You are on page 1of 2

PASASALAMAT

Sa ating panauhing pandangal at tagapagsalita na si ____________, sa ating punong-guro na si Gng. Famie C.


Apay, sa ating punong-kawani na si G. Rodrigo P. Mojica, sa aming mga minamahal na magulang, guro, panauhin at sa
inyo mga kapwa ko magsisipag-angat, isang mapagpalang araw sa ating lahat.

Ito na marahil ang sandaling ating pinakahihintay, ang araw kung saan ang ating paglalakbay bilang mga mag-
aaral ng Junior High ay matatapos na. Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na apat na taon na pala ang
nakakalipas simula nang una tayong nagkasama-sama, dahil tila parang kahapon lang nangyari ang lahat. Bawat isa sa
atin ay may sari-sariling daang tinahak, gayunpaman, ang pagkakasama-sama natin ngayon ang nagsisilbing katibayan na
napagtagumapayan natin ang mga daang iyon. Higit pa sa ating matatanggap na sertipiko at medalya, nawa’y ating isaisip
na ang mga aral na ating natutunan, mabubuting asal na ating nalinang at mga talento’t kakayahan na ating napag-yaman
ay ang tunay na gantimpalang ating nakamit. Ngayong araw ang tanda na natapos na natin ang isa sa pinaka importanteng
kabanata ng ating mga buhay at tanda rin na sisimulan na ang isang panibagong yugto. Subalit bago pa man natin
tuluyang ilipat ang isa na namang pahina ng ating kwento, atin munang balikan at pasalamatan ang mga taong tunay na
manlilimbag sa istorya ng ating paglalakbay.

Sa Poong Maykapal, ang dakilang manunulat na nagpasimula ng lahat, salamat po sa mga kamangha-mangha
oportunidad. Walang kaganapan ni isa sa mga ito kung hindi dahil sa plano Mo. Ibinabalik namin sa Iyo ang lahat ng
papuri at pasasalamat.

Sa ating mga masisipag na magulang, taos pusong pasasalamat mula sa aming lahat, salamat dahil sa kabila ng
mga hirap na inyong kinakaharap sa araw-araw ay pilit nyo pa ring pinupunan ang aming mga pangangailangan. Ang
walang sawa ninyong suporta at pagmamahal na walang hiniihinging kapalit ang nagsilbing motibasyon upang ang aming
pag-aaral ay mas lalo pa naming pagbutihan. Ang lahat ng aming nakamit ay inaalay namin sa inyo, kayo na naging parte
na ng lahat na ng aming pagkadapa’t muling pagbangon. Maraming salamat po sa inyo kami po ay sumasaludo sa inyong
lahat.

Sa aming mga nagsilbing pangalawang magulang , na nagbahagi sa amin ng mga aral na higit pa sa nababasa sa
kahit anong aklat, maraming salamat po. Sa pagpapaunlad ninyo sa amin hindi lang bilang isang mag-aaral, kundi bilang
isang indibidwal, sa pagpapatanto sa amin ng kahalagahan ng aming edukasyon, at sa pagbuhos ng nag-uumapaw na
pasensya’t pagmamahal ninyo na kahit kailan ay hindi kayang sapatan ng kahit anong salita. Mga Ma’am at Sir,
maraming salamat po. Nawa’y hindi kayo magsawang patuloy na gumabay sa mga paglalakbay ng bawat mag-aaral.

Sa aking mga kapwa completers, kamag-aral at mga kaibigan, salamat sa mga masasayang araw na ating
pinagsaluhan. Madami na tayong nagawang ala-ala kasama ang isa’t isa, marami na tayong natutunan sa mga
pagkakataong tayo ay nagkakamali, di na rin mabilang ang mga panahong lahat tayo ay sama samang nagbunyi sa mga
tagumpay na ating minithi at nakamit. Hindi naging madali ang mga daang ating tinahak, ang daang patungo roon ay
sadyang malubak subalit hindi natin piniling huminto, lumiko ni bumalik na lamang sa madaling daang nakasanayan. At
buong tapang na isa isa nating hinarap ang hamon naka akibat nito. Hinarap natin ang mga pagsusulit, pangkatang
Gawain, mga proyektong pinaglaanan ng panahon at pagod, mga gabing halos wala ng tulog. Makailang beses na rin
nating nasabi na napapagod na tayo at gusto na nating sumuko ngunit eto tayo ngayon, isa-isang aakyat ng entablado
upang ang patunay na ganap na tayong “completers” ay atin ng maisasakamay. Salamat sa mga magagandang ala-ala na
natitiyak kong magiging inspirasyon ng bawat isa patungo sa pagtupad ng ating mga pangarap.

Lahat tayo ay sabay sabay na muling haharap sa isa na namang panibagong yugto maaring marami pa tayong mga
agam-agam ngunit alam ko na lahat tayo ay handa nang harapin at tahakin ang landas patungo sa ating mga pangarap.
Nawa ay hindi tayo huminto hanggang sa ang lahat ng ito ay ating maisakatuparan.

Muli binabati ko kayong lahat kapwa ko “completers”, Maraming salamat po.

You might also like