You are on page 1of 15

Uri ng Pananaliksik

• Kapag pinag-usapan ang uri, ito ay nangangahulugang ang katangiang ikinaiiba ng isa sa isa.
Halimbawa, may iba’t ibang uri ang hayop, at sa pagkakaiba nito ay may klasipikasyon pa: ang
kingdom, phylum, class, order, family, genus, at species. Maging sa kultura may iba’t ibang uri
ang lahi. Sa mga Cordilleran ay may tinatawag na Ibaloi, Bontoc, Kankanaey Ifugao, Kalinga at
Abra.

• Ganoon din sa pananaliksik. May mga uri ito at klasipikasyon din upang magsilbing gabay kung
anong pananaliksik ang iyong gagawin sa hinaharap.

Pangkalahatang Uri ng Pananaliksik

1. Basic Research o Theoretical Research

• Ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ayon kina Graziano at Raulin
(2000), ito ay nadisenyo upang madagdagan ang pag-unawa sa mga dating kaalaman ngunit
walang partikular na layong praktikal.

• Kung gayon,anumang kaalamang nakalap ay walang intensiyon para sa praktikal na layunin tulad
ng intensiyong makatulong sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga mahihirap o paglutas ng
problema ng lipunan

• Subalit kailangan natin ang mga ganitong uri ng pananaliksik upang magkaroon tayo ng
pundasyong kaalaman sa maraming bagay sa ating kapaligiran. Hindi man agad nakikita ang
gamit o praktikalidad nito, magiging batayan natin ang mga kaalamang ito sa pagsagot sa mga
suliraning ating kakaharapin.

2. Applied Research o Practical Research

• Layunin nito ay hindi lamang makakalap ng mga kaalaman, kundi magkaroon ng aplikasyon ng
mga kaalaman o aplikasyon ng pure research.

• Tumutulong ang pnanaliksik na ito sa paglutas ng mga mabibigat na isyu o suliranin sa lipunan at
maisaayos ang mga di kasiya-siyang Kondisyon.

• Ayon kay Gay (1976), layunin nitong maisagawa, masubukan, at mabigyan ng ebalwasyon ang
paggamit ng teorya o kaalamang nabuo para sa paglutas ng problema

• Halimbawa ay ang pag-aaral kung paano makontrol ang populasyon.

3. Aksiyong Pananaliksik o Action Research

• Ito ang uri ng pananaliksik na may mabilisang solusyon ng problema. Dito, hindi naman
kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon.

• Sa edukasyon, ang aksiyong pananaliksik ay kadalasang ginagamit upang maremedyuhan ang


mga problemang pagtuturo-pagkatuto. Ginagamit ang mga hakbanging pang-agham na paraan
tungkol sa mga suliranin sa loob ng silid-aralan. Ito ang ginagawang pananaliksik upang agad na
mabigyan ng solusyon ang mga suliranin sa klasrum.
Uri ng Pananaliksik

1. Palarawan o Descriptive

• Sa uri ng pananaliksik na ito, binibigyang-pansin ang mga pangkasalukuyang ginagawa,


pamantayan, at kalagayan. Nilalayon ng mga datos na ilarawan kung ano ang kasalukuyang
nagaganap sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa kanilang paligid.

Halimbawa:

Pag-aaral sa mga Suliranin ng mga Mag-aaral na Naninirahan sa mga boarding houses at ang
nagiging epekto nito sa kanilang pag-aaral.

2. Eksperimental

• Binibigyang-diin sa uring ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Nagsasagawa tayo ng
isang pananaliksik dahil gusto nating makita ang bisa ng isang bagay o kaisipang maaari nating
gamitin sa ating panghinaharap na buhay.

Halimbawa:

Eksperimentong gagawin ng isang guro upang malaman niya kung aling paraan ng pagtuturo ang
gagamitin upang madaling matuto ang kaniyang mga mag-aaral. Susubok siya ng iba’t ibang
paraan ng pagtuturo.

3. Pangkasaysayan o Historikal

• Mula sa termino, mapapansin nating sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas. Sinusuri rito ang
mga pangyayari, ang pag-unlad, ang mga dahilan ng bagay-bagay at sanhi at bunga. Sa
pananaliksik na ito, tinitingnan natin bilang isang mananaliksik ag pinagmulan, mga dahilan,
pinag-ugatan ng mga pangyayaring maaari nating iugnay sa mga kasalukuyang nagaganap.
Mula sa kasalukuyan, inuukilkil natin ang mga nakalipas nang pangyayari upang mailatag
natin ang mga naging dahilan o ugat nito.

