You are on page 1of 1

Magandang umaga sainyong lahat. Ngayon ay Huwebes ika-dalawanpu ng Pebrero taong 2025.

Marahil
nagtataka kayo kung bakit ako naririto sainyong harapan at sumasambit ng mga kataga at salitang
lumalarawan sa kung sino ako. Ngayong araw nais kong ibahagi ang munti kong istorya anim na taon na
ang nakalipas.

Araw ng Myerkules noon, ika-dalawampu ng Pebrero taong 2019. Nagmumuni muni ako at may kaunting
pangamba kung ano ang kakahantungan ko anim na taon makalipas ang araw na iyon. Magtatapos ako ng
pagaaral sa senior high pero naisip ko at patuloy na tinatanong ang sarili kung handa na ba ako sa hamon
ng buhay pagtungtong ko sa labas ng aking mahal na paaralan. Mapanganib sabi ng iilan, mahirap at
nakakaiyak naman ang babala ng nakararami. Bilang isang graduating student sa senior high school na ang
tanging babaunin palabas ay lakas ng loob, kagandahan, at mabuting asal na kaakibat nang aking mga
natutunan sa akademics mula sa aking mga guro, Muntik na nga akong sumuko eh, BUTI NALANG
TINAMAD AKO. Hahaha On a serious note, isinantabi ko ang takot at katamaran sa aking katawan at
nagging pokus sa aking pangarap. Ang maging isang bayani sa representasyon ng isang guro. “OO
MAGIGING GURO AKO” sambit at pangako ko noon sa sarili ko ngunit higit sa lahat, pangako ko sa aking
pamilyang minamahal kung kayat mas lumakas ang aking loob at ni minsay hindi nagpadala sa sulsol ng
pagsuko.

At ngayong araw nga po, ako ay isang nang guro. Bumabahagi ng kaalaman at nagbibigay pagasa para sa
mga kabataang nangangarap ngunit nilalapitan ng tukso upang sumuko nalang. Sinasabi ko sainyo, huwag
na huwag kayong susuko sa iyong pangarap. Mahirap oo, nakakapagod lalo na kung wala kang kakayahang
pinansyal. Kaya nga tayong maswerteng nakakapagaral ay dapat hindi din sinasayang itong oportunidad.
Isa na ako ngayong guro. Nakapagpatayo ng bahay para sa aking ama at kapatid, may minamahal na
trabaho, at masasabi ko ring mabibigyan ko ng masaganang buhay ang aking magiging pamilya at anak.
Isipin niyo nalang kung nagpadala ako sa takot, kaba, at katamaran anim na taon na ang nakalipas, edi
sana walang MA’AM CONSUELO CASULLA sa inyong harapan. Maraming salamat po.

You might also like