You are on page 1of 10

Dalawang uri ng ponema

May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.

1. Ponemang segmental

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o
glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito
ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit

c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/
dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass
Mga Uri Ng Bigkas Ng Mga Salita

Ang mga salitang Pilipino ay may anim na uri ng pagbigkas:

1. Maragsâ – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang mabilis, tuloy-tuloy, at
may impit na mabilis sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag o tuldik ng diin ay
pakupya (^).

/â/: akdâ, biglâ, digmâ, gawâ, hiyâ, likhâ, kutyâ, ngatâ, pisâ, tugmâ

/ê/: tulê

/î/: balî, daglî, gawî, hapdî, lunggatî, kimî, malî, ngitî, pigî, suhî, tupî

/ô/: bungô, gintô, hapô, kulô, pulô, samyô, tagô, upô, wastô, yukô

2. Malumì – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig, at binibigkas nang dahan-dahan, may saglit
na paghaba o pagtaas ng patinig sa ikalawa sa huling pantig (penultima) nito, at may impit na
banayad sa dulo. Ang diin ay nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay paiwa (`).

/à/: binatà, diwà, galà, hinà, kalingà, lupà, malayà, pinsalà

/è/: nenè, tiyanggè

/ì/: amukì, busisì, dalirì, gusì, harì, kawalì, lipì, munì, ngingì, susì, tiyanì

/ò/: alò, birò, dapò, guhò, hangò, kurò, ligò, pugò, siphayò, tibò

3. Mabilís – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang tuloy-tuloy,
walang saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay
nasa huling patinig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′).

/á/: amá, buká, dalá, gandá, hiningá, iná, limá, masayá, nilá, puntá

/é/: ataké, baldé, ditsé, gulpé, helé, kapé, plaké, sisté, tangké

/í/: aní, bilí, dumí, gabí, kamí, liksí, marumí, nirí, putaktí, tutubí, wilí

/ó/: anó, butó, damó, guló, hiló, kayó, litó, noó, pitsó, sikó, tuliró

/b/: dibdíb, habháb, kintáb, lublób, marubdób, subsób, tigíb

/d/: agád, bilád, gadgád, kidkíd, lingíd, manhíd, sunód, tagudtód

/g/: alóg, bibíg, dalág, kulóg, labág, pintíg, sahíg, tagtág, untág

/k/: anák, biták, dikdík, hibík, katók, lubák, purók, sinók, tiyák

/p/: atíp, dahóp, ganáp, hagíp, kisáp, langkáp, mailáp, saráp, takíp

/s/: aklás, bigás, dahás, gasgás, malakás, puspós, sintás, tamís


/t/: aklát, bigát, dikít, gupít, kidlát, lahát, malagkít, payát, sibát, tuyót

/b/: álab, dagítab, hílab, kútab, lúsob, pangánib, súkob, taláhib, úkab

/d/: ánod, búkid, hinúhod, káyod, malápad, páhid, súyod, tagúyod

/g/: bísig, dúmog, káhig, masípag, pag-íbig, sigásig, táyog, ulínig

/k/: álak, bátak, dágok, gáwak, kákak, lúsak, pílak, súlok, tútok

/p/: ágap, di-maísip, hagílap, kálap, língap, panagínip, sinop, úsap

/s/: ágas, búhos, dílis, gápas, hímas, kílos, lítis, páwis, siláhis, tíkas

/t/: áwat, bíngit, dúlot, gámit, hílot, kuyápit, lígat, maínit, súlat, talúlot

4. Malúmay – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang dahan-dahan,
may saglit na paghaba o pagtaas ng patinig sa penultima nito, at walang impit sa dulo. Ang diin ay
nasa patinig ng penultima, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din.