Halimbawa: Pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating Pambansang Wika

4. Pag-aaral sa isang kaso o Case Study

• Ito ay isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pansyente,
isang usapin o kaso sa hukuman o kaya ay isang mabigat na suliranin.

• Sa uri ng pananaliksik na ito, kakaunti lamang ang mga sangkot na respondente kung
ihahambing natin sa iba pang uri ng pananaliksik, ngunit ang pinakamahalagang bahagi ng
nito ay ang malalim na pagsusuri sa isang kaso.

Halimbawa:

Pag-aaral ukol sa kaso sa isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na naging dahilan ng pagpasok
niya sa Rehabilitation Center.

5. Genetic Study
• May kaugnayan ito sa agham at kaugaliang pantao dahil sinusuri ang ugnayan ng genes o pag-
unlad ng isang ao. Tinitimbang o sinusuri ang mga epekto ng mga x at y chromosomes sa
paglaki o gawi ng isang tao.

Halimbawa:

Pag-aaral sa Yugto ng Pagdadalaga o Pagbibinata ng isang Tao

6. Pamamaraang nababatay sa Pamantayan o Normative

• Madaling makilala ang uri ng pananaliksik na ito dahil laging may pinaghahambingang batayan
o norm sa mga resulta ng isinagawang pag-aaral. Kadalasan sinusuri kung ang datos ay
nakahihigit o kaya’y hindi napantayan ang pangkalahatang pamantayan.

Halimbawa:

Paghahambing ng nagampanan sa Ingles ng Ikatlong Baitang sa Elementarya sa isang dibisyon sa


Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa Ikatlong Baitang.

7. Hambingang Pamamaraan o Comparative Study

• Sa uring ito, bagamat may paghahambing na magaganap, ang paghahambing sa mga resulta
ay hindi sa isang pamantayan o norm kundi sa iba pang resulta ng isinagawang pag-aaral.

• Maaaring may dalawa o higit pang pinaghahambing, at sinusuri kung ano ang pagkakaiba ng
mga resulta ng mga ito.

Halimbawa:

Ang Pag-aaral sa bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng paaralang publiko at paaralang


pribado

8. Behavioral Research

• May kaugnayan ito sa pag-aaral sa gawi o pag-uugali ng isang tao. Batay ito sa pag-aaral sa
paniniwala na ang layuning pangkaalaman nito ay nakukuha sa pamamagitan ng maingat at
sistematikong pagsukat at obserbayon ng mga ginagawa ng tao.

• Ang layunin nito ay masubukan ang mga batas na maaaring maipaliwanag, mahulaan, o
mabigyan ng prediksyong patungo sa kontrol ng gawi.

Halimbawa:

ang pag-aaral tungkol sa gawi ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino na nasa
unang baitang ng tersaryo

9. Phenomenological Research

• Ito ay pananaliksik batay sa mga paniniwala ng mga tao at ginagawa nila ayon sa kanilang
iniisip. Ang pokus nito ay sa internal, sikolohikal na kahulugan bilang gabaysa kanilang gawi na
naglalarawan kung paano ang pag-unawa sa buhay at karanasan.
• Tinatawag din itong theory-generated dahil sa paglinang ng mga teorya. Tinitingnan dito ang
mga nangyayari sa mga penomenon o mga pangyayaring may kaugnayan sa paligid.

10. Communication Research

• Isa itong uri ng pananaliksik na nakapokus sa pag-iimbestiga sa limang elemento ng


komunikasyon.

Ang mga elementong ito ay ang mga sumusunod:


1. Control Analysis (source) na tungkol sa pagganap ng tagapagsalita. Pinag-aaralan ang mga
salik na nakakaapekto sa kaniyang pagganap ayon sa kanyang kredibilidad, kapabilidad, pagiging
bihasa, pangangailangan at suliranin.

2. Content Analysis (message) na tungkol sa katangian ng mensahe, manipestasyon ng


lawak ng paksa, pananaw at gamit ng teksto.

3. Media Analysis (channel) na tungkol naman sa bentahe ng media at pinansyal na


aspekto.

4. Audience Analysis (receiver) na tungkol sa gawi ng mga tagapakinig, lebel ng mga


tagapakinig, interes nila, opinyon at ang feedback na manggagaling sa kanila.

