You are on page 1of 17

PAGGAMIT NG MGA GADYETS PARA MAPATAAS ANG PERFORMANS NG MGA MAG-

AARAL SA BNTAS.

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

RASYUNALE

Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak nang palawak ang mga naimbentong mga

makabagong teknolohiya para sa mga makabagong henerasyon. Ang teknolohiya ay mayroong higit sa

isang proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang

teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhenyeriya.

Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan

lamang natuklasan na proceso at prinsipyong maka-agham.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng economiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang

kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung paano pagsasamahin ang mga kakayahan upang

magbunga ng ninanasang produkto at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman. Sa gayon, makikita

natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Isa na dito ay ang mga

gadyets. Sa pag-usbong ng mga ito. Masasabing nakakatulong ito sa tao kagaya ng mga mag-aaral at sa

kalauna’y masasabing ito ay nakakasama.

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang mga kabataan ay nagpapagod na sa kanilang

pag-aaral, dalawa ang maaari nilang gawin. Una ay ang magpahinga para malakas sila upang ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral. Ang pangalawa ay maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang

kaibigan at kaagapay sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon.


Ayon kay Bertillo (2011) sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng teknolohiya. Sa

katunayan ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa

kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ang gadyet ay isang maliit na gamit pang teknololiya isang bagay na madaling gamitin at

nakatowang teknolohiya at maituturing na mamamahalin kapag ang gadyet ay maraming gamit.

Masasabing ang gadyets ay higit na nakakatulong sa mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Tungkulin ng mga

kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu ng ilang

halimbawa sa kanilang pagsusulit, may mga maaari na sila ngayong pagpipilian sa dami ng mga

makabagong kagamitan ngayon.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang gadyets ay nakakabuti o nakakasama sa mga

mag-aaral. Marami ang naniniwala na ang gadyets ay may masamang epekto sa pag-aaral pero marami rin

ang pabor sa pag-unlad ng gadyets dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pag-aaral nila.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa panahon ngayon, ang paggamit ng mga pangunahing gadyets ay isang importante o kamangha-

manghang paraan para sa mga mag-aaral ng BNTAS. Katulad nalang ng mga gadyets na mas ginagamit

nila gaya ng tablet, cellphone, computer at iba pa. Mas nabigyang pansin rin ang mga mag-aaral dahil hindi

na sila nahihirapan sa paggawa ng kanilang mga Gawain sa paaralan. Mas madali na nila itong magagawa

dahil sa tulong ng mga ito, at lalong nabigyan sila ng mataas na performance dahil dito. Nadadagdagan pa

ang kanilang kaalaman sa pagsusuri ng mga mahahalagang impormasyon na nangyayari sa kanilang paligid.

Narito ang mga ibang kaakibat na suliranin na dapat mabigyan ng sapat na kasagutan o kaalaman sa aming

isasagawang pananaliksik:
1.Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad at kasarian?

2. Anong gadyets ang madalas gamitin ng mga mag-aaral?

3. Ano ang kahalagahan ng gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Paano makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante ang paggamit ng gadyets?

5. Paano makakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral ang paggamit ng gadyets?

6. Paano napapadali ng mga gadyets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mag-aaral?

SAKLAW AT DELIMITASYON SA PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mataas na kalidad ng edukasyon sa tulong ng teknolohiya.

Sakop sa pangangalap ng mga datos at impormasyon ang paaralan ng Bacarri National Trade-Agricultural

school sa Lungsod ng Mountain Province. Isang paaralan sa kasulok-sulukan ng mountain province na

pinangungunahan ng kursong agrikultura at home economics.

Hangarin ng mananaliksik na kumuha ng datos sa 30 respondente ng mga mag-aaral sa BNTAS

mula sa ikapitong baitang sa High School patungo sa mga mag-aaral ng Senior High School.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Para sa paaralan ng BNTAS, nakakatulong ang paggamit ng mga pangunahing gadyets upang

mapadali at matugunan ang mga pangangailangan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati narin ang

mga guro, mga mananaliksik at pati narin ang ating pamahalaan. At narito ang kahalagahan ng pag-aaral

na ito para sa mga sumusunod:

Mga Estudyante:

Mas pinapabuti ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa tulong ng mga makabagong gadyets

na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan. Gagamit nila ang mga gadyet na mas makapag-bibigay sa

kanila ng mga mahahalagang impormasyon sa kanilang mga gawain. Makakatulong rin ito upang mapadali
ang pagkamit nila ng mga pangarap nila sa buhay. At nakakatulong rin ito sa kanila upang maging aktibo

at may kakayahang paglingkuran ang mga bagay-bagay na nagdudulot ng tagumpay sa kanila. Magsisilbing

daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng

gadyets.

