You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Filipino II

I. Mga Layunin

Sa pamamagitan ng isang tula, 85% ng mga estudyante sa ikalawang taon ay inaasahang:


A. Nailalahad ang mga kaisipang nakapaloob sa tula;
B. Nasisipi mula sa tula ang mga tayutay na ginamit;
C. Natatalakay ang bawat uri ng tayutay;
D. Natutukoy ang uri ng tayutay sa bawat pangungusap;
E. Napapahalagahan ang mga tayutay at ang gamit nito sa iba’t ibang larangan gaya ng
pasulat at pasalita;
F. Nailalahat ang mga uri ng tayutay, ang kahulugan at ang layunin nito;
G. Nakikilala ang mga tayutay at uri ng tayutay na nakapaloob sa bawat pahayag; at
H. Nakaguguhit ng mga simbolong maaaring mabuo gamit ang mga tayutay.

II. Paksang Aralin

Paksa : MGA TAYUTAY


Mga Sanggunian : *Badayos, Paquito B. et. Al. 2010. Yaman ng Pamana Wika at
Panitikan II. Vibal Publishing House Inc. Quezon City.
*Amog, Maybel V. at Mercedes D. L. Tulaylay. 2002. Kawil II.
Rex Bookstore. Manila.
*De Lara Ampil, Roberto. et. al. 2009. Maragtas II. St. Agustine
Publication. Inc. Sampaloc, Manila.
Kagamitan : larawan, plaskard, tag board, yeso at pambura
Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa paggamit ng mga
tayutay sa
pagsasalita at pagsusulat.
Konsepto : Ang tayutay ay isang paraan ng makulay na
pagpapahayag.
Naglalayon itong gawing marikit at masining ang
pagpapahayag upang maging mabisa at kawili-wili ang pag-
unawa sa damdaming ipinahihiwatig nito.

III. Pamamaraan

A. Pangganyak

Noon hanggang ngayon, kilalang mangingibig ang mga Pilipino at kadalasang


umuusbong ang pagliligawan sa edad ninyo ngayon. Napapansin n’yo na ang kagandahan
at kagwapuhan ng kapwa binata’t dalaga. Saksi sa inyong mga ligaw-tingin at
pagsusuyuan ang lugar ng inyong tagpuan.
· Saan ba kadalasang nagliligawan ang mga binata’t dalaga?
SA TABI NG DAGAT
Isa sa mga itinuturing na pinakamagandang tula ng pag-ibig sa
panulaang Filipino ay ang “Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos.

Babasahin ng guro ang tula sa harap ng klase na sasaliwan ng isang awit ng pag-ibig.
Mga Gabay na Tanong:
· Sino ang nagsasalita sa tula? Sino ang kanyang kinakausap?
· Ano ang nangingibabaw na damdamin sa tula?
· Sa palagay mo ba’y tapat ang lalaki sa kanyang pag-ibig?
· Paano inilalarawan ng may akda ang pagsusuyuan ng dalawa?
· Bakit mahalagang mangibabaw sa mundo ang tapat at wagas na pag-ibig?
· Sa makabagong panahon, ano ba ang uri ng ligawan ngayon ng mga kabataan?

B. Paglalahad

Magkaiba man ang pamamaraan ng ligawan noon at ngayon, ang mahalaga ay ang wagas
na pagmamahalan na namamayani sa kaibuturan ng bawat pusong umiibig. Mula sa
tulang binigkas, may mga paglalarawang sinipi upang bigyan ng ibayong pansin.

“at sakong na wari’y kinuyom na rosas”

“di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas”

“sa isang pilapil


na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin”

“patiyad na tayo’y
Maghahabulang simbilis ng hangin”

C. Pagtatalakay

Ang mga paglalarawang ito ang naging daan upang maging masining at mabisa ang
pagpapahayag ng damdamin ng binatang sumusuyo sa kanyang nakabibighaning dalaga.
Ito ay nakapupukaw din ng unawa dahil kailangan maintindihang mabuti ang di-tuwirang
diwa na ipinahihiwatig nito. Hindi lubhang mahirap unawain ang mga ito kung taglay na
ng mambabasa ang kaalaman tungkol sa ganitong paglalarawan.

Suriin naitn ang unang pahayag na sinipi mula sa tula.