5. Impact Analysis (effect) na tungkol naman sa kasalukuyang tungkulin ng media sa


komunidad, sistema ng pagbibigay impormasyon, epekto ng telebisyon sa mga bata, motibo ng
media, gamit ng media at iba pa.

REFERENCE-LIST CITATION

Isang awtor (aklat)

Datos:

• Sarah T. Trenhol (awtor)

• 2008 (taong inilimbag ang aklat)

• Thinking through Communication (Pamagat ng aklat)

• Pearson (pangalang ng publisher)

• USA (lugar kung saan inilimbag)

Trenholm, S.T. (2008). Thinking Through Communication.

USA: Pearson.

Dalawang awtor (aklat)

Datos:
• Teri Kwal Gamble and Michael Gamble

• 1999

• Communication works

• Mc Graw Hill

• Boston

Gamble, T.K. & Gamble, M. (1999). Communication Works.

Boston: Mc Graw Hill.

Tatlong Awtor (aklat)

Datos:

• George C. Francisco, Jasmin P. Medellin, Paquito B. Badayos

• 2008

• Komunikasyon sa Akademikong Filipino

• Mutya Publishing

• Valenzuela City

Francisco, G.C., Medellin, J.P., & Badayos, P.B. (2008). Komunikasyon sa

Akademikong Filipino. Mutya: Valunzuela.

Artikulo sa Dyornal

Datos:

• Jian Yang

• 2006

• Learners and Users of Enlgish in China

• English Today

• Volume 22

• pp. 3-10

Yang, J. (2006). Learners and Users of English in China.

English Today, 22, 3-10

Artikulo sa Magasin

Datos:

• Joanne Z. Andrada
• January 2009

• Being Piolo

• Metro

• Volume 19

• pp. 160-170

Andrada, J.Z. (2009, January). Being Piolo. Metro, 19, 160-170

Artikulo sa Diyaryo

Datos:

• Randy S. David

• January 15, 2009

• The Language of Politics

• Philippine Daily Inquirer

• Pp. 1

David, R.S. (2009, January 15). The Language of Politics. Philippine Daily

Inquirer, pp. 1

Artikulong Hango sa Web Document

Datos:

• Leo V. Jacinto

• 2005

• Writing made easy

• Retrieved october 29, 2007

• http//:www.dasma.dlsu.edu.ph/1.3/mod.write

Jacinto, L.V. (2005). Writing made easy. Retrieved October 29. 2007,

from http//:www.dasma.dlsu.edu.ph/1.3/mod.write

IN-TEXT CITATIONS

Idea-Focused
• Mauunang isulat ang ideya. kung ito’y tuwirang paghihiram ng salita ilagay ito sa loob ng
panipi, sa dulo ilagay ang apelyido ng awtor, taon na nailimbag, ang page number sa loob ng
panaklong.

Halimbawa:

Direct Quote

“Apes can gesture, but do not understand the grammatical structure of American Sign Language”
(Smith, 1994, p.345).

Paraphrase

It has been shown that apes do not actually understand the syntax and structure of ASL (Smith,
1994, p.345).

Researcher-Focused

• Kung sinali ang apelyido ng awtor bilang bahagi ng pangungusap, ilagay ang petsa sa loob ng
panaklong kasunod ng apelyido ng awtor, at ilagay ang page number sa loob ng panaklong sa
dulo ng pangungusap o pahayag.

• Halimbawa:

According to Gannon (1988), “The protest provided a wonderful opportunity for those
interpreters to assist the deaf community” (p.94).

Chronology-Focused

• Kung isasali ang apelyido at taon ng paglimbag bilang bahagi ng pangungusap, kailangang
ilagay ang page number sa loob ng panaklong sa dulo ng pahayag. Subalit kung ang ideya ay
paraphrased o summarized, hindi na kailangang maglagay sa panaklong.

• Halimbawa:

Direct Quote

In 1944, Smith has explained that “Apes can gesture, but do not understand the grammatical
structure of American Sign Language” (p.345).

Paraphrase

In 1994, Smith has explained that apes do not actually understand the syntax and structure of ASL.
Mga Hakbang at Kasanayan sa Pagsulat ng Sulating Pananaliksik

 Pamamaraan:

1. Pumili ng paksa

-Kinagigiliwan at humahamon ng isang malalim na pagsusuri.

-Magpokus sa tiyak o hindi malawak na paksain.

-Tandaan lamang na ang paksang pipiliin ay dapat na alam na alam.