Mga Guro:

Makakatulong ito sa mga guro upang malinang at magabayan ang mga mag-aaral sa wastong

paggamit ng gadyets. At tungkulin ng mga guro na hubugin at linangin hindi lang ang kaisipan kundi

maging ang karakter ng bawat mag-aaral.

Mga mananaliksik:

Nahihikayat ang mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong sa

administrasyon sa wastong paggamit ng gadyets. Magiging batayan din ng iba pang mananliksik na

naglalayong magsasagawa ng may mas malalimang pag-aaral ukol sa epekto ng gadyets sa mga mag-aaral.

Para sa Paaralan:

Makakatulong ito upang mapanatili ang isang mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga mag-

aaral. Makakatulong rin ito upang mahikayat at mabigyan ng sapat na pangangailangan ang mga kabataan

sa kanilang pag-aaral.

Para sa Pamahalaan:

Makakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman ang mabuti at masamang dulot ng paggamit ng

mga mag-aaral ng gadyets. At kung papaano ito nakakaapekto sa pagtaas ng kanilang performans sa bawat

subject sa kanilang paaralan.


KABANATA 11

MGA KAUGNAY NA LITERATURA NG PAG-AARAL

DAYUHANG LITERATURA

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa mga makabagong teknolohiya at gadyets.

Naktulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng antas kabilang ang mga institusyon, mga interpersonal na

pakikipag-ugnayan at maging ang indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa kontrol at kaalaman

ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at walang taros na humuhubog sa lipunan (D.

Chandler, 2000)

Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang para sa mga kabataan

lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang

epektibong mamamayan at sa mga estudyante (M. Underwood, 2009)

Possible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang computer, mobile phones

(para sa pakikipag text), at iba pang makabagong gadyets? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon

ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante

ngayon ay gusto ng pagbabago. Gaya ng pagbabago sa paraan ng pag-aaral nila sa panahon ngayon, mas

gusto nila ang madali at komportable na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka

magandang pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav, 2007)

Ang teknolohiya ay may positobo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang

pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan

ng bawat isa. Ngunit ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinag ang

kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa (Chandler 2000).

Isa sa malapit na sinabi ni Chandler (2000) at B. Winston (1998) kanyang inalisa sa kanyang

artikulo na How are Media Born and Developed ang mga mabubuti at masasama na naidudulot ng
makabagong teknolohiya at gadyets sa lipunan. Naniniwala siya sa determinasyon ng teknolohiya tungo sa

pag-unlad ng ating mundo. Ngayon tayo ay nasa ika-21 siglo marami na ang nababago sa pamamaraan ng

ating pamumuhay gayun na din sa ating mga pribadong buhay.

Ang internet ay patuloy na lumalaki at umaabot sa mas maraming mga tao. Nakikita natin ang

pagbuti patungkol sa karunungang bumasa’t sumulat dahil sa paglago ng internet (k. croxton 2000).

Ayon kay A. Graham Bell (1876) ang telepono ay nagtuturo sa mga taong bingi kaya’t siya ay interesado

sa mga pagyanig ng tunog o kung paanong tunog ay tumatalbog at naglalakbay. Napag-isipan ni Bell na

ang mga pagyanig na ito ay maaring gawing sunod-sunod na mga takbo ng kuryente na maaaring maipadala

sa pamamagitan ng mga kable mula sa isang lugar patungo sa iba. Mula ditto ay naimbento niya ito. Ang

kanyang imbensyon ay hindi lamang ginawang posilbe ang pakikipag-usap sa mga kaibigan namilya ang

layo kundi nagbukas ng pintuan para sa mga intercoms, radio, fax, transmission at pati narin sa internet. Ito

ay nagpalapit sa mga tao sa isa’t isa (A. Graham Bell 1876).