/a/: búnga, gáya, hiléra, kúya, lása, múra, nípa, páta, ráya, tinóla

/e/: áte, babáe, dóte, gábe, héle, kaliwéte, líbre, mónghe, putáhe

/i/: anáki, dáti, halígi, ígi, laláki, mabúti, ngísi, rámi, síbi

/o/: anímo, búko, dáyo, góto, hílo, kúto, líbo, magkáno, púto, táo

/l/: almusál, bukál, gatól, halál, kurál, lindól, mahál, pasyál, sugál

/m/: alám, dilím, gutóm, hirám, kimkím, lagím, malalím, pahám

/n/: bunton, doón, gaán, hagdán, kariktán, lakán, masdán, panahón

/ng/: abáng, bintáng, gulantáng, hilíng, kangkóng, lusóng, singsíng

/r/: bilyár, doktór, kolyár, lugár, menór, padér, talyér, ulsér

/w/: alíw, banláw, diláw, galáw, hiláw, kalabáw, litáw, pakyáw, sabáw

/y/: akbáy, bigáy, digháy, gabáy, hintáy, kamáy, suysóy, tuláy

/l/: ásal, bákal, dáhil, gígil, hiláhil, kalákal, lípol, pátol, súhol, tákal

/m/: ásim, bálam, gútom, hílom, kúlam, lágom, maínam, pakímkim

/n/: ákin, bilíhan, dúyan, haláman, kaibígan, likmúan, súman, tángan

/ng/: bílang, dáing, gíting, híging, kúlang, lúsong, magúlang, tábing

/r/: gárter, helikópter, kánser, líder, mártir, pláster, rebólber, talúrok

/w/: áraw, búgaw, dúngaw, gíliw, kágaw, línaw, sítaw, tákaw


/y/: álay, bágay, dúlang, gíray, hánay, kúlay, láboy, pálay, tinápay

5. Mariin – kapag ang salita ay nagtatapos sa patinig o katinig, at binibigkas nang may-kabigatan
binibigkas sa ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig mula sa huling pantig. Ang diin ay nasa
patinig ng ikatlo, ikaapat, ikalima, o higit pang pantig, at ang sagisag ng diin ay pahilis (′) din.
Maaaring sa patinig ng huling pantig ay iba na ang diin.

ika-3 mula sa huling pantig: maáarì, nárito, páwíkan, Saligáng-batás

ika-4 mula sa huling pantig: ábuluyán, épilogó, nanggígitatà, nápipintô

ika-5 mula sa huling pantig: mápagkamalán, mápariwarà, nangángalumbabà

ika-6 mula sa huling pantig: págpapatiwakál

6. Malaw-aw – kapag ang salita ay binibigkas nang pahakdaw sa huling pantig ng salita, na mistulang
pinaghihiwalay ang ikalawang huling katinig o huling katinig at ang huling patinig sa pamamagitan
ng gitling (-) at hindi ng tuldik.

agay-ay, agaw-aw, alay-ay, aliw-iw, an-an

gab-i, ig-ig, palaman-an

salag-oy, tung-ol

ug-og, uk-ok, ut-ot

Ang Morpolohiya at ang Morpema

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ngpagsasama-sama ng


mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng
mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng
mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang
Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na
yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit
na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring
isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong
sa { }.

Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang
salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng salitang-
ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming
kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati
pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang
kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit
malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.

Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay
binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi
masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e,
baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba
ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang


pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang tinatawag ding
pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay
nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba
pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya,
nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga
kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay.
Tulad ng mga sumusunod:

Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter

Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo

Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis

Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami

Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang kahulugan
sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito
ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa
pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay
hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama.
Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw
sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo
dance olympic.Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:

Pang-angkop: na, -ng


Pangatnig: kaya, at, o saka, pati

Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay

Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema

May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo o
porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na


nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking
faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at
propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang
salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang
pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang
morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:

Doktora - {doktor} at {-a}

Senyora - {senyor} at {-a}

Plantsadora - {plantsador} at {-a}

Kargadora - {kargador} at {-a}

Senadora - {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may
morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang
ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi
mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-
a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng
sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:

bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}

kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}

abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}

Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}

Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga


salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao silya druga payong jet


pagod tuwa pula liit taas

basa laro aral kain sulat

3. Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay
may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-}
ay may kahulugan “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang
{um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:

mag-ina - {mag-} at {ina}

maganda - {ma-} at {ganda}

magbasa - {mag-} at {basa}

bumasa - {-um-} at {basa}

aklatan - {-an} at {aklat}

pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}


Logic #1:
May 3 babaeng naliligo at nagtatampisaw sa Ulan,,,

TANONG: Bakit hindi nababaza ang buhok nang isang babae?