-Iwasan ang mga paksang masyadong teknikal o nangangailangan ng mahabang panahon ng


paghahanda.

-Iwasan ding pumili ng mga paksang limitado ang mga materyales na paghahanguan.

2. Bumuo ng mga impormasyon

- Maaaring kumuha ng mga ideya at impormasyon mula sa internet, sa Online Public Access Catalog.

-Habang kumakalap ng mga mahahalagang impormasyon, kailangang isulat ang buong impormasyon
tungkol sa bibliyograpiya.

-Tandaan na walang halaga ang anumang datos na nakalap kung hindi mababanggit ang pinaghanguan
nito.

3. Bumuo ng Tesis na Pahayag

-Ang tesis na pahayag ang iyong deklarasyon ng nais patunayan o panindigan sa gagawing pananaliksik.
Ang pinakamahalagang bahagi ng iyong sulatin ay bubuuin ng mga argumento upang patunayan ang
iyon tesis.

-Gamitin ang tesis na pahayag bilang lunsaran sa pagpapaunlad ng argumento. Gumagawa ka ng tiyak na
posisyon na kailangang patunayan at nagsisilbi itong road sign na siyang gumagabay sa mga mambabasa
kung ano ang kanilang dapat asahan at isang paalala para sa manunulat tungkol sa magiging direksyon
ng sulatin.

-Nagsisilbing controlling idea ang tesis na pahayag na magiging sentro ng lahat ng iyong pagtalakay.

-Kailangang ang tesis na pahayag ay tiyak—kailangang sakupin lamang nito ang mga bagay na
tatalakayin sa inyong papel, at sinusuhayan ng mga makatotohanan at katibayan.

hal. Paksa: Gay Marriage

Tesis na pahayag:

Ang paggawad ng legalidad sa pagpapakasal ng parehong kasarian ay isang banta sa katatagan ng


pamilya bilang pangunahing sandigan ng ating lipunan.

Ang paggawad ng legalidad sa pagpapakasal ng parehong kasarian ay patunay na may pare-parehong


karapatang pantao ang bawat mamamayan.
4. Gumawa ng Isang Tentatibong Balangkas

-Ang layunin sa pagbubuo ng balangkas ay upang makagawa ng isang lohikal at kongkretong


pagkakasunod-sunod ng mga ideyang kailangang isali sa bubuuing sulatin.

-Ang isang mabuting balangkas ay kailangan upang makabuo ng isang organisadong sulatin.

-Tiyakin lamang na naisali ang mga mahahalagang datos na makatutulong upang ang iyong tesis ay
mapagtibay.

-Kailangang ilakip sa balangkas ang tatlong pangunahing bahagi ng sulatin: ang introduksyon, katawan,
at kongklusyon.

Pangunahing bahagi ng balangkas sa sulating pananaliksik:

a. Introduksyon

-Ilahad ang iyong tesis na pahayag at ang layunin ng pananaliksik.

-Ilahad din dito kung ano ng dulog na gagawin sa pag-aaral.

-Ito ba ay ulat batay sa mga katotohanan, isang book review, isang paghahambing o isang pagsusuri.

-Ipaliwanag ang pangunahing kaisipang nais bigyang –diin at kung bakit ang mga mambabasa ay
mahihikayat na basahin ang iyong sulatin.

b. Katawan

-Sa bahaging ito inilalahad ang mga argumento na susuporta sa iyong tesis na pahayag. Tandaan ang rule
of 3, humanap ng tatlong argumento na susuporta sa bawat posisyong nais patunayan. Magsimula sa
matibay na argumento na susuportahan ng mas matibay na argumento at kailangang magtapos sa
pinakamatibay na argumento.

c. Kongklusyon

-Ilahad sa pamamagitan ng paghahawig o paraphrasing ang iyong tesis na pahayag.

-Ang hawig ang magiging buod ng argumento.

-Ang bahaging ito ipinapahahayag ang dahilan kung bakit nakabuo ng ganitong kongklusyon.

5. Pagsasaayos ng mga Tala

-Ayusin ang lahat ng tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkakasunod-sunod ng inihandang


balangkas.

-Suriing mabuti ang mga datos kung ito ay wasto, tiyak at napapanahon.

-Kailangang epektibong maihatid ang mga kaisipan, ideya, at pananaw.

-Tiyaking naitala ang lahat ng mga datos sa sariling pananalita.