Ang mga komputers sa ngayon ay gumagawa ng maraming bagay. Sa mga tahanan, ang mga

maliliit na computer na nakabaon sa mga kagamitang dekuryente ang nakapagpapabukas at nakapagsasara

sa telebisyon at nakapapapalit ng mga estasyon, o kumokontrol sa temperature ng iyong refrigerator. Alam

mo ba na ang mga komputer ay pangunahing ginawa upang magamit sa masalimuot na kalkulasyon sa

matimatika? Ang mga makinang ginagamit upang gumwa ng mga masasalimuot na kalkulasyong

matimatika ay nag-ugat libong taon na ang nakalipas sa mga abacus ng intsik. Ngayon salamat sa mga

bagong pagpapaunlad gaya sa mga computer chips, Ang isang computer na may parehong kakayahan ay

maaaring magkasya sa palad ng iyong kamay. Sa ngayon, ang mga computer ay kailangan na sa lahat ng

opisina. Sa katunayan, ang mga computer ay ginagamit din sa pag-aaral at paglalaro.


LOKAL NA LITERATURA

Sa pag-aaral ni S. Wilson, sa kanyang artikulo na the influence of technology on college students

sinasabi niya na ang kailangan ng tao sa paggamit ng teknolohiya ay ang disiplina. Ang bawat henerasyon

ay may iba’t-ibang disiplina batay narin sa kanilang kinagisnan na komunidad.

Ayon kina Coomes at Debard (2004) ay nagsabi na Ang kasaysayan at kultura ay may malaking

bahagi sa pagbuo ng paniniwala at kaugalian ng isang katauhan. Sa paglipas ng panahon, nagiging iba na

ang paguugali ng tao kaysa noon na walang impluwensya sa gadyets.

Ayon kay Arend (2005), sinasabi niya na isa sa paniniwala ng mga estudyante na ang pag-aaral ay

isang pag-aaksaya lamang ng kanilang oras, kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas pinipili na lang na

gumamit ng gadyets at ubusin ang oras sa mga walang kwentang bagay.

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral ngayon na sinasabi

kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano sila kaaga gumising para pumasok.

Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon

ay kayang pagsabayin ang pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante

ngayon. Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras, at kung paano ito mawawaldas

nang may katuturan.

Gemmill at Peterson (2006) sila ay nagtanong sa mga mag-aaral kung gaaano kalaki ang nagagamit

nilang oras para sa paggamit ng makabagong teknolohiya at kung Malaki ba ang naidudulot nitong stress.

Base sa kanilang nagawang pag-aaral, halos 29% na kanilang oras ay nagagamit sa teknolohiya at may

malaking parte din ito sa stress na nararanasan ng mga estudyante.

Lloyd, Dean at Copper (2007) ay nagsagawa ng pag-aaral ukol sa parte ng media sa pag-aaral ng

mga mag-aaral. Napag-alaman nila na mayroon itong malaking impluwensya sa pamamaraan sa

pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang kaibigan, kamag-aral, at guro.


Sa paglakad ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na globalisasyon, at patuloy na

umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing

makakasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Sa kasalukuyang panahon ay sinasabing computer age na tayo dahil lahat ng larangan ay halos

computer na ang ginagamit. Sa mga opisinang gobyerno, pribadong opisina, sa mga eskwelahan atmaging

sa pamamahay man ay gumagamit nang computer sa kanilng pakikipag-transaksyon. Kung walang personal

computer ay may mga makabagong cellphone na nagsisilbing gamit sa iba’t ibang uri ng pakikipag-

transaksyon.

Sinasabi pa nga sa mga datos na ang Pilipinas ang siyang cellphone capital of the world, dahil

ultimong mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakagagamit ng cellphone.

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o hindi, lalo na sa larangan ng

edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pag-unlad maging sa teknolohiya ay may kaakibat na positbo at

negatibong dulot sa ating pamumuhay, maging sa larangan ng edukasyon, ang mabilis na pag-unlad ng

teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro kundi lalo’t higit sa mga mag-

aaral.