Logic #2:
Ang kriminal y ama ng anak ng judge?

TANONG: Kaanu- anu ng kriminal ang judge?

Logic #3:
Anu ang malaki, buwan o araw?

So,ayan lang po muna ang aking mga logic dahil kunte palang po eh ang naisulat ko sa diary.
peru mahiherap yan na logic kahet very simple lang ang tanung.. mag- isip2x din kung anung
mga sagot!!!

*Mga sagot sa logic*

Logic #1.
SAGOT: Kalbo

Logic #2.
SAGOT: Asawa

Logic #3.
SAGOT: Buwan dahil may 31days sa isang buwan.

1. Si Jhigz ay bumili ng 3 prutas. Ang pangalan ng mga prutas ay nagsisimula sa letrang O.


Anung mga prutas na binili niya?

2. Kumain sa restaurant ang tatlong magkakaibigan at


nag-ambagan sila ng tig-P100 bawat isa kaya ang pera nilang tatlo
ay P300. Ang nakain nila ay P250 lang kaya naisipan nilang ibalik
ang tig-P10 sa bawat isa at ang natirang P20 ay ibigay na tip sa
waiter.

Ang pera nila ay naging P270 na lang (P90 bawat isa.) Idagdag mo
ang P20 na ibinigay na tip sa waiter at ang suma ay P290 lang. Ang
pera nila dati ay P300. Saan napunta ang P10?

3. Name two consecutive days that start with the letter T.


1. Sa lalake: Aga (ang poging artista), Ponga (ang artistang namayapa na),
Osama (ang kilabot na terorista).

Sa babae: Rosario (ang mabait), Ate Glo (ang masungit, sino yun?)

2. Si Santa Claus, sino pa? (Bakit nga hindi Santo Claus ang tawag natin?)

Sino sila?

1. Kadalasan, ang pangalang nagtatapos sa letrang O ay panlalake, at ang


nagtatapos sa letrang A ay pambabae. Halimbawa: Claro at Clara, Mario at
Maria.

Minsan naman ang pangalan ng lalake ang nagtatapos sa letrang A, at ang


babae ang nagtatapos sa letrang O.

Magbigay ka ng halimbawa.

2. Ang Santa ay ginagamit sa pangalan ng babae. Halimbawa: Santa Clara


at Santa Teresita.

Ang Santo naman ay ginagamit sa lalake. Halimbawa: Santo Tomas at


Santo Domingo.

Meron ding lalake na kung tawagin ay Santa. Sino siya?

3. Ang Santo at San ay ginagamit sa pangalan ng lalake. Halimbawa: Santo


Tomas, Santo Domingo, San Diego, San Pablo

Kelan ginagamit ang Santo, at kelan ang San?

1. Sagot: (c) 20 - Ang kendi ay 0.50 bawat isa kaya ang P10.00 ay makakabili ng 20 kendi.

2. Sagot: (b) Siyam na putol lang. Sa pagsiyam at huling putol ay 2 ang madadagdag - ang pangsiyam at
pangsampung piraso.

3. Sagot: (b) yelo - Mas magaan ang yelo kaya laging nakalutang ang yelo sa tubig.
4. Sagot: (c) 12 - Lahat ng buwan sa isang taon ay may 28th na araw.

5. Sagot: (a) wala - Dahil magkakasama lang sa isang maliit na sanga, nabulabog at nagliparan ang mga ibon
kaya walang naiwan sa sanga.

6. Sagot: (b) sa Australia - Ang isang galon sa Australia ay mas malaking 20% kaysa isang galon sa Pilipinas.
Sa Pilipinas ay ginagamit ang sukat na US gallon at sa Australia naman ay ginagamit ang sukat na imperial
gallon. Kaya ang isang galon ng tubig sa Australia ay mas mabigat kaysa sa isang galon ng tubig sa Pilipinas sa
dahilang magkaiba ang laki ng galon na ginagamit.

You might also like