Si Achilles habang nakikipagdigmaan sa mga taga-Troya, sa may kailugan.
"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad ng makatang si Homer para sa kaniyang Iliada. May nakatanim na galit kay Agamemnon ang pangunahing bayaning si Achilles, sapagkat inagaw ni Agamemnon ang gantimpalang napanalunan ni Achilles, ang babaeng si Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito nakipaglaban kay Agamemnon, sa halip sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa kasawian sa loob ng kaniyang talabing o kubol. Sinasabing naging mas naging mainam ang pagkatao ni Achilles dahil sa kaniyang paghihirap na ito.[1] Nang nararamdaman ni Agamamenon na nagwawagi ang mga Troyano, inalayan niya ng mga handog si Achilles at nagmakaawa upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban sa mga Troyano. Tumanggi si Achilles. Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan lamang si Achilles na nagmumukmok sa kaniyang kubol. Nang lumaon, pinahuntulot nitong makipaglaban ang kaniyang matalik na kaibigan si Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles ang sariling baluti. Napatay si Patroclus ng prinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit, at ikinalungkot din, ni Achilles ang pagkakapaslang kay Patroclus, kaya't napapayag din siyang makipaglaban sa mga Trohano. Nagtagumpay si Achilles at napatay din niya si Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng Troy na si Haring Priam si Achilles para magmakaawang ibigay ni Achilles ang katawan ni Hector. Pumayag si Achilles sapagkat, sa pamamagitan ni Priam, naalala ni Achilles ang sarili niyang ama. Nagwawakas ang Iliada sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng labanan sa pagitan ng mga Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na libing ang Trohanong si Hector. Maaaring malaman ang mga kasunod na pangyayari pagkatapos ng Iliada mula sa iba pang mga akda, katulad ng Aeneis ni Vergilius, kung saan matatagpuan ang salaysayan hinggil sa Kabayong Trohano.[ Buod ng Beowulf
Si Beowulf habang nakikipaglaban sa isang dragon.
Nagtayo ng isang malaking bulwagan o kabahayan[1] ang isang haring Danes na si Hrothgar (o Hroðgar). Tinawag na Heorot ang bulwagang ito. Namuhay ng mainam si Hrothgar at ang kaniyang mga mamamayan at nagdiriwang sa loob ng Heorot. Subalit sinagupa sila ng halimaw na si Grendel, na nagtutungo sa Heorot para patayin ang ilang mga tauhan ni Hrothgar dahil sa ingay na kanyang naririnig at ito ang laging dahilan ng pag-patay niya sa mga tauhan ni Hrothgar. Narinig ng bayaning si Beowulf, isang mandirigmang Geatiko(isang Geat; taga-Geatland o Götaland; lupaing Geat o lupaing Gota) ang mga suliranin ni Hrothgar kaugnay ng halimaw na si Grendel. Nilisan ni Beowulf at kaniyang mga tauhan - mga 14 ang bilang[1] - ang Geatland upang saklolohan si haring Hrothgar. Tumigil ng isang gabi sina Beowulf sa bulwagang Heorot. Nang dumating si Grendel para paslangin sila, nilaban ito ni Beowulf. Pinilas ni Beowulf ang bisig ni Grendel mula sa katawan nito at itinusok ang bahaging ito ng katawan ng lalaking halimaw sa isang pader bilang isang tropeo. Humangos si Grendel sa kaniyang tahanan sa mga latian, kung saan siya namatay. Naging maligaya ang lahat sa pagkamatay ni Grendel at nagsipagdiwang. Subalit nang sumapit ang sumunod na gabi, dumating naman ang ina ni Grendel sa Heorot at pinatay ang maramaing mga tao bilang paghihiganti. Kinuha ng inang halimaw ang walang-buhay na bisig ng anak na si Grendel. Pinuntahan ni Beowulf ang mga latiang pinaglalagian ng ina ni Grendel, kung naglaban ang dalawa. Napatay din ni Beowulf ang ina ng halimaw na si Grendel. Nagbalik si Beowulf sa Geatland, kung saan naging hari siya sa paglaon. Sa paglipas ng mga panahon, nakipaglaban din si Beowulf sa isang dragon. Sa tulong isang batang lalaking si Wiglaf, maaaring mapaslang ni Beowulf ang nasabing dragon, subalit nasugatan si Beowulf sa huling pakikipabaka kaya't namatay siya. Pagkaraang bawian ng buhay, nilibing si Beowulf sa isang hukay sa Geatland.