“at sakong na wari’y kinuyom na rosas”

Mga Gabay na Tanong:


· Anu-anong mga bagay ang pinaghahambing? Sakong at rosas
· Anong salita ang ginamit sa paghahambing? Wari’y (wari ay)
· Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag? Mamulamula ang kanyang sakong
· Ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan ito’y paghahambing na ginagamitan
ng mga salitang wari, gaya, parang? PAGTUTULAD (SIMILE)

1. PAGTUTULAD (SIMILE) – nagpapakit ng isang taasang paghahambing o


pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, kaisipan at iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salitang gaya ng, para (kapara), wangis, wari, animo, tila at
mistulan at tulad (katulad).
Mga Halimbawa:
· Pisnging tila makopa sa kapulahan.
· Bilis-bilisan mo, para kang pagong kung kumilos.

“di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas”

Mga Gabay na Tanong:


· Anong mga bagay ang inihahambing sa pahayag na ito? Paa at binalat-sibuyas
· Ano ba ang ibig sabihin ng salitang binalat-sibuyas? Maputi at makinis
· May ginamit bang salita o parirala upang paghambingin ang paa at binalat-
sibuyas? Wala
· Ano ang ibig sabihin ng pahayag? Ang paang makinis at maputi ay di na kailangan
sapinan pa.
· Kung gayon, ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan tuwirang inihahambing
ang dalawang magkaibang bagay na walang ginagamit na salita o parirala upang
paghambingin ang mga ito?

2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) – ito ay tuwiran o tahasang pagkukumpara o


pagtutulad. Hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng nasa pagtutulad.
Mga Halimbawa:
· Buwaya ang mga sakim sa kapangyarihan.
· Isa siyang maamong tupa.

“sa isang pilapil


na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin”

Mga Gabay na Tanong:


· Anong katangian ng isang tao ang matatagpuan sa linyang ito ng tula? Pagluha
· Anong bagay ang binibigyang buhay sa linyang ito? Bituin
· Lumuluha ba ang mga bituin? Bakit? Hindi, dahil tao o bagay na may buhay lamang
ang lumuluha.
· Ano ang ibig sa ipahiwatig ng pahayag? May mga patak ng hamog ang dahon.
· Anong uri ng paglalarawan kapag nagbibigay buhay sa mga bagay gamit ag kilos o
galaw ng tao?

3. PAGSASATAO (PERSONIFICATION) – ito ay pagbibigay katauhan sa mga bagay


na walang buhay o sa mga abstraktong kaisipan.
Mga Halimbawa:
· Lumuha ang langita at ang mundo ay nanliit.
· Kumakaway ang mga dahon sa paghihip ng hangin.

“patiyad na tayo’y
Maghahabulang simbilis ng hangin”
Mga Gabay na Tanong:
· Anong bahagi ng pananalita ang maghahabulan? Pandiwa
· Nasa anong aspekto? Kontemplatibo o panghinaharap
· Anong parirala ang naglalarawan sa pandiwa? Simbilis ng hangin
· Anong bahagi ng pananalita ito? Pang-uri
· Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito mula sa tula? Maghahabulan sila ng
napakabilis
· Anong uri ng paglalarawan na kung saan lumalagpas sa katotohanan ang
ipinahihiwatig?

4. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) – ito ay ginagamit kapag pinasisidhi ang


paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin.
Mga Halimbawa:
· Kumukulo ang dugo ng dalagang inagawan ng cellphone.
· Nadurog ang puso ko dahil sa pagsisinungaling mo.

“oh, Tukso! Layuan mo ako.”

Mga Gabay na Tanong:


· Anong bahagi ng pananalita ang salitang Tukso? Anong uri ng pangalan? Pangngalan,
abstrak o di-konkreto – isang kaisipang hindi nakikita, nalalasahan, naririnig at nahihipo
ngunit nadaram at pawing nasa isip lamang ng tao.
· Paano kinakausap ang tukso sa pangungusap? Parang isang taong kaharap na
kinakausap gayong wala naman.
· Anong gawi ang namamayani sa pangungusap? Tila tumatawag.
· Nasa anong uri ng paglalarawan ang pahayag na ito?

5. PAGTAWAG (APOSTROPHE) – ito ay pagpapahayag ng isang karaniwang bagay o


isang di nadaramang kaisipan na para ng isang buhay na tao o isang taong kaharap na
kinakausap gayong wala naman.

Mga Halimbawa:
· Pag-asa! Pag-asa! Ako ay lapitan nang maging mabulaklak ang aking landas.
· Kamataya’y nahan ang dating bangis mo nang di damdamin ang hirap na ito!

