.
a.) pagpapakilala ng tauhan (katangian, pahayag)
b.) tagpuan
c.) panimulang pangyayari
d.) suliranin
e.) katapusan
e. Paglalahat
Ilalagom ng guro ang paksa, kaisipan, at istilo na ginamit sa parabula sa
pamamagitan ng pagbabalik sa kaisipan ng "PAGPAPAHALAGA" ng:
* magulang sa anak / anak sa magulang
* tiwala at pangaral ng magulang sa anak
Maaaring gamitin ng guro ang pahayag/ berso na ito mula sa bibliya dahil
parabula naman ang panitikang tinatalakay ng guro:
EFESO 6:1-3 - 1 " Mga anak, sundin niyo ang inyong mga magulang, [alang-alang
sa Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat. 2 " Igalang mo ang iyong ama at ina."
Ito ang unang utos na may kalakip na panagko. 3 " Magiging maganda at mahaba
ang iyong buhay sa lupa."
f. Paglalapat
- Ang diona ay isang katutubong anyo ng tulang Filipino na may sukat na pipituhin,
may tatlong taludturan, at tugmaang a-a-a. Bumuo ng isang diona para sa iyong
mga magulang habang gumagamit ng mga matatalinhagang mga salita. Isusulat
ito sa ikaapat na bahagi ng papel.
g. Pagtataya
G. PAGTATAYA:
Papangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay bubuo ng isang parodiya ng
awitin na nagpapakita ng pagpapahalagang umiral sa bawat akdang tinalakay.
Gaumamit ng hindi bababa sa limang matatalinghagang pahayag. Itatanghal ito sa
klase.
Pangkat 1 at 2
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubusan- Pagiging Mapagbigay
Pangkat 3 at 4
Parabula ng Bunga- Pagsunod sa Magulang

Gamiting gabay ang rubriks:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(5) (4) (3) (2)

Nilalaman
Natalakay sa
awit nang wasto
at sapat ang
paksa
Estilo
Naisaalang-
alang ang mga
elemento ng awit
gaya ng ritmo,
melodiya, tono,
at iba pa.

Interpretasyon
Buo at malakas
ang boses at
angkop ang
emosyon,
ekpresyon ng
mukha, kilos, at
kumpas sa
binibitawang
linya habang
itinatanghal ang
awit. Pinatibay
pa ito ng
paglalapat ng
instrumentong
pangmusika.
Gamit ng
Matalinghagang
Pahayag
Nakalikha ng 5
pataas na
pangungusap na
may
matlinghagang
pahayag.

KABUOAN

h. Kasunduan
A. Gumawa ng sampung pahayag na nagpapakita ng pangakong nais
isakatuparan ng mga mag-aaral bilang anak sa kanilang magulang.
Pamamagatan itong: Sampung Pangako ni: (pangalan ng mag-aaral) kay
(pangalan ng ama/ina).
B. Ilalagay ito sa isang buong bond paper na maaaring disenyuhan.

Inihanda ni:

Roslyn L. Valencia

You might also like