Bago pa man ipatupad ng mga kinauukulan o nang gobyerno ang pag-unlad ng teknolohiya ay

binusisi at pinag-aralan munang mabuti kung ito ba ay makakatulong o hindi. Kanilang hinimayin ang mga

positobo at negatibong dulot nito at kung nakakalamang ang positibo ay kanilang aaprobahan at ipatutupad

nang naayon sa umiiral na batas ng ating bansa, particular sa edukasyon.


KABANATA III

METODOLOHIYA/PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral. Ito ay naglululan

ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginamit ng

mananaliksik, instrumentasyon at pangangalap ng datos pati ang istatistikong sinulat.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang aming isinasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na pananaliksik. Descriptive

correlation ang ginamit naming upang mailarawan ang epekto ng gadyets sa mga mag-aaral. Correlational

upang matukoy ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay ginawa at binuo ng maga estudyante ng Bacarri National Trade-

Agricultural school. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan o kwestyuner na sasagutan, gumamit din

ang mga mananaliksik ng mga aklat upang matukoy ang kahalagahan ng gadyets sa ating lipunan. Ang mga

mananaliksik ay nagpunta sa internet sa pagkuha ng mga araling may kinalaman sa pagkupas at pagbago-

bago ng henerasyon ng teknolohiya. Kumaha naman ang mananaliksik ng ibang estudyante na kapaloob sa

aming respondente at pinasagutan ang mga tanong na nakasaad sa sarbey

MGA RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay pumili ng limang estudyante sa ibat-ibang seksyon sa BNTAS na nasa

ikapitong baitang sa high school hanggang sa mag-aaral ng senior high school na nagsilbing respondente

na sumagot sa serbey ng mga mananaliksik, sa kabuuan ang bilang ng mga respondente ay 30. Ang pagpili

ng respondente mula sa paaralan ng BNTAS ay gagamitan ng random sampling sapagkat pili lamang ang
mga estudyante na bibigyan ng katanungan para sumagot sa mga tanong. Ang gagawing katanungan ay

open-ended upang sa ganoon ay pipili lamang ng sagot ang mga respondente.

ISTATISTIKAL NA GINAMIT

Ang istatistikal na ginamit ay percentage at frequency distribution upang ilarawan ang propyl ng

mga mag-aaral. Ginamit ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri

batay sa mga sagot ng respondente. Ginamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang

ng mga sagot sa isang particular na tanong. Mean ang ginamit sa pagtukoy sa pinakamadalas gamiting

teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.


KABANATA IV

PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa serbey kwestyuner ng mga

mag-aaral ng senior high school ng BNTAS.

Propayl ng mga Respondente,

Talahanayan Blg. 1

Kasarian ng mga Respondente

KASARIAN BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Lalaki 15 75%

Babae 5 25&

KABUUAN 20 100%

Ang talahanayang blg. 1 ay naglalaman ng kasarian ng 20 mga respondente, nakasaad din dito ang

bilang at bahagdan ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Ipinapakita dito na mas marami ang mga

respondenteng lalake na may bilang na 15 katao o 75% kaysa sa bilang ng mga babae na 5 katao o 25%.
Talahanayan Blg. 2

Edad ng mga Respondente

EDAD BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

17 8 40%

18 5 25%

19 2 10%%

20 5 25%

KABUUAN 20 100%

Ang talahanayang blg. 2 ay naglalaman ng edad ng 20 respondente. Sila ay may gulang na mula 17

hanggang 20 na taon. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga respondent ayon sa kanilang edad.

Ipinapakita dito na mas Marami ang mga respondenteng may edad 17 na may walong katao o bahagdan na

40%. Sumunod ang bilang ng mga respondenteng may edad 20 at 18 na parehong may limang katao o

bahagdan na 25%. At ang pinakahuling bilang ay ang edad na 19 na may dalawang katao o 10% bahagdan.
Anong Gadyets ang pinakamadalas gamitin
ng mga mag-aaral

5%
5%
5%
5%
5%
50%

15%

10%

cellphone laptop tablet computer projector calculator telebisyon radiyo

Ayon sa nakalap na datos, 50% ng mga respondente ang sumagot na cellphone ang syang

pinakamadalas nilang gamitin. Sumunod naman ang tablet na may 15% at ang laptop na may 10%.