-Kailangang banggitin ang pinagkunan ng lahat ng datos na nakalap mula sa iba’t ibang sanggunian.
6. Isulat ang Unang Burador

-Simulan sa unang paksa ayon sa ginawang tentatibong balangkas.

-Basahin ang mahahalagang tala at markahan ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng kaisipan. Ang
pangunahing kaisipan ay markahan ng bilang Romano. Gumawa ng buod, hawig, o sipi para sa bawat
ideyang gagamitin sa sanaysay. Isulat ito sa notecard.

-Markahan ang bawat kard ng pananda ayon sa pagkakasunod-sunod ng kaisipan na isinulat sa


tentatibong balangkas.

7. Rebisahin ang balangkas at ang burador

-Rebisahin muli ang iyong papel. Suriin kung may makikita pang pagkakamali.

-Ayusin ang mga ideya ayon sa pagkakasunod-sunod sa balangkas.

8. Pagsulat ng Pinal na Papel

-Isinasaalang-alang na rito ang pinal na kabuuan ng sulatin katulad ng paglalagay ng pahina, pamagat,
paglalagay ng margin at ang tamang balangkas ng isang sulating pananaliksik.

Pagtukoy at Paglilimita ng Paksa

-Ang malapad ngunit mababaw na sisidlan ay tulad ng isang malawak na paksa. Dahil malawak ang
nasasakupan nito subalit maaaring maging mababaw naman ang iyong pagtalakay tungkol dito dahil sa
sobrang lawak ay hindi mo na alam kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin.

-Ang makitid subalit malalim ay katulad din ng isang paksang nilimitahan. Dahil ang paksa ay tiyak, higit
na may lalim ang pagtalakay rito sapagkat limitado ang kaisipang nasasakupan at magiging partikular
ang pagtalakay sa paksa.

Mga sumusunod na katanungan na makatutulong upang malimita ang paksa:

1. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?

2. Ano-ano ang mga kawili-wiling mahahalagang aspeto ng paksa?

3. Sa anong pagkakasunod-sunod kailangan kong ilahad ang iba’t ibang aspeto, at paano ko pag-
uugnay-ugnayin ang mga ideyang ito?

4. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?


Mga Salik na Makapaglilimita ng Paksa

1. Perspektiba

2. Panahon

3. Uri

4. Edad

5. Kasarian

6. Lugar

7. Pangkat/Grupo

Pangkalahatang Paksa: Ang Pagbaba ng Dolyar

1. Perspektiba

Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Pagbaba ng Dolyar sa Pamilya ng OFW

2. Panahon

Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Pagbaba ng Dolyar sa Ekonomiya Mula Taong 2006 Hanggang 2008.

3. Uri

Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Pagbaba ng Dolyar sa Ekonomiya ng Pilipinas

4. Edad

Nilimitahang Paksa: Ang Persepsyon ng mga kabataan mula Edad 16 Hanggang 18 sa Pagbaba ng Dolyar

5. Kasarian

Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Pagbaba ng Dolyar sa Sektor ng Kababaihan.

6. Lugar

Nilimitahan Paksa: Ang Epekto ng Pagbaba ng Dolyar sa Pamilya ng mga Estudyante ng Far Eastern
University

7. Pangkat/Grupo

Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Estudyante ng FEU sa Pagbaba ng Halaga ng Dolyar

Paksa: Ang Proseso ng Panggagamot sa Loob ng Sampung Taon

Nilimitahang Paksa: Ang Persepsyon ng mga Oncologist sa Paggagamot ng Kanser mula 2005 hanggang
2008

(perspektiba, propesyon, uri, at panahon)

Paksa: Ang Teknolohiya sa Pagpapalaki ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak


Nilimitahang Paksa: Epekto ng Telebisyon sa Pagpapalaki ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak na
Lalaki na may Edad 8-13 sa Barangay Tuazon

(perspektiba, uri, kasarian, edad, at lugar)

Pagbubuo ng Konseptong Papel

 Isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon ang patutunguhan ng paksang nais
tutukan.

 Tinatawag din itong preliminary proposal, ang unang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa
pagsusulat.

 Isang gabay upang maipakita ang potensyal ng isang gagawing pag-aaral.

 Hindi lalagpas ng limang pahina.

 Iwasang maging masyadong detalyado o kaya ay masyadong malawak sa mga pagtalakay sa


bawat bahagi nito.

Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

1. Panimula

• Nakatala rito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa.