D. Pagsasanay

Makakamtan ang nais na kaalaman kung pag-iinsayuhang gamitin at palawakin. Kaya


magkakaroon tayo ng isang Quizz Bowl na lalahukan ng mga pangkat. Ipapangkat ang
klase sa tatlong grupo at bawat pangkat ay bibigyan ng tag board, yeso at pambura.
Kailangang magtulungan ang bawat miyembro sa pagtukoy kung nasa anong uri ng
paglalarawan ang mga pahayag na ipapakita ng guro gamit ang plaskard. Matapos ang
sampung pahayag, kung sinong pangkat ang may pinakamaraming puntos ang siyang
panalo.
1. Siya’y uminom ng isang balding gatas. PAGMAMALABIS
2. Animo’y isang paruparo kung lumigaw si Basti sa dalaga. PAGTUTULAD
3. Sumasayaw ang mga alon sa dalampasigan ng Bataan. PAGSASATAO
4. Ang kanyang balat ay parang kaliskis ng isda kung hihipuin. PAGTUTULAD
5. Mga basang sisiw ang mga batang sa kalye naninirahan. PAGWAWANGIS
6. O, pagtulog! Dalawin mo ako nang ako’y mahimbing na. PAGTAWAG
7. Gabundok ang labahin niya kaya siya nakasimangot. PAGMAMALABIS
8. O, dagat! Iduyan mo ako sa iyong mga alon. PAGTAWAG
9. Ang puso mo’y bato dahil hindi marunong magmahal. PAGWAWANGIS
10. Ibinulong ng hangin sa akin ang walang maliw niyang pagsinta. PAGSASATAO

E. Pagpapalawak

Gamitin natin an gating bagong kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng paglalarawan.
Manatili kayo sa inyong mga pangkat dahil bibigyan kayo ng mga gawaing lilinang sa
inyong imahinasyon.

Unang Pangkat – sumulat ng isang saknong na may apat na taludtod gamit ang mga uri
ng paglalarawan. Bigkasin ito sa klase.

Pangalawang Pangkat – gumawa o pumili ng isang kantang may mga paglalarawan sa


liriko at awitin sa klase.

Pangatlong Pangkat – sumulat ng isang diyalogo gamit ang mga paglalarawang tinalakay
at isadula ito sa klase.

Bawat pangkat ay bibigyan ng ilang minute upang gawin ang kanilang Gawain.

At sa bawat presentasyon ay tutukuyin ng pangkat ang mga paglalarawang ginamit sa


kanilang awit, tula at diyalogo.

F. Paglalahat

Ang isang anyo ng paglalarawang-diwa na kaiba at malayo sa karaniwang paraan ng


pananalita o pagsulat ay tinatawag na TAYUTAY. Naglalayon itong gawing marikit at
masining ang pagpapahayag upang maging mabisa at kawiliw-wili ang pag-unawa sa
damdaming ipinahihiwatig. Marami ang mga

URI NG TAYUTAY.

1. PAGTUTULAD (SIMLE) – nagpapakit ng isang taasang


paghahambing o pagtutulad ng dalawang magkaibang
bagay, tao, pangyayari, kaisipan at iba pa. Ginagamitan ito
ng mga salitang gaya ng, para (kapara), wangis, wari,
animo, tila at mistulan at tulad (katulad).
2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) – ito ay tuwiran o
tahasang pagkukumpara o pagtutulad. Hindi gumagamit ng
mga salita o pariralang tulad ng nasa pagtutulad.
3. PAGSASATAO (PERSONIFICATION) – ito ay
pagbibigay katauhan sa mga bagay na walang buhay o sa
mga abstraktong kaisipan.
4. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) – ito ay ginagamit
kapag pinasisidhi ang paglalarawan sa isang bagay,
pangyayari, kaisipan o damdamin.
5. PAGTAWAG (APOSTROPHE) – ito ay pagpapahayag ng
isang karaniwang bagay o isang di nadaramang kaisipan na
para ng isang buhay na tao o isang taong kaharap na
kinakausap gayong wala naman.

G. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang tayutay na makikita sa bawat pahayag. Pagkatapos, kilalanin ang
uri ng tayutay at ibigay ang kahulugan nito.

1. Para ng halamang lumaki sa tubig,


Daho’y nalanta munting di madilig,
Ikinalulunoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig.
(Florante at Laura)
a.Tayutay
______________________________________________________
________________

b.Uri ng Tayutay
______________________________________________________
________________

C.Kahulugan
______________________________________________________
________________

2. Lumuha ang langit


at ang mundo ay nanliit
kumakaway sa bakod
ang anghel na nakatanod.
(Saranggola ni Pepe)
a.Tayutay
______________________________________________________
________________

b.Uri ng Tayutay
______________________________________________________
________________

C.Kahulugan
______________________________________________________
________________

3. Nang isilang ka sa mundong ito,


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw.
(Anak ni Freddie Aguilar)
a.Tayutay
______________________________________________________
________________

b.Uri ng Tayutay

You might also like