Ang mga sumunod naman na gadyets na hindi gaanong ginagamit ng mga mag-aaral ay ang

computer na may 5%, calculator na may 5%, projector na may 5%, telebisyon na may 5% at ang radiyo na

may 5%.

Makikita na karamihan sa mga respondente ay sinasabing mas mainam na gamitin ang cellphone

para sa kanilang pag-aaral. Habang ang ilan ay sa iba.


Saan madalas ginagamit ng mga mag-aaral ang
gadyets?

5%
25% PAGSASALIKSIK
20%
PAGLALARO

10% PAGKAKALKULA
5% PANONOD
35%
PANGKOMUNIKASYON
PAG-EENCODE

Base sa resulta ng mga datos, panonood ang laging pinaglilipasan ng oras ng mga mag-aaral na

may 35%. Sumunod naman ay ang pagsasaliksik na may 25% at ang 20% na pangkomunikasyon. Sinundan

naman ng 10% na para sa paglalaro. At ang pinakahuli ay ang pagkakalkula na may 5% at pag-eencode na

may 5%. Makikita na karamihan sa mga respondente ay panonood ang madalas ginagawa gamit ang

gadyets.
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng pananaw at opinion ng mga ma-aaral tunkol sa

epekto ng napapanahong gadyets.

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng descriptive correlational upang ipakita ang epekto

ng gadyets sa pag-aaral ng mga estudyante. Ito ay nagpapakita ng isang paglalarawan ng kasalukuyang

kalagayan. Ito’y isang berbal na paglalarawan. Ang mga respondente ay binubuo ng dalawampung (20)

mag-aaral mula sa mga senior High School sa paaralan ng Bacarri National Trade-Agricultural School.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa BNTAS Bacarri. Ginamit ang percentadges at frequency

distribution upang ilarawan ang propyl ng pag-aaral. Mean naman ang ginamit sa pagtukoy sa

pinakamadalas gamitin na gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ang mga datos ay gagamitin bilang pamiling impormasyon sa pamamagitan nito malalaman ang

porsyento ng mga estudyanteng sumang-ayon kung nakakaapekto nga ba sa kanila ang gadyets.

Nakalap at naisaayos ng mga mananaliksik ang mga datos at impormasyong kinakailangan sa pag-

aaral na ito. Nakamit at nagawa rin ng mga mananaliksik ang kanilang layunin sa Paggawa ng Nasabing

pag-aaral.
KONKLUSYON

Batay sa inilahad na datos. Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod na

konklusyon.

1. Inilahad sa pananaliksik na ito na mas Marami ang lalake (75%) kay sa babae (25%) na rumisponde

aming ginawang pagsasarbey.

2. Marami ang bilang ng mga mag-aaral na may edad na 17 taong gulang (40%) na rumisponde sa

aming pagsasarbey.

3. Mababatid na cellphone (50%) ang pinakamadalas gamitin ng mga estudyante sa Paggawa ng

kanilang gawang pang-eskwelahan.

4. Mas mataas ang porsyento ng mga estudyanteng nagsasabibg panonood ang pinakamadalas nilang

pananggagamitan ng gadyets.

5. Masasabing mahalaga ang gadyets sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

6. Base sa sarbey ang gadyets ay di-gaanong nakakasamang nakaapekto sa kanilang pag-aaral ayon

sa nalikom na datos.

7. Malaking tulong para sa mga estudyante ang paggamit ng gadyets upang mapataas nila ang

kanilang performans sa paaralan.


REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod.

1. Para sa mga mag-aaral, ang epekto ng gadyets sa pag-aaral ay nasa di-gaanong mababa. Dapat

may wastong paggamit ng oras kapag gumagamit ng gadyets upang hindi makaapekto sa Paggawa

ng takdang aralin at proyekto.

2. Kailangan ng matalinong pag-iisip kapag ika’y gumagamit ng gadyets kung paano pagsasabayin

ang pag-sosocial media, paglalaro o pakikipagtext sa Paggawa ng gawaing paaralan.

3. Para sa mga guro, ugaliing ituro sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng gadyets.

MGA MANANALIKSIK

FAIZAL GUBIA-ON

JOMARI BAWAGAN

ULYSSES AKINCHANG

HENRY PENCE ASUNCION

You might also like