• Inilalahad sa paunang bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang ideya. Kailangang
ipaalam na ang magsasagawa ng pananaliksik ay may ganap na kaalaman sa paksang nais
saliksikin.

• Nililinaw rin ang sanhi ng pagpili ng paksa at kahalagahan nito.

• Tiyaking ang mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa proyektong napili. Isang
paraan ito upang patunayan na maisasagawa ang proyekto.

• Dito ginagawa ang paghahanap ng mga aklat, dyornal, magasin, tesis at iba pang sanggunian na
magagamit na batayan sa pagsusuri ng mga teorya.

• Sa bahagi ring ito babanggitin kung sino at paano makikinabang ang mga mambabasa sa
pananaliksik.

• Layunin ng konseptong papel na tulungan ang mga mananaliksik na paunlarin ang


kanilang interes at upang ipakita na ang gagawing panukala ay karapat-dapat na isakatuparan.
II. Paglalahad ng Suliranin

• Sa bahaging ito inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais tutukan.

• InilalahaAd dito ang mga impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paksa.

• Ang suliranin ang siyang magiging gabay para maging tiyak kung ano ang mga hahanaping mga
impormasyon at sanggunian para sa pag-aaral na gagawin.

• Dalawang bahagi ang paglalahad ng suliranin sa pananaliksik: ang pangkalahatan at ang


mga tiyak na layunin.

• Nasa pangkalahatang suliranin ang kabuuang tunguhin sa pananaliksik samantalang sa


mga tiyak na suliranin ang mga detalyeng nais hanapan ng kasagutan sa pamamagitan ng datos.

Halimbawa:

Paksa: Ang Pasulat na Wika ng mga Mag-aaral na may Kapansanan sa Pandinig ni Jane K. Lartec

Pangkalahatan: Nilalayon ng pag-aaral na siyasatin ang pasulat na wika sa dyornal ng mga mag-aaral na
may kapansanan sa pandinig sa kolehiyo ng edukasyon ng Saint Louis University, Taong Paaralang 2008-
2009.

1. Ano-ano ang karaniwang kahirapan ng mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig na


makikita sa kanilang dyornal ayon sa mga sumusunod na aspekto o kategorya ng wika?

a. Gramatika

b. Estruktura ng pangungusap

c. Mekaniks

2. Ano ang pagkakaiba sa karaniwang kahirapan ng mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig
sa kanilang dyornal ayon sa mga sumusunod na salik?

a. Kasarian

b. Pinagtapusang paaralan

3. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral na may kapansanan sa pandinig
kaugnay ng wika ayon sa sumusunod na salik?

a. Personal

b. Pamilya

c. Kaibigan/kamag-aral

d. Guro

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Nailalahad dito ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral


• Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito
ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng
edukasyon at siyensiya.

IV. Metodolohiya

• Ibigay ang pangkalahatang metodolohiyang nais gamitin upang maisakatuparan ang proyekto—
lahat ng mga makabagong dulog, pamamaraan, o mga proseso na maaaring gamitin.

• Ipinapakita rin dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan,
pagsasagawa ng sarbey, pagmamasid o case study.

• Nakapaloob din dito kung sino ang target na populasyon at ang mga gagamiting tagatugon sa
paksang sinisiyasat, gayundin ang uri ng estadistika na angkop sa paksa.

a. Disenyo at metodo

• Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo at metodo sa pagsasagawa ng


pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya’y eksperimental.

• Ang pamamaraan ng pananaliksi (research design) ay nararapat na ibagay sa layunin ng


pananaliksik

• Sa bahaging ito tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng


sulatin. Kasamang inilahad sa bahaging ito ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan
ng pananaliksik at maging ang mga natagpuang kalakasan at kahinaan ng nasabing
pamamaraan sa pag-aaral.

b. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

• Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na
lugar at ang hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na
panahong sakop ng pag-aaral

•Mga katanungang dapat sagutin:

1. Sino ang kasangkot sa pag-aaral

2. Ilan ang kasangkot?

3. Paano sila pipiliin?

• Dito nakasaad kung ilang respondente ang kailanganin mula sa buong populasyon kaya
kailangan ang tinatawag na sample.
c. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos

• Sa bahaging ito inilahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng


datos na kinailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral.

• Ginamitan ba ng sarbey, pakikipanayam, talatanungan at iba pa.

IV. Inaasahang Bunga

• Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dito
patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago
ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.

Inihanda ni: Salasiya A. Climaco

You might also like