Ang mga Agham Panlipunan ay isang pangkat ng mga disiplinang
akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang) at pangkatangian).
Tinutukoy din ito minsan bilang mga malalambot na agham ang
mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.
Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa
pagsasaliksik at pag-teoriya tungkol sa parehong pinagsama at indibidwal na mga asal
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan
1. Sosyolohiya o Dalubulnungan-ay ang pag-aaral ng kilos at gawi
ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pagunlad at pagkabuo ng mga samahang institusyong panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman tungkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan.
2. Sikolohiya o Dalubisipan ay ang pag-aaral ng isip, diwa at
asal. Binibigyan ng malaking pansin nito ang mga tao, bagaman pinag-aaralan din ang asal at diwa ng mga hayop; bilang isang paksa na pangsarili, tingnan ang proseso ng kaalaman ng tao. Tinatawag na sikologo ang mga dalubhasa sa sikolohiya, na nagiging sikologa kung babae. Tinatawag din ang mga sikologo at sikologa bilang sikolohista. Mayroong sariling sikolohiya ang mga Pilipino na tinatawag na Sikolohiyang Filipino. Ito ay ginawa ni Virgilio Enriquez noong 1975.
3. Kasaysayan- tungkol ito pagaaral ng nakaraan o pinagdaanang
pagaaral ng isang grupo komunidad, lipunan at mga pangyayari namaiuugnay sa kasalukuyan. Ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang nga pangayayaring ito.
4. Heograpiya- nangangahulugan na paglalarawan sa daigdig.
Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas na pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag- aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw. May dalwang uri ang heorapiya ito ay ang heograpiyang pantao at pisikal. Ang heograpiyang pantao ay ang pag-aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar. Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera
5. Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang
agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.
Ang iba pang mga malawak na distinksiyon sa ekonomika ay
kinabibilangan ng sa pagitan ng positibong ekonomika at normatibong ekonomika, sa pagitan ng teoriyang ekonomika at nilalapat na ekonomika, sa pagitan ng teoriyang makatwirang pagpili at ekonomikang pag-aasal, at sa pagitan ng nananaig na ekonomika at ekonomikang heterodokso (mas radikal at nakikitungo sa "mga institusyon-kasaysaysan-panlipunan na istrakturang nexus"). PAGBASA NG TEKSTONG AGHAM PANLIPUNAN:
1. Mahalagang matiyak ng babasa ang mahalagang termino na
nakakonteksto sa kasaysayan o panahon ng paksang tinatalakay.
2. Mahalagang mabuo sa isip ng babasa o gumagawa ng review ang
paghahanap ng mga kaugnay na teksto.
3. Gawing obhetibo ang gawi sa pag-unawa ng nilalaman.
4. Makakatulong sa lalong pa-unawa ng nilalaman ang pigura at
larawan na kaugnay ng teksto.
5. Maari ding isagawa ang dagdag na pagbasa at pagdaragdag ng
madaming batis.
6. Dapat unawain sa konteksto ng panahon ng pagtuklas.
7. Mahalagang tukuran ng pagsisiyasat ang ginagawang pagbasa.
8. Isaalang-alang ang kontekstwal na pagbasa nang sa ganoon ay